Ang Adhikain ay isang pampanitikang blog na may hangaring ipagmalaki ang kagandahan ng sining at kultura ng malikhaing pagsulat sa wikang Filipino.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Video
tumblr
Ano nga ba ang adhika ng Adhikain? | Prologo
Ang salitang adhikain, na galing sa salitang adhikâ, ay patungkol sa pakay o layunin na may kahabaanang panahon na nasasaklawan.
Kasingkahulugan nito ang mga salitang pakay, tungo, at layon. Alinsunod nito, ang pangunahing adhika ng blog na ito ay maibahagi sa iba ang mga naisulat na literatura ng mga may-akda, partikular na ang kanilang mga akdang tula, maikling kwento, at iskrip ng dula.
Sa pamamagitan nito, maaari makapagbigay ng motibasyon at inspirasyon ang mga may-akda para sa iba pang mga manunulat upang ibahagi rin ang kanilang mga akda at maaari ay magtulungan sa kaparaanang pagbibigay ng puna at pagpugay sa isa’t-isa.
Bukod dito, nais ring ibahagi ng mga may-akda ang mensahe na ang malikhaing pagsulat ay nakatutulong sa paglinang, hindi lamang ng kakayahan, kundi pati na rin ang paraan ng pamumuhay. kung saan nararapat na malayang naipapahiwatig ang mga emosyong nadarama.
Inaasahan ng mga may-akda na sa paraang ito, patuloy nilang mabubuhay ang sining at kultura ng malikhaing pagsulat sa Filipino.
0 notes
Text
Masterlist
Maligayang pagbati!

Aming nabatid na ang mga permalink sa aming navigation bar sa itaas ay minsan nakakaranas ng error na URL not found. Kung ito ay mangyayari sa iyo, bumalik lamang sa URL na angadhikain.tumblr.com at i-click muli ang nais puntahan na link.
Upang maiwasan ang error na ito, ugaliing i-right click na lamang ang link at i-click ang ‘open link in new tab’.
Kasabay nito, upang mas madaling mahanap at mabasa ang aming mga akda, narito ang masterlist ng lahat ng post ng pampanitikang blog na ito. I-click lamang ang salita ng naturang akdang iyong gustong basahin. Nawa ay pagpalain kayo ng Diyos!
Prologo
Mga Akda
Mga Tula
Haiku
Dalit
Tanaga
Diona
Kumbensyunal na Tula
Malayang Taludturan
Maikling Kwento
Iskrip ng Dula
Epilogo
Bionote
0 notes
Photo




Bionote
Ang Adhikain ay binubuo nina Ysabella Ynna Abejo, Koreen Angeli Abrigo, Samantha Ysabella Austria, Dione Roch Bacal, at Justin Benes Bacorro ng Grade 12 - Fr. Alenio A galing sa Humanities and Social Sciences na strand ng Xavier University - Ateneo de Cagayan Senior High School.
Ysabella Ynna Abejo
Tula ang pinakagustong isinusulat ng may-akda na ito dahil makulay ito na paraan upang maipahiwatig ng isang tao ang kaniyang mga damdamin. Pinahahalagahan niya ang malikhaing pagsulat dahil importante itong bahagi ng panitikan, partikular na sa kaparaanan nitong gumamit ng imahinatibong pag-iisip.
Koreen Angeli Abrigo
Ang pinag-uukulan ng oras ng manunulat na ito ay ang pagsulat ng iskrip ng dula. Para sa kanya, sa pamamagitan ng mga diyalogo at emosyon ng karakter, mga direksyong pang-entablado, musika, at iba pang mga elemento nito, maganda itong paraan sa pagpapahayag ng isang kwento. Mahalaga para sa kanya ang malikhaing pagsulat dahil binibigyan tayo nito ng angkop na pamamaraan sa pagpapahayag ng ating opinyon at damdamin.
Samantha Ysabella Austria
Malikling kwento ang kadalasang sinusulat ng awtor na ito. Dahil sa kaniyang pagtangkilik sa mga nobela at iba pang di-piksyon na aklat, natural nang malapit sa kaniyang puso ang malikhaing pagsulat. Pinapagaan nito ang kaniyang damdamin at nagbibisa itong kaniyang plataporma upang ipahayag ang kaniyang mga emosyon sa makabuluhang pamamaraan at inililinang nito ang kaniyang imahinasyon sa mabuting pamamaraan.
Dione Roch Bacal
Mahilig magsulat ng mga tula ang may-akda na ito sa kadahilanang sa maikling sukat ay naipapahiwatig na niya ang kaniyang damdamin. Para sa kanya, importante ang malikhaing pagsulat sa pagpapagana ng kaniyang pagkamalikhain sa pamamagitan ng pagpapairal ng kaniyang imahinasyon.
Justin Benes Bacorro
Ang paborito isulat ng awtor na ito ay ang tula dahil ang estruktura ay maikli, at nakakagamit siya rito ng mga simbolismo na maaaring magpahiwatig ng karanasan ng isang tao sa kaniyang buhay. Pinahahalagahan niya ang malikhaing pagsulat dahil ito ay nagpupukaw sa emosyon ng mambabasa.
0 notes
Text
Pagtupad ng Adhikain | Epilogo

Hindi man naging madali ang pagsulat ng mga akda, sigurado namang ito ay isang karanasan na hindi malilimutan at may tiyak na mayroong matututunan ang mga manunulat galing dito.
Ang karanasan ng mga manunulat ay hindi magkapareho sa pagbuo nila ng mga akdang nakapaloob sa blog na ito. Mayroong mga manunulat na nahirapan sa pagbuo ng kanilang mga talata, samantalang mayroon din namang mga manunulat na tila sisiw lamang sa kanila ang pagsulat. Hindi lahat ng mga manunulat ay bihasa sa Filipino, may sapat na karanasan sa pagsulat, o di kaya’y mahilig sumulat. Ngunit, habang maraming pagkakaiba ang mga manunulat, mayroon silang iisang magkaparehas na katangian — iisa ang kanilang adhikain, ang kanilang layunin, ang kanilang hangarin.
Hangad ng mga manunulat na maibahagi ang kanilang pagkamalikhain sa iba’t-ibang mga tao sa pamamagitan ng paggawa ng pampanitikang blog na ito, at tiyak na natupad ang kanilang adhikain.
Kahit na tapos na ang pag-aaral ng mga manunulat sa asignaturang Malikhaing Pagsulat, hindi ibig sabihin nito na ito na ang wakas ng pagmamahal nila sa kagdandahang dala ng malikhaing pagsulat. Patuloy pa rin ang kanilang adhikain.
0 notes
Text
Isang Daang Maling Akala {Malayang Taludturan}
Isinulat ni Samantha Ysabella Austria
Sa unang tingin ay hindi maipagtanto,
na aabot tayo sa puntong kasinglayo nito.
Ang nagsimula noong tatlumpung minuto matapos ang alas kwatro,
ay matatapos lamang sa isang pagkabigo.
Ang iyong unang ngiti ay walang bahid ng deslikado,
ngunit nang umabot ng ikalawa at ikatatlo;
Hindi mapigilang tanungin ang sarili ko,
ito na nga ba ang hinihintay o nalilito lang ako?
Ang unang tagpuang dalang-dala ang misteryo,
ng lalaking nakita sa loob ng simbahan nakaupo.
Hindi akalaing saking mga tula, siya ang magiging simuno,
hindi akalaing saking mga panaginip, siya ang mamumuno.
Langkap rin ng isang daang maling akala ang hindi pagsuko,
kahit na umabot ng isang libo ang mga tanong na “bakit” at sagot na “pero”
Tila ang mga pangakong sa daliri isinangkot ay biglang gumuho,
tila ang damdaming saksi ng isang milyong bituin ay naglaho.
Kaya’t pasensya at sinubukan kong buksan ang iyong puso,
Pasensya at naniwala ako sa iyong mababaw na pangako.
Ngunit huwag mag-alala dahil pagkatapos ng araw na ika-otso,
ako na’y aalis at isasarado ang hindi na dapat binuksang pinto.
0 notes
Text
Hija Ako {Malayang Taludturan}
Isinulat ni Koreen Angeli Abrigo
Oo, Hija ako
Hijang kinakailangang sumubok sa bakbakan
Hindi man duguan
Ngunit nadudungisan ang buong katauhan
Oo, Hija ako
Hijang araw-araw pinagpyepyestahan
O di kaya’y pinagsasaluhan
Di’ bale na ang anyo’t kasuotan
Oo, Hija ako
Sinentensya at pinatili sa kadiliman
Pilit pinapaisip na ito’y okay lang
Na mali ang aking mga dinadamdam
Ilang milyong boses, unti-unting nagkakaisa
Naririnig niyo ba ang lumalakas na kanta?
Ang lilang diwa’y dumadaloy at nananalaytay
Kaya oo, Hija ako
0 notes
Text
Rosas, Pag-ibig, Para Sa’yo {Malayang Taludturan}
Isinulat ni Justin Benes Bacorro
Kay pula ng iyong kagandahan
Matinik, masakit, maganda
Iyana ng diskriba sa iyo ng iba
Ngunit sa akin ay mas higit ka pa
Simbolo ka ng pagmamahalan
Simbolo ka ng kalikasan
Ikaw ay nagbabaga ng sobra
Pulang pula at nakakapaso
Napaka payapa ng aking pakiramdam pag ika’y pinagmamasdan ko
Inaalay ka kapag akoy nagtatapat ng pag-ibig
Inaalay ka kapag ako’y nagpapasalamat
Ibinibigay ka sa mga taong mahal ko
0 notes
Text
Sandugo {Kumbensyunal na Tula}
Isinulat ni Samantha Ysabella Austria
Labing-walo pa lamang ang munting bilang,
ng taong ako’y nakayapak sa kayumangging lupa;
At ibininabad sa ilalim ng init ang kayumangging balat,
habang kumikinang ang sidlak ng kayumangging mga mata.
Parang kailan lang noong ako’y isinilang,
dito sa mayuming perlas ng silanganan.
Dito sa ating pinanggalingan,
ang ating pinakamamahal na lupang hinirang.
Tila kahapon lamang nang siya’y isinilang,
ang bayan kung saan ang demokrasya’y mayaman.
Ngunit hindi labis at lalo na’t hindi kulang,
ang labing-walong taon upang malaman;
Na syangang kahapon lamang na sinaksak itong tuluyan,
at ngayo’y siyang nagdurugo ang likod ng Pilipinong sambayanan.
0 notes
Text
Ang Ulan {Kumbensyunal na Tula}
Isinulat ni Ysabella Ynna Abejo
Parati na sa labas ng mga bahay,
Bahagi ng pang-araw-araw na buhay;
Salamin ng mga kulay o karimlan,
Ang nagsisilbing hiyas ng kalangitan;
Ang mga ulap ay dumukwang sa langit;
Ang awit ng ibon ay kaakit-akit;
Huwag ipikit ang iyong mga mata,
Pumapatak na ang ulan sa bintana;
Ang lupa ay kumikinang ng pag-asa;
Ang bahaghari’y para sa nagdurusa;
Ang mga alaala ng paaralan,
Ay masayang isipin kung minsan-minsan.
0 notes
Text
Pinatahimik {Diona}
Isinulat ni Koreen Angeli Abrigo
Bumabahang mabaya
Ginagawa tuwina
Hindi na nagsasawa
Saan kaya nagmula?
Walang puso at awa
Ang mata’y nagluluksa
0 notes
Text
Nawasak na Mundo {Diona}
Isinulat ni Justin Benes Bacorro
Oh kay ganda ng mundo
Na tayo ay saludo
At walang apektado
Pero ito’y nawasak
Na kagyat na bumagsak
At tayo’y napahamak
Tignan mo ang paligid
Parang isang makitid
Na walang tumatawid
Ang mundo’y alagaan
Dahil ito’y kailangan
Para sa kaligtasan
0 notes
Text
Ordinaryong Buhay {Tanaga}
Isinulat ni Ysabella Ynna Abejo
Malamig pa ang hangin;
May hawak siyang asin;
Nagluluto sa labas,
Gamit ng buong lakas;
O, kape at pandesal,
Ang perpektong almusal!
Kanin, itlog, at hotdog,
Lahat ay mabubusog;
Sa liit na tahanan,
Maraming kakwentuhan;
O, mapayapang araw,
Ika’y napakasilaw!
0 notes
Text
Kathang Isip {Dalit}
Isinulat ni Samantha Ysabella Austria
O, Ulan, sa’yong pagbuhos,
tila huminto ang mundo.
Ang tangi lang nanatili,
ako’t aking kathang isip.
0 notes
Text
Tula {Tanaga}
Isinulat ni Dione Roch Bacal
Sumusulat ng tula
Ako’y napatulala
Salita’y tila bala
Napakahirap pala
0 notes
Text
Tapos {Diona}
Isinulat ni Dione Roch Bacal
Sarili ko’y tinapos
Tila ba’y nauubos
Tinali at ginapos
0 notes
Text
Buhok {Dalit}
Isinulat ni Ysabella Ynna Abejo
Noong tayo ay bata pa,
Ang buhok ay parang sumpa;
Sa tingin ko’y maganda ka;
Marilag, parang manika;
Mga sinulid mo’y itim,
Pero ‘di sila kulimlim;
Mga tirintas at ribon,
Sinuot mo buong hapon;
Kulay kape na balikat,
Hinalikan ng maingat;
Maikli na ang buhok mo,
Imaheng bago at presko.
0 notes
Text
Nandito {Haiku}
Isinulat ni Koreen Angeli Abrigo
Ikaw at ako
Walang dapat susuko
Hanggang sa dulo
0 notes