Tumgik
jeyembwi · 2 years
Text
Tumblr media
LOVE ME THE SAME
9 notes · View notes
jeyembwi · 2 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
559K notes · View notes
jeyembwi · 2 years
Text
KABANATA 3: Ang Bughaw
Kalmado ang malungkot na kalangitan
Ang alon na malamig na simoy ng hangin ang kasabayan
Pag-iisang hatid ay payapang isipan
Baka sakali, mahanap ang katapangan
Handa na ngang simulan
Pananangis ay wawakasan
Ipababatid gamit ang mga markang iiwan
Damputin ang mga piraso nang madalian
Bago tuluyang palitan
Bago tuluyang lumisan
Bago pa man ‘to talikdan
Bago pa makalimutan
1 note · View note
jeyembwi · 2 years
Text
KABANATA 2: Ang Gabi
Ika-3 ng Oktubre
Hindi ko alam kung tama bang minahal ko ang gabi kasama ang buwan, ang mga bituin, at ang mismong kadiliman sa pagsapit nito.
Hindi ko alam kung bakit nakalimutan ko na matatapos ang gabi.
Hindi ko alam kung bakit nakalimutan ko na babalik nga pala ang araw.
Sasapit ang araw hatid ang liwanag nang hindi mabakas ang pagdaan ng gabi.
Hanggang sa muling pagsilip ng buwan bitbit ang mga bituing magniningning sa dilim,
A
1 note · View note
jeyembwi · 2 years
Text
KABANATA 1: Ang Nasa Pagitan
Isang walang hanggang paglalakad sa pagitan ng dilim at liwanag. Ganito ang pakiramdam ng aking araw-araw na pamumuhay bilang isang anak, bilang isang kaibigan, bilang isang pangkaraniwang tao. Paulit-ulit. Nakasasawa. Nakayayamot. Pero bakit parang hindi pa ako handang kumawala mula sa siklong ito?
Tanging ang mga salit-salitang buntong-hininga ang bumabalot sa loob ng sasakyan. Laman nito ang pagod at dismaya ng mga tao mula sa trabaho, sa paaralan, at sa iba pang personal na bagay na sadyang nakakaubos. Hanggang sa ako’y makahiga sa kama, buntong hininga lamang ang kayang pakawalan. Nakakulong muli sa maliit na espasyong pinamamahayan ng iba’t-ibang uri ng kadiliman. Maaaring lamunin ako ng munting espasyong ito bago ko pa man masilayan ang liwanag mula sa lagusan.
1 note · View note
jeyembwi · 2 years
Text
PAUNANG SALITA
Ang kalawakan ay malawak. Malamig at madilim ang buhay sa malawak na kalawakan. Ikaw ang malawak, malamig, at madilim na kalawakan na siyang nilulunod ang sarili sa poot, galit, at kalungkutan. Isang bituing-alpas ang pinakawalan ng kalawakan patungo sa daigdig. Ito ang paraan ng kalawakan upang makalaya mula sa tanikala ng kahapon—isang malaking kahibangan!
0 notes
jeyembwi · 2 years
Text
PAG-AALAY
Ito ay aking inilalalaan para sa mga napapagod nang mapagod.
0 notes
jeyembwi · 2 years
Text
M O N O T O N I A
ni Johnmark Villanueva
Talaan ng Nilalaman
00 PAG-AALAY
01 PAUNANG SALITA
02 KABANATA 1: Ang Nasa Pagitan
03 KABANATA 2: Ang Gabi
04 KABANATA 3: Ang Bughaw
4 notes · View notes
jeyembwi · 2 years
Text
Pelikula at Pag-ibig
Tumblr media
Written by Johnmark Villanueva
Illustrated by Mary Averilla
This piece was originally written for Kino Punch, a film magazine.
Naniniwala ako na ang pelikula at pag-ibig ay may mga hindi maikakatwang pagkakatulad. Kung paanong nagmula ang matitingkad na kulay sa noo'y tila sepya at monokromatikong pamumuhay, kung paanong unti-unting tinatanggap ng masa ang iba't ibang anyo nito, at sa kung paanong ang pananaw ng karamihan ay siyang bumubuo sa sari-sariling mga kwento. Madalas nating maisip kung tayo pa ba ang bida sa kwentong kinabibilangan naitn, kung unti-unti na ba tayong nagiging kontrabida o baka naman tayo pala ay ekstra lang sa kwento ng iba.
Pero bakit nga ba halos lahat sa atin ay laging gustong maging bida? Dito pa lamang ay masasabi na nating malaki talaga ang impluwensiya ng pag-ibig sa paggawa ng pelikula at gayundin naman ang impluwensiya ng pelikula sa pag-ibig. Karamihan sa mga pelikula ay hinabi at ginawa bunga ng pag-ibig. Karamihan sa atin ay natutuhan ang kahulugan ng iba't ibang klase ng pag-ibig mula sa mga pelikula, kaya madalas nating isipin noon na palaging may "happy ending" na paparating hangga't hindi pa humahantong sa end credits ang buhay natin.
Isang malaking kahibangan na minsan nating naisip na ang buhay, pag-ibig at pelikula ay hindi hahantong sa katapusan nito. Nakakaloka ring isipin kung paanong niloloko natin ang ating mga sarili kung alin ang realidad at pantasya lamang. Nakatatawa kung paanong pinaniwala tayo na malalaman nating pag-ibig ang nararamdaman kung ang paligid ay nagkakaroon ng slow motion effect at may cue uupang tumugtog ang background music kapag nakikita natin ang isang tao. Ang lahat ng ito ay normal lamang. Ngunit sobrang bihira na makakita ng parehong elemento mula sa isang pelikula o pag-ibig sa iba pang pelikula at pag-ibig. Lahat ay may kanya-kanyang pinagdaanan upang makarating sa kanilang kinahantungan. Hindi mo pwedeng ikulong ang pag-ibig at pelikula sa iisang hugis lamang.
Bagama't hindi lahat ng pelikula at pag-ibig ay mananatili at tatatak sa ating puso at isipan, hindi naman natin makalilimutan ang pakiramdam na minsan nating masaksihan ang mga bagay na ito. Gaya ng first love, may pelikula na hindi natin kayang burahin nang basta-basta sa alaala natin na tila ba sobrang sariwa pa rin sa pakiramdam sa tuwing babalikan. Nakararamdam din tayo ng pagsasawa sa pelikula gaya ng sa pag-ibig at doon tayo magsisimulang kuwestiyunin ang sarili kung nagustuhan ba talaga natin ang bagay na iyon o pansamantalang aliw lang talaga dahil habang tumatagal ang pag-analisa sa mga bagay-bagay ay unti-unti nang magbabago ang pagtingin natin sa kanila.
Pareho nating ipinagdarasal sa kawalan na sana ay maging maganda at maging sulit ang lahat ng ginagasta nating pera at enerhiya sa pelikula at pag-ibig. Bakit nga ba hindi natin kayang tanggapin ang pagiging mapait at hilaw nito na maaaring parte pala talaga sila pareho ng ating pagkatuto sa ating buhay para ihanda tayo sa mga paparating na mas magagandang mga bagay?
Kasabay ng pagkatuto nating gumawa ng pelikula dahil sa pag-ibig ay natutuhan din nating mahalin ang kagandahan at kapintasan ng pelikula na itinuturing nating repleksiyon ng sarili. Kasabay ng paghinog ng pag-ibig ay ang paghinog ng pelikula at ng mga hilaw na istoryang kaya nitong i-kwento. Maaaring sa mabagal na paraan dumadaloy ang kwento, maaari rin namang sa isang kisapmata ay matapos agad ito. Parehong may mga kamalian at kakulangan na mapupuna at kailangang punan. Higit sa laht, ang pelikula at pag-ibig ay may mensaheng inihahatid tungkol sa lipunan sa kani-kanilang mahiwagang paraan.
ABOUT THE AUTHOR
Si Johnmark Villanueva ay isang mag-aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas Pamantasang Bukas. Siya rin ay isang miyembro ng UP Cinema at ng The UP Repertory Company, kung saan nahubog ang kanyang malikhaing kakayahan at kung saan niya natutunan ang paglikha ng sining na mula sa masa, tungo sa masa. Halos lahat ng kanyang likha ay matatagpuang nakaimbak sa Tumblr. Nais niyang tumatak sa isip ng mga tao bilang isang kaibigan, aktibista, at maarte na laging bukas sa lahat ng uri ng pagpupuna.
4 notes · View notes
jeyembwi · 2 years
Text
instagram
0 notes
jeyembwi · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Matabungkay (June 2021)
Post-processed by yours truly
Visit behance.net/johnmarkvillanueva for more
7 notes · View notes
jeyembwi · 3 years
Text
instagram
0 notes
jeyembwi · 3 years
Text
instagram
0 notes
jeyembwi · 3 years
Text
instagram
0 notes
jeyembwi · 3 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
jeyembwi · 4 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Did something today. That’s on hashtag quickie lol
5 notes · View notes
jeyembwi · 4 years
Text
I did it.
5 notes · View notes