Tumgik
livetogive13 · 3 years
Text
Pagtutulungan ang mangunguna sa panahon ng Pandemiya
Tumblr media
Ang pagtulong sa kapwa ay isang mahalagang konsepto at kulturang pilipino. Sabi nga nila na ang pagtulong ay "kawang gawa" at naniniwala ako na ang tunay na pagtulong ay hindi naghahangad ng kapalit, Ito'y dapat manggaling sa puso.
Masarap sa pakiramdam kapag ikaw ay nakakatulong sa kapwa, mas lalo na sa mga taong malapit sa buhay mo gaya ng pamilya, kaibigan at mga taong nakapaligid sayo. Lalo na rin ngayong may problema tayong kinakaharap. Marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho at lalong naghirap dahil nawalan ng pangkabuhuyan. Katulad nalamang ng aking ininterview noong Abril 30, 2021.
Siya ay mahilig tumulong at walang pinipiling oras sa pagtulong kahit na nawalan ng trabaho ang kaniyang asawa. Araw-araw din siyang nagbibigay ng donasyon sa community pantry dito sa simabahan namin.
Siya ay ang aking nanay na si Josephine Destua. Tinanong ko siya ng ilang mga katanungan. Ang unang tanong ay “Bakit nyo ito ginagawa?” at ang kaniyang kasagutan ay “Ginagawa ko ito para makatulong sa iba na ngangailangan lalo na ngayong pandemic”.
 Alam kong common na itong tanong na ito pero marami tayong dahilan kung bakit natin gustong tumulong at isa na nga ang kaniyang kasagutan. Yung iba kasi ay gustong tumulong para sa kasikatan at hindi bukal sa kalooban nila. Siya naman ay gustong tulong dahil marami ang nangangailangan at talagang totoo ito dahil marami ang nangangailangan nagyong may pandemic, hindi man siya mayaman ay kaya niyang tumulong sa abot ng kaniyang makakaya.
Ang pangalawang tanong naman ay “Anong benepisyo ang nakukuha mo sa pagtulong mo?” at ang kasagutan niya ay “Siguro ang makukuha kong benipisyo sa pag tulong ay ang matuturo ko sa mga anak ko at maipakita ko sa kanila na  kailangan din nila ang tumulong maliit man o malaki basta bukal sa kalooban ay magiging masaya ka.” 
Napakagandang kasagutan. Dahil makikita mo sa kaniya na gusto nyang maging isang mabuting ehemplo sa kaniyang mga anak. Lumaki kasi siya na walang mga magulang, kaya bumabawi siya sa mga anak niya para maging isang mabuting ehemplo para sa kanila. Dahil kung ikaw ay mabuting ehemplo sa iyong mga anak ay gagayahin na nila at tutulong rin sila ng bukal sa kanilang kalooban.
Ang pangatlong tanong ay Ano nag nararamdaman mo kapag ginagawa mo ang pagtulong? At ang kasagutan niya ay “Masaya dahil sa pakiramdam kong nakakatulong ka sa kapwa lalo kong makita mo silang masaya sa tulong mo.” Lahat naman tayo ay magiging masaya tuwing tayo ay tumutulong sa mga nangangailangan. Lalo na kung makita mo silang masaya dahil sa itinulong mo sa kanila.
 Walang kapalit ang kasiyahan na iyon na nakapagbigay ngiti sa ibang tao. Dahil kung ang pagtulong mo ay bukal sa iyong damdamin ay kahit gaano pa mahal o karami ang iyong itinulong ay hindi ka na maghahanap ng kapalit basta makita mo lang silang masaya ay parang binayaran ka na rin sa lahat ng iyong mga binigay.
 Ang pang-apat na katanungan ko sa kaniya ay “Bakit mas importante pa rin ang pagtulong sa iyong kapwa kahit na nawalan ng trabaho ang iyong asawa?” at ang kaniyang kasagutan ay “Dahil alam ko kong pano dumanas ng walang wala ka talaga kaya kahit wala akong masyadong pera ay magbibigay pa rin ako kahit kaunti.”  Napakagandang kasagutan. Yan ang mga Pilipino, kahit na walang-wala na ay basta’t may pagkakataong tumulong sa mga nangangailangan ay tutulong pa rin. 
Bagay dito ay kasabihan na “Isusubo ko nalang ay ibibigay ko pa sa iyo”. Dahil alam nya raw ang walang-wala sa buhay, siguro ay naisip niya ang mga tumulong sa kaniya noong walang-wala pa siya at ito ang kaniyang pinaghugutan sa kaniyang pagtulong sa mga nangangailangan.
Ang huli kong katanungan para sa kaniya ay “Ano ang iyong natutunan mo sa iyong pagtulong?” ang kaniyang kasagutan ay “Ang Natutunan ko sa pag bibigay o pagtulong  sa kapwa ay natuto akong umunawa sa mga taong mas higit na nangangailangan kaysa sa akin.”  Lahat naman tayo ay may natututunan sa bawat pagtulong natin at is ana ang kaniyang kasagutan. Sa pagtulong kasi ay parang nagiging isa ang iyong puso sa mga tinutulungan mo at mauunawan at mararamdaman mo ang kanilang mga pinagdadaanan sa buhay. Mapapa-isip ka na paano kung ako ang na sa kalagayan niya. Ano kaya ang aking gagawin? Kaya sa pagtulong mo na ito ay may matutunan ka talaga.
1 note · View note