shirleeeeeeeen-blog
shirleeeeeeeen-blog
Sleepy Tinkerbell
41 posts
I Feel Terribly Alone.
Don't wanna be here? Send us removal request.
shirleeeeeeeen-blog · 7 years ago
Quote
Kapag one sided love, maraming beses ka magmomove on. ☺
2 notes · View notes
shirleeeeeeeen-blog · 7 years ago
Text
NBSB ( No boyfriend Since Birth) confession
Being single is great, you can do things on your own, get to know your self more, experience things you haven't experience before, treat yourself with lots of foods, watch movie alone, your salary is all yours, etc. It is great, yeah! But being single since birth( not actually since birth, but single since you had your puppy love or just simply understanding what "love" is)sucks sometimes. You wanted to experience what a "in a relationship" feels like; to be texted goodmorning and goodnight, someone will bring food if your hungry in the middle of the night, how it feels like to be clingy to someone and get angry for no reason, how it feels when that someone touches your hair until you fell asleep, holding hands while walking or even not walking, cuddling, kisses in the forehead, nonsense conversations, butterflies in your stomach, staring, laughing at lame things, I miss you and I love you's... those sort of things. I trust God's timing, but you can't blame me for fantasizing to those things because I haven't experienced that. But when finally that day comes and that perfect person for me, It is worth it. 💞 #nbsb #confession
0 notes
shirleeeeeeeen-blog · 8 years ago
Text
Factors affecting your social contact with people (para sa mga taong nafefeel nilang baka introvert sila)
Introvert- A shy, reticent person. (based sa google) Eto po ay own findings ko lang naman po sa sarili ko, kung baga observation ko lang sa sarili ko kung paano ako nagrereact sa mga bagay bagay. So meaning, walang study o kung ano man na magpapatunay na ang mga sasabihin ko na ito ay tamang basehan kung ano nga ba ang pagkatao mo. Subalit, kung may pagkakatulad man na ganitong pag-aaral ay maganda na rin para kahit papaano ay napatunayan kong may pagkakatama rin ang mga pinagsasasabi ko. Iniisip ko kasi kung introvert or ambivert ako ( never kong naisip na extrovert ako 😃). Kasi ang pagiging ambivert daw ay parehas kang pwedeng introvert or extrovert. Kaya naman nung una akala ko talaga ambivert ang personality ko. Pero habang naoobserbahan ko yung sarili ko, naisip ko na I am more introvert than extrovert. Why? Dito ididiscuss ko bakit. Gumawa ako ( yes, pero yun nga, gawa gawa lang po ito at ako lang yung nagbigay ng term. Again, kung may pagkakahawig man na pag-aaral edi ayos. Haha) ng mga factors na nakakaapekto sa ating social contact sa tao ( this is generally for introverts, yung nafefeel nilang introvert sila. ) Ito ay ang: *familiarity *level of comfort *limit of energy 1. Familiarity Ito ay ang pagiging pamilyar sa personality o character ng taong makakausap mo. So pag pamilyar ka sa isang tao pwedeng mabuo yung kagustuhan mong gumawa ng topic o maaring gusto mo syang kausapin at kung hindi ka naman pamilyar, eh mas gugustuhin mong hindi na lang magsalita. PERO, hindi sa lahat ng oras na pag pamilyar ka sa isang tao, eh gugustuhin mo syang makausap o kausapin. For example: Si Nimfa ay kaibigan ko, so pamilyar ako sa kanya, sa kung anong ugali nya o klaseng tao sya. Pero umalis at pumuntang ibang bansa, 1 yr kaming di nagkita at nung bumalik sya naiilang na akong kausapin sya. Bakit kaya? Kasi naniniwala talaga akong a year can change you a lot. Kahit si Nimfa pa rin yun, kahit papaano may nagbago sa kanya at sa pagbabagong yun hindi ako pamilyar. Pero kung hindi ito yung nararanasan mo, may isa pa namang way para ma-explain ang familiarity. Sabihin na nga nating pamilyar ka sa taong yun, meaning kilalang kilala mo sya. At dahil nga hindi sa lahat ng oras na pamilyar ka sa isang tao eh gugustuhin mo syang kausapin; kung ayaw mo naman sa ugali o personality nya na pamilyar ka kasi kilala mo sya, mas pipiliin mong hindi na lang sya imikin o kausapin. Gets? At dito papasok ang pangalawa sa listahan ang Level of comfort. 2. Level of comfort Meaning lang nito ay kung gaano ka ka-komportable sa kakausapin mo. Pumapasok pa rin dito ang familiarity, kasi kung familiar ka posibleng mataas ang level of comfort mo at kung hindi naman,mababa ang levek of comfort. Pero same rule po tayo. Gaya ng example ko kanina pamilyar pero ayaw nya nung ugali kaya ang level of comfort is very low, meaning hindi nya ito feel kausapin talaga. Pero kung for example naman may chance ma magustuhan mo yung tao kasi parang ramdam mo na parehas kayo ng ugali o hobbies ganun, yung kung baga magkakasundo kayo sa isang bagay.. hindi agad agad tataas ang level of comfort kasi hindi ka pa rin pamilyar sa kanya. Kung baga instinct mo lang yung nagsasabi sayo na may chance talaga na magkasundo kayo pero nandun pa rin yung magaalangan kang kausapin sya kasi di ka pa rin pamilyar. It takes time kung baga. Kung makakilala mo man sya, doon pa lang may chance tumaas ang level of comfort. Pero as the conversation starts,sa taong possibly introvert papasok ang pangatlo nating factor: Ang limit of energy. 3. Limit of energy o limitasyon sa pakikipag usap. Napapagod makipag usap, nauubos yung energy kaya ang tendency ay tumatahimik na lang. Iisipin ng ibang tao pag tumahimik na, baka galit ka o baka masama pakiramdam mo and so on pero hindi nila alam na gusto mo lang talaga tumahimik kasi wala ka ng energy makipagusap! At kailangan mong matahimik kasi kailangan mong magre-charge! Sabi pag introvert, shy ang madalas pang describe gaya ng nasa taas. Pero hindi nila alam, kaya namang makipagusap, pero minsan mas pipiliin na lang tumahik kasi parang feeling mo naman ay wala ka namang masasabi. Hahaha! O wala ng energy. Ito pa yung example na nakakaubos din talaga ng energy makipag communicate. May kasama kang isang tao, kilala mo sya, kilala ka nya. Kayo lang dalawa, dumarating din naman sa isip mo yung parang kailangan mo syang kausapin kahit papaano. Starter lines "Kamusta?" O "Kamusta kayo ng bf mo?" " kamusta family mo" Yung mga ganyan. Tapos pag di kumagat sa topic kasi natapos agad yung pag-uusap nyo, Tatamarin ka na makipag usap. Hahaha! Hihintayin mo na lang na sya kumausap sayo basta ikaw quiet na kasi ayaw mo na magsalita. Parang "I did my best, but I guess my best wasn't good enough" 😃 kaya bahala ka na, tahimik na ko. 😃 Pero minsan naman umaabot naman hanggang 3 try yung pagiisip mo ng topic, maximum na kung baga. Pag wala, bahala na yung kasama mo. Hahaha 😃 So yun! Yang tatlong yan, yan yung mga na-obserbahan ko sa sarili ko. Yan ay ako lang naman, kung makakarelate ka edi ayos. 😃 Pero syempre gaya ng sabi ko wala po itong kongkretong basehan kaya hindi ko pa rin talaga alam kung tama ba ang conclusion ko na ako ay possibleng "introvert" kasi pawang eksperto lang ang makakapagsabi o yung talagang pag-aaral na ikaw nga ay introvert, extrovert, o kaya naman ay ambivert. Pero bago man matapos, kung ano man yung personality mo, kung tahimik ka man o madaldal, don't try to change yourself just to fit in sa society na ginagalawan mo. Kasi IKAW YAN at hindi nila mababago yun. ☺
0 notes
shirleeeeeeeen-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
shirleeeeeeeen-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
-Michael Faudet
2 notes · View notes
shirleeeeeeeen-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
-Michael Faudet
1 note · View note
shirleeeeeeeen-blog · 8 years ago
Quote
Purposely holding your feelings back because you know it’s for the best.
(via lovequotespost)
161 notes · View notes
shirleeeeeeeen-blog · 8 years ago
Text
I love silence.
0 notes
shirleeeeeeeen-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Ease your soul here
282 notes · View notes
shirleeeeeeeen-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Daily Inspirational and relatable quote pictures! Follow for more.
2K notes · View notes
shirleeeeeeeen-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
❤❤
2K notes · View notes
shirleeeeeeeen-blog · 8 years ago
Quote
I fell in love With love It seems, For what was real Is not. The lies you spun When we begun, You thought Would be forgot. Time heals all wounds– You said to me, Well this I say to you– The scar I wear, I cannot bear, For it is My heart You broke In two.
(DECEPTION)Dirty pretty things by Michael Faudet
1 note · View note
shirleeeeeeeen-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Totoo nga, mabilis nag-simula pero mabilis din natapos. Ganun tayo. Sa sobrang hindi inaasahang pagkakataon, nagkakilala tayo. Nagsimula sa minuminutong usap, hanggang sa hindi ko na maiwasang hindi ka maka usap. Gabi gabi, araw araw. Text, tawagan "Miss na kita", hanggang sa umabot na sa "mahal kita." Gaya ng sabi ko, sobrang hindi inaasahan. Kaya yung nararamdaman ko hindi ko rin talaga inasahan. Akala ko nung una wala lang, hanggang sa hindi ko na alam. Sobrang saya ko. Ngayon ko lang kasi naranasan yung mga pinaramdam mo. Yung saya, yung kilig, yung parang wala akong pakealam kung umulan man tapos wala akong dalang payong. Basta alam kong masaya ako noon. Pero noon yun. Dahil dumating na tayo sa "mabilis ding natapos." Nagsimula sa araw araw magkausap, hanggang sa nanlamig na. Sa gabi may goodnight, di nagtagal tinutulugan na. Hanggang sa nagtampo ako, imbis na suyuin ay hindi ka rin kumibo. Mahirao dahil screen tanging chat at tawag lang nag-uugnay sa atin. Akala ko susuyuin mo ako. Pero bakit ko nga ba inaasahan yun? Ni hindi ko nga alam kung ano bang tawag dun kalokohan natin. Hindi ka nga nagparamdam, nalungkot ako. Iniisip kung ano bang mali ko. Kung ano bang mali sa sarili ko. Pero nagparamdam ka ulit pagkatapos ng aking pangungulit. Naging okay ulit tayo, nag-sorry ka, nag-sorry ako. Pero lahat ng yun panandalian lang. Nawala ka na naman kinabukasan at hindi nagparamdam. Nag-simula na naman akong magtanong. Ano na naman bang nagawa ko? Ano na naman ang mali ko? Ramdam ng mga tao sa paligid ko ang pabago bago sa emosyon ko. Masaya.. malungkot.. masaya.. malungkot na naman. Maging ako hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Isip ako ng isip. Masisisi mo ba ako? Alam mong wala akong naging boyfriend kaya di ko pa nararansan yung mga sweet na bagay na pinaramdam mo, Tapos ano? Napagod ka ba? Nagsawa na lang? Kaya ang dali sayong bumitaw kasi hindi mo alam ang nararamdaman ko! Ang sakit alam mo ba yun? Hanggang ngayon, kahit ang tagal na. Naiisip ko lang kasi na, hindi talaga ako kamahal mahal. Lahat naman kasi ng ginugusto ko, binabalewala ako. Hindi nagtagal, nalaman ko yung rason bakit ka di nagparamdam. Nasa mall ako nun, nakita ng mga kasama kong umiyak ako. "Ang unfair." Ang unfair mo pala kasi napatunayan ko na yung rason mo para sa sarili mo lang. Naikwento mo na nasaktan ka sa ex mo, at yun yung rason mo. Hindi mo pa kaya, hindi ka pa buo. At nabasag ako doon. Sana yung mga hindi kayang panindigan, wag ng simulan. Takot na ko simula noon. Tuwing makakarinig ako ng sweet na lines mula sa pelikula o mababasa sa facebook mula sa mga magboyfriend girlfriend, Minumura ko sila sa isip ko. "Gago, kalokohan yan." At ang masakit pa, after nun parang wala lang sayo. Parang wala kang nasaktan. Wag mong sabihing nag-sorry ka, Dahil ang sorry kulang yan sa ginawa mo sa puso kong inosente. Pero sana masaya ka na. Mukha naman. Hayaan mo magiging masaya din ako. At hinding hindi na yun magiging dahil sayo. ~
0 notes
shirleeeeeeeen-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
1K notes · View notes
shirleeeeeeeen-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Ease your soul here
384 notes · View notes
shirleeeeeeeen-blog · 8 years ago
Quote
You cross my mind, a lot..
(via lovequotespost)
443 notes · View notes
shirleeeeeeeen-blog · 8 years ago
Photo
Tumblr media
Words and photo: sleepytinkerbell
0 notes