Tumgik
gwydvlyn · 3 years
Text
03092021 ##
Kapag sinabihan ako ng "happiest birthday" sa aking kaarawan, kahit malungkot ako, gagawin kong maging masaya. Baka ito na ang huli at kapag nangyari iyon, hindi mo na maririnig muli. Gawing masaya ang pagdadagbilang patungo sa katapusan. Marahil ito na ang huli, kahit hindi pa, darating din siya.
xxx
0 notes
gwydvlyn · 3 years
Text
22082021//
Siguro matagal na akong naghihintay, sa pagdating mo ay nawala na pananabik. Ka'y tagal nang panahong lumipas, sumabay sa pag-agos, nakarating na rin sa paroroonan ngunit hindi sapat. Hindi na rin matutumbasan ang nawalang pasensya at pagpapahalaga. Dumating na tayo dito. Dito na matatapos.
xxx
0 notes
gwydvlyn · 3 years
Text
25072021##
Sa simula ay namulat sa pagtanggap
Lumiwanag ang madilim na hinaharap
Bawat sadali, paglimot sa bawat hirap
Maaabot ang ninanais na pangarap.
Pagkalipas ng panahon ay pagtalikod
Hudyat nang madaliang pagbukod
Pagsasawalang bahala, biglang natalisod
Pag-angat, pagtitiwala, naubos sa anod.
Hindi naging balakid ang panahon
Sadyang patapos na ang araw, dapit hapon
Pagyakap sa pag-asang makaahon
Naudlot, magtatago at muling sasarhan ang kahon.
Hindi pa handa, hindi pa sapat, hindi naaayon
Sa siyudad ng sarili hahanapin ang nayon
Pagbalik sa nakasanayang adiksyon
Kalayaan para sa sarili ang imbitasyon.
xxx
0 notes
gwydvlyn · 3 years
Text
16082021##
Sa una pa lang ay nag-alangan, sa katagalan ay napamahal at sa huli ay iiwan. Hindi pa handa. Hindi pa. Tama na. Naghahanap ng kasaangga sapagkat matagal ng mag-isa. Hangarin ay kapayapaan at kasiyahan. Hindi na muli. Huling sandali. Pag-ibig ay isang salita, hindi nararamdaman.
xxx
0 notes
gwydvlyn · 3 years
Text
10042021##
Sa alinsangan ng panahon, isang bote lang ng beer ang katapat. Sa bawat pag-lagok, pag-iisa ay naiibsan. Pagbuga ng usok ng sigarilyo, pagod ay nalilimutan.
xxx
0 notes
gwydvlyn · 3 years
Text
10042021//
Kawalan ng pag-asa sa bayan
Dugo't luha patungo sa kawalan
Pagsama sa agos ng kamatayan
Impiyerno at langit ay hindi papatunguhan
xxx
1 note · View note