Tumgik
nozomiide · 5 years
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Saan nga ba matatagpuan ang isa sa pinakamasarap at may kakaibang lasa na longganisa? Halina na mga kapuso at kapamilya at ating alamin kung saan nga ba. Tara na at puntahan ang parteng Norte at ating tikman ang Longganisang Vigan. Ang Vigan City ay isang lungsod sa lalawigan ng Ilocos Sur, Pilipinas. Isa ito sa mga  magagandang lugar sa ating bansa na malimit pasyalan ng mga turista pati na rin ng mga lokal. Ipinagmamalaki rin ng Vigan City ang kanilang mga produktong pagkain na kakaiba tulad ng Vigan Longganisa, Empanada, Paella at marami pang iba. Ngayon po ay ibabahagi ko sa inyo ang kakaibang Longganisa ng Vigan. Sana po ay magustuhan ninyo at may matutunan po kayo dito.
0 notes
nozomiide · 5 years
Text
Tumblr media Tumblr media
Ang Vigan Longganisa ay isa sa mga pangunahing produkto ng Vigan. Isa itong  maliit ngunit matabang native sausage. Ito ay puno ng bawang at medyo may kulay. Maari itong kainin anumang oras at  pwede rin itong ipalaman sa tinapay. Tradisyunal itong kinakain tuwing almusal kasama ng mainit na sinangag at nilagang itlog. Sinasabing mas manunuot ang sarap nito kapag isinawsaw sa sukang iloko na binudburan ng sili, bawang at sibuyas. Kakaiba ito sa mga ibang Longganisa tulad ng Pampanga’s best longganisa at iba pang longganisa sa bansa. 
Alam ninyo ba na ang Vigan Longganisa ay sinasabing hango sa Mexican Salami. Ang tradisyon sa paggawa ng longganisang ito ay nagsimula pa noong panahon ng Spanish Galleon Trade. Natatangi ang Vigan longganisa sa ibang longganisa sa Pilipinas sapagkat ginagamitan ito ng suka’t bawang ng Vigan na kung saan ay isa ring produktong  maipagmamaaki ng Vigan. Naging paborito itong ulam sa anumang okasyon mula pa noong panahon ng mga Kastila. 
0 notes
nozomiide · 5 years
Text
Tumblr media
Ang sabi nila, mahirap gayahin ang Vigan Longganisa. Mahirap nga bang talaga??? Huwag na kayong mabahala, dahil ang aking blog na ginawa  para sa inyo ay may kalakip na sorpresang recipe. Tara na at panoorin ang pag gawa ng kakaibang Vigan Longganisa!
Oras ng paghanda : 6 na oras
Oras ng pagluto : 30 minuto
Totalidad ng oras na makokonsumo : 6 na oras at 30 minuto
Ang gumawa: Manny (isang Bigueño)
Uri ng Recipe: Pork Recipe
Serves : 4 to 8 servings
Mga Sangkap:
1 kilo ng ground pork pigue o hamon
¼ baso ng bawang na dinurog durog
1 kutsaritang sibuyas na hiniwa sa maliliit na piraso
2½ kutsaritang asin
1 kutsaritang pamintang durog
⅓ na baso ng toyo
2¼ kutsaritang suka (sukang Iloko o cane vinegar)
2 yarda ng sausage casing
½ basong tubig
2 kutsaritang cooking oil
Panuto :
1. Sa isang malaking bowl, ipaghalo halo ang unang pitong sangkap na nabanggit hanggang sa tuluyang mahalo ng mabuti.
2. Ilagay ang nahalo na sausage casing sa bawang na 2 inches sa pamamagitang ng panali or string.
3. Ibilad sa araw ang nagawang longganisa sa loob ng apat na oras para maalis ang taba’t tubig.
4. Magpainit ng carajay at ilagay ang tubig at mantika.
5. Ilagay ang ibinilad na longganisa sa kawali. takpan at lutuin sa mababaw na temperatura hanggat matuyo ang tubig. Kapag tuluyan nang natuyo ang tubig, i-pan fry ito hanggat maging kulay brown.
Ihain kasama ang isang mainit na sinangag, kamatis at piniritong itlog!
0 notes
nozomiide · 5 years
Text
Tumblr media
Tuwing ikatlong linggo ng Enero ay ipinagdiriwang ng Vigan ang kanilang pista na kumikilala sa kanilang patron na si Saint Paul The Apostle. Ipinakilala sa kapistahan ang Longganisa Festival, na konsepto ni Mayor Eva Marie Medina at bawat taon ay pinaiigting ang mga programa at aktibidad, na ngayon ay maituturing na pinakamasaya at makasaysayang festival sa Ilokandia. Minsan pa’y sinubukan ng mga Biguenos na buwagin ang tala ng pinaka mahabang longganisa sa Guinness World Record at nagtagumpay!
Sa street dancing naman ay bitbit ng mga mananayaw ang longganisa na sumisimbolo sa produkto ng mga Bigueño. Hindi maikakailang ang Vigan longganisa ang isa sa mga umaakit sa mga turista na dumayo sa Vigan City bukod pa sa mga heritage sites nito. Kaya’t ano pang hinihintay ninyo. Bumili na kayo sa inyong lugar at huwag nang magdalawang isip pa at baka maunahan ka pa ng iba.
1 note · View note