Tumgik
#kabataan kontra daya
paperbackriot · 5 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
5.17.19 // #LabanKabataan and #LabanBayan protests against electoral fraud
0 notes
conveyed0 · 2 years
Text
Halalan 2022: Dayaan sa Halalan, Wag Pahintulutan!
Lorence Lozano | Activity #8
Kabado at walang alam ang nararamdaman ko no’ng bago at araw ng pagpaparehistro ko, paulit-ulit na pagtatanong sa mga kaibigan kong nauna kung paano ako proseso. Kahit pa mayro’n naman nito sa internet ay hindi pa rin mayakap ng utak ko. September 6, araw ng pagpaparehistro ko, mas lalo akong kinabahan no’ng ando’n na ako mismo sa lugar. Ang init at haba ng pila pero mayro’ng saya sa puso na nararamdaman habang ando’n ako, nakapila. Ngiti sa labi dahil marami akong nakitang tao na gusto magparehistro at bumoto kagaya ko. At dahil matagal ko rin itong inantay. na sawakas, makakapagpa-rehistro at boto na rin ako. Pwede na rin akong makilahok upang makapagpabago ng takbo ng gobyerno at buhayng masa.
Ilang linggo matapos makapagpa-rehistro, sinimulan ko naman magsiyasat para sa pipiliin kong kandidato na iboboto. Sila Neri Colmenares, Chel Diokno, Elmer Labog, ay mga kilala ko na noong 2016 pa. Sila ay mga kandidato na sikat at pinaguusapan no’n sa social media kasama si Samira Gutoc, nakakadismaya lang na ang paglipat ni Samira sa ibang partido ay siya ring pag iba ng adbokasiya nito.
Hindi lamang sa mga senador ako nagsiyasat kundi pati na rin sa magiging president at bise presidente ng pilipinas, no’ng una, wala akong makita magandang kandidato dahil kilala ko na ang mga ito lalong-lalo na ang ‘Duterte in the making’ trapo na si Isko Moreno. Isang malaking ngiti at agos ng damdamin ang naramdaman ko no’ng malaman kong tatakbo ang bise-presidente na si Leni Robredo, na siya rin namang naramdaman no’ng hindi naririnig at nararamdaman ang gobyerno no’ng panahon ng pandemya. Kasama nito si Kiko Pangilinan sa pagtakbo, hindi ko pa siya kilala, at hindi ko rin alam na asawa pala siya ni Sharon Cuneta; mabuti na lang ay nagsiyasat ako at nalaman ko ang makasama nitong plataporma at matagal ng pagtulong para sa mga magsasaka.
Bilang isang may hilig sa potograpiya at gustong maging photographer sa hinaharap, ay nagamit ko ito upang sumama at tumulong sa kampaniya ng mga kandidatong iboboto ko. Kagaya na lamang ng pag attend sa Grand Rally na mayro’n sina Leni at Kiko kasama ang Senate Slate nito. Naging isa akong photographer sa mga ganap nila ro’n at pati na rin ng partylist na Kabataan Partylist.
Araw ng halalan, masaya ngunit kinakabahan dahil nagbabalik muli ang Marcos-Duterte sa kapangyarihan. Kagaya ng pagpaparehistro, mainit at mahaba ang pila sa araw ng botohan. Marami ring naitalang aberya sa bawal presinto na siya rin naman talagang nakakabahala lalo pa’t may ulat na nagkakaroon ng dayaan. Kinagabihan, hindi naman mali ang mga hinala at mga kaganap bago at matapos ang botohan. Nangyayari nga ang dayaan at kitang-kita ito ng dalawa kong mata, sa lugar man ng pagbobotohan at hanggang sa labas ng partial unofficial votes na iniuulat sa telebisyon. Nakakagalit, dahil kitang-kita na matagal itong pinaghandaan at plinano, maraming taktika at stratehiyang ginamit ang Marcos-Duterte upang maisegurado ang pagkapanalo nila para makabalik sa kapangyarihan. At hindi rin naman ipinanganak kahapon ang mga botante, alam nila ang dayaang nagaganap at kasinungalingan na inihahayag sa lahat. Nagkaroon ng ‘Kampuhan Kontra Daya’ isang araw matapos ang elekesyon, protesta para sa kapabayaan at kapalpakan ng COMELEC at pandaraya ng Marcos-Duterte. Hindi lang sa pagka-presidente at bise-presidente may aberya kundi pati na rin sa mga senador na nangunguna. Nakakasura, talagang mga trapo at wala pang pakialam sa masa at bayan ang nananalo. Dapat itong maiwaksi at dapat tutulan ang pagbabalik ng dalawang pasista, pahirap, tuta, at diktador na Marcos-Duterte. Ngunit kung magpapatuloy ito, at ito na ang magiging opisyal na resulta. Talagang awa ng panginoon ang sasandigan nating lahat dahil hindi magiging maayos at madali ang ating mga susunod na bukas. Hindi lang ako o ang pamilya ko ang maapektuhan kundi ang buong bayan. Kawalan ng trabaho ng pamilya ko, at pagpapatahimik sa mga kritikal na kabataankagaya ko ang iilan lamang sa mga ekspektado na mangyayari sa bansa kung ang Marcos-Duterte ang mauupo para maging lider ng bansa. Patuloy na maghihirap ang mahihirap, patuloy na malulugmok ang mga maralita, patuloy na patatahimikin ang mga kabataan. Walang kalayaan, walang kasiguraduhan ang magandang bukas na inaasahan.
0 notes