secondthestar
secondthestar
a place to dump thoughts
2K posts
starting over again, painting my way through life
Don't wanna be here? Send us removal request.
secondthestar · 2 years ago
Text
Vanguard
lumaban na yung banda namin kanina sa battle of the bands and nag-champion!!! waaaa <3 sobrang happy for them and kakaproud din yung mga students na yon. sayang lang di ako nakasama o nakapanood man lang kasi lam nyo na, may sakit na naman ako :( hayyyy, pangarap ko pa man din makasali noon pa sa battle of the bands kaya lang di na naman ako natuloy hahaha
anyway, still so happy and proud of these kiddos!! sulit ang mga pag-renta ng studio hehe
here's a bts nung una naming rehearsal (di pa kami kumpleto)
Tumblr media Tumblr media
here are some of the photos from their performance kanina:
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Lupet nyo talaga guys!!! congratulations again, Vanguard <3
4 notes · View notes
secondthestar · 2 years ago
Text
Tumblr media
Nung sinabi kong nakakamiss yung college self ko, hindi ko naman sinabi na miss ko rin yung lukewarm faith and unhealthy mind and body ko that time :(
There's a lot to happen in the next months and i'm scared na i'm gonna fck it all up.
I'm floating, slowly losing grip again
Lord, I envy those who can continue serving You despite the chaos in their lives. I envy their faith, their peace. I wanna have that too but I'm stubborn, and I hate how I am right now. I want to choose You but I always get pulled by the enemy every time I trying walking towards You. Then I get disappointed with myself as I am, right now.
How do stop this self-sabotage season again?
Tumblr media
0 notes
secondthestar · 2 years ago
Text
Lord, pwede nyo po ba ako i-teleport sa Rizal ngayon tas ihinto mo yung oras :(
3 notes · View notes
secondthestar · 2 years ago
Text
di na ako sanay dito haha medyo nagugulat ako na sunud-sunod may nagfo-follow
0 notes
secondthestar · 2 years ago
Text
hollow, empty shell of a woman
1 note · View note
secondthestar · 2 years ago
Text
“You never get over it. But you get to where it doesn’t bother you so much.”
— Jeffrey Eugenides, The Virgin Suicides
5K notes · View notes
secondthestar · 2 years ago
Text
Tumblr media
I wanna go back and have the kind of faith that this version of me had.
1 note · View note
secondthestar · 2 years ago
Text
How do I go back to viewing what I do as worship and not work?
I find it hard to distinguish church friends and workmates. Is this the downside of it or it's just me?
I know You called me here but I feel so messed up. This does not disqualify me but You know what's happening inside, Lord. I don't feel and function so well. How do I communicate this?
0 notes
secondthestar · 3 years ago
Text
I miss being there/ between your arms/ up against your warm body
How tight is your grip/ strong yet so gentle/ my heart can lay there comfortably
It felt like a dream/ I needed to pinch myself/ to reassure it's all true
Quiet hours/ a memory of ours/ a series of exchanging coo
I miss being there/ an inch or two from your face
Oh how I love looking at you/ could you feel my heart race?
Your details up close/ your cheeks/ your pores/ and moles
Your lashes/ your eyes/ and your very tired soul
You are someone in need of rest/ the kind I can never satisfy
So even if try to give my best/ who you need is someone far beyond the sky
How I hate to let you go/ just the idea of it makes me cry
I do really love you/ but for now we need to say goodbye
The season for romance/ we're not quite sure today
But the season for healing/ it kind of looks that way
Dear friend/ we've shared eight/ and we can keep on counting
Far away/ no promises exchanged/ but I'll keep praying
#yl
1 note · View note
secondthestar · 3 years ago
Text
Tumblr media Tumblr media
Today, my college friend whom I have not seen in years came over for us to catch up. I missed her so much! A solid friend, classmate, and PAG batchmate. She's really one of the people who kept me sane in college, one who always had my back. She is a true gem and I am always grateful for her life.
It felt good chatting with an old friend outside church. We bonded over food, watched two and a half episodes of Reply 1988, reminisced about college, talked about our future plans, and filled the gap of stories missing since 2018 to present time. She'll be turning 25 on the 17th so I gave her a little bag of my crafts, some keychains of places I've been to (overdue pasalubongs), and of course, a short but sweet birthday message. I'm glad that she liked it and that she came. I felt a little less lonely and sick today.
Thank You, Lord, for the life of Aya. May she find comfort, rest, and peace in Your presence. I pray for Your will to be done in her life. Amen.
0 notes
secondthestar · 3 years ago
Text
i don't know what's happening anymore
0 notes
secondthestar · 3 years ago
Text
But come to think of it, our story was actually good. It could've been a novel or an indie film. I can see it, di ko lang alam pano sisimulan hahaha
#yl
0 notes
secondthestar · 3 years ago
Text
I miss you but I need to stop thinking about you, about us. What could've been, what should've been. It'll just make me cry more.
0 notes
secondthestar · 3 years ago
Text
some thoughts before sleeping
I am under a yellow light stand
I am dreaming of holding your hand
You seem to age like a fine wine
It makes me heard to draw the line
You look at my eyes so deep
Each time makes me want to weep
I’m afraid I won’t be able to keep this feeling for so long
I feel like my heart would one day just burst out like a song
Why do we always seem to meet at the wrong time?
Would we ever reach the point where we’ll be calling each other mine?
My mind and my heart is at war
You are so close yet so far
The walls I’ve set up seems to go down one by one
It is close to seconds before all of them are gone
And I would have to stand here so bare
When that happens, would you even care? 
#yl
0 notes
secondthestar · 3 years ago
Text
oh look, i’m here again hahaha
brings back memories
0 notes
secondthestar · 8 years ago
Text
Finally, nasabi ko na. Pero gusto nya parin magkita kami para pag-usapan sa personal. Tama na E, bitaw na please. Bumibitaw na ako, halata mo ba? 
Wala narin namang mangyayari kahit pilitin pa natin, kasi wala na akong tiwala. Batchmates parin naman tayo kahit anong mangyari, di mawawala ang katotohanang yon.
Ayoko na sana alamin kung ano ba talaga yung totoo, kung anong mga nangyayari sa tuwing magkalayo tayo at di magkasama. Ayoko na. Pero pinipilit mo mag-explain. 
Hindi to big deal para sa marami, dahil wala namang tayo. Pero siguro, kaya tayo apektado, ay dahil kahit walang label, may emotional attachment. 
Isang taon din mahigit pero hanggang dito nalang. Hindi natin alam kung anong mga mangyayari sa mga susunod na araw, linggo, buwan, at taon. Kung tayo naman, babalik yan eh. Kung hindi, edi hindi. 
Usap tayo next week? Sige. Muli kong sasabihin sayo at sa pagkakataong iyon, sa harap mo na kumakawala na ako sayo. 
Oo, panigurado mamimiss kita. Nasanay na ako sayo eh, pero sanayan lang din naman diba kaya alam kong kakayanin ko. Kakayanin mo rin naman yan, alam ko. Nakaya mo na nga diba? Wag mo na linlangiin sarili mo.
Laya na, E. Lalaya na tayo. 
0 notes
secondthestar · 8 years ago
Text
ABC ng Pagmomove-on
ACCEPTANCE.
   Tanggapin mo munang wala na. Tapos na. Wala nang kayo. Wala nang siya. puro nalng ikaw. Tanggapin mo na ang taong akala mo mag bibigay ng katuparan sa mga pangarap mo, pangarap nyo. Ay wala na. Na wala na ang Prince-in-shining armor mo na magtatanggol at magpupunas ng luha mo kapag pumapatak ang luha sa mata mo. Isiksik mo sa bawat silid ng utak mo at puso mo na wala na. 
BAWASAN ang pagassume
   Hindi porke’t tinetext ka nya, ay balik-kilig na. Na gusto nyo na ang isa’t- isa ulit. na babalewalain nyo na ang nangyare na parang ganun lang kadali ang lahat. Sa totoo lang, maaring namimiss nyo lang ang feeling ng inlove, ng attach, ng feeling na may magtetext sayo araw-araw at nag aalala. pero wala na. bawasan na ang pagaassume, sa huli, ikaw at ikaw lang nag masasaktan.
CHOOSE wisely.
   Piliin mo, piliin mo ang mga taong pag sasabihan mo. Pumili ka ng taong pagkakatiwalaan mo at pagsasabihan mo ng nangyare. Meron kasing mga tao na nakikiusisa lang sa mga nangyayari at worst-case scenario maging isa to sa maging rason para lalong lumala ang gulo sa pagitan nyong dalawa. Kaya kung maari, mamili ka. Kung hindi mo kaya, mas magandang manatili na lamang ito sa inyong dalawa. :) Respetuhin nyo ang isa’t- isa. :D
DONE.
  Tapos na. Wala nang KAYO. Wala ng SIYA. at nag meron nalang ay IKAW. Kaya dapat sa mga oras na to, natututo ka nang tumayo sa mga sarili mong paa. Tapos na ang mga oras nyo. tapos na ang mga maliligayang sandali nyo na magkasama. tapos na ang mga pangarap nyong magkasamang binuo. tapos na. :)
ENJOY the moment.
  Enjoy-in mo nlang ang oras na single kana. Hindi kaba masaya? wala kana masyadong iisipin? Wala nang magagalit pag hindi ka nakapag text ng good morning o good night. Wala nang magagalit sayo. Pwede ka nang pumunta kung saan saan kasama ang mga kaibigan mo ng walang iniisip kung may magseselos ba o wala. Wala nang limitasyon lahat ng kilos mo, wala ka ng masyadong iisipin. Hindi kaba masaya? Enjoyin mo nalng ang buhay single. :D 
FEELING mo kayo pa?
  TAMA NA ANG PANGUNGULIT SA KANYA. Pakiusap, maawa ka sa kanya. gusto kana nyang kalimutan. at higit sa lahat, maawa ka sa sarili mo. Feeling mo kayo pa? Dapat sa mga oras na to, kinakalimuta mo na ang konseptong ng salitang Kayo. Kasi ang meron nalng ay IKAW at Siya at iniwan ka nya para sa IBA. 
GIVE UP.
  Sumuko ka ng umasa na babalikan ka pa nya. Sumuko ka na umasa na dadating ang isang araw nakakatok sya sa pintuan ng bahay nyo at sasabihin sayong, ikaw pa din ang mahal nya. Tama na. Umalis na sya sa buhay mo at wala nang rason para muli mo syang tanggapin pa. Wala nang rason para umasa ka pa sa mga bahay na alam mo, na walang katuturan at walang patutunguhan. Hindi masamang sumuko kung alam mo naman na wala na talagang pag asa. 
HOPING ka pa kasi.
  Umaasa ka pa din kasi. Dapat magkaroon ka ng solidong desisyon kung gusto mo na talagang mag move on o patuloy ka pa ding mag papakatanga sa kanya. Huwag mo nang patagalin pa ang pagdurusa mo, maawaka sa mga taong nagmamahal sayo, sila ang nasasaktan para sa’yo, higit sa lahat maawa ka sa sarili mo. Sa mga oras na ‘to, hindi masamang mahalin ang sarili, hanapin at yakapin mo ang sarili mo ng mabuong muli ang puso na minsan mong pinagkatiwala sa maling tao.
ITAPON mo
  Itapon mo na lahat ng bagay na nakakapag paalala sayo sa kanya. Itapon mo na ang bigay nya sayong kendi, chocolate, mga pictures nyong magkasama, pictures nyong magkatabi, yung couple ring nyo na binigay nya sayo nung monthsary nyo, yung bouquet ng flowers na binigay nya sayo na kahit tuyo’t na tinatago mo pa din. Tandaan mo, hindi masamang gawin tong mga ito, isa kasi sa hakbang yan para mas madali mo syang makalimutan.
JUSTICE.
 Bigyan mo ng hustisya ang sarili mo, hanapin mo ang sagot sa mga tanong mo, kung bakit ka nya iniwan, bakit bigla syang di nagparamdam, bakit hindi mapanatag ang loob mo. Karapatan mong malaman lahat ng iyan dahil yan ang makakatulong sayong tanggapin ang lahat. Para malaman mo rin kung saan ka nag fail sa relasyon nyo, o talagang malandi lang sya at makati na humanap ng iba. Alamin mo. 
KEEP it up.
  Kung sa tingin mo umaabante ka na. Keep it up! :D Tuloy mo lang yan! Wag mong madaliin ang lahat, tandaan mo na hindi ito, “kung sinong unang magkakaroon ng bf/gf sya ang panalo” dahil ang break-up ay hindi paunahan. kung abutin ka ng buwan, taon, dekada o milenyo pa man yan, ang mahalaga, step-by-step :D at makakasigurado ka na handa ka nang humarap sa panibagong yugto ng buhay mo.
LILIPAS din yan
  Masakit ba? Hayaan mo lilipas din yan. Para lang ding gutom yan, makakaramdam ka ng sakit, pero di tatagal lilipas din, kailangan mo lang tiisin panandalian,at dadating ang sandaling mabubusog ka na nmn ng pag mamahal. :D kaya chin up kapag nasasaktan ka, :) maging mas malakas ka kasi dadating ang sandali sa buhay mo na hindi ka na ulit malilipasan.
MAKE yourself busy
  Gawin mong busy ang sarili mo. Humanap ka ng bagay na makakapagtuonan ng pansin, mag aral kang mag gitara, kumanta o sumayaw. discover something about yourself. Umakyat ka ng sagada, isigaw mo lahat ng nararamdaman mo, umakyat ng bundok, isigaw mo hanggang maamaos ka. Puntahan mo lahat ng simbahan n gusto mong puntahan,magdasal ka. Ang daming pwedeng gawin :D mamili ka kung saan ka mas komportable at magiging masaya :D para mas makalimutan mo sya. 
NOT now.
  HUWAG MONG MADALIIN. Kung pakiramdam mo handa kana.For God’s sake, hindi kapa handa. Siguraduhin mo muna. I-double check mo muna ang istado ng puso mo. Kung handa ka na ba sa mga susunod na mangyayare. Kung handa ka na bang mag tiis ulit sa mga bagay na hindi mo ineexpect? Siguraduhin mo muna ang mga bagay-bagay. dahil kung ang sagot mo ay hindi pa, Hindi pa ito ang oras para diyan. Hayaan mo munang mag hilom ang malalim n sugat na naiwan sayo.
Okay lang maging bitter. 
  Uulitin ko,okay lang maging bitter. Nasaktan ka e. Itapon mo lahat ng bigay nya sa’yo, sabihin mo sa lahat ng couple na makikita nyo sa daan na walang forever! okay lang yan. Magpost ka ng nararamdaman mo. Magstatus ng mga hugot, na hugot na hugot. okay lang yan :D nasaktan ka, kung yan ang bagay na mas makakalimutan mo sya, Go! Suportado ka naming mga sawi. :D 
PRAY.
  Magdasal ka. Ito ang bagay na sigurado akong pinakamakakatulong sa’yo. Guard your heart. sa mga taong sasaktan ka lang ulit, samga taong madaming sinasabi tungkol sayo. Guard your heart. And always take time to pray. God is still writing the best love story for you. :D nasaktan ka man ngaun, malay mo, nasa introduction ka palang :D Tandaan na ang relasyon dapat may tatlong H, : HAPPY, HEALTHY, HOLY. :D 
QUOTA ka na sa drama
  Tama na ang drama. Hindi ka pa ba nag sasawa? Sa araw araw na ginawa ng diyos lagi ka nalang nakasimangot, gusot ang mukha, at nakamukmok kung saan saan :D  Tama na kaka simangot mo :D sobra na, dadagdagang kulubot sa mukha mo at mabilis kang tatanda :D Exercise your zygomaticus major. Smiile. :D
REMEMBER na may someone out there
  na may taong nakalaan para sayo, na madami pang tao jan sa paligid mo, nag aabang. maaring sya ang tiga punas ng luha sa mga mata mo ngayon, maaring sya ang taong laging nanjan para sa’yo even when all the odds are against you, maaring sya ang taong anjan para sayo sa oras na pinapaiyak ka nya, inaantay lang nya na mapansin mo sya. madaming taong nagmamahal sayo, ang kailangan mo lang ay buksan ang mga mata mo at ang puso mo para sa tamang tao.
SAY SORRY.
  Manghingi ka ng kapatawaran sa kanya. Siguro ito lang din ang hinihintay nyong dalawa. Mahirap oo, lalo na kung hindi ikaw ang nagkulang, pero alam namn natin na lahat tayo, nagkakamali, nakasakit at nagkulang. Siguro take this chance para humingi ng sorry sa lahat ng nagawa mo. hayaan mo syang lamunin ng konsyensya nya. 
TANGGAPIN. TIGILAN. TANTANAN.
  Tatlong bagay na sigurado akong mahihirapan ka, pero kailangan mong tanggapin para mas mabilis mo syang makalimutan. Para mas madali ang paghilom ng mga sugat na naiwan sa puso mo. Para hindi na din kayong dalawa mas mahirapan pa sa sitwasyon nyo. Mas mapapadali kung iblock mo sya sa lahat ng social media na meron kayong koneksyong dalawa. Para wala kang nakikitang bakas mula sakanya. 
UNLOVE?
  “How do I Unlove you” - unlove. (ʌnˈlʌv) verb (transitive)archaic, literary, humorous to stop loving.  Sa totoo lang hndi ko alam ang sagot, wala namn sigurong paraan to stop loving someone. Makakalimutan mo sila pero naging parte pa din sila ng buhay mo na minsan sa buhay mo naging masaya ka sa piling nila. 
VICTORY
  Kailan mo ma-cla-claim ang victory? Siguro when you are over him/her. Kapag nakakapunta ka na sa lugar na hindi mo kayang puntahan dati, Kapag nakakain mo na ang paborito nyong ulam? Kapag nkikita mo ang picture nya, kahit may kasama pa syang iba, okay lang sayo. siguro kapag nagagawa mo n ang bagay na dati ay hindi mo kayang gawin ng wala sya. :) kapag nasasabi mo na sa sarili mong nakamove-on kana. Kapag handa ka ng salubungin ang isang umaga ng wala sya. Walang makakapag sabi nyan, kundi ikaw lang :D 
WAIT for the right time.
  Antayin mo ang oras na handa ka na sa lahat ng bagay. Tandaan mo, kapag minamadali ang isang bagay, it will end up messy. it will end up regretful. May oras para sa lahat ng bagay :D matuto tayong tanggapin ang katotohanang ito :D Oras para matuto, Oras para maging masaya, Oras para masaktan at Oras para mag move-on.
X.
  TANGGAPIN MO NA X MO N SYA :D Walang ibang makakatulong sa sarili mo kundi ikaw. Tanggapin mo na wala na sya. Wag kang gagaya sa mga Math professors na panay pinoproblema ang mga X nila. Masyado na silang madami, hayaan mo na sila. Ikaw, mas mag focus ka nalng sa buhay mo ngayon at tandaan mo sya bilang X mo, na minsang naging parte ng buhay mo, minsang nagbigay ng kulay sa malungkot mong mundo, at minsang nakasama mong mangarap. na ngayon ay isang mapait na alaala na lamang.
YOLO.
  You Only Live Once. But if you live it right, once is enough. Mag walwal ka kung gusto mo, enjoyin mo muna ang mga sandaling wala na sya. Life is too short para mag mukmok kapa sa isang tabi. Life is too short para sayangin mo ang luha mo sa mga bagay na wala namng kwenta. Kaya pick-up yourself from being down and smile :D a bright day is coming my friend :) 
Zzzzz. 
 Matulog ka. Ipahinga mo ang sarili mo maingay na mundo. Itigil mo na ang pagluha mo sa unan mong binabasa mo na namn ng luha mo. Lumayo ka muna sandali sa realidad. Lumayo ka mna sandali sa mundong maingay. Madaming tanong kung bakit, paano, anong kwento, at kung ano ano pa. ilayo mo muna ang sarili mo sa lahat ng to. Magpahinga ka. You’ve fought a great fight. Reward yourself. 
  sa huli, ikaw pa din ang makakapag dikta kung paanong paraan ka mag momove-on, walang makakapg sabi sayo kung paano, kasi magiging desisyon mo pa din kung paano ka mag momove on. walang makakapag sabi sayo kung ano ang tama at mali, kasi ikaw pa din ang nakakaalam kung anong paraan ang magiging mas maganda at makakatulong sa’yo. Ang mahalaga, kahit matagal, kahit mahirap, kahit ilang up and downs ang maranasan mo, ang pinakamahala ay bumangon ka mula sa pagkakadapa mo at natuto. :D Mahalin ang sarili sa mga oras na ito at wag kalimutang enjoyin ang mga sandaling malaya ka. Lagi ding tatandaang Wag sosobra, dahil lahat ng sobra ay masama. :) 
802 notes · View notes