Tumgik
guidesortiz-blog · 6 years
Text
"Paggamit ng Bawal na Gamot"
Tumblr media
Ito ay tungkol sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang gamot na ito ay ginawa para makapag pagaling ng sakit, ngunit karamihan sa mga tao ay inaabuso ito. Ilan sa kanila ay nalulon na sa gamot na ito. Mas nadadagdagan pa nga ang namamatay dahil dito. Maraming buhay ang nasisira dito, dahil hindi na nila alam ang kanilang ginagawa.
Sobrang daming naaapektuhan dahil sa gamot na ito. Kaya naman hindi na nakapagtataka na maraming pamilya ang nasasangkot sa paggamit o pagbenta nito. Sabi rin sa balita, mahigit 500 na tao ang diumano ang namamatay kontra droga. Araw-araw hindi nawawala sa balita ang mga pagpatay , pagsuko at pagraid sa mga gumagamit nito. Kilalang-kilala ang kampanyang ito ni Duterte.
Kahit na alam nila ang mga pwedeng mangyari sa kanilang buhay wala silang pakialam dahil doon sila masaya at doon sila kumikita ng pera kaya patuloy sila sa paggamit nito. alam naman nila na ang paggamit ng droga ay isang paraan para makaahon sa kahirapan. Napakaraming epekto nito sa isang tao. Mabuti man o masama.
-Joey Cereza
0 notes
guidesortiz-blog · 6 years
Text
"Death Penalty"
Tumblr media
Matagal na ang debate tungkol sa pagpapautapad ng Parusang kamatayan hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.Ito ang isyung pinagtatalunan hindi lamang ng mambabatas pati na mga pangkaraniwang mamamayan.
Ano nga ba ang parusang kamatayan? Nararapat ba itong ipatulad muli? Sa United States, kapag ikaw ay nakagawa ng karumal-dumal na krimen ay maari kang maparusahan ng kamatayan kung ito'y mapapatunayan, pati na rin sa mga bansang nagpapatupad nito. Ang parusang kamatayan ang pinakamabigat na hatol kung saan ang gobyerno an may hawak ng iyong buhay ngunit ito'y nakadepende sa kasalanang iyong nagawa o bigat. Ayon pa kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang muling pagpapatupad ng parusang kamatayan ay hindi pananakot sa mga krimenal kundi pamabayad sa kanilang kasalanan. Samantalang may mga opisyal ng gobyerno rin na hindi sang-ayon dito, tulad ni Chito Gascon pinuno ng CHR, sapagkat ang paniniwala niya kung ipapatupad ang parusang kamatayan ay wala na silang pangalawang pagkakataon upang magsimula ulit.
Sa kabila nito nangingibabaw pa rin sa iba ang pagpapatupad dito. Sa duma-daming mga kriminal, rapist, drug , traffickers , mga magnanakaw , mga teroristang walang takot na pumapatay at gumagawa ng lagim , kidnappers, at carjackers , at ang riding in-tandern kung saan walang awang pumapatay; Sa kasamaang palad ang kadalasang sangkot dito ay mga pulis.
Ang halimbawa nito mula sa Pang-Masa ang karumal-dumal na pagpatay sa 75-anyos na ina ng aktres na si Cherry Pie Picache. Hindi lamang ito ang naganap na krimen sa bansa dahil napakarami pang iba. Nakikita at naririnig natin sa mga pahayagan araw-araw na kung minsan pa'y sa ating mismong lugar nagaganap. Isninulong ni Sen. Sotto ang pagbabalik ng Death Penalty, ayon sa kanya palubha ng palubha ang mga krimen sa bansa kaya nararapat lamang na ito’y ibalik ang bitay.
Mula sa mga opiniyon at pahayagan ng mambabatas at ibang opisyal ng gobyerno pati na rin ng pangkaraniwang mamamayan na pagtitimbang natin ito kung alin ang mabigat at nakabubuti. Sa pagpapatupad nito maaaring ang kinabukasan ng mga sumusunod na henerasyon ay maisalba mula sa hindi kanais-nais na nangyayari sa ating lipunan. Pati na rin sa pagkakaroon ng patas na batas sa mga ibang bansa. Dahil kung naririnig ninyo maraming Pilipino na ang naparusahan at nabitay sa mga dayuhang bansa subalit ang iba'y nanaaakusahan lamang. At ito'y napakasakit pakinggan. Kaya kung ito'y maipapatupad sa ating bansa kung sinuman ang makagagawa ng krimen maging pinoy, dayuhan o toresta ay mapaparusahan ng parusang kamatayan, dahil ang  batas ay walang kinikilingan at walang pinoprotektahan dapat lahat ay patas. Upang pagkakaisa ay makamit.
-Pauline G. Ortiz
0 notes
guidesortiz-blog · 6 years
Text
"K-12 Kurikulum"
Tumblr media
Sa panahon ngayon marami pa rin ang mga isyu tungkol sa pag-papatupad sa K-12 kurikulum. Marami pa rin ang mga hindi nakaiintindi kung ano ito at paano ito tumatakbo. Bilang isang estudyante ito ba ay mahalaga para sa kaunlaran ng bawat isa?
Ang Programang K-12 ay ang karagdagang Grade 11 at Grade 12 na nagnanais na ihanda ang mga mag-aaral pagkatapos ng sekondaryang pagaaral, at kung nais na nilang magtrabaho at hindi na ituloy ang kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagtatrabaho, pagnenegosyo o pati na rin sa kolehiyo. Maihahalintulad na din ang programang K-12 sa kolehiyo, mas pinapalawak pa nito ang kaalaman ng isang estudyante upang mas maging mahusay sila sa ibang larangan at gawain. Dito sa programang K-12 ay mas pinapabilis ang proseso ng pagkatuto ng mga estudyante sapagkat ito ang pinaka-ensayo ng kabataan. Halimbawa ay pinili ng isang estudyante na strand ay TECH-VOC, Dito ay lalawak ang kaalaman ng estudyante kung nais man niya maging isang chef, flight attendant at marami pang iba. Ang ikinaganda ng programang K-12 ay maaari kang makapili ng gusto mong pagtuunan ng pansin sa pag-aaral.
Bilang isang Senior High na estudyante, umaayon ako sa pagpatutupad ng k-12 kurikulum dahil layunin nitong baguhin ang sistema ng edukasyon sa ating bansa sapagkat ang Pilipinas na lamang sa Asya ang mayroong sampung taong pag aaral. Ipinatupad ito ng kagawaran ng edukasyon noong 2012 sa pamumuno ni Pangulong Benigno S. Aquino III
Sa pagpatutupad nito, mas magiging handa ang kabataan sa pagtatrabaho at pagkuha ng propesyon. Maaari na ring ituring na may mataas na pinag-aralan ang sino mang nagtapos ng K-12 kahit pa ito ay nakadestino sa malayong lugar. Ayon nga sa blogspot.com, maaari ng kumuha ng Certificate of Competency Level 1 kung nakumpleto mo ang requirements ng Tesda kahit na Junior highschool ka pa lang at pag ipinagpatuloy mo ang Senior High, ay may mas magandang oportunidad na makakuha ng trabaho lalo na sa mga kapos sa panustos sa kolehiyo.
Ganoon paman, marami rin ang kumokontra nito. Nakikita pa rin nila ang K-12 bilang aksaya sa oras, panahon, pera at sabi pa ng iba sapat na daw ang sampung taon na batayan sa edukasyon Ayon kay ANAKBAYAN UP LOS BANOS (2012). Nakakukuha pa rin ng mataas na marka ang mga bansa na may 10 taon na batayang edukasyon, ang K-12 din daw ay disenyo upang mapagsilbihan ang mga dayuhang namumuhunan sa bansa at hinihikayat nito ang mga kabataan na mangibang bansa imbis na maglingkod sa sariling bayan. Ayon din dito na kulang ang DepEd sa preparasyon sa pagpatutupad nito. Sabi nila pagkatapos mo raw sa Grade 12 ay maaari ka ng makapagtrabaho ngunit sa panahon ngayon ay hindi din ganon kadali makapasok sa isang trabaho. Mas maganda pa rin kung tayo ay makapagtatapos ng kolehiyo para mas madaling makapag aplay sa trabaho at masasabing isa na tayong propesyonal. Iniisip din ng ibang mga magaaral ngayon na okay lang na hindi na mag kolehiyo dahil maaari na silang magtrabaho pagkatapos ng Grade 12, dahil sa programang ito ay maaaring mabawasan ang mga mag-aaral sa kolehiyo dahil mas gugustuhin na lang ng iba na makapagtrabaho agad kaysa mag-aaral pa ng ng apat na taon pa para sa kolehiyo nila.
Pero para sa akin, mabuti parin ang pag-papatupad nito sa kabila ng mga batikos o mga negatibong opinyon ng bawat isa. Makikita natin na sino man ang magtatapos ng K-12 kurikulum ay may mas kakayahang makisalamuha sa iba't-ibang parte ng mundo. Sa pamamagitan din ng K-12 kurikulum mas nadadagdagan ang kaalaman at nagiging responsable ang mga mamamayan
Bilang wakas, umaasa ako na gawin sana ng mga nasa itaas o may mga kapangyarihang mga sektor ang kanilang parte para maging mabisa o epektibo ang pag papatupad ng K-12 kurikulum. Ngayong napatupad na ito, masasabi ko na maayos ang naging takbo nito at nararamdaman at nakikita ko ang magagandang dulot nito. Kaya samahan mo ako, mag sama sama tayo,wag nang mag-atubili o mag alinlangan suportahan natin ang K-12 kurikulum para sa ikakaunlad ng bawat isa.
-Crizellemay Gahol
0 notes
guidesortiz-blog · 6 years
Text
"Bakasyon"
Pagpanahon ng tag-init maraming maraming naiinis sa sobrang init pero sa mga estudyanteng katulad ko isa ito sa mga masasayang panahon sa buhay ko. Walang iisping takdang aralin, exams, report at isa pa hindi kailangang gumising ng maaga.Ito ang panahon kung kailan nakapagbabakasyon ang mga mag-aaral na tulad ko. Maaaring ang bakasyon ay ang pagpunta sa probinsya ng mag-anak, pamamasyal sa mga amusement centers o tourist spots, o ‘di kaya’y pagpapahinga lamang sa bahay.
Tuwing sasapit ang bakasyon eto yung mga araw na masaya ako kase umuwe kame sa aming probinsya kung saan nakikita ko yung mga tito at tita ko mga pinsan tsaka lolo at lola ko , tapos lahat ng mga kamag anak ko ay nakikita ko . At pag nauwe kaming bicol lage kong gustong makita yung bulkan , para bang pag nakikita ko yung bulkan nalilimutan ko yung mga problema ko .Sa probinsya may mga bagay kang matutunan oh mararanasan na wala sa lungsod , tulad ng mag tanim ng palay , tsaka mag ani ng palay , at uminom ng tubid galing sa balon , sumakay sa kalabaw , mangaso at pupunta kayong bundok para manguha ng mga gulay.
Sa probinsya masarap tumira kase tahimik , malayo sa magulong lungsod malayo sa mausok na kalsada , at malayo sa kabihasnan.
-Edizon Aycardo
Tumblr media
0 notes
guidesortiz-blog · 6 years
Text
"Pamilya"
Marami sa atin ang nag hahangad ng maganda, maayos at buong pamilya. Pero ako? Sapat na sa akin ang hindi buong pamilya pero sapat yung pag mamahal na naibibigay. Ano nga ba ang pamilya para sa atin? Para sa akin? Ang pamilya ang nandiyan sa hirap at ginhawa. Masaya man o malungkot hindi ka iiwanan. Mapagkakatiwalaan sa lahat. Aaminin ko hindi buo ang pamilya ko. Pero masasabi ko sa inyong masaya ako. Masaya ako kung anong meron ako ngayon. Masaya ako dahil sa pagmamahal nila. Ikaw ba? Masaya ka ba sa pamilyang kinabibilangan mo?
Alam nating lahat na mahirap ang hindi buo ang pamilya. Pero yung hirap na kinahaharap namin mapapalitan ng saya dahil magkakakahawak ang kamay namin habang nilalampasan ang lahat. Minsan man ay hindi magkaintindihan. Minsan man ay magulo. Madalas man magkaroon ng problema, ayos lang. Kaya naming lampasan yan dahil isa kaming matatag at masayang pamilya. Ang pamilya ko ang nagbigay kulay sa buhay ko. Sila ang dahilan kung bakit ko nakakayanang ngumiti. Sila ang dahilan kung bakit ako bumabangon sa araw araw. Hindi ko kayang wala sila. Dahil unang una sila ang dahilan kung bakit nandito pa ako ngayon sa kinatatayuan ko. Laking pasalamat ko sa mahal na panginoon dahil sila ang ibinigay sa akin. Sila ang naging pamilya ko. At kaya kong ipagsigawan sa buong mundo na masaya ako dahil sa pagmamahal na ibinibigay ng pamilya ko. Maswerte ako dahil napalaki nila akong maayos. Mahirap man pero alam ko sa sarili ko na naging maayos ang pagpapalaki nila sa akin. Kaya sobra akong nagpapasalamat sa pamilyang kinabibilangan ko
Hindi man buo yung pamilya ko pero para sa akin buong buo kami, dahil ang pagmamahal ang bumubuo sa amin. Ang panginoon ang ginawa naming sentro kaya nalampasan namin ang lahat ng problemang dumating sa aming buhay. Ang panginoon ang dahilan kaya kami masaya. Kaya para sayo mahal na panginoon, maraming maraming salamat po sa lahat. Maraming salamat dahil minamahal mo kami ng lubos. Maraming salamat dahil binigyan mo ako ng lakas ng loob upang malampasan ang lahat, dahil para sa akin kaya kong gawin ang lahat para sa pamilya ko dahil sila ang buhay ko.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
-Crizellemay Pelegrina Gahol
0 notes
guidesortiz-blog · 6 years
Text
"Reunion"
Ano nga ba ang pinakamasayang araw ko?
Reunion ang sa pinakamasayang araw ko dahil Isang beses sa isang taon,kung mangyari. Kaya naman dapat talagang hindi ko ito malilimutan o ang pinakamasaya sa akin dahil sama-sama kame mag papapamilya at Salo-salo sa Handang hinaihin nang Buong Pamliya, Masaya ako dahil Makikita ko ulet ang aking mga Kamag-anak at mga Pinsan na isang taong mo lang makita.
Masaya kame dahil nagkita kita kame ulet Sama sama at Masaya kwentuhan kahit Ilang araw lang sila dito . Masaya kami kahit hindi gaano karami ang Handa o Masasarap man na Handa basta Buo kame mag papamilya wala nang Sasarap pa sa pagkain habang kasama mo lahat ng kamag anak mo na nag mamahal sayo.
Isang maganda at masayang memorya iyon para sakin at para sa pamilya ko. Dahil wala ng masasaya pa kapag kumpleto ang pamilya.Hindi man ito araw-araw nangyayari, isa ito sa masasabi kong pinakasamayng pangyayari sa buhay ko.
Tumblr media
-Joey Cereza
0 notes
guidesortiz-blog · 6 years
Text
"Ang Aking Ika-18 Kaarawan"
  Masarap sa pakiramdam ang pagdating ng kaarawan. Pero may mga tao ring ayaw dumating ang kanilang kaarawan. Bakit? dahil siguro iniisip nila natumatanda na,papanget,manghihina o kung anu-ano pang mga negatibong dahilan.Kaya kung mapapansin natin may mga taong pagtinatanong ang kanilang edad eh nahihiya o binabawasan ng 5 o 10taon ang tunay nilang edad. Pero bakit nga ba ang ika-18 ang napili kong napakasayang araw sa aking buhay?Dahil kung tutuusin dapat ipagmalaki natin ang ating edad, dahil jan makikita na mahal tayo ng Diyos at maswerte tayo at binigyan tayo ng ilang taon upang mabuhay dito sa lupa. Ang pagkakaedad ay tanda ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Kung wala Siya, hindi tayo mabubuhay dito sa daigdig.Kaya nagpapasalamat ako sa patuloy niyang pagabay at pagpapala sa akin at umabot ako ng labing walong taon.
Ang ika-18 kong kaarawan ay pinakamasayang araw para sa akin ngayong taon,hindi lamang dahil sa paraan ng pagdiriwang at mga pagbati ng mga mahal ko sa buhay.Kundi mas nararamdaman ko na mahal ako ng Diyos dahil hindi ko inaasahang ganun ang mangyayari. Sa pamamagitan ng aking mga magulang nagumawa talaga ng paraan upang mabigyan ako ng maganda at masayang kaarawan. Kahit simple lang ang pamumuhay namin naranasan kong ipagdiriwang ang aking kaarawan sa isang "Chinese Restaurant" na minsan lang mangyayari sa buhay ko.May konting kaba akong nararamdaman nung araw na yun dahil sa wakas isa na akong ganap na dalaga madaming mga bagay-bagay ang tumatakbo sa aking isipan. Katulad na lang kung paano ako magiging mas responsable sa mga gawain at desisyon na aking gagawin. At dahil sa dalaga na ako madami pa akong madediskubre o matututunan sa buhay. At dapat maging handa ako sa ano mang mga pagsubok ang dumating dapat maging malakas ako sa pagharap nito. Ang araw na iyon ay hinding-hindi ko makakalimutan at nagpapasalamat ako sa lahat ng taong pumunta upang masaksihan ang isa sa mga mahahalagang araw sa aking buhay lalong-lalo na sa aking mga magulang na siyang dahilan ng lahat dahil sa walang sawa na pagsuporta at pagmamahal nila sa akin. At sempre sa Diyos na ginawang possible lahat ng mga bagay na iniisip ko ay imposible maraming salamat po.
At sa wakas nitong pagbabahagi ko ng pinakamasayang araw sa aking buhay gusto ko lang sabihin na hindi dapat ikahiya ang edad at ang kaarawan ay hindi dapat binabalewala. Hindi naman kailangang bongga ang celebrasyon kundi ang mahalaga ay magpasalamat tayo sa Diyos sa pagdaragdag ng edad sa atin at mas papahalagahan natin ang hiwaga at ganda ng buhay…Araw-araw ay bagong pagkakataon upang gawing may kabuluhan ang buhay natin. Huwag natin sayangin ang buhay na binigay ng Diyos sa atin.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
-Pauline Guides Ortiz
0 notes
guidesortiz-blog · 6 years
Text
"Kaarawan"
May 07, 2008 ng ako ay magpitong taong gulang dahil kumpleto pa kami noon buong pamilya.Maraming tao ang nagmamahal sa akin na naandon at dumalo,marami din pagkain at mga laro na pinagkatuwaan naming lahat. Ngunir kahit madaming tao mas masaya parin ako na andoon ang buong pamilya ko.
Buong pamilya kami nagkakakasayahan non. Nagkakainan,nagsasayawan,nagkakantahan at nagtatawanan.Bawat oras ay aming sinusulit.Dahil gusto nilang matapos ang kaarawan ko ng maayos at masaya.Natapos ang kaarawan ko noon ng puno ako ng saya dahil maraming tao ang na andoon at nakikisaya sa amin.
Ngayon wala na ang aking ama,ngunit mananatili parin sa akin ang mga ala-ala ng kasama siya at buo pa ang aming pamilya.Ngayon masaya padin naman kaki kahit wala na siya dahil tanggap na namin dahil iyon ay 6 na taon ng nakalipas nang siya ay mawala.
-Trisha May M. Moldez
0 notes