Tumgik
Text
#GoForYourDREAM
--NEVER LOSE HOPE!! JOHN 13:7,  panghawakan niyo yang verse na yan! Kasi naranasan ko rin ang mga nararanasan niyo ngayon, yes totoo, depressing siya at the same time parang gusto mo na lang mawala sa mundo, nung hindi ako nakapasa nung JUNE 2016 parang sinabi ko sa sarili ko kung ganun ba ako ka-tanga o bobo para hindi maipasa yung exam? Kasi yung mga kaibigan ko napasa naman nila.Mga 2 months ko siya iniyakan at sobrang down ko nun, pero pinapalakas ko na lang loob ko kasi ayaw ko nakikita ko ng magulang kong malungkot   Pero mali, ibahin niyo pananaw niyo! Hindi jan nagtatapos ang journey niyo, marami pa naming chances, Hindi ito binigay ni Lord sainyo kasi hindi pa ito ang right time. Everything happens for a reason, Patibayan at Patatagan lang ng loob yan. Bawal sumuko! Kaya niyo yan! -- Nagreview center ako 2nd time around, during that time mas naging determinado ako, pumapasok na ako lagi at paguwi ko ng bahay magrereWrite agad ako ng notes. Sobrang time management ako from September to November, pero nung nagkaroon ng rumors na March na raw ang boardexam, at first hindi ako naniniwala, pero nung na-confirmed na siya na-mixed emotions ako, Medyo tinamad ako at the same time medj naghayahay, from November to December nakakagala pa ko nun, scan scan lang ginawa ko during these months kasi nga alam ko matagal pa ang exam hahaha.
---2017. TIME of MY LIFE. HAHAHA.
Pagpatak ng January medj naramdaman ko na ang pressure, pero hindi ko sini-stress ang sarili ko, ganun parin ako, binigyan ko lang sarili ko ng time management, kalmado lang ako kasi alam ko sa sarili ko naaral ko mga dapat kong aralin noon. Nagpre-boards kami ng January 18-19, naipasa ko naman siya kaya ang saya ko nun, parang feeling ko ang laki ng chance na makapasa na ko sa actual boards. Hindi na rin ako umattend ng Tutorial ng review center, nagself study na lang ako kasi gahol na ko sa oras. February, ayan na, 1 month to go na, nakadeactivate na mga social media accounts ko niyan, bale ang source of entertainment ko na lang is music at TV. Pagnagaaral ako, hindi na ko yung tipong nagpupuyat, beyond 1am ang tulog, No, pagdating ng 11pm  matutulog na ko tapos gising ko na ay 8am, kailangan niyo rin matulog kasi SLEEP is very ESSENTIAL. Wag din kalimutan kumain ng breakfast, most important meal of the day! Maligo na rin para magising ang mga diwa niyo, tas yun gora na sa aral. Pagfeel niyong inaantok kayo, magNap kayo ng 15mins! (promise effective to ) tas mag break din kayo pag may time. Kain kayo dark chocolates, tas wag puro kape! Pwede na tsaa hahahah!!. Then , pagnagaaral kayo at inaaral niyo ay mga categorization, sulat niyo sa index card o kaya naman magpost post kayo sa mga walls sa bahay niyo! Effective din to para sa mga matataas ang photographic memory jan hahaha. Yan tips ko pag nagaaral 
--MARCH 2017. BEST MONTH EVER
8 DAYS LEFT. Yes 8 days!! Hindi na ko masyado makaaral neto, siguro scan scan na lang, remaining days, nagpupunta na lang ako sa mga simbahan nun at nagdadasal na lang talaga ko. Special mention: National Shrine of St. Jude Thaddeus- Manila, St. Pio Chapel- Libis, Monasterio de Sta. Clara, Minor Basalica of the Black Nazarene, and Our Lady of Peace and Good Voyage Shrine-Antipolo. Ayan mga pinuntahan ko, sobrang dito na-test kung gaano ba kataas ang faith ko. During the remaining days kinakausap ko na lang mga friends ko at sinasabi ko na lang yung feels ko sakanila, ayoko kasi magkimkim ng kaba kaya kailangan ko kumausap ng tao hahaha. March 8,2017. Day before the actual boardexam, Hindi na ako mapakali neto, 7pm pa lang gusto ko ng matulog kasi Sleep is essential nga hahaha. Pero eto yung night na nagcram pa ko, kasi naalala ko yung final coaching sa module 1! Hahaha. So 2 hours ako nagbasa and then off to bed na, 9pm na yun, pinikit ko na lang eyes ko baka sakaling makatulog, pero HINDI EH! HAHAHA. 2 hours akong gumugulong sa kama, siguro nakatulog na ko ng 11pm pero half asleep lang  March 9,2017. THE JUDGMENT DAY (DAY 1) 4am nagready na ako, St. Jude College yung venue ko,at hinatid ako ng father ko sa venue, tas siya sobrang excited niya and sobrang naniniwala siya sakin na papasa na ko   to be honest, medyo kalmado pa ako neto. Pagdumadating na lang talaga questionnaire bumibilis ang puso ko hahaha. MODULE 1- Eto sobrang saya ko dito! Answerable kasi siya, kaya medyo kampante pa ako dito. HAHA MODULE 2 & 3- Sa module 2, ang title niya kasi is Pharmacognosy pero ang content niya is more on Biochemistry so iiyak ka na lang at idadaan mo na lang siya sa dasal, pero kung nagaral naman, may masasagot . Module 3, eto dito yung mga OGK. Pero may mga content parin naman na answerable, actually module 3 ang lowest ko sa mga score ko hahah kasi nga mahirap! After ng exam, dumiretso agad ako sa St. Jude at dun nagnovena ko at nagtirik na lang ng kandila. Yung feels ng after taking ng exam , sobrang nakakadrain haha. Nakakapanghina, paguwi ko that time, ayoko na magaral, inalay ko na lang kay Lord lahat! And natulog ako that time around 9pm, pero half asleep parin, ramdam parin kasi ng katawan ko yung tension kaya siguro ganun hahaha.
March 10,2017. THE JUDGMENT DAY (DAY 2) Same time din yung gising, 4am then hinatid ako ulit ng father ko sa venue, wala na kong emosyon neto, go with the flow na lang, pero still tried my best to answer the 3 remaining modules MODULE 4- nahirapan ako dito, morse type eh, tas may kinetics kasi and computations hahaha MODULE 5- Breakdown na ko, eto talaga yung mapapa WTF ka na lang sa computations, 10points kasi yun, kaya ganun na lang naramdaman ko. Pero hindi parin ako nagpatalo at humingi parin ako ng guidance kay Lord hahaha.
--WAITING GAME. Eto yung pinaka crucial na oras ng buhay mo. Kasi All or Nothing ang nakasalalay. Dinaan ko na lang sa movie marathon at series ang kaba ko. Try niyo rin Masaya naman hahaha  MARCH 14, 2017. BEST DAY EVER! 7am pa lang gising na ko, siguro alam na ng feels ko na mamaya na nga yung results, pero di parin ako pakampante, andun parin yung hopes ko pero hindi maiwasan mag doubt. Mga bandang tanghali, hindi na ko mapakali, kasi nagViber sakin yung friend ko na 4pm palang daw refresh refresh na lang ng page ng PRC. HINDI KO ALAM MARARAMDAMAN KO,pero sobrang kaba ko neto, umiyak pa ko nun, at tinulog ko na lang yung kaba ko, around 4:30pm nag Nap ako, ang himbing ng tulog ko, parang yung walang iniisip ganun hahaha. Around 5:30pm nagising na ko, ang ingay ng phone ko, may tumatawag pero di ko pinansin kasi naalimpungatan lang ako. Yung nabasa ko yung message na “Congrats! , sabi ko sa’yo kaya mo eh!” tinanong ko pa siya kung pasado ako, hahahaha. Tinawagan ko yung isa kong friend ko na todo support din sakin at kinonfirm ko nga sakanya kung pasa ba talaga ko. And YES!!! TOTOO NGA TALAGA, sila pa unang nagpost ng pangalan ko. HINDI AKO MAKAPANIWALA NUN, CLOUD 9 FEELS, EUPHORIC FEELS, SOBRANG SAYA, AT FEELING MO SOBRANG WORTH IT NG NANGYARI. ETO NA YUNG MASASABI KO NA WORTH THE WAIT TALAGA. RPh. --DISCLAIMER: Pwede niyo parin naman sundin yung mga pamahiin na sinasabi nila, pero alam niyo rin dapat na MAS matimbang si LORD jan  .. trust GOD LANG at makakamit niyo ang pangarap niyo. Eto pala mga pinanghawakan kong bible verse: PROVERBS 16:3, PHILIPPIANS 4:13, MARK 11:24, ROMANS 8:28        
CHIKUSETSUSAPONINS ,RPh March 2017
1 note · View note