Tumgik
sodakid01-blog · 5 years
Text
at muli kang kinalabit ng bangungot ng kahapon
0 notes
sodakid01-blog · 5 years
Text
panahon na para lisanin ang pighati
0 notes
sodakid01-blog · 5 years
Text
sadyang makulay ang magulong mundong ito
0 notes
sodakid01-blog · 5 years
Text
nababalot na ng lamig ang pusong minsan nang nagbaga
0 notes
sodakid01-blog · 5 years
Text
wala ka nang kawala sa bangungot ng kahapon
0 notes
sodakid01-blog · 5 years
Text
at naulit, ulit.
at iyong ipinaalala muli lahat ng sakit
1 note · View note
sodakid01-blog · 5 years
Text
hindi lahat ng saya ay nasasalamin sa katotohanan
0 notes
sodakid01-blog · 5 years
Text
"....huwag mo akong salingin," ang bulong niya sa mga sugat ng kaniyang nakaraan
0 notes
sodakid01-blog · 5 years
Text
ang puso'y nahihimlay sa bisig ng iyong sariling pagkabigo
0 notes
sodakid01-blog · 5 years
Text
yakap ng lamig sa dilim
0 notes
sodakid01-blog · 5 years
Text
at iyong ipinaalala muli lahat ng sakit
1 note · View note
sodakid01-blog · 5 years
Text
Sumilay ang mga ngiti sa iyong labi nang sabihan kang; ang iyong ganda ay maihahalintulad sa isang pulang rosas na nakakaakit at naguumapaw sa karikitan at pambihirang halimuyak. Mali, huwag. Huwag kang makampante. Hindi ka isang rosas lang na may taglay na alindog at bango. Isa kang namumukod tanging rosas na mas pipiliing manatili ang mga tinik sa tangkay kaysa pagtakpan ang bahagi ng iyong pagkataong ganoon. Biniyayaan ka ng mga tinik. Oo, biyaya. Iyan ang magsisilbing rehas mo sa mapang abusong mga nilalang na nanaisin kang pitasin, sirain hanggang sa ika'y malanta. Huwag mong baguhin ang iyong pagkatao para lamang sa kagustuhan ng mga tao sa paligid. Ikaw ay isang magandang rosas na may sangkaterbang tinik bilang imahe ng isang magiting at matapang na nilalang.
0 notes
sodakid01-blog · 5 years
Text
namumutawi ang ngiti ng iyong mga mata
0 notes
sodakid01-blog · 5 years
Text
"Paumanhin ngunit ayaw ko na." "Bakit, sinta? May iba na ba? Iba na ba ang iyong iniibig?" "Oo, may iba na." "S-sino?" "Iyong sarili ko. Sa pagkakataong ito, pinipili ko ang sarili ko. Kasabay ng pagpapalaya ko sa iyo ay ang pagbubuhos ko ng atensyon at pagmamahal para sa sarili ko." "Ngunit... Mahal, nandito na ako. Ikaw ang pinili ko." "Tandaan mo, hindi mo kailangang mamili kung sa simula pa lang naging tapat ka na." "......" "......"
0 notes
sodakid01-blog · 5 years
Text
Gaya na lamang ng alon sa dagat, hindi lahat ng iyong naisin ay susunod sa iyo.
Gagalaw ito sa iba't-ibang direksyon.
Lilituhin ka at ililigaw sa daan papuntang panganib.
Sa gantong pagkakataon, sumisid ka.
Hanapin ang kapayapaan sa ilalim ng dagat.
Doon, mararating mo ang kapayapaan at mapapanatag ka.
Ang alon ay alon.
Ang pagsubok ay pagsubok.
Ang pagkabigo ay pagkabigo.
Ngunit ikaw, ikaw ay tao.
Taong kayang magpabago sa takbo ng tadhana.
Taong kayang sumisid sa agos ng kadalamhatian.
Ang tao ay kayang languyin ang alon papunta sa kalmadong parte ng dagat.
Pumili sa dalawa: lumangoy nang makaahon; o
magpakalunod sa agos ng pagsubok?
0 notes
sodakid01-blog · 5 years
Text
Hayaan mong magsilbi itong paalala na minsan mo na akong binigo sa iyong pangako.
0 notes
sodakid01-blog · 5 years
Text
Lasapin mo ang kutya ng madla at gamiting sangga sa iyong pag aalsa.
0 notes