Tumgik
poyms · 3 years
Text
GGWP
Akala ko nung una, tayo hanggang dulo Pero simula lang pala, eto tayo ngayon, talo. Nauwi sa hiwalayan dahil magkaiba ang plano, Sa tinagal-tagal ng panahon, bakit ngayon lang napagtanto?
Gusto mo sa ibang bansa, handa akong sumama. Basta ang gusto ko tayong dalawa ang magkasama. Pero tila ba sa plano mo, gusto mo mag-isa ka lang Gagawin ang lahat maski ako kayang iwanan. Pinalipas ko muna ang ilang buwan, bago muling pinag-usapan. Nagba-baka sakaling nagbao na at maibabaik ang samahan. Pero ako’y bigo dahil buo na ang iyong desisyon Mag-isang aabutin ang pangarap kahit abutin pa ng ilang taon. Ako’y  nanghihinayang lang sa mga taong nakalipas. Bumuo tayo ng plano noong una, pero di ka naging patas. Sinikap na maging tapat, sinikap na maging karapat-dapat Pero binalewala mo lang, kaya salamat na lang sa lahat.
0 notes
poyms · 4 years
Text
Anibersaryo
Isang taon na pala ang lumipas Mula nang ako ay sagutin Ang bilis lumipas ng oras Parang kahapon lang kung iisipin
Mula noon palagi nang magkausap Umaga, hapon, hanggang sa bago matulog Unti-unting nakikilala at sabay nangangarap Damdami'y mas napalapit at lalong nahuhulog.
Wala nang mas hihigit pa pag tayo'y magkasama Laging ipinapakita suporta sa isa't-isa Pangakong mananatili kahit may problema At mananatili sa hirap at ginhawa.
Sa dulo ng walang hanggan ay tayo pa rin Magkasama anumang hadlang ang iharap. Pangako kong ikaw ay mamahalin, Ngayon, bukas, at sa hinaharap.
1 note · View note
poyms · 6 years
Text
Habang lumilipas ang panahon, nauunawaan ko na ang mga bagay na nagdaan na di mo na mababalikan Kaya kung meron kang mahal ngayon, wag mo nang pakawalan
Mga bagay na pwede sanang sa limot ay ibaon Patuloy kong naalaala mga nagawang kamalian, pintuang di binuksan Ngayo’y nag-iisa at di alam ang pupuntahan
Paulit-ulit, araw-araw, umabot na nang taon, Reyalidad ng buhay sumasampal na sa aking harapan Gusto ko nang matulog pero ginigising ako ng katotohanan.
Sino ba ang tutulong sakin para bumangon? Umaasa pa rin na balang araw darating ka, magpapakilala at liligawan. Sasaya, magiging tayo... Tapos iiwan. Mag-isa. Luhaan.
Tae
0 notes
poyms · 6 years
Text
For me, you're a 9 Is it ok if I call you mine? I am the 1, that makes us 10. If you still don't get it, let me tell you again. Together, we're a perfect score. For the love that we've been waiting for.
0 notes
poyms · 6 years
Text
U-M-A-S-A
Alam kong sa simula pa lang, ang maging tayo ay malayo Pero sinubukan ko pa rin, at nauwi nga sa pagkabigo. Kaya balik ulit ako sa pangangarap ng gising Muling iisipin na di ka magiging akin.
Ang dating masayang usapan, alaala na lang ng nakaraan Bigla na lang di nagpansinan, parang sa ere ay iniwan Ako'y medyo naguguluhan, di ko naman alam ang dahilan Pero maraming tanong ang gumugulo sa aking isipan.
Panget ba ako, na sayo ay hindi bagay? O dahil ba salat at mahirap lang ang aming buhay? Sa pisikal na anyo ba, sayo ako'y hindi nakapasa? O dahil ba sa talino ay mas nakakaangat ka?
Kung isa man dito ang naging dahilan, Kung bakit ako ay tila iyong iniwan. Pakisuyong sabihin. Ito'y buong pusong tatanggapin. At akin nang aalisin, damdaming sayo'y umaasa pa rin.
0 notes
poyms · 7 years
Text
Kaya Ko Pa Ba?
Sa lahat ng pagkakataon, madalas mag-isa Mga gawaing masaya, ngunit wala namang kasama Kaya naman lungkot aking nadarama Tinatanong ang sarili: “Kaya ko pa ba?”
Naghanap ng kaibigan, pero wala akong makita, Walang nagpaparamdam, mga busy lang yata? Sana naman sa susunod ako’y inyong samahan Kailangan ko ng kausap, karamay kanlungan.
Konting-konti na lang malapit na ‘kong bumitaw, Damdamin sa loob ko tila napakalas ng sigaw, Ngunit walang nakaririnig, walang nakakapansin “Kaya ko pa ba?” muli kong tanong sa ‘kin.
6 notes · View notes
poyms · 9 years
Text
Seenzoned!
Nakatutok nanaman ako sa monitor Hinihintay kang mag-open, baka sakaling maka-score Nag-iwan ng mensahe, sana iyong basahin Patuloy na umaasa na ako'y mapansin
Walang ibang hiling kundi ang makausap ka, Sana pagbigyan mo, jan lang ako masaya. Pagpasensyahan mo na sa mababaw kong kaligayahan, Nabubuo mo araw ko pag ika'y nasisilayan.
Hindi ko kasi masabi to sa personal, Ang nararamdaman ko sayo, tila di na yata normal. Ang totoo sa aking puso ikaw lang ang mahal, Makuha ka lang, lahat aking isusugal.
Ganito yata talaga pag seryoso sa nararamdaman, Lahat ng nasasabi ng bibig, ang baduy pakinggan. Kaya mag-reply ka naman sana sa mga gusto kong sabihin, Sa mga iniiwan kong mensahe lagi na lang kasing "seen".
1 note · View note
poyms · 10 years
Text
"Hindi Makata!"
Ako'y simpleng tao lamang, Pilipinas ang Bayan, Nagsisikap gumawa ng tula sa malayang taludturan. Kaya huwag ng bilangin ang bawat talata, Dahil aking sasabihin "Ako'y hindi isang Makata!"
Sa aking mga tula, iba't-iba ang pananalita. May malalim, mababaw at mga salitang banyaga. Di ko na babanggitin dahil 'yon naman ay halata, Sapagkat aking sasabihin "Ako'y hindi isang Makata!"
Sa pagbabasa mo nito, ano nga ba ang iyong napala? Inubos mo lang ang panahon mo, di mo man lamang nahalata! Pero ganun pa man ako'y dapat pa ring matuwa, Dahil binasa mo ang tula, tula ng hindi Makata!
10 notes · View notes
poyms · 10 years
Text
The Food
I automatically smile when i see food, I don't know but it always makes me feel good you're always there when no one understood changing everything into good mood.
13 notes · View notes