This is what's going on my mind. Some are nonsense but thanks for wasting your time, by the way.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
I miss you, J.
Namimiss na nga kita. Namimiss ko na kung ano tayo noon. Namimiss ko na kung gaano tayo kasaya noon. Namimiss ko na kung paano mo ako tingnan noon na puno ng pagmamahal. Sobrang saya natin dati kaya hindi ko maisip kung paano tayo humantong sa ganito. Pareho tayong sira. Pareho tayong wasak. Sana bumalik sa dati. Sana bumalik ka na ulit. Naghihintay pa rin ako. Maghihintay ako palagi sa 'yo.
2 notes
·
View notes
Text
7:13 PM
Kung hindi mo hahayaang gawin ng isang tao ang isang bagay sa ‘yo, hindi n'ya 'yun gagawin. Pero wala, e. Hinahayaan mo, ineentertain mo. Kung patuloy mong gagawin 'yan, pare-pareho lang tayong masasaktan. Kung nagi-guilty ka dahil pakiramdam mo, hindi mo nasusuklian 'yung mga bagay na ginagawa n'ya sa 'yo, e 'di 'wag mo s'yang hayaang gawin 'yun sa 'yo! OR, maging kayo na lang, para hindi ka na maguilty. It doesn’t comes naturally, you’re just letting it to happen. Hindi tayo kahapon ipinanganak at hindi din kita kahapon nakilala so do not give me that explanation. Kung nagi-guilty ka, sana hindi na lang ako ang pinili mo. Sana hindi na lang natin 'to inayos ngayon. Kasi mas masakit s'ya, e. Pero ano nga ba'ng alam mo sa nararamdaman ko? Everytime I’m openning up to you, you want me to be quiet. You don’t want me crying. Naiinis ka. Ayaw mong magdrama ako sa 'yo. Sanay ka na nakikita akong nasasaktan at umiiyak kaya ayaw mo na lang pansinin, kaya naiinis ka na lang.
Pero ano ba ang mas masakit?
'Yung side n'ya, na nawala ka sa kanya kahit hindi naman kayo, never naman nagkaro'n ng kayo at never naman naging kayo?
O 'yung side ko na anim na taon, tapos umalis ka. Ngayong bumalik ka at handa na nating ayusin ang lahat, at saka ko mararamdaman na parang wala ka, wala ka pa rin?
4 notes
·
View notes