lupangaraw-blog
3 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
Photo








Real Coast and Surf dinarayo ng mga turista REAL, Quezon - Naghahanap ka ba ng beach na malapit sa Metro Manila at puwedeng puntahan sa weekend? Tumungo sa lalawigan ng Quezon, at i-enjoy ang maalong tubig at maaliwalas na kapaligiran sa bayan ng Real. Sa Real Coast & Surf, na may campsite at hotel, maaaring matuto mag-surf sa halagang PHP500 kada oras (kasama na ang board rental). Angkop ang lugar para sa mga beginner dahil umaabot lang ng dalawa hanggang apat na talampakan ang taas ng alon dito. Puwede ring manghiram ng skim at surfboards ang mga bihasa na sa surfing. Maaaring magtayo ng tent ang mga bakasyonista sa resort o kaya nama'y umupa ng cabana malapit sa beach. Puwede ring magbook ng hotel o family room o alinmang silid sa dorm-type accomodation. Sa The Pavilion inihahain ang mga agahan, tanghalian at hapunan. Samantalang may mga miryenda naman sa Food Shack. Dito maaaring umorder ng fish and chips, calamares, chicken and waffles at chili fries habang nagpapahinga sa makukulay na beanbags na nakapaligid sa mga mababang mesa na hugis hexagon. Maaaring magpa-bonfire sa gabi at may outdoor movie nights naman tuwing Linggo. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang kanilang website. http://www.realcoastandsurf.com/
Surfers, campers flock to Real Coast and Surf REAL, Quezon - Looking for a beach destination near Metro Manila to visit over the weekend? Try Quezon province where the waters off Real town are great for surfing - even for beginners - and just bumming out under the sun. At the Real Coast & Surf, which has both a campsite and hotel, surfing lessons are available at PHP500 per hour inclusive of board rental. The place is ideal for beginners as waves range two to four feet high. Skimboards and surfoards can be rented also be rented exclusive of lessons. Visitors can pitch their tent at the campsite during their day trip or overnight or they can rent any of the cabanas by the shore. Also available for booking are hotel rooms near the resort's pool as well as dorm and family rooms. Meals are served at The Pavilion and at the Food Shack nearer the beach. Visitors can enjoy fish and chips, calamares, chicken and waffles and chili fries while relaxing at the Shack, which is filled with colorful bean bags and low hexagonal tables. A bonfire can be lit up upon request while outdoor movie nights are available by the beach on Sundays. For more information, visit http://www.realcoastandsurf.com/.
(photos were taken at Real Coast & Surf’s Facebook page | credits to the owners)
#quezonprovince#quezon#realcoastandsurf#surf#camping#realquezon#gimmick#galaan#pilipinas#philippines#travel#beach
0 notes
Photo






Mag-chill kasama ang alagang aso sa Dog House Cafe GUIGUINTO, Bulacan - Ang tao ay pangalawa lamang sa listahan ng mga prayoridad sa pinakamalaking dog cafe sa hilaga ng Metro Manila. Matatagpuan sa Dog House Cafe ng Barking Mad sa Bulacan ang lahat ng kailangan ng mga alagang aso at mga mamay-ari nito, mula sa pagkain hanggang sa matutuluyan at dog training. Sa bandang likuran ng pasilidad naroon ang mismong cafe na naghahain ng mga waffle, pasta at sandwich, pati na rin ang iba't ibang juice, smoothie tsaa at kape. May mahihiram na board games habang kumakain sa cafe. May dog hotel din dito na may makukulay na partisyon kung saan maaaring iwanan muna ang alagang aso kung magbabakasyon o may lakad sa labas ang may-ari at kailangan muna iwasan ang alaga. Maaari namang matuto ng mga trick o stunt ang mga aso sa pamamagitan ng dog school ng cafe. Maaaring matuto ng hanggang siyam na tricks ang aso kung ie-enroll sa apat na linggong training. Ang Dog House Cafe ay matatagpuan sa 363 Sta Cruz sa bayan ng Guiguinto, sa kahabaan ng McArthur Highway. Bukas ito araw-araw mula 10 ng umaga hanggang alas-9 ng gabi. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.doghousecafe.com.ph/ o https://www.facebook.com/DogHouseCafePH/
Dogs, pet owners get pampered at Bulacan's Dog House Cafe GUIGUINTO, Bulacan - Humans rank second in the list of priorities at the biggest dog cafe north of Manila - the Dog House Cafe by Barking Mad in Bulacan. It has everything that pet dogs and their best friend owners need - from food to lodging to training programs. The cafe, which is located the rear part of the hotel, offers light meals such as waffles, pasta and sandwiches, as well as juices, smoothies, teas and frappes. The facility has board games they can borrow while at the cafe. The facility also has a dog hotel with multi-colored houses with compartments where fur babies can stay while their fur parents spend some "me time" or catch up with family and friends. Dog owners can also bring their pets at the cafe's dog school so they can learn various tricks. Pets can learn as many as nine tricks under the longest program, which runs for 28 days. Dog House Cafe is located at 363 Sta Cruz, Guiguinto town along McArthur Highway. It is open daily from 10am to 9pm. All services are on a first-come, first-served basis. For more information, visit https://www.doghousecafe.com.ph/ or https://www.facebook.com/DogHouseCafePH/
(photos were taken at Dog House Café’s Facebook page | credit to the owners)
0 notes
Photo


Private garden na malapit sa Taal Lake may kawa bath TAGAYTAY CITY - Hindi na kailangang bumiyahe pa sa Visayas upang makaranas ng kawa hot bath dahil mayroon na nito sa La VeryOl's Mountain View Garden, Tagaytay City. Kumpara sa mas sikat na kawa bath sa isang riverside resort sa Antique, Taal Volcano naman ang nagsisilbing backdrop ng La VeryOl's. Maaaring maglublob sa kawa ng 45 minuto o kunin ang package kung saan maaaring piliin ang mag-milk bath sa kawa kasama na may espesya na sabon, facial collagen mask at full body massage. Lubusin ang pamamahinga sa pamamagitan ng pagtulog sa glamping tent. Mayroon din mga kubo na puwedeng upahan. Kung maganda ang panahon, puwede ring mag-bonfire o outdoor moving screening sa venue. May mga banig din na pinapahiram sa mga nais mag-star gazing o manuod sa pagsikat ng araw. Naghahain ng almusal, tanghalian at hapunan ang in-house restaurant na Yolanda's Cafe. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.facebook.com/laveryols/.
Private garden near Taal Lake offers kawa bath TAGAYTAY CITY - Go for a kawa hot bath just a few hours away from Manila at La VeryOl's Mountain View Garden in Tagaytay City. Compared to the more popular kawa bath in a riverside resort in Tibiao, Antique, La VeryOl's facilities has Taal Volcano as a backdrop. Daytime and overnight visitors can take a basic soak that lasts for 45 minutes or enjoy a whole package that includes an option to have a milk bath with bath bombs or soap, facial collagen mask and full body massage. Get fully rejuvenated after a soak and massage by taking a nap or sleeping inside any of glamping tents at the site. Huts are also available for rent. La VeryOl's can also arrange bonfire lighting and outdoor movie screening upon request and if weather permits. The venue lends mats for visitors who want to spend the night star gazing or want to greet the new day by watching the sunrise. The in-house Yolanda’s Café serves breakfast, lunch and dinner. For more information and reservations, visit https://www.facebook.com/laveryols/.
(photos were taken at La VeryOl's Facebook page | credit to the owners)
0 notes