Tumgik
sabinieli00-blog · 5 years
Text
Laban para sa Bayan
Ang kilusang panlipunan ay talamak na nuon pa man. Di naman tuod ang mga mamayanan na hahayaang na lang walang pagbabago ang ating lipunan mula sa mapang aping naghahari-harian. Maraming isyu na ang nalutas ngunit mas marami pa rin ang namamayani at pilit di nagpapatumba laban sa mamayanan.
Ang kilusang panlipunan ay nagyayare upang mabigyan pansin ng buong bansa ang mga isyung panlipunan na nakaka apekto sa atin. Ginagawa ito upang magbigay ng sapat na pokus ang mga napapanahong isyu na mayroon ang bansa at upang ito ay masolusyunan. Kung ang nais sabihin ng pamahalaan natin na ang ating bansa ay umuunlad or di kaya ay maunlad, bakit meron pa ring mga kilusang panlipunan? Sinasabi ba nito na ang mga mamayanan ay di marunong makuntento sa kung anong meron sila o pinapakita nito ang pagiging ignorante ng mga namumuno hingil as ating mga pangangailangan? Maraming kilusang panlipunan na ang nangyare sa ating bansa nuon, isa na rito ay ang People’s Power 2 na nagpatalsik sa dating mayor na si Joseph Estrada hingil sa napakadaming isyung panlipunan. Ilan sa mga isyung ito ay dala pa rin natin hanggang ngayon, pero bakit ginagawang masama ang imahe ng mga kilusan na nagpapahayag ng mga ganitong katiwalian? Bakit ang tingin ng halos nakararami ay masama ang kilusang panlipunan dahil naabala sila sa kanilang araw? Hindi ba mas nakaka abala ang di pantay na Karapatan na ipinaglalaban ng iilan sa atin para sa ikabubuti ng nakararami? Kung meron pa sigurong hihigit pa sa crab mentality ay eto na yun, todo na to. Imbes na tayo ay magtulungan upang sugpuin ang mapang aping lipunan ay tayo mismo ang umaaway sa kapwa nating gusto lamang ipagtanggol ang karapatang sa ating ipinagkakait. Ano bang pinagkaiba nuon bakit naging matagumpay naman ang kilusang panlipunan ngunit ngayon isa na itong malaking sagabal sa iilan? Nagiging mangmang na ang mga mamayanan hingil sa mga isyung ito dahil karamihan ay nagkakaroon na ng maling impormasyon mula sa iba’t ibang pahayagaan at nababaliktad na ang nuong pakikibaka ng marami sa isang malaking pagkukundena ng mga tao sa kilusang panlipunan. Marami sa atin ang tanggap lang nang tanggap kung ano ang ibinigay sa kanila at di manlang iniisip kung tama ba ito o ito ba ang tunay na inpormasyon hingil sa isyung panlipunan. Apaka hirap naman sisihin ang kapwa natin dahil maraming salik din ang nakatuon sa ideyang ito na isa rin sa dahilan kung bakit may kilusang panlipunan. Ngunit napakahirap ipaglaban ang mga kapwa mo kung mismong kapwa mo ang tumatanggi sa tulong mo.
Para sa akin, dapat matuto tayong magkaroon ng matalas na pag iisip lalo na tungkol sa mga isyung panlipunan dahil di lamang ito para sa atin kundi para rin sa mga susunod na henerasyon na magmamana ng lipunang ating ginagawa. Dapat magkaroon ang bawat isa ng pang unawa na higit pa sa kaya nilang ibigay dahil ginagawa naman ang kilusang panlipunan hindi para pahirapan ang kapwa natin bagkus ay lumalaban tayo para sa bayan at pra sa ikabubuti ng sambayanan.
0 notes
sabinieli00-blog · 5 years
Text
Edukasyon para sa pagbabago, Nagbabagong Edukasyon
Edukasyon ang natatanging yaman na sa atin ay ibinigay. Dapat daw itong hasain upong di pumurol dahil ito ang ating panlaban sa mundong mapanakit at ito ang yaman na kalian man ay di mananakaw nino man. Pero sapat nga bang edukado ka lamang?
Ang edukasyon na tungo sa pagbabago ay matagal ng hangarin ng lahat. Edukasyong magbibigay sa atin ng pagbabago ngunit anong klaseng pagbabago nga ba? Ito ay pagbabago para ikabubuti ng nakararami? O pagbabagong ikalulugmok lalo ng ating kasalukuyang sitwasyon? Hindi sapat na gamitin ang edukasyon para lamang sa ikauunlad; dapat ay gagamitin ang natutunan mula sa edukasyon upang wakasan ang kasalukuyang estado ng lipunan. Laging nasa isip ng nakararami na kelangang mag-aral upang maka angat sa laylayan ngunit di ba nila naisip na habang sila ay umaangat ay sya namang paghaba ng laylayan? Imbes na umangat ay dapat putulin ang laylayan. Para sa akin, sang ayon ako sa sinabi ng sumulat na “Education must not simply be relevant”. Hindi sapat na ikaw ay mayroong edukasyon at nagagamit mo ang edukasyon. Ang edukasyon ay dapat di lang nagbabago, ito ay nagmumulat din sa kasalukuyang sitwasyon, at pagka ikaw ay mulat, mahirap nang pumikit at isa walang bahala ang iyong Nakita. Dapat ang edukasyon ay di lamang patungkol sa pagbibilang, pagbabasa, pagsusulat at kung ano pa, dapat maranasan ng mag aaral kung ano nga ba ang dapat baguhin; kung bakit sila nag aaral. Imunumungkahi ng manunulat na magkaroon din ng immersion ang mga mag aaral upang malaman nila ang estado ng lipunan kanilang pinag aaralan. Dapat din maging innovative ang pagtuturo upang di lamang makulong sa silid aralan ang mga estudyante bagkus ay nakakahalubilo nilo ang mundo upang mahasa ang kanilang matalas na pag iisip. Naging isang punto rin ditto ang mga kagamitan sa pagtuturo na di nabibigyang pansin lalo na sa mga guro kung saan di sila nabibigyan ng sapat at maayos na kagamitan upang mas mapaglinang ang kanilang mga mag aaral. Isipin mo, ikaw ang hahasa sa kutsilyo pero di hamak na mas matalim pa sa iyo ang iyong hahasain? Mas maganda na hindi lamang naka kulong ang mga mag aaral sa textbooks nila dahil di naman lahat ng inpormasyon o karanansan ay magkakasya sa librong binabasa, di naman nila matutunan ang kalagayan ng mga tao sa probinsya kung di nila ito mararanasan, di nila malalaman ang mga krisis sa bundok kung saan unti-unting nagkakaroon ng deforestation nangdudulot ng pagbaha at landslide,di nila malalaman na mayroong mga lugar na walang makain o kuryente dahil sila ay nasa liblib na lugar. Hindi sapat na itinuturo lang, dapat ay marananasan.
Para sa akin ang mungkahing ito ng manunulat ay isang malaking pagbabago sa uri ng pagtuturo natin na kumbensyonal, marahil ito ay isang pangarap ngunit sana ay mabigyan pansin dahil kung si Rizal ang ating pambansang bayani, at tayo ay may mataas na respeto kay Rizal; ibig sabihin ay dapat natin syang paniwalaan na “ang kabataan ang pag asa ng bayan.” Ngunit paano kikilos ang pag asa kung di natin ibibigay sa kanilang ang kanilang dadaanan at patutunguhan?
0 notes
sabinieli00-blog · 5 years
Text
Likhang anak, Likhang pawis
Ang literatura ay mayroong iba’t ibang uri. Nariyan ang mga tula, sanaysay, maikling kwento, nobela at iba pa, ngunit ang literaturang ito ay mula sa uri ng mga anakp pawis. Isang uring natatangi dahil di lamang ito isang babasahin kundi ito ang buhay ng iilan sa atin.
Ang akda ay nilikha upang pagsamasahin ang mga karanasan ng iba’t ibang manunulat sa ating bansa pati na rin sa ibang lugar. Ngunit pagka binasa mo ang akda ay mapapansing mong hindi ito mula sa pangkaraniwang mga literatura na kadalasan ay tungkol sa pag-ibig o di kaya ay piksyon, isa itong akda patungkol sa nangyayare sa mga manununulat. Mga likha ito ng mga anak pawis o dikaya naman ay mga taong laki sa hirap, mga taong anak ng mangagawang Pilipino na ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya upang ang kanilang pamilya ang magkaroon ng pangkain sa araw -araw. Mga mangagawang Pilipino na sobra sobra ang sakripisyo para lamang may mapang tustos sa pang araw araw na pangangailangan ng kanilang pamilya. Normal na siguro para sa iilan ang ibang mga karanasan dito dahil lahat naman ay alipin ng kapitalismo ngunit hindi lamang sa bansang Pilipinas makikita ang iilang mga karanasang ito. Di lamang sa ating bansa laganap ang di pantay na pamumuhay at opresyon hingil sa mga anak pawis. Meron sa akda ang likha ng mga tiga ibang bansa gaya ng isang manunulat mula sa Africa kung saan nilahad nya ang kanilang kalagayan doon. Tinalakay niya ang kalagayan ng mga mangagawa roon partikular na ang mga minero, nagbebenta ng karne at iba pa. Nariyan ang pagkakakulong ng ibang mang gagawa na walang malalim na dahilan at walang paglilitis na nangyari. Makikita rito na maski sa ibang bansa gaya ng Africa ay mayroong mga anakpawis din na nais magkaroon ng pagbabago sa kasalukuyang pamumuhay na meron sila. Isa pang halimbawa mula sa akda ay ang manunulat mula sa Amerika kung saan tinalakay ang buhay sa isang lugar na kung tawagin ay ghetto o sa tagalog sa skwater area. Dito inilahad nya ang kanilang pamumuhay na katulad rin sa atin na isang kahig isang tuka at madalas ay di pa sila nagbibigyan ng opurtunidad na magkaroon ng trabaho para sa kanilang pamilya. Sa akda pinapakita na ang bawat pagsubok ng mga anak pawis ay hindi dahil sa ito ang kanilang kagustuhan o di kaya’y ay “ipinanganak na mahirap” sila kundi isa itong panlipunan na poblema na meron ang mundo. Hindi ito resulta ng kahirapan, bagkus ay resulta ng di pantay na Karapatan mula sa mga taong namumuno o nasa tuktok dahil ito ay di makakatulong sa kanila at ang tingin lamang nila sa nakararami ay taga gawa nila o utusan.
Ang likha ng anak ay isang likhang gawa sa pawis; pawis na dulot ng pang aalipin galing sa naghahari-harian sa lipunan na walang alam gawin kundi palakasin ang kanilang kapangyarihan samantalang ang mga tao sa ilalim nila, ang mga kanilang pinangakuan ng kaginhawaan ay patuloy na kumakayod, nagpapawis nang nagpapawis ngunit di nama makaalis mula sa likha ng di pantay na paglilitis ng lipunan mapaghinagpis.
1 note · View note
sabinieli00-blog · 5 years
Text
Sino nga ba ang bastos? Si girl, boy, bakla, o tomboy?
Girl, Boy, Bakla. Tomboy. Sino nga ba ang bastos sa kanilang lahat? Sino nga ba ang mas angat at mas nakakataas sa kanilang lahat. Sino nga ba ang tunay na ruling class sa kanilang lahat?
Hindi pa makulay ang buhay nuon. Tanging sinabawang gulay pa lang siguro ang nagbibigay kulay sa atin nuon. Di pa uso ang #LoveWins o di kaya ay #MeToo. Marami pa sa atin ang iba ang tingin sa mga taong liberated at lalong hindi tanggap ang mga mumshie natin ngayon. Pero saan nga ba nagsimula ang pagkaka di pantay na pagkakatingin sa mga tao nuon? Noon pa man ay ang mga lalaki na ang nagsimulang mamuno sa lipunan, nagkaroon lamang ng pagbabago nung ipinaglaban ng mga kababaihan ang kanilang mga karapatang pang tao na nagdulot ng pagbabago sa lipunan kung saan mas kinikilala na pantay ang babae sa lalaki. Di ito nalalayo sa opresyong ating nararanasan ngayon. Ang tingin ng nakararami ay normal ang kasalukuyang nangyayare sa ating lipunan kung saan trabaho tayo nang trabaho sa samantalang ang nasa tuktok at nakaupo lamang inaantay na gatasan tayo mula sa pawis at dugo na paghihirap na dinaranas natin araw araw sa kanilang pamumuno. Masasabing isa ito sa maraming pagkakahawig kung paano nagkakaroon ng hindi pantay na Karapatan ang bawat mamayanan sa bansa natin dahil mas marami ang mga working class pero bat ang baba pa rin ng antas ng pamumuhay ng iilan? Hindi pa ba sapat ang halos kalahating araw na ginugugol nila para sa kanilang mga trabaho upang sila naman ay maka angat sa laylayan? Sa dami ng populasyon ng mangagawang Pilipino na araw araw nagsasakripisyo para lamang may makain at gumalaw ang bansa natin, bakit di pa rin tayo maunlad kagaya ng ibang bansa? Masasabing Inang Bayan nga ang ating bansa dahil sa pagkakaroon nito ng di pantay ng Karapatan katulad ng ibang bansa. Dahil katulad ng maraming babae nuon, ang Inang Bayan ay di nabigyan ng sapat na Karapatan upang lumago at yumabong ang mga yamang meron tayo. Dapat ba nating hayaan ang ating bansa na masadlak na lang din sa kahirapan? Hindi ba tayo tutulad sa mga kababaihan nuon na Nakita ang kanilang mga Karapatan na pilit itinatago at pinag kakait sa kanila kaya sila ay lumaban kung anong nararapat sa kanila? Di ba tayo tutulad sa mga kapwa nating LGBTQ+ na patuloy ang laban upang Makita ng lipuna na di naman sila naiiba sa atin, na sila rin ay parte ng lipunan, ng lipunan na patuloy tayong ginagatasan upang mapunan ang kanilang kinakailangan, dapat bang hayaan natin na lumaki ang susunod na henerasyon sa kabastusang dulot ng opresyon kung pede naman natin gawan ng paraan ngayon pa lang?
Isang malaking bagay ang mamuhay kung ano nga ba ang tingin mo sa iyong sarili. Isa ka bang “Boy” kung ginagamit ang kapangyarihan para sa personal na interest lamang? Isa ka bang “Girl” na ipinaglaban ang kaniyang Karapatan na pilit ipinigkakait sa kaniya ng kapalaran? Isa ka bang “Bakla o Tomboy” na hanggang ngayon ipinaglalaban ang kaniyang Karapatan na dapat di kunin sa kaniya nino man?
1 note · View note
sabinieli00-blog · 5 years
Text
Pinoy Cinematic Universe
Ang pelikula ay isang medium na nakakapang libang sa nakakarami. Madalas itong nakikita sa mga sinehan kung saan bida ang mga sikat na aktor at aktres at madalas ay pinipilahan ng mga fans nila upang mapanuod ang kanilang idolo na mula pa raw pagka bata ay hinahangan na nila. Ngunit ano nga ba ang pinapakita ng pelikulang Pilipino sa kaniyang mga manunuod?
Naging isang malaking bahagi ng bansan natin ang pelikula dahil marami sa ating ang todo subaybay sa kanilang mga idolo kaya’t ganoon na lamang ang importansya sa kanila para mapanuod ang mga palabas. Ngunit di lamang paglilibang ang nais ipakita ng pelikula, dahil pinapakita rin nito ang repleksyon ng lipunan na meron tayo. Isa rito ay ang mataas na pagtingin sa kulay na puti. Maputi pero Pinoy? Sunkissed pa rin mga ulol. Bakit nga ba sa mga pelikula ay mayamaman ang mga puti? Nakakaangat ang estado sa buhay ang mga puti? Bakit laging wagi ang mga puti? Hindi bai to repleksyon ng tingin natin sa ating lipunan? Na mataas ang tingin natin sa mga puti dahil sa mga mananakop nuon sa atin kaya naiwan pa rin ang pag iisip na ang mga puti ang mas nakakataas sa ating mga kayumanggi. Na pagka maputi ay haciendero kagaya ng mga Kastilla nuon at pagka  kayumanggi naman ay alipin lamang at taga sunod ng utos. Isa pang punto dito ay ang pagpapakita ng kasiyahan sa buhay. Kada palabas ay nagsisimula sa isang masayang araw na papangit lamang dahil magkakatagpo ang bida at kaniyang leading man. Isa itong malaking ilusyon para libangin lamang tayo dahil di lahat ng bagay ay naayon sa ating kagustuhan. Madalas pa nga eh taliwas sa ating gusto ang nangyayare pero di kagaya ng bida na may taga suporta tuwing may problema sayo, ang iilan sa atin ay mayroon lamang ang sarili nila upang harapin ang mundo. Hindi sinag ng araw ang gigising sa iyo sa umaga kundi ang tunog ng iyong alarm na nagpapaalala sayong isa kang alipin ng sistema at mamatay sa loob ng sistema. Isang punto rin dito ay ang mga inaapi ay ang nagwawagi. Nagwagi ba tayo nuon sa ating mananakop dahil tayo ay nagpaawa at hinayaan na lamang silang gawin ang kanilang gusto? Para saan pa ang pag aaklas nila Bonifacio kung ang ipapalabas lang din naman sa ating mga pelikula ay mas mabuting apihin kesa sugpuin ang nang aapi? Para saan ang kalayaang pinaglaban ng ating mga bayani kung ganitong klaseng palabas lang ang makikita ng lipunan? At higit sa lahat ang pinaka malaking punto de bista ay ang pagpapakita ng magandang lipunan na ang tanging poblema lang ay hulihin ang kontrabida sa kaniyang mga plano. Di ganon yon. Ang mundo ay isang malaking poblema na hindi pa rin mabigyan ng solusyon. Ito ang nais ipakita ng pelikula sa atin pero paglabas naman natin ng sinehan ay balik tayo sa ating mundo, sa ating mundo na hindi patas at naglalamangan ang mga ungas.
Bagamat yan ang nabanggit sa akda, di lang naman yan ang mga nilalaman ng pelikula, meron pa ring iilan na nais tayong imulat sa kaganapan sa ating lipunan, sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa. Pero di naman kelangan na lagi kang radikal mag isip patungkol sa pelikula, okay lang din ang paminsan-minsan na paglilibang, wag lang sosobra. Mahirap mabulag lalo na kung bukas naman ang ilaw.
0 notes
sabinieli00-blog · 5 years
Text
Magsalsal o di magsalsal?
Salsal, madalas mong ginagawa mag-isa kasi sobrang nakakahiya kapag nakikita ng iba. Salsal, masarap gawin lalo na pagka pag kagat ng dilim. Salsal, libangan ng nakararami ngunit di makontrol ng iilan. Salsal, ano nga ba ito at bakit maraming nahuhumaling ditto?
Ibang salsal ang tinutukoy sa talata, unang basa ko rin ay na engganyo agad ako, sino bang hindi? Ngunit ang salitang salsal pala ay mayroong malalim na kahulugan at hindi lang basta basta isang libingan ng iilan. Ang mundo ay isang blog, lalo na ngayong 21st century kung saan laganap ang social media na halos lahat ay mayroon. Masasabing napadali ng Social Media ang pagpapalaganap ng inpormasyon sa atin, ngunit nagiging dahilan din ito ng pagpapalaganap ng maling inpormasyon. Dito papasok ang pagsalsal, o pagtutukoy kung ano nga ba ang tama sa hindi, ang pagsasala ng mga inpormasyon kung ano ang tunay o fake news lamang. Bakit naging importante ang pagsalsal? Hindi ba sentido kumon na lang sa atin kung ano ang tama sa mali? Nagiging mahirap para sa iilan ang pagtukoy kung anong ang tunay sa hindi dahil sa talamak na pagpapakalat ng maling inpormasyon at pagbabago ng mga nilalaman ayon sa ika bubuti ng iilan. Nagiging poblema ang nilalaman ng social media pagka natatabunan ang importante sa hindi, pagka nalilimutan ng mga tao kung ano nga ba ang dapat pag tuunan ng pansin sa dapat ipa sa walang bahala. Marami naman sa atin ang gustong malibang, lahat naman tayo gustong sumaya at makalimot sa buhay natin; pero ito rin ang isang dahilan kung bakit nalilimutan natin ang mahahalagang bagay sa ating mundo at napopokus tayo sa paglilibang lamang. Dahil sa pag-iwas natin sa mga poblemang pang lipunan ay nauudlot ang pagbabagong ating inaasama. Nagkakaroon ang iilan sa atin ng isipan na “okay naman tayo bakit pa kelangang baguhin?” Nagiging mapagbigay tayo paukol sap ag unlad natin na dumating sa puntong isinasawalang bahala na lang natin ang mga poblema at nakukuntento na tayo sa paglilibang lamang. Hindi naman masama ang paglilibang, ngunit kung patuloy tayong magbubulagbulagan patungkol sa mga isyung panlipunan na dapat masolusyunan, ay daig pa natin ang mga kabayong nasa kalase na maryoong tabing sa mata. Ang social media ay nandiyan para maging gabay sa atin, mayroon tayong free will kung paano natin gagamitin ito at kung gagamitin ba natin ito upang ihayag ang tama at tunay, o patuloy tayong magbubulag bulagan makuntento na lang sa libangan na meron tayo ngayon. Ang pagsalsal sa internet ay isang gawain na dapat ugaliin ng mga tao dahil ditto nahahasa ang kanilang kakayahan upang malaman kung ano nga ba ang dapat ipaalam sa lipunan. Dapat bang laging mga litrato mo sa beach lang ang nilalaman ng iyong social media? Dapat bang magpost ka ukol sa unti-unting pagpatay ng gobyerno sa ating lipunan? O dapat bang mag post ka patungkol sa prof mong nambabagsak?
Sa aking palagay, isang malikang epidemya ang Social Media. Isa itong epidemya sa lipunan na hindi na masosolusyunan bagkus ay magagawan na lang ng paraan kung paano mababawasan o mapipigilan. Kaya ikaw, sa tingin mo ba ay tama ang iyong pagsalsal sa blog na mundo?
0 notes
sabinieli00-blog · 5 years
Text
Sumainyo ang Wika
Noong tayo ay pinanganak pa lamang, wika or pagbigkas nang buo ang isa sa mga tinuro ng ating mga magulang. Sa aking pagkakatanda, wikang tagalog ang una kong natutunan mula sa aking mga magulang, ngunit paano nga ba tayo natuto ng ating wika?
Kung titignang mabuti, Wika ang isa sa pagkakakilanlan ng bansa. Malaki ang ambag nito sa kultura, at pamumuhay ng bansa. Dito rin makikita kung gaano kausbong ang kultura ng isang bansa. Pero ano nga ba ang kapangyarihan ng wika? Paano ba nababago ng wika ang takbo ng mundo at paano ito nakaka apekto sa ating pamumuhay? Naging isang example sa batay sa akda ay ang pag gamit ng wikang Ingles sa pakikipag usap sa hayop at bata. Dito nalilinang ang mga bata kung paano sya lalaki o kung ano ang magiging takbo ng kaniyang isip kung paano sya sasagot pagka sya ay nagkakaroon ng katanungan. Ngunit kung ang ating pambansang wika ay Tagalog/Filipino, bakit Ingles ang kadalasang ginagamit natin? Naging isang batayan ng pag gamit ng Ingles bilang wika ay ang edukasyon nuong tayo ay kolonyal pa lamang ng Amerika. Naging batayan ito kung ikaw ba ay nakaka angat sa buhay at masasabing “edukado” nuon dahil ang may kaya lamang ang madalas nakakapag aral at natuturuan ng Ingles. Dahil ditto, nagkaroon ng diskriminasyon sa iilan lalo na sa di nakapag-aral dahil nasasabihan silang “illiterate” o walang pinag aralan kaya madalas ay di sila nabibigyang importansya gaya ng sa mga trabaho at iba pa. Masasabi kong hanggang ngayon ay nagiging batayan pa rin ang pagsasalita ng Ingles para sa iilan kung paano nila titignan ang isang tao. Nariyan ang sa trabaho kung saan nagiging isa sa mga qualifications ang pagsasalita ng Ingles, na kung marunong kang makaintindi at magsalita ng Ingles ay madalas tanggap ka sa trabaho lalo na kung pang opisina ang aapplyan mo. Saan na lang makikita ang ibang kababayan nating kapos palad na di nakapag aral? Lalo silang nasasadlak sa hirap dahil sa kanilang estado. Kita mo kung gaano kalaking bagay ang wika bilang taga bukas ng opurtunidad sa mga tao? Di lang iyon ang halimbawa kung paano nakaka apekto ang wika sa estado ng isang bansa, may iilang bansa rin na Malaki ang pagmamahal sa kanilang wika at kultura na naging sanhi ng pag unlad ng kanilang bansa, mapa ekonomiko man o kultura. Pero paano bai yon makaka apekto nang ganon kalaki sa isang bansa? Dahil sa ganitong pag iisip, mas tinatangkilik ng mga mamayanan ang kanilang sariling produkto kung saan nagkakaroon sila nang mas mababang pagtingin sa produkto ng ibang bansa kaya mas tumataas ang antas ng pamumuhay nila dahil mga lokal ang kanilang mas tinatangkilik na nagreresulta ng mas mataas ng kita sa lokal na pamilihan at mas mababang gastusin sa pag aangkat ng ibang produkto. Isang halimbawa ng ganitong scenario ay ang mga bansa tulad ng Japan at Thailand. Makikita sa mga bansang ito ang pagka unlad dulot ng pagpapalakas nila sa kanilang wika at kultura.
Makikita rito ang lakas ng kapangyarihan ng wika, pero kung iisipin ay di lang yan ang kayang gawin o maging resulta kung ipagyayabong natin ang ating wika. Marami pang posibilidad ang pwedeng mangyari kung ating susubukan na mahalin at paunlarin ang ating bayan, gamit ang kapangyarihan ng wika.
0 notes
sabinieli00-blog · 5 years
Text
Pedro, Pedro bakit asal mayaman ang kilos mo?
Pedrong Maralita ngunit asal mayaman? Hindi ba kung titignan ay nagbabanggan ang idea simula pa lang sa title ng akda? Sino nga ba si Pedro at ano ang isinasalamin ng pagiging asal mayaman nya?
Mula sa akda na aking binasa,makikita kung paano naghihirap ang karamihan sa atin ngunit ito ay di nabibigyang pansin ng iilan dahil nagkakaroon tayo ng “false hope” kung tawagin dahil natatamasa rin natin ang iilan sa mga bagay na noon ay tanging mga mayayaman ang nakaka gawa. Isang example na rito ang pag inom sa isang sikat coffe shop, noon ay makitaan ka lang may hawak ng kape mula sa naturang coffee shop ay masasabi ng ikaw ay mula sa nakaka angat na antas ng pamumuhay pero ngayon naging mas “accessible” na ito sa nakararami kaya’t ang ilan sa atin ay mangilan-ngilan beses pang pabalik balik kahit di naman sila pala inom ng kape. Makikita rito na nagiging istratehiya ito ng mga business owners o hindi kaya ng mga kapitalista upang mahikayat ang lahat na bumili ng kanilang produkto, dahil nagkakaroon ng false sense na “kahit ako ay mahirap ay okay lang dahil nagagawa ko naman ang nagagawa ng mga mayayaman” nagiging asal mayaman si Pedrong Maralita upang makasabay sa agos ng buhay kung saan ang “in” o di kaya ay “trending” ang nagiging scapegoat ng iilan para malimutan na sila ay naghihirap, Maipapasok din dito ang pagiging utak kolonyal ng karamihan sa atin kung saan mas nakatataas ang tingin natin sa mga banyagang bansa kesa sa sariling atin. Isang halimbawa dito ay ang pagamit ng wikang Ingles. Pagka ang isang tao ay gumagamit ng wikang Ingles, ang tingin ng nakararami ay sya ay “edukado” o may pinag aralan, kahit mali mali ang kaniyang grammar ang mahalaga eh nakakabuo naman ng pangungusap na gawa sa Ingles. Dito papasok ang mga naiwang kultura at pananawa ng mga mananakop sa atin noon na hanggang ngayon ay hirap pa rin alisin sa atin. Mas binibigyan natin ng importansya ang pagpapayabong ng mga kulturang ating nakuha mula sa ating mga mananakop kesa kung anong meron tayo na nagiging sanhi ng diskriminisasyon mula sa ating kapwa. May panahon pa na kung ikaw ay mahilig sa OPM ay masasabihan kang baduy o wala sa uso dahil di mga kantang Ingles ang pinakikinggan mo. Marahil ang pagiging asal mayaman ni Pedrong maralita ay di naman nya kasalanan, marahil kagaya nating lahat, si Pedro ay pinalaki lang din kung paano ang tingin ng nakararami sa atin na ang banyaga mga bansa ang magsasalba sa atin mula sa pagkakahirap na nararanasan natin, ngunit di ito dahilan upang  mag asal mayaman ang mga kagaya natin at kalimutan kung saan nga ba tayo nagmula. Kung saan at ano ang dugong dumadaloy sa atin.
Sana ay mabago sa isip ng mga kababayan natin na ang nakakataas lamang na antas ng pamumuhay ay ang pamumuhay ng mga mayayaman dahil di nakikita ang progreso kung ang bansa ba ay mararaming mayayaman kundi kung ang bansa ba ay pantay pantay ang antas ng pamumuhay. Nawa ay imbes na ang kapwa mo ang humahatak sa atin pababa ay tayo tayo ang magtulungan upang wakasan ang sistemang nagpapahirap sa ating mga kagaya ni Pedrong maralita.
0 notes
sabinieli00-blog · 5 years
Text
Edukasyong bunga ng matagal na pang-aalipin
Kung babagtasin ang kasaysayan ng ating mga ninuno, mula pre-kolonyal ay mahihinuha na ang ating mga katutubo mula nuon ay natututo na sa kanilang panahon. Nandyan ang mga lathala o sulatin na nadiskubre ng ating mga historian at ang paraan natin ng pagsulat na baybayin na nagmula pa sa ating mga ninuno. Ngunit pagdating ng mga mananakop ay nag-iba ang pamamaraan natin ng pag aaral at naging instrumento pa ito ng pananakop ng ilan sa kanila.
Isa ang mga Amerikano sa mga sumakop sa ating bansa. Kung ang mga Espanyol ay ginamit ang kanilang relihiyon, ang mga Hapon ay gumamit ng dahas, ang mga Amerikano naman ay ginamit ang edukasyon upang masakop tayo. Naging isang pribilehiyo nuon ang edukasyon, kaya sinamantala ng ito ng mananakop upang gamitin instrumento para tayo ay mapasunod. Lingid sa kalaaman ng iilan, kahit na sabihing ginagawang "edukado" nito ang ating mga kababayan, palihim nitong tinatanim ang mga kasaysayan at kultura ng mga Amerikano sa atin. Kaya naging maigting ang kaisipang kolonyal ngayon oh di kaya naman mababa ang tingin natin sa ating mga kapwa dahil ang tingin natin na mas maganda ang buhay sa mga bansa sa kaunlaran. Ilan sa mga bagay na naituro ng mga Amerikano sa kanilang pamamalakad ay ang paggawa ng mga espesipikong kolehiyo na nakakapabigay ng mga iba't ibang uri ng mang gagawa, ngunit hindi naman sila ay nabibigyan ng opurtunida ngayon sa ating kasalukuyang kalagayan kaya ang iba sa kanila ay nagingibang bansa rin, at isa sa mga lugar na kanila ring pinag tatrabahuhan ay sa Amerika, kaya masasabihing kahit tapos na ang panahon na sinakop nila tayo at sila ay "kaibigan" na ng ating  bansa ay mayroon pa ring mga bagay na dapat para sa Pilipinas ang napupunta sa kanila. Masasabing hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ang pamamaraan ng mga Amerikano sa pagtuturo, naiba nga lang ang tawag ngunit binibigyang halaga pa rin ang mga bansang sa kanluran na higit na mas maunlad kesa sa atin. Mas sinasabing dapat ang mga bansang nasa 3rd world ay makipag sabayan sa mga bansang mas maunlad sa kanila nang ilang beses. Itinatanim nito sa ating isipan na mas paglinangin ang ating kakayahang maging boss kesa maging isang manggagawa sa ibang aspeto kung saan marami tayong likas yaman gaya ng pagsasaka. Narito rin ang hindi pagturo ng ating mga kasaysayan at kultura bagkus ay ang pagbibigay ng edukasyon na lumilinang sa ating lakas pag gawa na nagbibigay ng kanilang mga pangangailangan. Kaya kung titignang mabuti, naging isang malaking factor ito sa kasalukuyang sistemang pang edukasyon ng ating bansa. Tinuturuan ang mga estudyanteng piliin ang mga kursong may "kinabukasan" sila o di kaya naman ay bubuhay sa kanila. Hindi naman masamang piliin ang propesyon na magbibigay ng pagkain sa inyong hapag at makakabayad ng inyong mga bayarin gaya ng tubig at kuryente ngunit dahilan ba ito upang kalimutan natin ang ating kasaysayan? Ang ating kultura? Ang mga taong nagmulat sa atin laban sa atin na tayo ay isang bansang marangal na di kelangan ang "tulong" ng ibang bansa upang makatayo sa sarili nating mga paa.
Kung titignan natin nang mabuti, ang mga bagay na ito ay hanggang ngayon nangyayare pa rin sa ating sistemang pang edukasyon, hanggang ngayon dala-dala natin ang mga aral ng mga mananakop at hanggang ngayon ay pilit nating nililinis ang sistemang mapangsamantala sa atin. Ang edukasyong nagsasabing ang pagsasalita ng Ingles ay ang batayan ng intelekwal na kapasidad ng isang tao o pang unawa na kailan man ay mahirap tanggalin sa bawat tayo. Kung tayo ba ay tutulad din sa ibang bansa na mahalin ang sarili natin wika, kultara at lahi ay uunlad ba tayo, gayoong mismong sarili nating wika ay tinatanggal natin sa ating edukasyon? Hanggang ngayon pa rin ata ay hawak tayo sa leeg ng ating mananakop. Daig pa natin ang mga estudyanteng pinapatayo sa gilid ng kanilang mga guro sa English Class dahil nagsalita ito ng wikang Filipino. Kung tayo mismo, sa ating pagtuturo ay may diskriminasyon, hindi na rin ba tayo iba sa ating mananakop na pilit tinuturo ang kanilang pamumuhay para palitan ang atin?
0 notes
sabinieli00-blog · 5 years
Text
Ms. Edukasyon
Edukasyon ang sinasabing natatanging yaman na maibibigay sa atin ng ating mga magulang na di makukuha nino man, ngunit paano kung ang edukasyon na dapat sa atin ay ibinibigay, ay di naman natin nakuha nang tama?
Kung titignan mabuti ang status quo ng ating sistemang pang edukasyon, makikita na iba man any kurikulum na ginagamit ngayon, ay katulad pa rin ito ng dati: isang pribiliheyo sa iilan. Meron pa ring iilan na di nakakapag aral dahil sa hirap ng buhay. Laking tulong na rin sa iba na nakakatamasa sila ng libreng tuition ngunit isang hadlang pa rin ang pang araw araw na gastusin para sa kanilang pag aaral, nariyan din ang mga school supplies, baon at pamasahe para sa mga estudyante na papasok. Kaya kahit sabihing mayroong free education sa mga state universities ngayon, isang malaking aspeto pa rin ang pang pinansyal na katayuan ng estudyante para makapag aral at manatiling nakakapag aral. Isa rin nabanggit sa documentary na aming napanuod ay ang pagkakaroon ng "special treatment" sa mga estudyanteng graduate sa mga eskwelahang may matatas na katayuan sa lipunan o hindi kaya ay "mas kilala" sa bansa. Isang hadlang ito para sa mga ibang estudyante dahil nagkakaroon ng diskriminasyon sa kanilang mga kapwa estudyante patungkol sa kanilang estado sa buhay, ngunit di naman na ito masyadong nabibigyang pansin ngayon pero isa pa rin itong bagay na dapat pag ukulan ng pansin upang di na muling mangyare. Bilang isang mag aaral sa state university, naroromanticize rin ang pagiging "resilient" namin sa aming estado sa paaralan. Nariyan ang mahabang pila para sa iisang papel na iyong kelangan,mga pasilidad na di na me-maintain nang maayos at higit sa lahat ay mga classroom na kulang kulang ang gamit; isang aspeto rin o problema sa mga state universities ay ang kakulangan ng mga guro at professor para turuan ang mga estudyante. May iilan na nagpapart time na rin sa isang subject na di naman nila gamay para lamang mapunan ang bakanteng pwesto. Nasasabing naroromanticize ang mga estudyante sa state universities o pampublikong paaralan dahil kahit na mayroong mga pagsubok ay "quality" education pa rin ang kanilang nakukuha o di kaya naman ay napapasama sila sa mga top sa boards or top picked ng mga kumpanya para sa trabaho, eh sino nga ba namang kumpanya ang di kukuha ng taong sanay sa hirap ng buhay para utus-utusan sa kanilang trabaho? Nariyan pa gaya sa aking nabanggit ay ang kakulangan sa mga guro at propesor. Paano matututo ang mga estudyante kung bawat classroom ay inaasahang magkaroon ng higit sa labinglimang estudyante at meron lamang iisang guro? Kung ang isang estudyante ay di kayang matutuhan ang maraming asignatura sa kaniyang pag aaral, ay di rin kayang pasinayanan ng isang guro ang labinglima o higit pang bata para matutukan at isa isang matuto ng kanilang aralin.
Kung ako ang tatanungin, ang pagbabago ay isang collective effort. Kung reporma sa edukasyon ang gusto natin, dapat lahat tayo ay sabay sabay aalpas sa misedukasyong nararanasan natin. Hindi dapat natin hayaang abusuhin tayo ng sistema na ibigay lamang ang latak na sistemang pang edukasyon na meron tayo at simula natin baguhin ang ikot ng mundo. Dapat bigyan pansin natin ang hinaing ng mga mag aaral ngayon dahil sila ang magigiging pundasyon ng susunod na henerasyon. Sila ang bubuhat at magdadala patungo sa pagbabagong matagal ng inaasam ng bawat isa sa atin. Edukasyon ang natatanging panlaban natin kontra sa kahirapan at iba pang problemang di lang sa ating bansa nararanasan, kundi sa buong mundo rin. Paano mo pasusugurin ang iyong mga sundalo ng wala manlang armas? Ibibigay mo ba sa isang pintor ang ballpen at ang brush sa manunulat? Kung ang bawat estudyante na meron ang ating bansa ay mabibigyan ng sapat at magandang pasilidad at edukasyon, naniniwala akong magkakaroon tayo ng mas marangya at magandang buhay higit pa sa kung anong meron tayo ngayon. Kaya ikaw, para kanino ka ba pumapasok sa eskwelahan?Para kay crush? Para sa baon? Para makaiwas sa utos ng magulang? Para iyong pangarap? Para sa kinabukasan ng susunod na henerasyon? O para sa sariling interes? Interes na sirain at baguhin ang sistemang nananamantala sa atin?
1 note · View note