Tumgik
group2love-blog · 5 years
Text
Ang Kagandahan ng Asia’s Latin City
Magandang Umaga/Tanghali/ Hapon/Gabi sa kung sino man ang nagbabasa nito. Hi, ako nga pala sa Jake at ginawa ko itong blog na to para sa aming performance task sa FIlipino sa tulong ng aking mga kagrupo na si Emir, Emman, Dewey, Asheera, Alfred at Karl #sanamataasgrades. Aking tatalakayin ay ang kagandahang tinatagalay ng aming Asia’s Latin City, Ang Zamboanga. Bago tayo magsimula, atin munang alamin ang kasaysayan ng Latin City na ito.
          Ang Lungsod ng Zamboanga ay isang lungsod sa Rehiyon ng Tangway ng Zamboanga ng Pilipinas. Ayon sa senso noong 2007, mayroon itong populasyon na 774,407 katao sa 177,152 mga sambahayan. Habang hindi nababahagi sa anumang lalawigan ng Pilipinas, minsan itong naiuugnay sa Zamboanga del Sur para lamang sa datos galing sa Philippine Statistics Office. Pero sa politikalmente hindi kailanman naging bahagi ang Lungsod ng Zamboanga ng Probinsya o Lalawigan ng Zamboanga del Sur. Ito ay gumaganap bilang isang lubos na urbanisado at malaya o nagsasariling lungsod. Ang pangalang Zamboanga ay hango sa wikang Subanen na “sabuan,” at sa wikang Malay na “jambangan” (daungan ng mga bulaklak). Ang Fort Pilar, na ngayo'y isang dambana ng Nuestra Senora del Pilar, ay itinatag noong 1635 ng pamahalaang kolonyal ng Kastila. Sa panahong Amerikano at bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging sentro ang Zamboanga ng kalakalan, edukasyon, at pamahalaan ng buong Kamindanawan. Noong Oktubre 12, 1936 ay naging ganap na chartered city sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 39 na inilagda ni Pang. Manuel L. Quezon. Sa kasalukuyan ay binansagang Lungsod Latino ng Asya sa halip ng pagiging Lungsod ng mga Bulaklak. O diba, ayos from Flowers to Latin CIty real quick. Char FIlipino subject pala ito. 
Tumblr media
                               Ngayong alam nyo na ang kasaysayan ng Sabuan/Jambangan, tayo’y dumako naman sa isa sa pinagmamalaki nating mga Zamboanguenos. Ang Sta.Cruz Island.         
Tumblr media
      Isa sa mga pangunahing dinadayo ng mga lokal at dayuhang turista sa Zamboanga City ay ang Santa Cruz Island, na kilala rin sa tawag na Pink Island.           Ang isla ay matatagpuan sa Basilan Strait, umaabot sa apat na kilometro ang layo mula sa Zamboanga City, na mararating sa pamamagitan ng bangkang de-motor.Ang nagkukulay rosas nitong buhangin ay teknikal na tinatawag na pink coralline sand na nagmula sa napulbos na red organ pipe corals na tinangay sa pampang at naihalo sa puting buhangin kaya nagmimistulang pink ang baybayin. Ang Santa Cruz Island, kasama ang tinatawag na kakambal nitong munting isla ng Little Santa Cruz, ay itinuturing na mga protected area sa Zamboanga Peninsula, sa bisa ng Proclamation No. 271 na nilagdaan noong Abril 23, 2000.Ang Santa Cruz ay may kabuuang lawak na 1,877 ektarya.Sa 15-minutong biyahe sa bangka mula sa city proper ay mararating na ang isla matapos magrehistro sa Paseo del Mar, na mismong mga kawani ng City Hall ang umaayuda sa mga turista at bisita. Ang bawat bangkang de-motor ay kayang magsakay ng walo hanggang 10 pasahero, na maaaring rentahan ng P1,000 para sa isang round trip ride. Sa mga bangka, ang bawat pasahero ay binibigyan ng life jacket para sa ligtas na pagbibiyahe.Kapag nasa isla na, mai-enjoy ng mga bisita ang iba’t ibang aktibidad, gaya ng beach volleyball, paglangoy sa malinaw na tubig,  at paglilibot sa iba’t iba pang bahagi ng isla. O diba, san ka pa? sakin kana. Charot, Sta Cruz na. Ang 1k na inipon mo, sulit na sulit sa ganda na matatanaw mo sa Pink Island ng Zamboanga.
             Ang paglalakbay patungo sa Zamboanga City ay hindi kumpleto nang hindi nakakaranas ng lasa ng mga pagkain dito, kaya kapag nasa zamboanga city, subukan ang lokal na pagkain at kumain sa mga lokal na restawran. Hayaan niyong makaranas ng lutuing tausug o mas tawag na HALAL FOODS na napakasarap na madalas na makikita at maranasan sa Zamboanga City.
           Ang curry piyanggang manok ay gawa sa niyog na nagbibigay ito ng isang natatanging kulay at pinahiran ito ng sibuyas, ang iba pang pampalasa at gatas ng niyog ay idinagdag upang gawin itong mas malasa. Ito ay may tamang anghang at pinupuno ng mga masasarap na lasa. 
Tumblr media
      Tiyak na mapapa wow ka sa Curry PIyanggang Manok na ito. Karamihan sa aming grupo ay nakatikim na ng ganitong putahe,at kami ay pare pareho ng saloobin dito. Kami ay naakit sa lasa na ito kaya tara na, subukan ang putaheng ito na gawa ng mga Zamboanguenos.
        Isa rin sa mga kilalang HALAL FOOD dito sa Zamboanga ay ang Tiyula Itum. Ito ay isang karne ng baka o kambing na sabaw ng Tausug na palaging nagsisilbi sa mga kasalan, madalas din sa anumang pagdiriwang, at hindi bihira pagkatapos ng Ramadan. Ang kulay ng soup ay nagmula sa sinusunog na karne ng niyog na may lasa sa pagkain na natatangi mula sa anumang iba pang ulam na matatagpuan sa Pilipinas. Madalas rin ito nararanasan sa Zamboanga City na kung saan ay may mga restawran at mga karindirya na nagseserve/nagbebenta nito.
Tumblr media
         Mukhang nagugutom na ako habang ginagawa ‘tong blog na ito. Narito na tayo sa ating huling putahe, Ang Mi Goreng. Ang pinagmulan ng Mi Goreng ay mahigpit na nauugnay sa pamantayang Indian Muslim. Hindi bababa sa isang dosenang iba’t ibang mga bersyon ng mee goreng, maaari mong isipin kung gaano kaaya-aya ang pagkaing ito, madalas rin ito nakikita sa Zamboanga City. Madalas ito nakikita sa isang hilera ng mga kuwadra sa ilalim ng isang tolda sa kalsada na kung saan nagbebenta o nagsisilbi ng mee goreng.
Tumblr media
            Ayan, natapos din tayo sa mga Putahe. Mukhang napakasarap ng mga putaheng aking itinampok, subukan niyong tikman ang tunay na sarap na inihahandog ng Zamboanga para sa ating mga naghahangad ng bago at kakaibang lasa. 
          Naalala nyo pa ang ang Carnival na ating kinalakihan? Ang lugar kung saan tayo naging masaya? Ang carnival na naglaho na, ngunit ang  Carnival na iyon ay tinayuan ng mas maganda at mas masayang lugar para sa atin. Iyon ay ang KCC Mall de Zamboanga. Ito ang nagpapatunay na kapag iniwan ka ng isa, may darating pa na mas better sa kanya. Charot. Tara na’t ating alamin kung ano nga ba itong KCC Mall.
Tumblr media
           Koronadal Commercial Center o mas kilala bilang KCC ay nagsimula noong 1957 bilang isang textile store sa Koronadal City. Ito ay lumawak noing 1989 haggang naging supermarket and department store ang KCC Shopping Center.Lumawak ang KCC noong 1992 General Santos City bilang KCC Warehouse Plaza, kalaunan ito ay pinangalanan bilang KCC Mall of GenSan in 1996. Ang KCC Mall de Zamboanga ay ikatlong KCC Mall sa pilipinas. Ito ay pagaari ng Koronadal Commercial Corporation (KCC) at nang kanilang punong himpilan sa General Santos City. KCC Mall de Zamboanga ay ang pinakamalaking KCC Mall, at ang pinakamalaking sa Zamboanga City at sa Zamboanga Peninsula. Ang mall na ito ay matatagpuan sa Gov. Camins Avenue, ang ciudad na may pinakamaring sasakyang dumadaan . Ito ay may lawak na halos 35,000 m2 (380,000 sq ft) at ang kabuuang GFA ay 162,000 m2 (1,740,000 sq ft).   sa loob ng mall may mga iba’t ibang klase ng shops na pabor sa mga consumers sapagkat ALL IN 1 na ito, nasa loob na ng mall ung provided stores na kakailanganin ng mga shoppers Maraming mga tao ang nagagalak mula nung ipinatayo ang KCC MALL DE ZAMBOANGA sapagkat ayon sa kanila, ito ay “one stop shop” na naroon na lahat ang kakailanganin at higit pa roon ay may mga concerts, promos at mga auditiong nagaganap. Sa loob nito ay may mga iba’t ibang klase ng shops na pabor sa mga consumers sapagkat ALL IN 1 na ito, nasa loob na ng mall ang mga pangunahing pangangailangan ng mga mamimili.Ang laki ng lawak na nasasakop ng mall ay maginhawa sa mga mamimili na walk-in or with cars. Maraming mga empleyado ang nabigyan ng oportunidad na mag trabaho sa mall na ito pati na rin ang may mga kapansanan (disabled). Isang malaking tulong ang naidulot nito upang umunlad ang kabuhayan ng mga empleyadong nagtatrabaho dito.
        O, san ka pa? dun sa pinakabarato na. Numa ya maghanap ng otro pa kasi el kcc for you and for me. Dito nyo na makakaharap ang ultimate artista crush nyo, ako. Charot. Napakaraming inihahandog na pagkakataon sa ating ang kcc kaya tayong mga Zamboanguenos ang napakasaya nang ang lungsod natin ay nagkaroon ng isang magarbong pasyalan tulad ng KCC Mall.
           Narito na tayo sa huli kong itatampok. Ang lugar na pumapasok sa ating isipan kapag dumadalaw sa Zamboanga, Ang Fort Pilar. Ating alamin ang kasaysayan at ang kwentong tinataglay nito.
Tumblr media
          Ito ay orihinal na isang Espanyol na Garisson na itinayo sa kanilang pagsakop sa mindanao upang bantayan ang isla laban sa mabangis na mandirigmang moro na nakikipagdigma laban sa pananakop ng mananakop. kalaunan sa isang mito ay sinabihan ng mga katutubo na mayroong isang lindol at ang lugar ay pinagbantaan ng isang malaking tsunami ngunit ang isang ginang ay tumayo sa tabi ng baybayin at ibinalik ang kanyang mga kamay sa kalangitan sa labas ng tsunami, ipinagtiwala nila na ito ay isang himala at sila nagtayo ng isang dambana sa lugar upang magtipon at magdasal.
            Ang aming itinampok sa blog na ito ay kaunti pa lamang sa mga pwede at dapat nyo pang malaman sa napakagandang lugar ng Zamboanga o ang Asia’s Latin City. Nawa’y kayo’y natangkilik sa mga kwento ng kasaysayan at ang kwento nang bawat isa saamin sa Grupo. Maraming Salamat sa pagbabasa!!
0 notes