Tumgik
#gusto ko na umalis talaga dito
taaaaangi · 2 years
Text
UAE Trip p.4
Day 2. 6am nga ako nagising diba, ginawa ko lang non nanuod sa tiktok at nagbasa kasi nagising pa sila Alei ng 10am na. Hinintay lang namin si kuya nung lunch kasi half day siya sa work, nagpunta na kami sa jewelry store para magtingin ng gold nga, isa yon sa pakay ko talaga don hahaha kaso sarado ung nagpunta kami kasi friday pala yon, may prayer sila. So, nag decide na lang muna kami magpapalit ng pera, ung dala kong dollars tsaka ung riyal ni papa na may punit. Dito kasi ayaw tanggapin yung may punit, eh sayang naman kung di mapapalitan diba kaya dinala ko na tas don ko pinapalitan. Walang tanong tanong don, pinalitan agad nila ung riyal. itong pamangkin ko pa, lahat na lang nang nandon sa bank na yan, kinausap. Kahit ung may ka meeting na isa, inistorbo niya. Grabe sa pagka friendly. Lahat kinakausap at sinasamahan eh. 
Anws, after namin magpapalit nag ukay na kami. Yung ukay nila parang sa Robinson Nova style ganon. Lahat din pinoy hahahaha may mga polo and blouse na 1 aed lang, sobrang good quality pa, ung iba 5 aed. May nabili akong shorts na 15 aed tapos 2, ang ganda nga ng quality sobra. May nakabili din akong 2 pants na isang Nike dri-fit pants tsaka isang Lee, 20 aed each. Bumalik kami don sa jewelry store pala para bumili nung set ko, madaming maganda pero sa 18k lang ako may nagustuhan. Ang minimalist kasi nung design ng butterfly kaya yun na yung binili ko. Ayaw nga ng nanay ko ung binili ko kasi daw di makinang -_-. Anws, may travel tax yon kaya pwede ko marefund. Sobrang friendly lahat ng staff nila, and pansin ko din lahat nung jewelry store na napuntahan namin, lalake ung mga staff nila. Walang babae. At lahat din nung staff don sa pinagbilhan ko kilala si Alei. Ang future niya siguro talaga maging presidente, char haha 
After nito, nagpunta na kami sa Emirates Palace. Amazed nanaman ako. Ang ganda ng view, pwede ka pumasok sa loob ng hotel. Tamang stroll ka lang ganon, di ka pagbabawalan. Tama din si kuya na mas maganda sa Abu Dhabi haha literal kasi na walang traffic sa Abu Dhabi tapos magkakalapit lang yung pasyalan. Ang spontaneous nga lang ng day namin na to eh, on the spot lahat ng gala, after non nag aya lang yung friend nila kuya na mag dinner sa fish market. Para siyang dampa ganon, bibili ka ng seafoods tapos ipapaluto mo. Difference lang is aircon ung palengke nila, malinis, at mabango. First time ko din natikman ung Arabic Fattoush salad, matamis na maasim ung lasa niya. May isa pa na appetizer eh, parang quesadilla ganon. Nakalimutan ko lang ano ung tawag. Nilantakan lang namin yung hipon, squid, tska ung isang isda na di ko alam ano tawag hahaha pota. 
Hindi pa natatapos ang gabi namin kasi gusto nila ate ipa try sakin ung buko ng emirates, kaya nagpunta naman kami sa fruits market. Sobrang sarap ng buko nila. Akala mo nilagyan ng sugar yung buko sa sobrang tamis. Kahit yung juice sobrang tamis. Nabigyan pa nga si Alei ng libreng orange hahaha nacute-tan kasi sakanya ung nagtitinda. May isa pa habang hinihintay namin yung pinakayod na buko, may nag papark kasi tas itong pamangkin ko ginuide pa siya mag park hayup talaga hahaha kaya tawa kami ng tawa. Akala mo talaga tatakbong presidente kaya napaka friendly. After, pumunta kami sa pasalubong center eme nila don, bumili na ko ng mga pasalubong ko. Yun kasi talaga ang plano ko, bumili agad nung gold tsaka pasalubong kaya ung matitira sa budget ko, pwede ko na gastusin haha. Akala ko tapos na ung gabi kasi mag 12mn na yon eh, pero di pa. Binanggit agad ni kuya na mag Dubai kami kinabukasan. Ganyan sila kaspontaneous, biglaan lahat. Biglaang book ng hotel, book ng tickets sa mga pupuntahan namin ganyan. Kaya pag uwi imbes na papahinga pa kami, nag prepare pa ng mga dadalhin para sa Dubai. Dito din sa point na to nakapag decide ako na gusto ko na ding mag abroad talaga. Sabi ko, iba talaga yung experience pag naranansan mo ung first world country. Mas mag hohope ka na tumira sa ganong bansa kasi ramdam mo ung asenso. 
Day 3.
Dubai. Sobrang bilis kumilos ng asawa ni kuya hahahaha elibs ako. Edi, umalis na kami sa bahay diba, walang patayan ng aircon sila mga dai, kasi kasama sa rent ung tubig, electricity, and wifi. Kaya nagtataka ako bat di nila pinapatay ilaw sa cr tsaka sa kusina buong magdamag, yun pala libre. Nag breakfast muna kami sa Mcdo, lahat talaga don digital payments na. Bihira na nag ccash. Eh cash ang meron ako diba, kaya di nila ko pinagbabayad kasi may mga points pag sa app ka bibili, may libre kang ice cream ganyan, or naka 50% off ung isang burger meal. Masarap din mcdo burgers nila don. The best. Pumunta kami sa The Last Exit, cute na foodpark lang siya ganon haha pero pumunta kami don para mag CR, lahat ng spots ig worthy. May maliit na cute kiosk ng SB don, kay nagtataka kami bat ang haba ng pila papasok, yun pala pila yung drive thru ng SB.  After, the last exit nag punta kami sa Dubai Parks and Resorts-free. Yes po, free siya. walang entrance talaga pati sa parking waley din. Tamang lakad ka lang and pasyal. Nandon din sa loob ung Legoland, pero syempre yon may bayad na at ang mahal niya haha 300aed ata. Kaya inikot na lang namin, may mga pahingahan din sila pag pagod ka na maglakad. May mga bean bags sa ilalim ng puno. Literal na chill lang talaga. tapos pag naka recharge ka na, lakad ulit. Nag ice cream din kami sa Mcdo ( nanaman) hahaha. Yung nalibot na namin to, nag byahe ulit kami papuntang hotel na namin sa Dubai. Yung lugar pa hotel, parang baguio style? na Makati? ganon. Puro pinoy kasi yung nandon talaga. First time lang din daw nila kuya don sa lugar na yon eh. May food stalls na puro pinoy foods, may mga tiange din. Kumain lang kami ng sisig tapos milk tea. Si kuya kumain din ng kwek kwek. namiss niya na daw hahaha Btw, sobrang kulit pala talaga ni Alei, medyo spoiled kasi tapos lahat gusto niya makuha ganon or dapat masunod. Kaya yung 10 minutes na lakad lang sana namin from parking to food stalls naging 20 minutes kasi lagi kaming nahinto dahil sakanya.Understandable naman din kasi inaantok na haha nakatulog na siya habang hinihintay namin ung milk tea eh. 
Next destination, Global Village. amazed nanaman ako. hays. Malayo ung parking space sa main entrance kaya sumakay kami sa parang tricycle? pero ang difference niya, manual na padyak ang gamit ni kuya hahaha eh apat kami diba, malalaki pa kami kaya hirap na hirap siyang mag pedal. pero don walang nagpapadagdag, kung ano ung price yun lang. Global Village, isang malaking park na may tiangge, food stalls, rides ganon. papasok ka lang sa mga bansa tapos may mga nagtitinda ng products nila galing sa bansa na yon. Nagtagal kami sa korea, japan and asian eme eh. Naghahanap kasi ako ng funko, kaso ang nakita ko naman figurines. Every country din don may performance. Ikaw na lang susuko sa kakalakad sa sobrang lawak niya. Hindi na nga namin napuntahan ung ibang lugar sa sobrang pagod na kaya bumalik na kami sa hotel. Pero di pa natatapos yung gabi namin non kasi nag tiange pa kami nung asawa ni kuya lol, nilakad na lang namin mula hotel hanggang sa tiangge. Buhay na buhay pa din ung kalye kahit 1am na eh. Wala na din palang face mask don kaya makakahinga ka ng maluwag talaga. 2am na ata kami nakauwi kasi nag grocery pa kami sa malapit para bumili ng water ang snacks.
DAY 4
Nagpunta kami sa Dubai Mall. May sneak peek kasi don nung pa aquarium nila. amazed nanaman ako hahaha hayup. Imagine, aquarium sa loob ng mall??? Ang ginawa lang namin is nag picture sa Burj Khalifa tapos nanuod ng dancing fountain. Sabi nila mas maganda daw yon sa gabi eh kaso tanghali kasi kami pumunta don, pero oks na din kasi ang ganda. As in. hindi ko nga lang mapicturan ng buo ung burj kasi may mga ulong nakaharan hahaha nag give up na ko, basta nakita ko siya up close, oks na ko haha. Pinatry na din sakin nila kuyau ng biryani tapos ung isang chicken creamy eme na dish din, nakalimutanko yung name tapos isasawsaw mo don ung naan na bread eh. The best din. Ang lalaki pati ng servings nila don tapos ang mura talaga. 
Butterfly Garden. Dapat sa Miracle Garden kami pupunta kaso nag mahal ung ticket, naging 75aed kaya nag butterfly na lang kami. Nakaktuwa kasi ang daming butterfly tapos ang lalaki nila. Ung butterfly na mismo ang dadapo sayo sa dami nila eh. Nung una, takot pa si Alei humawak pero ung natry na niya, sobrang proud niya eh haha nagmamayabang sa ibang bata don na nakahawak siya ng butterfly haha kaya wala kami ginawa kundi humili ng butterfly para sakanya. After nung lakad lakad, may bean bag ulit sa labas na pwede ka mag relax, yung nakaupo na kami, aba si alei, lumapit don sa mga staff ata, may parang band kasi don, may nag gguitara ganyan. May mic. Nag request ang bata ng Let It Go. Choosy pa siya kasi nung una accoustic version ung tinutugtog ni kuya, ayaw niya dai, sabi niya talaga “no. i dont like that”, gusto niya ung original version hahahaha kaya ayon, hinanap pa nila tapos nung tumugtog na kumanta siya talaga. Nakakatuwa sa pagka bibo eh lol. Lahat ng nandon vinideohan na siya. Kahit magulang ni Alei, hindi alam kung kanino daw nagmana sa pagka maarte at mabibo kasi pareho silang hindi ganon hahahaha 
Since, pauwi na kami sa Abu Dhabi, gumala na kami sa pang mayaman na mall don,literal na walang tao ung mall na yon. Naki cr lang kami  tapos take note hindi tissue ang gamit nila pag maghuhugas ka ng kamay. towel, yes po, opo, towel. nashookt ako. first time ko makapag cr na ang gamit nila pang punas sa kamay pag naghugas ka towel. hayup talaga ahaha so ayun na nga, nagtataka kami bakit walang tao, sabi nung pinoy wala daw kasi ung mga businessman. Meeting place pala yon ng mayayaman. 
Final agenda sana namin sa Dubai is ung Museum of the Future, kaso bawal magpapasok kasi may event. Sayaaang, kasi libre din ung museum na yon eh. hays. better luck next year. Nagpunta din pala kami sa One aed store don. Namili kami pasalubong naman. Imagine 1aed ung m&m’s na chocolate. May 1 aed din na pasta. Naka sale halos lahat ng chocolates. Tapo may BPI din don mga sis. Mag aapply na ba ko sa BPI-Dubai branch hahaha lol.
 Pauwing Abu Dhabi, nagharutan lang kami ni alei. Puro ako kagat niya. pinanggigigilan talaga ako nung batang yon. Umuwi lang kami saglit sa bahay para ibaba ung mga gamit tapos pumunta na kami ulit sa bahay nung kapatid ni ate. Tapos namasyal kami sa park, take note 11pm na to. Nag park pa kami. Sobrang lamig din. Sabi nila sakin “Eto paula, ganito lang ang buhay namin dito” hahaha kung ayaw mo na sa bahay mag park ka or mag mall ka ganon. Malinis and safe din kasi ung mga park nila. Malapit pa sa corniche kaya presko. Akala ko after namin ihatid ung mga kapatid ni ate saa bahay nila, makakapag pahinga na kami pero nooooope. There’s drama and nagkapulisan pa lol basta family drama nila yon di ko nakwento. pero after nung kaganapan na yon, ako pa din inisip nila hahaha “wala pang 4 days si paula dito, ganito na bumungad sakanya” hahaha. bukas na siguro ung continuation, nunuod ako OP hahaha lol
4 notes · View notes
applebinnie · 2 months
Text
▶︎˗ˏˋ k-k-keep ballin'! >< ´ˎ˗ tagalog!
𖦹 part I 𖦹 eng ver. ˚⋆。˚⋆ masterlist
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
ᯤ basketball court regular!woonhak ᯤ ✎wc: 1k+, 12 images attached
→ Living in a small inner-city area, everybody knows everybody. But there's one particular boy that everybody surely knows—the boy who's constantly hogging the court, he basically owns it now. By perchance, you get to see this notorious "court monster" play up-close, after moments of watching him from afar, only to realize that he isn't really the kind of boy that you, and everybody, thought he was.
💭: alaws pa akong time magsulat, na-busy eh, tas bumagyo pa TT . eto na muna guys, kiss kiss mwah~ (˶ > ₃ < ˶)♡
🐈‍⬛⋆·˚ ༘ *ੈ✩‧₊˚ (づ˶•༝•˶)づ 🏀๋࣭ ‧₊˚✩‧ੈ⋆·˚ ༘ *🐈‍⬛
Humigpit ang kapit ko sa manibela ng bike nang maaninag ko ang paliko. Dadaanan ko na kasi ang Public Park ng village namin. Mayroon ditong playground sa tabi ng malawak na open-air basketball court. Sa loob ng court,may isang pamilyar na tanawin na hindi na bago sa'ming lahat
Kim Woonhak.
Wala namang ibang tao dito na nag-babasketball sa tanghaling tapat tapos kung makapag-laro pa parang magtatapos ang mundo 'pag 'di niya nai-shoot ang bola. Pero kahit mukhang feeling niya lang kina-astig niya 'yon, aaminin ko, kina-astig niya talaga 'yon.
Dahil sa pinag-gagawa niyang pag-babasketball araw-araw, walang tao dito na hindi siya kilala. Halos do'n na nga siya sa court nakatira eh. Kinakatakutan rin siya ng mga kalaban ng team nila sa liga. Pagkakita na pagkakita palang sa kanya, ang dami nang dahilan para hindi makapaglaro sa liga.
Bukod sa basketball, isa din kung bakit siya iniiwasan ng mga ka-edad niya sa liga. Hindi lang labanan ng bola 'to, pati puso ng bayan, pinag-aagawan kung sino unang makakaakit. Eh ano bang laban nila diyan, eh crush ng bayan 'yan eh! Matangkad, chinito, ta's pagdating sa laro, kung gaano siya kabilis mag-isip gano'n din siya kabilis gumalaw.
Pinapanood ko palang ngayon, para akong nanonood ng model na na-taunang magaling din pala humawak ng bola. Lahat ng tira niya malinis, walang pinapatawad. Tumigil muna siya saglit para huminga, tinanggal niya ang beanie niya para punsahan ang namamawis niyang buhok. Maya't maya lang nagsipasok na sa court ang mga tropa niya, si Myung Jaehyun at Kim Leehan. Magaling din sila maglaro, pero wala sila sa level ni Woonhak. Sinimulan ko nang mag-pedal nang marinig ko na nagsisipasok na ang iba pang ka-team ni Woonhak. Kasi 'pag nahuli, yari!
Pag-uwi ko, binuksan ko ang laptop ko at naki-chismis sa forum ng baryo namin. Mga opisyal namin dito sa baryo ang may hawak nito. Nakakatuwa din kasi minsan basahin ang samot-saring mga post ng mga ka-baryo namin, kahit yung mga nagpo-post ng mga alaga nila pati mga ulam nila. Cinlick ko ang link sa bio ng forum. Dinala ako nito sa forum ng mga ka-edad ko sa baryo. Mas nakakatuwa maki-usyoso dito, kasi dito lahat ng issue, chismis, at iba pang ganap, dito 'yon pinopost. Maski 'yung mga naghahanap ng ka-lovelife at ng ka-duo sa call of duty, dito nagpopost. Pero ang favorite ko is 'yung mga "anonymous mail" na meron dito, parang freedom wall.Dito unang takbo lahat ng mga nagpapatama, nagpaparinig, pati mga nagco-confess. Kasi 'di naman malalaman nu'ng taong pinagconfess-an na ikaw ang nagsulat no'n.
"to: mr. halimaw ng court
kada dumadaan po kasi ako sa court lagi ko po kayo nakikitang naglalaro. nabalitaan ko na hindi niyo raw po gusto na tinignan/pinapanood ka? totoo po ba 'to? huhu parang medyo wala kasi ako sa sarili nung isang araw kaya medyo natulala ako. Sorry po talaga kung na-abala ko po kayo. hindi ko po intensyon na tumingin huhu sorry po talaga. "
Nakasulat sa isang post. Ayun nga. Kaya umalis ako kaagad kanina. Ayaw niya ng tinitignan siya. Ang alam ko, nonchalant siya and most of the time wala namang pake, pero ayaw niya ng pinapanood siya nang wala namang event. Parang feeling niya, private time niya 'yon. Nasa public park ka ho! Jusko. Pero sabi din nila, nakakatakot daw siya pag galit. Wawa naman si ate girl, na-trauma ata sa mga nababalitaan niya tungkol kay Woonhak.
Pero pa'no kung nakita nga niya ako, edi ako na ang naging weirdo? ako na ang naging patay na patay? Hayst! Pero 'di naman niya ako nakita, 'di naman namamansin 'yon eh. Saka sa malayo ko lang naman siya tinignan.
As long as walang nakakita, no witnesses, no evidence, safe ako! 'di ba?
🐈‍⬛⋆·˚ ༘ *ੈ✩‧₊˚ (づ˶•༝•˶)づ 🏀๋࣭ ‧₊˚✩‧ੈ⋆·˚ ༘ *🐈‍⬛
oo nga, hindi ka nga niya nakita, eh nakita ka naman ng mga tropa niya.
Woonhak's POV 🐻:
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pagkapasok ni Kuya Jaehyun at Leehan sa court panay ang iling at tawa nila.
"Ano kaya 'yon?" Mapang-asar na sambit ni kuya Jaehyun na sinasapawan ng "nyare boi" ni Leehan.
"Seryoso, wala nga akong nakita!" Pagprotesta ko.
"Nando'n lang siya nakatayo oh," turo ni Jaehyun sa malapit na poste sa may paliko.
"Ano 'yon?" tanong ni Leehan, na naglalakad papunta do'n sa puwesto na 'yon. May pinulot siya na something na hindi ko maaninag kaya nilapitan ko siya.
"Ano 'yan 'ya?" Tanong ko. Pinakita niya sa'min ito nang naka-nguso. Isa itong airpod na nag-iisa. Sa itsura no'ng lugar, mukhang isang airpod lang, walang kasama.
"Pa'no niya 'yan hindi napansin?" sambit ko habang natatawa. Grabe naman ang pagkamanhid no'n kung 'di niya talaga napansin.
"Hindi mo nga naapansin na may nanonood na sayo, makapagsalita ka diyan." Halos mapa-talon ako nang bumulong si kuya Taesan sa tenga ko.
"Sa'n ka galing?" inis na tanong ko. Kung 'di ko lang kinu-kuya 'to tinadyakan ko na 'to.
"So, anong plano..." mahinang banggit ni Leehan habang sumesenyas sa airpod.
"Hak, ikaw na magbalik, fan mo 'yon eh," mapang-asar na comment ni kuya Sungho. "Oh baka naman may plano kang itabi 'yan," dagdag pa niya habang tumatawa.
"Siraulo, anong tingin mo sa'ken?" sabi ko bago kunin ang airpod sa kamay ni kuya Leehan.
Pagka-uwi ko, nagpost agad ako sa forum ng baryo namin.
Tumblr media Tumblr media
🐈‍⬛⋆·˚ ༘ *ੈ✩‧₊˚ (づ˶•༝•˶)づ 🏀๋࣭ ‧₊˚✩‧ੈ⋆·˚ ༘ *🐈‍⬛
Pa-scroll scroll lang ako sa forum pampalipas oras. Nakikichismis lang sa ng umaamin at narereject. Pero kakaunti 'yon ngayon, lahat kasi ng anon message natabunan ng mga video tungkol sa issue ng bugbogan no'ng isang gabi. Malabo 'yung video, pero kahit anong labo niyan, sa sigaw at asta palang, kilala ko na 'yung bida sa video.
Jung Sungchan.
Kilala rin siya rito, parang si Woonhak, mas matanda lang ng onti. Pati mga kapitbahay na village at compound, kilala siya bilang maangas na basagulero. Pero pagdating sa galing mag-basketball, baka siya lang ang makakatalo kay Woonhak. Pero si Sungchan kasi, 'di kagaya ni Woonhak, tuwang tuwa siya pag pinapanood siya. Lakas maka-feelingero eh! 'Yong tipong tao na GGSS, gwapong-gwapo sa sarili! Ka-asar eh! Siyempre, 'di niya aaminin 'yon. Pero sa dami ng ginugulpi niyan kada-linggo, paang halata naman na uhaw siya sa atensyon.
May binasag nanaman siya na mukha kagabi, Yangyang daw ang pangalan. Sabi pa no'ng ibang witness, gusto pa sana nila idawit mga ka-team ni Woonhak sa gulo.
Dinukot ko ang bulsa ko para kunin ang airpods. Ang pangit kasi ng audio no'ng video, tapos katabi ko pa si Yujin na natutulog, baka magising, asarin nanaman ako niyan na updated pa rin ako sa buhay ni Sungchan.
Kaso, nasa'n yung airpods? Binuksan ko 'yung lalagyanan, kaso wala! Dumukot ulit ako sa pantalon ko. Nakakita ako ng isa, pero yung isa, wala talaga! Mukha na akong kiti-kiti dito, buti 'di nagigising 'tong kapatid ko na 'to. Sa likot ko, napindot ko 'yung refresh ng cellphone ko, at do'n ko nakita ang pinaka-bago na post.
LECHE!!! Araw-araw nalang akong tinatarantado ng mundong 'to. Gusto ko nalang magmukmok sa gilid. Fresh pa pa 'yung post eh, pero nakaabot pa si Yujin na naghihilik dito sa tabi ko, siya pa ata first comment.
Dali-dali kong minessage si Woonhak. Sa lahat ng taong puwedeng makapulot, si Woonhak pa talaga? Pabugbog mo nalang ako kay Sungchan, ayoko na dito.
Tumblr media
"Seen"
Chaka! Sobra naman pagka-nonchalant neto! Naiimagine ko na kung gaano ka-awkward itsura ko bukas. Pero si Woonhak naman 'to eh. Kung siya nga 'yung Woonhak na wapakels sa mundo edi ba't ako kakabahan? Iaabot niya lang naman 'yan sa'kin, ta's tapos na! 'Yun na 'yon, 'di ba?
🐈‍⬛⋆·˚ ༘ *ੈ✩‧₊˚ (づ˶•༝•˶)づ 🏀๋࣭ ‧₊˚✩‧ੈ⋆·˚ ༘ *🐈‍⬛
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
🐈‍⬛⋆·˚ ༘ *ੈ✩‧₊˚ (づ˶•༝•˶)づ 🏀๋࣭ ‧₊˚✩‧ੈ⋆·˚ ༘ *🐈‍⬛
SHEESH 'di pa tapos 'yung iba kaya eto muna guys, (╥﹏╥) pero!!! I have a seunghan thing and the part two of zombaby coming up! possibly a wonbin thing too if I have time. ahihi love you guys!!
-val 🧸
12 notes · View notes
kimhortons · 4 months
Text
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
manila | first weekend of june
first things first, got to visit my lolo and lola with J. this is one of the moments that i've been waiting for—maintroduce ko si J sakanila. friday palang habang naka duty pa, bigla ko naisipan na dalawin sila kasi ambigat bigat na talaga ng pakiramdam ko nun sa work. feeling ko kailangan ko sila. so i decided na pag dating ng manila, sakanila muna kami dadaan. kay mommy pa sana kaso ang layo and hindi na kakayanin ng oras since overnight lang kami dun.
after sa cemetery, tumambay muna kami ni J sa dunkin donuts para mag kape at magpalamig kasi pareho na kaming tinotopak haha. then we went home around lunch na. pag uwi namin, may inihaw na liempo which i requested to my brother. hehe cute medyo magkasundo na talaga kami, nakakarequest na ako sakanya. mom must be so happy. hehe
so ayun, nagpahinga lang then around 3pm nag prepare na kami to meet my bestfriends; rachel, chi and her husband kasi manunuod kami ng single launch ni ate keiko sa brewing point. tumambay muna kami ni J sa fishermall while waiting for them, pag dating ni rachel dumeretcho na kami sa venue and ordered their pesto na okay naman lasang pesto haha, masarap naman though. medyo nalate sila chi kasi inabutan sila ng ulan sa daan.
the show was great, marami ring guest kasama si clara benin at janine teñoso. ang pretty niya pala in person. hihi. nakaka tuwa lang kasi after almost 10 years nalang ulit kami nag kita nila ate keix pero kilala niya parin kami. grabe. a lot of people might still don't know her pero she's great, barkada siya nila moira at tj kaya sobrang nakaka overwhelmed at nakaka proud na we're the first ones to see them grow as an artist. huhu nakaka touch lang.
kinabukasan naman we met with mitch para manuod ng basketball game nila cong at donny. hehe ito talaga yung agenda ng pag uwi namin, wala lang gusto ko lang sila makita ng personal lalo na para kay J kasi fan siya nila cong. kaya nung inaya ko siya, di na nagpapilit. nag go agad siya once in a bluemoon lang siya ganon kadali ayain e haha.
anyway,before the game pala. nag ikot ikot kami sa gateway kasi mag papasabuy sana yung boss ko ng sapatos, but since di naman siya nag push through, ako tuloy yung nabudol haha. 1500 lang 'tong cute na chuck taylor ko sa planet sports. hehe. after that kumain at tumambay kami sa nono's chikahan with mitch. tas dun narin kami nagpa grab ng lola nena's na pinang pasalubong namin sa work.
di na namin natapos yung game, hanggang half time lang kami kasi deretcho byahe narin kami pabalik ng bicol, nakaka asar lang kasi delayed ng 30 minutes umalis yung bus sana pala nag stay pa kami ng konti dun. buti na nga lang talaga at nauna maglaro yung mga pinunta namin dun kasi nag laro pa pala sila gerald after nila, inabot na ata ng 11pm yung game.
although bitin yung pag uwi ko, masaya naman kasi naka bonding ko ulit yung mga tunay kong kaibigan hehe. naka pahinga saglit sa struggle sa work. sana talaga may budget ako lagi pauwi ng manila para kahit wala akong friends na ituturing din akong totoong kaibigan dito, okay lang kasi kaya ko parin makasama at maka bonding lagi yung mga totoo saken. hehe. wala lang. okay na ako na nakasama ko sila kahit saglit.
andito na naman ako sa point na tinatamad at unmotivated na pumasok dahil pagod na makisama. hay. haha.
10 notes · View notes
nice2meetyouu · 5 months
Text
Long Essay
Sabi ng pinsan ko (29M) sometime last year sa isang family gathering, huwag daw muna akong mag-anak. Ang point nya ay napakahirap palang mag-anak. Sabi ng asawa nya, dapat sa 'kin mo sinabi 'yan dati! Tapos nagtawanan.
Recently, tinanong ko 'yung kaklase ko noong elementary (26F) na conventionally successful nang tao (may bahay, nakapagpatapos ng kapatid, may kotse... at sa US nakatira at nagwowork) kung susundan na ba niya 'yung anak niya para isang hirap na lang sa pagpapalaki. Sabi niya, ang hirap daw pala talaga, at saka nag-resign siya sa work, at baka umuwi dito, para magpatulong mag-alaga ng anak. Okay na raw 'yung isa, tama na raw.
Ang age gap namin ng mga kapatid ko ay 7 at 15 years, which meant na habang lumalaki ako, laging may baby sa bahay. Sa isang kwarto lang kami lahat nags-stay para makatipid sa kuryente (at wala rin namang masyadong kwarto talaga), kaya sa hatinggabi o pag may umiiyak, gising din ako. I felt na my life was easier compared sa mga kaklase ko noong elementary na parang pangalawang nanay na talaga, and can run the household (in terms of chores) by themselves.
Still, I didn't really hate children and thought na the "normal" way of life is to find a partner and have children. My parents married young and had me right after college, and I thought I'd be settled down at an early age, too. I had a boyfriend late in high school who copied the courses and colleges I applied to, and eventually enrolled in the same course with me. After a few months of college though, he said, ayaw na niya, and made every effort to avoid me throughout four years of university life.
I felt that relationships were so unpredictable and caused unnecessary stress, so I didn't enter a new one until college ended. My early 20s was a prime time and there were a number of people who showed interest in me, and during med school I had two relationships which didn't work out for various reasons. But that last relationship, at 23 years old, "woke" me up from thinking that I have to be partnered and eventually have kids. That was when I really realized that it's not a requirement in life.
Discovering childfree groups later on made me even happier, because it made me feel accepted and normal. I didn't experience pregnancy and childbirth myself, pero growing alongside my mom opened my eyes to the reality of taking care of a child. My mom says things like masaya pag may bata sa bahay, and now I hear the same sentiment from high school friends whose siblings have had children by now, but I can't correlate it with their behavior.
I mean, the way my mom says things like gusto mo pa akong pasigawin lagi, umagang-umaga nagpapaluan pa tayo, wala kang ginawa kundi manood! and more, and her irritable mood make me wonder nasaan 'yung masaya. I also know that she wanted to work and do other things like travel, but will use us as an excuse na walang kasama 'yung kapatid ko, walang mag-aasikaso, etc. and the youngest is always the priority. Hindi pwedeng umalis, or kahit umalis, kailangang umuwi agad, kasi walang mag-aasikaso o walang kasama 'yung batang kapatid.
Aside from a coworker who is very vocal about being childfree, I don't really know any other male who's on the same ship. In contrast, I have at least 5 girl friends who don't want children. Even a coworker of mine who recently got married at age 41 plans on having children still, so I don't really know if I and the people I know will remain childfree, but the point of this essay is that:
You don't need to have children to know how difficult it is to raise them.
I don't see the need for it, I don't see the appeal of having kids.
I'm glad that there are more visible childfree communities out there.
I don't know why parents have to defend* the status quo by saying things like, you can have children AND travel or go out on weekends, you can have children AND excel at your job, you can have children AND still save money.
*Joyce Pring comes to mind. May sinabi siya na women have been lied to, or something. From my perspective though, there are more parents than non-parent adults, so it's not like people are keeping it a secret that raising a family is difficult.
This is anecdotal, but my female coworkers are the ones taking sick leaves and emergency leaves when something's wrong with one or all of their children. One has educational stuff on her work laptop (apparently, she doesn't have any other device) for her child's projects and whatnot. The burden falls on moms to still take care of the household and children even when the mom has a full-time job. So, it's not like we've been lied to or anything, we just want to opt out of those things.
To be fair, a colleague said that for her and her spouse, a child will eventually grow up, as opposed to a pet that will be dependent on you for food and shelter for as long as it's with you. But unless you had your kids young (a lot of people tell my parents, buti ka pa, may doktor na), you will probably be already retired when your child's old enough to be independent.
7 notes · View notes
jillaxkalangg · 6 months
Text
having a happy crush to someone you used to like back in high school is something i'm not really proud of hahahaha it feels weird??? idk how to share it with my hs besties bec they might think its crazy (bc it is!!) lol i used to tell them im so over him but look at me now ;_;
anyway!! kwento ko lang din dito, umuwi kami last friday sa batangas pero bumalik din dito sa pampanga kahapon, so nag igs ako na pinapakinggan ko ang huwag muna tayong umuwi by bini pero nilagyan ko ng caption na "but its ayaw ko muna umalis", i was not really expecting him to see my igs kasi di naman ata nya naviview igs ko. di rin naman ako nagchecheck, except this igs HAHA papansin lang talaga eme. so last night before going to bed which is way earlier that i usually sleep, i checked my igs, di pa rin nya naviview and la naman ako magagawa don diba. SO imagine my surprise when i saw his name in my ig notif T___T HAHAHA boang na talaga ako. i woke up around 12 am and saw the notif, syempre napangiti na ako kasi successful ang pagpapapansin natin (thank u bini) pero nakatulog na din ako agad. akala ko panaginip lang sya tbh kasi nung nagising ako kanina, wala sa notif bar. so i checked sa ig ulit, and nilike nga nya ;_; idk what to feel HAHA baka boang lang talaga ako kapag binigyan ko ng meaning yon diba, kasi gawain ko rin sya sa ibang tao haha like nililike ko rin if i saw someone posting abt svt and trsr, so ayon need ko na itigil tong pagiging delulu ko. hindi naman nya ko gusto like in jhs, not nagdadrama but its real hahaha
also, naiilang tuloy ako magshare ng igs ko about sa BINI kasi baka isipin ng friends ko nagpapapansin ako (medj) pero hindi talaga i swear
7 notes · View notes
sunb0rn · 1 year
Text
andito nga ako ngayon sa Taguig dahil kung uuwi ako at babagyo hindi ako papayagan umalis, eh I have AHEB tix na. gusto ko pumunta siempre at sobrang nakaka hiya sa ang treat sakin lalo na ang layo ng panggagalingan nila.
bali thursday night ko pa ito na plano, sinabihan ko si rem that I have to tell the parentals na magkasama kami sa apartment kasi negats yon kung ako lang mag isa. nagplan na din kami to hangout over the weekend- friday and/or saturday (but kahapon ang natuloy was dinner with 3 other workmates). bali later nalang pag uwi ko.
kahapon ko lang nasabi sa bahay na di nga ako uuwi, sobrang anxious ko pa niyan. what he really pushed me eh nung around 3 pm ba yon na panay kulog kidlat at nadilim. bukod sa bagyo, kailangan ko pa sabihin (idahilan) na request nii rem magpasama just to make sure na di ako sasabihan na umuwi nalang.
actually even without the "request ni rem" part wala naman ako natanggap na side comment. sinabi lang ni mamy na sabi ni dady okay lang basta may kasama, kung wala at di pa naulan umuwi ako. halos sabay pumasok yung reply na yon at yung dagdag ko sa paalam. no, hindi masarap sa feeling na mag sinungaling sa kanila, kaso ang problematic talaga kung uuwi ako. :(
tbh I knew na papayag/wala naman sila magagawa dun palang sa paalam ko na mag stay dahil sa bagyo, sobrang naguguilty nga ako don sa "request ni rem" especially nung gumaganda panahon. like tang ina, uwi nalang ba ako para makapag paalam ng maayos? pero yon nga ang unpredictable ng season/bagyong ito; wed and thurs, naabutan ako ng malakas na ulan pauwi from gym pero kahapon kung kelan sya mas ineexpect, wala naman. nanghinayang nga ako na hindi ako tumuloy mag gym dahil baka magkasakit na ako pag naulanan nanaman.
feels.
napapagod na ako sa palagi akong nag wworry sa pagpapa alam sa kanila, na most times unneccesarry;
papayagan at ramdam kong okay lang talaga sa kanila yung lakad,
pero kapag nangyare yung worry ko ang lala din
that Movements concert na pinush kong magpaalam ng maayos kahit mag isa ako tas Sunday night pa;
naka alis ako pero napag sabihan na ang inconsiderate ko and all. imagine yung umiiyak ka nag aabang ng jeep imbis na excited makapunta ng concert.
that at lahat ng hang ups, frustrations, traumas na nag resurface.
mas malala pa dito mangyayare if umuwi ako ngayon at pinilit makaalis kahit may bagyo o nagbabadya.
sakit ng dibdib ko even while typing this,
ayoon. sobrang aliwalas ng panahon ngayon, still we don't know yung mamaya lalo sa hapon :(( nag chat na din mom ko ngayon ngayon lang (6:35 am) pinauuwi ako para makapahinga sa bahay at di ko pa alam ano irereply huhu di ko alam paano rereplyan :((
ingat lahat today lalo mga nasa affected areas.
20 notes · View notes
wittykahitcorny · 4 months
Text
Dear ate Charo, napasulat po ako para ikwento ang mga naging trabaho ko sa buhay.
Bata palang ay namulat na ko sa pagbabanat ng buto, madalas ay sumasama ako sa palaisdaan pag may pakapa. Nasanay kami sa mga gawain sa palaisdaan gaya ng pagtatambak at pagbubunot ng lumot at digman.
Nung magtapos ako ng high school ay tumigil ako sa pag aaral. Sinama ako ng tatay ko sa ponduhan kung san siya nagtatatrabaho. Ang naging trabaho ko dun ay taga ilado ng isda. Mababa ang sweldo, maswerte na ko pag kumita ko ng isandaang piso sa isang araw. Hindi araw araw may pondo ng isda at di palaging may trabaho kaya umalis ako.
Nabalik ako sa trabahong palaisdaan. Nagbibila, nag iistaka kami at nagtatambak ng putik sa pilapil. Lumulusong kami ng 5am at umaahon ng pananghalian. Mahirap ang trabaho, babad sa sikat ng araw pero ayos lang kasi nakalublob naman sa tubig ang katawan. Naalala ko pa nun na sinabi ng pinsan ko, "kung gusto mo ng trabaho na di masyadong mahirap, sana nag aral ka. Eh di sana nasa opisina ka".
Nag training ako at sumama sa delivery ng softdrinks sa metro manila. 1 week lang ang tinagal ko dun kasi pagod ang katawan sa work at pagod pa sa byahe paluwas sa Maynila at uwian araw araw.
Sinama ako ng tito ko sa QC. May project na bahay ang tito ko na architect kaya sinama ako at naging piyon. Lumuluwas ako ng linggo ng hapon at umuuwi ng sabado ng gabi. Di naiiba sa mga nagwowork sa manila na taga province ang schedule sa pag alis at pag uwi. Sumusweldo ako ng 200 pesos per day. Mahirap ang trabaho at walang araw na di ako nasusugatan o nasasaktan. Mainit pa sa barracks namin na yari sa yero.
Pagkatapos nito ay nag isip isip ako kasi nahihirapan na ko sa buhay. Kontento na ba ko sa estado ng buhay ko? Gusto ko kasi mas umasenso. Kahit papano gumihawa yung buhay ko.
Bumalik ako sa pag aaral. Habang nag aaral ako sa kolehiyo ay naging working student ako. Student assistant sa Dean's office ng college of science. 25 php per hr at max of 4hrs lang per day ang duty. Pero kahit di ganun kalaki ang sweldo ay nag open to ng maraming opportunities sa akin. Tumaas din ang self esteem at confidence ko.
Nagwork ako sa school kung saan ako grumaduate. Job order lang kaya di malaki sweldo at kulang din sa benefits. Mabigat at maraming work pero enjoy kasi marami akong friends sa workplace. Appreciated din ako ng mga colleagues, teachers, students at parents kaya satisfied ako aa work ko.
Iniwan ko ang work sa Pinas para makipagsapalaran sa abroad. Sinama ako ng pinsan ko sa Dubai. After a week ay nakahanap agad ako ng work bilang kitchen staff. Malayo sa napagtapusan ko at sa mga naging work ko dito sa Pinas. Pero ganun talaga kasi need mo mag adjust. Para sa akin ay hindi okay ang sweldo. Nasa 32k lang per month ang sweldo ko at ang mahal ng cost of living. Mahal renta sa bahay na higaan lang naman talaga. Mabigat ang work at madaming ibang lahi na mababa ang tingin sa pinoy. Kahit kapwa mo pinoy hihilahin ka pababa.
Bago ko nag Dubai ay nagtake na ko ng civil service exam. Pag uwi ko ng Pinas nung 2018 ay nag apply agad ako. Nasa line pa rin ng education. Tanggap na ko sa St. Scholastica sa Malate, Manila as Registrar at 20k ang offer sa akin pero mas pinili ko ang 16k na offer sa akin dito sa Bulacan. Malaki nga kasi sweldo mo pero malaki din cost of living sa Manila. Swerte na rin kasi di na ko inabutan ng covid sa Manila.
Hanggang ngayon ay under DepEd pa rin ako. Nagwork ako as Adas 2 for more than 2 years at ngayon ay mag 3 yrs na as AO 2. Eksaktong May 29, 2019 lumabas ang advise ko kaya eksaktong 5 yrs na akong nagwowork sa current work ko ngayon. Hindi man ganun kaganda o kalaki ang sweldo ko, madami man ang pinapagawa at maraming tao na susubukin ang pagtitimpi at pasensya mo ay masasabi ko pa rin na maswerte ako. Di man gaya ng iba na nasa magagandang kompanya, malaking sweldo, mataas na posisyon at magaang trabaho.
Dahil panahon ngayong ng moving up at recognition rites, pang speech ko sana to as a guest speaker pero di naman ako ganun kaimpluwensya o popular na tao kaya di ako nakukuha. Wala din akong maidodonate sa school kung kukunin man akong speaker kasi hindi rin ako mapera kaya dito ko na lang pinost ang mga pinagdaanan ko sa buhay na sana kahit papano makapulutan ng aral ng mga bata.
Malayo na pero malayong malayo pa. Hindi ko rin akalain na mararating ko kung ano man ang kinatatayuan ko ngayon. Kaya wag kayong basta basta makuntento. Patuloy lang sa pag abot ng pangarap. Hindi mo namamalayan na yung pinapangarap mo lang dati ay meron ka na, nakakain mo na yung pagkain na di mo nakakain dati, nabibili mo na yang mga bagay na di mo kayang bilhin noon at napuntahan mo na yung mga lugar na nakikita mo lang sa iba. Basta mag tiwala lang tayo sa ating sarili at kakayahan. Tuloy lang din ang pagdarasal kasi ibibigay ni Lord kung ano talaga ang para sa atin.
Nagmamahal,
JM Raymundo
Tumblr media
3 notes · View notes
chereserene · 1 year
Text
A week of realizations sa mga bagay na I thought I loved and I was good enough.
Re: long post ahead but worth the read
gago hahahaa di ko alam kung ngingiti pa ako at some point pero ewan i badly want to cry, pagod ako physically and mentally.
I was so excited and at the same time scared.
First time ko sa teaching field pero hindi na bago sa akin yung mga issues pero kapag andun ka na pala ang hirap hirap hirap na.
Unang linggo palang ng pasukan, di ko alam kung kailan pa ako tatagal. Ang dami nang nangyari, totoo yung sinabi nila na pagteacher ka at pag wala sa puso mo yung pagtuturo. Tangina, susuko ka na lang talaga.
1. Ang dami naming nahire na bago ang saya ng first week pero eto nagstart na yung pasukan 2 na agad yung aalis sa amin. Iba rin pala kapag may aalis kasi yung isa kailangang umalis, yung isa hindi talaga masaya sa pagtuturo.
2. Halos lahat kami pasuko na isang linggo palang. Rason:
- ang hirap magturo, ang hirap magsuway, isang linggo palang mawawalan na kaming lahat ng boses.
- aaminin ko may mga parents talaga na (ah ewan basta ayun)
- pagod na ako physically to the point na wala na akong naitutulog kasi kakagawa ng presentation, kakaaral ng major subj, kakaayos ng mga kailangan ayusin, check dito, check dun.
- yung kain ko lagpas lagpas na shuta haha minsan lunch o break nakatulala na lang ako sa mga estudyante ko habang pinapanood ko sila na naglalaro, iniisip ko paano ko maitatawid yung magturo ng isang oras.
- may mga estudyante talaga na hindi ko kaya huhu ang hirap jusko 6 na sections, iba ibang grade year level kailangan alamin mo lahat.
- sinasabay ko rin pagiging estudyante at the same time tho unti na lang may mga final requirements na lang na kailangang ipasa kaso ayun natetengga pa rin.
3. Mabait ang administration sobra. Sa kanila rin ako lumaki eh, dyan rin ako galing pero as a teacher talaga ang hirap kasi hindi sapat yung sasahurin mo. Overload at overwork ka everyday. At hindi lang pala teacher trabaho ko ha.
4. Don't get me wrong. Masaya ako na nagtuturo pero pakiramdam ko nasa akin na yung problema. Tangina. I'm doubting myself kung kaya ko ba.
-Kung kaya ko ba iimpart yung knowledge sa mga students.
- Kung may matututunan ba sila sa akin o wala. O kung oo lang sila ng oo tapos wala naman pala silang natutunan.
- Yung mga parents na sobra sobra magdemand na gusto nila, isang sabi lang nila, may aksyon ka na agad.
I'm pressuring myself and my other resort is sumuko. Baka kailangan ko lang ng validation na kaya ko or else ako na talaga yung susuko sa field na gusto ko at gusto kong mahalin. Baka feel ko gusto ko lang para magkaroon ng direksyon yung buhay ko pero in reality isa lang pala akong patatas na nagaassume na magaling ako.
Baka hindi naman pala ako magaling, assumera lang.
10 notes · View notes
jpehg · 7 months
Text
Sino si Alex Alexanderson? 130324 1316
Nung college ako, meron akong prompt sa isang libro. Tungkol siya sa isang binata na may kakayahang ibalik 'yung oras kapag inii-snap niya yung fingers niya. Oo, uunahan ko na kayo, 'di na bago 'yung time-travelling at time manipulation bilang isang cliché sa mga kwento, tula, or pelikula. Pero think about it, a piss poor guy na walang redeemable qualities maliban sa inosente niyang understanding sa mundo, tapos sinusubukan pa niyang kilalalin sarili niya, tapos 'yung setting, isa sa pinakaprestigious na unibersidad ng Pilipinas? Tapos kaya niyang ibalik 'yung oras? Bata pa ako nung naisip ko 'yon pero sa mata ng isang iskolar ng bayan, sapat na 'yan para maging bala sa bolpen at lapis. Gagamitin niya 'yung newly-learned powers niya sa kabutihan like para 'di male-late sa klase, or makapag-aral pa sa susunod na exam, o kaya siguraduhing tumae muna bago umalis ng bahay. I know. Taga-UP siya pero he's not that smart. Buhangin, oras, kahirapan. Literally Prince of Persia, but Pinas.
Pero noong mga panahong 'yon, inisip ko kung ano yung magiging alas ng librong 'to sa "Perks of Being a Wallflower", o kaya "Twilight". Wala akong mga bampira at 'di ko naman kayang i-afford si Logan Lerman bilang book cover. Syempre, kakailanganin natin ng mga magbabasa nito kahit na 'di ko naman ninais n'on na "dapat mabasa ng lahat 'to." Ewan, mas gusto ko kasi ng mas maliit na grupo ng readers na magsasabi ng "Haha, what was this guy thinking fuckin' dumbass" kapag may katangahang ginawa yung bida tapos ise-send nila sa messenger/tumblr ko 'yung reaction. That would feel nice. Pero ok nasa-sidetrack tayo, balik sa topic.
Ganto dapat 'yung magiging format ng libro. Ready ka na ba?
PAATRAS YUNG BILANG MGA CHAPTERS.
Pero hindi siya straightforward na "30" tapos "29" yung kasunod. Hindi rin nakalagay 'yung word na chapter. Basta number lang siya sa isang blankong papel. Magsisimula siya sa isang napakataas na numero hanggang sa umabot sa 1. Halimbawa, yung pinaka-unang chapter ay 423412312 pero in words. Sa una, iisipin ng mambabasa na "huh, ano 'yon?" Tapos tutuloy na lang sila sa susunod na kabanata. So nag-eenjoy sila. Tapos 'di nila mapapansin na pababa nang pababa 'yung number.
Tapos pagdating sa second to the last chapter, 120 or 60 na lang yung number.
Tapos habang binabasa nila yung maikling chapter na 'yon. Saka nila maco-correlate na 'yung numbers pala ay equivalent kung gaano pa katagal yung buhay ng bida.
Ang twist kasi ay, although may godlike powers ang bida natin, pabawas nang pabawas yung life span niya habang ginagamit niya 'yung abilities niya. And habang nagpo-progress 'yung books mahahalata rin ng mambabasa na parang nagkakasakit 'yung bida. Lalabas 'to pero small hints lang na parang 'yung hagdanan niya palagi niyang inaakyat, parang nararamdaman niyang mas nakakahingal.
Tapos heto pa. 'Yung second to the last chapter, equivalent lang sa 60-120 seconds reading time. Ganto 'yung context bago yung 2nd to the last chapter.
3rd to the last chapter:
Kumbaga, may plano yung bida na magpro-pose sa kasintahan niya kaya may pupuntahan sila. Pero sa kasamaang palad, maaaksidente 'yung bida at 'yung love interest niya (na syempre foreshadowed din kasi 'yung pinakaunang sentence sa libro is dine-describe ng bida kung bakit ayaw niya sa mga Fortuner na puti ewan para sa poetic lang na 'yung pinakaayaw pa niya yung magiging undoing niya). Tapos, dahil alam ng bida at ng mambabasa na mamamatay na siya kapag binalik niya 'yung oras, medyo suspense na talaga. Ano ba 'yung desisyon niya? Ibabalik ba niya? And kung oo, sa punto ng buhay niya ibabalik? Tapos *snap*.
2nd to the last chapter:
Number: Animnapu or Isang daan at dalawampu
De-describe ng bida 'yung scene. Mainit, maraming tao. Mahaba 'yung pila. Kukuha ng form 5. Familiar na 'yung mambabasa at 'yung bida dito sa scene na 'to kasi heto rin yung isang scene sa 2nd chapter ng libro. Pero imbes na mga random descriptions ng mga tao 'yung ide-describe niya, mga pangalan ng kaibigan niya 'yung mga sasabihin niya. Gets? Kasi kilala na niya 'yung mga taong 'yon. Tapos, magegets din ng mambabasa na "Ah puta mga kaibigan niya pala 'yung mga 'yon pero since di niya pa sila kilala at that point, dine-describe lang niya yung mga ginagawa nila. Balik nga ako sa chapter N here para ma-check." Apat 'yung kaibigan niya, and as fate dictated, nandun din pala sila sa pila. Yung dalawa sa kaibigan niya, magkapatid na lalaki at babae. Sa huling timeline (bago siya magsnap sa 3rd to the last chapter), namatay 'yung babae dahil sa isang krimen.
Tapos dito rin sa scene na 'to 'yung first interaction niya sa magiging love interest niya. Nabangga nung girl yung bida tapos nalaglag yung mga dala niyang papeles tapos nagpa-sorry tapos may familiar look 'yung babae na parang "have we met before?".
Unting-unti manghihina 'yung bida, kaunting luha. Tapos pipikit na 'yung mata niya.
Heto 'yung huling mga linya ng kabanata:
Siguro, mabuti nang ganito 'yung kinahantungan nating lahat. Hindi ako nagsisisi na tanging mukha mo at 'yung nakakunot mong noo 'yung huli kong makikita. Sobrang init talaga dito no? Parang ang sarap matulo.
Last chapter.
Number: Isa
Inaantok na ako.
Wakas.
---
Gets ba? 1 kasi isang segundo na lang pala bago siya baiwan. Isang segundo rin kailangan mo para basahin 'yan. Hindi ko ilalagay na explicitly siyang mamatay for dramatic flair. Gusto natin pagkatapos magbasa ng mambabasa, ibaba niya yung libro, tapos sasabihin niya "Damn," tapos is-search niya yung pangalan ko at makikita niya yung account ko sa linkedin tapos sasabihin niya, "Ay weh, software engineer pala 'to?" o kaya is-search niya "Is Alex Alexanderson dead?" tapos ang google quick result sasabihin na "The author did not explicitly state that he died but based from his conditions, it was heavily implied that he did."
Either of the two, that's good enough for me.
Hindi ko 'to tinuloy kasi dahil sa mga iilang dahilan-
Hindi ko gusto yung tagalog na translation ng "snap".
Nawalan ako ng motivation dahil sa mga pangyayari nung undergrad ako tapos dinahilan ko na lang 'yung pagpanaw ng tita ko para masabi na valid 'yung rason ko. Ba't ko ginawa 'yon? Hindi ko rin alam.
Anyway, ayon lang. Matagal ko na 'tong kinikimkim talaga. Hindi ko alam kung may kapareho na siyang plot or anything pero 2008-2013 ko pa yata 'to pinag-iisipan.
Heavily inspired din talaga 'to sa mga games at mythology shit na binabasa ko na related sa oras. Kronos, Prince of Persia. Tsaka sa sobrang romanticized understanding ko ng pagmamahal nung bata pa ako. Extremes talaga like martir puta 'di ko nga alam ba't ganon ako pero it is what it is.
Hindi ko alam kung isusulat ko pa 'to. Pero gusto ko lang din sanang malaman kung maganda ba 'yung prompt or nagm-make sense ba siya sa inyo. Let me know, please. Para alam ko kung delulu din ako or what.
By the way, isang fun fact about me, kapag nagsusulat ako, pinakauna kong sinusulat 'yung last line or yung ending. So 'yung "Inaantok na ako." na linya, matagal na siyang nabuo bago pa 'yung storya. Yung ibang lines na naisip ko is "At pagkatapos non, tapos na". Pero gusto ko sanang gawing galing sa perspective talaga ng bida. Kaya ayan.
2 notes · View notes
dowot · 7 months
Text
Kanina habang naglalakad ako papasok sa trabaho pag tawid ko sa kabilang kalsada, may nadaanan akong matandang lalaki na may tungkod. Nilagpasan ko siya pero ang sabi niya sakin "kuya tatawid lang ako sa kabila." kaya nilingon ko uli siya at binalikan at tinanong, tatawid nga daw siya kaya inalalayan ko siya habang tumatawid. Mabagal na siyang maglakad at medyo nanginginig kaya yung ibang sasakyan sila na talaga yung nag adjust sa amin habang tumatawid nga. Nung naitawid ko na siya sa kabilang kalsada akala ko okay na akala ko kasi nandun lang yung bahay niya, hindi pala ang sabi niya sa akin pupunta daw siya ng sto. Niño, subdivision yun dito sa Meycauayan. Tinanong ko siya kung anong gagawin niya dun ang sabi niya mamalimos daw siya dun, bigla akong nalungkot nung sinabi niya yun kaya inalalayan ko siya habang naglalakad patungo ng gate papasok sa subdivision. Sobrang bagal niya na talagang maglakad at talagang nanginginig siya habang binabalanse niya yung lakad niya gamit yung tungkod niya. Tinanong ko siya kung ilang taon na siya, "79" sabi niya. Mas lalo akong nalungkot kasi ganung edad na siya pero kailangan pa niya mamalimos. Tinanong ko uli siya kung wala ba siyang mga anak, wala daw siyang anak at wala na din daw siya kamag anak. Mas lalong nahabag yung kalooban ko. Kaya nung nakarating na kami sa sa may gate at nakapasok na siya binigay ko kay Tatay yung baon kong tinapay, pinalamanan ko kanina yun ng keso bago ako umalis kasi alam ko mag oovertime kami ngayon. 4 na piraso yun, binigay ko na sa kanya lahat at yung isang bote ko ng malamig na tubig. Buti na lang at ginawa kong dalawa yung baon kong tubig. Wala din kasi akong dalang pera ngayon kaya kahit gusto ko siyang bigyan wala din talaga. Sinabihan ko na lang siya na mag iingat at nag pasalamat uli siya sa akin ako naman tumawid na uli ng kalsada at naglakad uli papunta ng trabaho. Ngayon hindi pa ako umuuwi kasi hanggang 10pm pa kami, inisip ko lang kumusta na kaya si tatay?
4 notes · View notes
Text
lifeline extras: going back to spain.
Dear Architect Natasha Kim-Choi,
We are delighted to invite you to the International Festival of Architecture and Design, the premier international event showcasing the work of renowned architects, designers, and innovators from around the world.
This year, the festival takes place from May 1, 2024 to May 10, 2024.
We have been following your remarkable work in the field of Architecture with great admiration. Your creative approach and dedication in the field has been truly inspiring, and we believe your presence would be invaluable to the festival.
Please let us know if you are interested. We have reserved _ tickets for your firm.
We hope to hear from you soon!
------
DK was supposed to go to Natasha's office to congratulate her as the four of them, Natasha, DK, Mingyu and Minghao received the said e-mail. However, he received an e-mail from Natasha. It seems like she forgot to remove her friends in cc.
It states: "Thank you for the invitation and for your nice words. However, I will not be able to attend such festival for personal reasons. With that, I would like to still avail such tickets for the other architects and designers of our firm."
Nakita niya ang kaniyang kaibigan, from the glass window of her office, who's currently staring at the e-mail she just sent.
It's been almost 10 years since the Spain era ni Natasha. The era where everything went wrong. But ever since the day she got back, she's been trying to improve herself for the better. And this e-mail? Triggered some of the bad memories that has happened before.
DK then immediately messaged their group chat, the one without Natasha.
tatlonghari (aka no natasha gc) DK: Huy! Nabasa niyo 'yung e-mail? Mingyu: Gagi, oo! Putek, magrereply pa lang ako na i'll go, tapos ni-reject naman ni Natasha. Anyare? Hao: Ano pa nga ba... DK: Na-trigger ata, pre. Nakatitig lang ngayon sa screen ng laptop. Mga 20 minutes na. Hao: Spain ba naman. Mingyu: Shet, sabihan ba natin si Cho? DK: Wag muna siguro. Tangina, naaawa naman ako kay Natasha. Hao: Office pa ba kayo? Di ko maiwan si Chi. Umalis si Fan eh. DK: Oo, dito pa kami. Parang di nga ako nakikita eh. Mingyu: Mapapansin 'yan ni Cho. Pag nagmessage na lang sa'yo, DK, sabihin mo na lang. DK: Sige. Si Bee pala? Mingyu: Tulog pa, masama pakiramdam eh kaninang umaga pa. Hao: Wow, domestic. Mingyu: Ulol, mas domestic ka, binahay mo agad si Fan! Kailan mo papakasalan? Hao: Si DK muna :p DK: Tangina niyo? Lol Mingyu: HAHAHAHA gagalet! Anyway, brb na. Magluluto pa ko. Si Nat ah. Feel ko pupunta nanaman 'yan sa condo niya dati. Hao: Lah, kala ko binenta niya na 'yun? DK: Afaik, andun lahat ng drawings niya pre-Spain era eh. Diba, Gyu? Mingyu: Oo, gags... ang dami niya talagang Romanesque drawings, pati plates niya nung college, Spain-inspired talaga. Kaya kahit papano, alam ko galit pa din 'yan sa sarili niya for what happened eh. Hao: Tangina kasi eh. Hay, nakakainis naman talaga nangyari non, pero wala, that's her lesson... DK: Grabe 'no? Her dreams shattered because of that... Hao: True. Pangarap talaga niyan maging Architect sa Spain. Pero ang gaga, hay. Mingyu: Di niyo ba pansin? Never na siya nagdrawing or gumawa ng plano ulit ng Spain-inspired? Ang daming clients na gusto ng ganong style tapos binibigay sa ibang Architects sa firm. DK: Triggering talaga 'yung Spain sa kaniya, I would say.
DK went back to his office room and waited for Natasha to come out of her office. She only smiled at the staff and went out. He followed her location, tama nga si Mingyu, she's currently on her way to her old condo. Nasa parking na sila. He saw Natasha went out of the car and he then messaged her, "Nat! Saan ka?"
He saw her open her phone, tumigil saglit para magreply. Pabura-bura ng message, but still, she replied, "Bahay na! Whyyyy"
"Wala, wala. May naiwan kasi ako sa office!"
"Nandoon pa ata 'yung secretary mo hahaha"
"Ayt. Btw, is everything okay?"
"Oo naman. :)"
She sighed and went inside the elevator. DK waited inside his car, and messaged their friends, "Yeah, nandito nga siya sa condo niya."
---
Ever since she got back from Spain, binaon na ni Natasha sa limot ang Spain, and everything that goes with it. It was one of the best things that's ever happened in her life, pero sinira lang din niya. Everything went down the drain when she trusted the wrong persons, she almost lost everything, her friends, her family and even her life.
Spain was her dream. The freedom, its gothic-style buildings, the life, everything. But Spain became her nightmare.
As soon as she stepped inside her condo unit, she was welcomed by her old self. She even saw her board na may note: "Spain, please come thru!" "Spain, baka naman! Ako na 'to!"
Bukod sa notes, naka-frame pa ang iba niyang plates na Spain-inspired.
She sat down on her sofa, nakatitig sa painting that her mom gave her when she received the news that she's going to Spain. Hindi niya namalayan na umiiyak na din siya. Her dreams that turned into nightmares.
Every now and then, she tries to go back to her condo, to try and see for herself kung naka-move on na ba talaga siya. Truth be told, hindi pa din talaga. Regrets are always coming back to her. Masakit.
She can't even mention this to her friends kasi alam niya na hindi maganda ang nangyari noon. It's been almost 10 years but the pain, regret, and fear of losing everyone is still there. Alam naman niya na it was her fault. Pero ang hirap lang din na wala siyang mapagsabihan tungkol dito.
She can't even say this to her therapist, fearing that she will just open something that shouldn't be opened and seen.
She's keeping all these to herself, she's trying to bury this part of herself.
Her phone rang and it was Seungcheol. She wiped her tears and gulped, then answered the phone, "Hi, love! Napatawag ka?"
"Love, tuloy pa ba tayo tonight? 8pm kasi 'yung dinner with the Ortegas. It's 7:30pm na din..."
"Oh my, sorry! I got caught up sa meeting. I'll see you there na lang, love."
"Okay lang. Ingat sa pagddrive, okay?"
"Ikaw din. I love you, Cho." She hung up the call.
Next time ulit? Sana sa susunod kaya ko na. She said to herself, everytime she goes out of this condo. She's trying but still, the ending? She tried.
Pagbukas ng pinto, she saw her friend, DK, who's sitting outside her unit. "Hi."
Namutla naman si Natasha, "Bakit..."
"How long have you been hiding this from us?"
He then hugged his friend, tightly. And just like that, Natasha broke down in his arms, "I'm sorry, DK. I'm sorry."
Pati si DK ay naluha din, "Shhh." Using her phone, he messaged his friend,
DK to Seungcheol: DK 'to. Pwede rain check muna si Nat? Seungcheol: Ha? Anong nangyari? DK: Ako, ako may problema. I just need a friend. Okay lang ba? Seungcheol: Okay, sige. Di ako naniniwala. Okay lang ba si Nat? DK: Honestly? I think she was never okay. Seungcheol: Nasan kayo? DK: Sinundan ko lang siya, nandito siya sa condo niya nung college. Seungcheol: Ano nangyari? DK: Ask mo na lang sila Hao or Mingyu. Just–wag susugod agad dito. I don't think she even wants someone to know this side of her. Seungcheol: Okay. Please, update mo ako. DK: I will.
He never saw Natasha cry like this. Kahit noong ikinasal siya kay Seungcheol, she never cried like this. And it pains him to know that while everyone moved on with their lives, Natasha's still stuck in the past. They never knew this side of her. Not until now.
Akala nila she healed from that past. It's clear that she never did. And no one knows about it.
6 notes · View notes
anggenow · 1 year
Text
Parang gusto ko na agad umalis sa trabahong ito. Ang matinding tanong sakin ng mga kawork ko, "bakit ka nagtangkang pumasok dito?"
Super pinaghirapan ko to pero ganito pala, ang hirap, puro paninira at hilahan ang nagaganap. Butin nalang talaga nakahanap din ako ng friends dito huhu
9 notes · View notes
hashirun · 1 year
Text
Tumblr media
Today dapat yung San Mateo Mountain Run pero na-postpone dahil sa bagyo. Dahil dyan nakasali ako sa fun run na in-organize ng frat ng Tito ko for the benefit of dialysis and cancer patients dito sa bayan namin.
Not gonna lie, I was gunning for first place. I was pretty confident coming in because I already have a record of winning local races dito sa bayan namin. So it kind of stings that I didn't win, and wala din akong consolation kasi yung first placer lang sa men and women categories yung in-awardan.
Actually yung source talaga ng (mild) frustration ko eh yung fact na di man lang nag-advise yung emcee na mag-gather na sa starting line kasi mag-start na yung race. Basta bigla na lang sya nag-announce na "We will begin the race in 10, 9, 8..." So kami na mga wala sa starting line, parang na-confuse na "Ay, mag-start na ba?" So just as we were making our way to the starting line, yung mga nasa starting line na nung simula pa lang nakalayo na.
Unti-unti ko din naabutan yung mga nauna na tumakbo. I knew I was running a good time. But as it turned out I wasn't able to catch up to the leaders of the pack. Yung late start ko partly costed me the win, or at least the fighting chance to win. Given that I wasn't able to catch up to the eventual winner, it means she ran as fast, or faster than me. Kung sabay kami nag-start, I could've at least tailed her or tried to match her pace. Kumbaga sa final kilometer na lang kami magkakatalo. Ang nangyari kasi unang kilometro pa lang na-decide na yung outcome.
I can grumble all I want, but ultimately it boiled down to this: I wasn't strong enough to overcome the gap created by my late start. Someone stronger showed up and outclassed me, plain and simple. I can live with that.
Anyways, nanalo ako ng fitness smartwatch sa raffle. Never pa akong nanalo sa raffle before so I was thrilled to win, buti na lang tinapos namin yung program after awarding. Gusto na sana umalis ng Tito ko para makapag-breakfast na kami pero sabi ni Tita tapusin na namin kasi baka mabunot kami sa raffle. Nagdilang anghel sya kasi yung 3rd draw nabunot pinsan ko then yung final draw nabunot ako. What are the odds na dalawa kami mabubunot haha.
Binigay ko yung watch kay Mama since may Fitbit naman na ako and Strava tapos matagal nya na gusto magka-smartwatch. Natuwa si Mama nung binigay ko yung watch sa kanya so all in all it's still a win for me 🏆
14 notes · View notes
kimhortons · 21 days
Text
ganda pala nitong it didn't start with you, shuta para akong tini-therapy hehe. nasa chapter 5 na ako, yung four unconscious themes. napareflect ako ng very light sa mga kaganapan ng buhay ko at ng relationship ko sa parents ko.
one time nung nakipag sagutan ako sa mga kainuman ni papa nung nadun pa ako, narinig ko sabi nung isa "ganyan na ganyan ugali ng nanay niya." related sa unang theme. kuhang kuha ko ugali ng nanay ko, wala siyang kasundo sa mga kapitbahay namin, parang lagi pa siya kinakatakutan kasi nga masungit. later ko nalang din narealize 'to, nung nawala siya saka ko nakita yung sarili ko sakanya na—ay manang mana pala talaga ako sakanya. pati yung pag handle niya ng finances parang nakuha ko rin. some of it gusto kong i-unlearn. kaya parang takot rin ako mawalan ng kaibigan kasi wala ni isang kaibigan o katrabaho na dati kong nakikita kahit nung bata pa ako ang nag punta nung burol niya. kako ayaw ko mangyari sakin yung ganun.
yung sa pangalawa—pag cut off sa parent, since kay papa ako mas nag cut ng ties, iniisip ko kung may pagkakataon ba na naisipan or tinry niya rin i-cut off magulang niya, pero hindi e. okay naman relationship nila. sabi kasi dito, madalas nagmumula 'to sa family history, tulad nga nung laging post about breaking the cycle. so anyway, feeling ko sa nanay ko parin 'to. pagkaka alala ko kasi teenager palang siya nung umalis din siya sakanila, daddy issues din hehe. hindi ko na alam yung buong istorya basta naalala ko lang, pinag takpan siya ng kuya niya para maka alis na siya agad. kaya gets ko na nun kung bakit feeling ko neglected kami kahit siya naman yung kasama namin sa bahay, puro kasi siya trabaho noon.
wala lang gets ko naman na before bakit ganito, bakit ganyan. pero mas nabibigyan na ng meaning ngayon saken yung mga bagay. hinahanap ko yung daddy issues e haha although, andun narin yung hindi kami lumaki ng may tatay na nakagabay sa amin, kaya hindi rin kami magkasundo e. mas malaking part parin talaga yung nurturing ng isang ina, kaya siguro sa chapter na yun mas more on about sa mother. hmm, ang hirap pala talaga mag heal ano? hehe.
6 notes · View notes
nice2meetyouu · 2 years
Text
Hindi na Palamunin 2023
These days, nags-stay kami ng kapatid ko sa ibang lugar kasi walang tubig sa bahay. Ang saya, ang payapa!!! Ayaw nga umuwi ng kapatid ko kasi walang tubig, pero sabi ng nanay ko, "Bakit? Kasi wala ako?" Or something similar.
Dito, para makapaghugas ng pinggan, nag-iigib sa timba ng tubig tapos inaakyat sa third floor. Tapos kailangan, tipid na tipid sa pagbuhos. Mahirap din mag-toothbrush at mag-CR. Tatay ko lang ang naliligo (kasi siya lang masipag magbuhat ng tubig paakyat).
Anyway, ang irrelevant ng intro pero tungkol lang naman talaga 'to sa may trabaho na ako. Tinawagan ako last week habang nasa bank para i-congratulate. Ang company na ito ay isa sa mga gumawa ng COVID vaccine noong pandemic. Sabi ng parents ko noong sinabi ko sa kanila at ganyan din ang description ko, "Sinovac? Sinopharm? O 'yung bakuna galing sa India?" Aguy.
Dahil bibo-bibo ako este gusto ko na rin magstart agad para may sahod agad, next week na ako magsisimula. Kaya lang, inunderestimate ko 'yung hirap ng paperwork. Bukod sa usual pre-employment requirements, may sangkatutak silang forms. Pinapasulat pa ako ng commitment letter.
Ang higpit ah, may pa-background check-background check pang nalalaman. Ano kayang makikita nila roon? Ang daya eh, positive or negative lang marereceive ko. Pag negative, tsugi na ako, kahit pa "hired" na.
Buti kung gano'n lang, kaso may bond 'yung kontrata, so bawal ako umalis for X years. Pag daw umalis ako in less than X years, magbabayad ako ng Y amount (note: 5 digits, mataas) at kasama sa inilagay nilang reason eh nag-spend sila ng effort sa hiring process. Aba, ako rin naman ah!
Yay to corporate slavery! Abangan kung happy pa ako sa 2024.
20 notes · View notes
ikaelawa · 4 months
Text
June 10, '24
I lost count na sa days of no contact.
It's been days since the relapse happened. Everyday na akong umiiyak for some unknown reason. Nawawala ako sa sarili ko nitong mga nakaraang months, even last year pa naman.
I reconnected to some of my friends back in high school, yung iba sa kanila gusto akong isama sa mga gala nila dito sa manila. As someone na lunod sa acads, tumanggi ako kasi I can't afford na bumagsak. Pero.. maybe I need this. Baka kailangan kong umalis at magliwaliw muna dahil hindi ko na nga mahanap yung ako na nawala mula nung iniwan ko si Carmina.
I reconnected to some of my online game friends din at naglaro ako ulit para di ako gaanong nag iisip sa gabi bago matulog. Nakakapagod din naman kasi na puro iyak na lang yung rason para makatulog haha.
There's this one girl na nakakwentuhan ko kasi broken, hinayaan ko lang syang dumaldal not until sinabi nya na "naghihintay ako ng reply, ni isang update di nya magawa" nangingilid na yung luha ko hahaha habang nag rarant sya, naiisip ko si May, ganto rin kaya naramdaman nya noong cold ako sa kanya? Hindi na ako makapalag sa mga sinasabi ni ate kasi nararamdaman ko na ito yung mga gustong sabihin ni May sa akin.
Ano pa ba magagawa ko? Palagi namang huli na ang lahat. Pag gusto kong puntahan si May sa TMC, pinipigilan nila ako kasi yung isang beses daw na pagpunta ko doon ay tama na. Pero iniisip ko kasi na kasalanan ko naman, kasalanan ko naman talaga eh kaya hindi naman sya yung dapat mag adjust. Bat daw ba hindi ako naaawa sa sarili ko hahaha bakit ba hindi ko nga alam yung naramdaman ni May noong nabigla sya sa lahat kaya wala akong karapatang gumanto.
Napakwento rin ako ng mga nangyari. Ang sinabi lang nya sa akin ay ang bullshit ko, ang shit ko sa lahat lahat kasi pinafeel ko kay May na ang worthless nya raw kasi di ko nabigyan ng chance si May na icomfort ako. Alam ko yun, alam na alam ko yun at ayoko lang talaga na madrag sya pababa sa pagiging negative nung mga nakaraan.
Nawala ako sa sarili at nawala ako sa aming dalawa. Feeling ko hindi na ako yung kausap nya at hindi na ako yung 'ako' na mahal nya. Natakot ako sa sarili ko kasi hindi ko na rin maredeem yung sarili ko. Natakot ako na baka pati sya ay mawala, pero pinakawalan ko.
It's been weeks, days, not months.. kasi kahit hindi kami consistent magusap, ramdam ko na pagod na sya kaya siguro pinili na lang nyang iblock ako sa lahat. Sinasabi naman nila sa akin na baka may iba na si May kaya blinock ako at ayaw nya lang daw makita ko na may iba na sya. Ayokong isiping ganon, kahit masakit. Kahit parang totoo. Pero ayokong isipin.
1 note · View note