Tumgik
#pakikipanayam
gaylefritzy · 1 year
Text
LAKAS NANG ISANG OFW
Sa buhay natin napakaraming pinagdaraanan ngunit ang pagharap nito na malayo sa pamilya ay sadyang sobra pa ang hirap na nararanasan nila. Nila? Sino ba ang tinutukoy ko? Ang mga OFW at isa na roon ang aking tiyahin.
Tumblr media
Siya si Minerva, o kung tawagin namin na “Tita Bang”, ang pangalawa sa pitong magkakapatid mula sa side ng aking nanay. Isa siya sa inaasahan ng kanyang mga magulang na tumulong sa kanila ngunit dahil nga sa pandemya ay maraming naging pagbabago hindi lamang sa kaniyang trabaho ngunit pati na rin sa kanyang bansang tinitirahan. 
Sa aking pakikipanayam at kuwentuhan sa kanya ay nabanggit niya ang hirap na nasa iisang lugar lamang ang pinagtatrabahuhan mo at ang pinagpapahingahan mo dahil ika nga niya ay parang wala ka ring pahinga at mas lalong humirap dahil ang nag-iisang nilolook-forward nya noon na pag-uwi ay naantala ng ilang taon dahil sa pandemya. Kaya noong nakauwi sya rito sa Pilipinas last February ay kitang-kita ko sa kanya yung tuwa at pagkamiss nya sa aming lahat at sa luto ng aking lola. 
Sa aming pagkukwentuhan din ay nabanggit niya ang pagkakaiba nang mga patakaran sa ibang bansa pagdating sa CoVid tulad nang mahigit na pag-iimplementa ng vaccination sa kanila noong kasisimula pa lang ng pandemya. Ngunit sa aming maikling pag-uusap ay tumatak ang  mga katagang kanyang binanggit:
MANIWALA KA LANG SA SARILI MO NA KAKAYANIN MO AT PALAGI MONG PAGBUTIHAN DAHIL ITO AY PARA SA MGA TAONG MAHAL MO 
Ito ay napapnahon lalong-lalo na at maraming nakaranas ng hirap pagdating sa emosyonal, pag-iisip at pisikal na aspeto ngayong pandemya. Kaya naman bilang isang mag-aaral na maglilingkod upang alagaan ang kalusugan nang mga tao ay dapat huwag kong kalimutan para kanino ko ba ginagawa ang lahat at kung para saan tulad ng aking tita.
-Fritzy
0 notes
eleyvcc · 2 years
Text
MIGRASYON: KABUHAYAN O PAGMAMAHAL SA BAYAN?
Tumblr media
Laman ng balita mula noon hanggang ngayon ay ang pagputok ng Mt. Pinatubo. Taong 1991, naranasan ng mga probinsiya o lugar malapit sa bulkan ang bagsik ng pagputok nito kasabay ng malakas na ulan na nagresulta sa lahar. Ayon sa National Disaster Coordinating Council, mahigit kumulang 96,200 ektarya ang nasalanta ng lahar.
MULA SA MAGANDANG TANAWIN NA ITO:
Tumblr media Tumblr media
ITO ANG NAGING ITSURA MATAPOS ANG PAGPUTOK NG MT. PINATUBO:
Tumblr media Tumblr media
Isa sa mga makakapagbahagi ng kanyang personal na karanasan sa sakunang ito ay ang aking lola, Si Ginang Norma E. Valencia.
Tumblr media
Si Ginang Norma Valencia ay ipinanganak at lumaki sa Pampanga kasama ang kanya mga kapatid. Sa probinsya ng Pampanga na rin siya bumuo ng kanyang sariling pamilya.
Tumblr media
Ayon sa aking pakikipanayam, maganda ang kanilang buhay noon sa Pampanga. Mayroon silang sariling taniman para sa mga gulay at prutas. Sila rin ay nakapag-aani ng palay. Matapos ang trahedya, hindi na ganon kaganda ang lupa upang taniman. Bilang may sariling lupa sa probinsya ng Rizal, sila ay lumipat rito at nagsimula ng bagong buhay.
Tumblr media
Dito sa Rizal, sila ay nakapagpatayo ng sariling tahanan para sa kanilang asawa at tatlong mga anak. Dito rin ay itinuloy ang kanilang tailoring shop at sari-sari store. Bukod rito ay natitinda rin ng lutong ulam si Ginang Norma upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Tumblr media
Naging malago ang kanilang mga negosyo, at kanilang pinaayos ang kanilang dating taniman.
Makikita rito ang kasalukuyang lagay ng kanilang taniman noon:
Nasa maayos na lagay naman na ang kanilang mga lupa at maaari na ulit taniman, ngunit mas maayos na ang kanilang buhay sa Rizal. Dito na rin nagkaroon ng sariling pamilya ang kanyang mga anak, kung kaya't hindi na sila umalis rito.
Tumblr media
Mula sa panayam na ito, masasabi ko na mahalagang unahin ang sariling pangkabuhayan at kaligtasan dahil ang tahanan ay hindi nakabase sa kung saan ka lumaki ngunit nakabase sa mga taong kasama mo. Mapunta man kung saan, ang mahalaga ay kasama mo ang mga taong mahahalaga sa iyo.
~ Lee Anne Carmona PINDUTIN PARA SA: MGA PRUWEBA NG PANAYAM
1 note · View note
siswhacky · 2 years
Photo
Tumblr media
Cluster IV Meet 2023 January 21, 2022 Maraming salamat po sa lahat ng nagpaunlak sa aming pakikipanayam, Sir Bernabe Alicaya, Cluster IV School Principals, School Heads, OICs, Coaches, and Athletes... Thank you po ❤️ Ma'am Quennie Lim Roxas and Ma'am Belle Lumbre thank you for this learning opportunity ng Ang Ningas Staff and Media Arts students. Ang Ningas 🔥 and SPA Media Arts 10, congratulations and job well done! Thank you so much for your cooperation and participation. ❤️❤️❤️ https://www.instagram.com/p/CnrvOpEJ6f7/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
studenteetha · 2 years
Text
Buhay Estudyante
Alam kong hindi ako natatangi sa nararamdaman kong paninibago sa muling pagbabalik eskwela. Kinailangan ko ng sapat na panahon upang masanay sa birtwal na pakikipanayam sa aking mga guro at mga kamag-aral, ngunit nang ako’y maging komportable na sa ganitong paraan ay biglang kailangan nang bumalik sa aktwal na pag pasok sa unibersidad. Ngayon ay tila nangangapa ulit ako sa kung paano ko gagamitin ng tama ang aking oras upang magkaroon pa rin ako ng produktibong araw kahit na ako’y pumapasok na sa eskwelahan. Kailangan ng mas maraming oras at determinasyon ang pag balik sa unibersidad. Kinakailangang magising ng maaga upang makapaghanda sa pag pasok at maglaan pa ng dagdag na oras sa pagbyahe o paglakad papunta sa unibersidad. Isa pang pagbabago ng pagmumula sa birtwal patungong aktwal na pagkaklase ay ang dagdag na gastusin. Kaakibat ng muling pag pasok sa paaralan ay nakita ko na ang aking mga kaibigan na noon ay sa birtwal ko lang nakakasalamuha. Para sa akin, ang pag babalik eskwela ay pagiging malayo sa aking pamilya at sa aking alagang aso. Ngunit pasasaan pa nga ba at makakatapos din. Sabi nga sa sikat na kasabihan, “Pag may tiyaga, may nilaga”.
Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
ijncg · 2 years
Text
Ang pakikipagsapalaran ng tita ko sa bansang Taiwan
Tumblr media
Bakit nga ba pinipili ng ibang Pilipino ang mangibang bansa kaysa ang manatili sa sariling bansa? Bakit mas pinipili ng ibang tao ang tiising mawalay sa pamilya? Na kahit pa nga abutin ng ilang taon ay kayang tiisin para lamang magkaroon ng matiwasay na buhay ang pamilya.
Isa ang tita ko sa mga piniling mangibang bansa para magtrabaho. Tinitiis ang lahat para lamang may maipadala at maibigay hindi lamang sa lola ko, kundi pati na rin sa akin kung kaya naman ay malaki ang utang na loob ko sa aking tita. Walang sariling pamilya ang tita ko kaya inilalaan na lamang niya ang kaniyang oras sa pagtatrabaho kahit na magkanda-kuba na siya.
Sa aking pakikipanayam sa aking tita sa pamamagaitan ng social media na messenger, tinanong ko ang tita ko tungkol sa kaniyang karanasan sa bansang Taiwan kung saan ay doon siya nagtatrabaho. Itinanong ko ang kaniyang karanasan doon ngayon lalo na ngayong panahong pandemya.
Tumblr media
Batay sa kaniyang karanasan, inilahad niya sa akin na noong una, siya ay na-homesick sa isang nursing home sapagkat batay sa kaniya, siya ay hirap makisama sa mga matatanda dahil mahirap silang maintindihan lalo na sa mga salita nilang mahirap intindihin. Nagmumura pa raw ang mga matatanda sa nursing home ngunit hindi naman pupwedeng patulan ang mga ito. Ngunit sa nagdaang araw, ang tita ko ay kaya ng makipag-biruan sa mga matatanda dahil nakakaintindi na ang tita ko ng kanilang mga salita at masaya naman silang kasama ayon sa kaniya. Batay pa sa aking tita, ayaw ng mga matatandang hindi siya nakikipagbiruan, ayaw ng nakasimangot at ang gusto lang nila ay ang maging masaya.
Bukod dito ay alam ko namang ang nararanasan ng tita ko ay hindi lang iyon dahil sa minsanang pakikipag-usap ko sa kaniya, naririnig at nakikita ko ang kaniyang mga ginagawa at dahil alam ko rin namang hindi lang iisa ang trabaho na kaniyang ginagawa doon. Nakikita ko sa tuwing magkakatawag kaming tatlo ng ate ko at ng tita ko, iba-iba ang kaniyang ginagawa sa iisang araw at sa magkakasunod na araw. Dumadating pa nga sa puntong malalaman ko na lang na siya ay pagod na at alam kong hindi lamang iyon sa pagtatrabaho kundi ay maging sa iba pang bagay.
Tumblr media
Isa ang tita ko sa itinuturing kong pangalawang ina at bayani bukod sa mga magulang ko dahil isa siya sa dahilan kung bakit ako nakakapag-aral sa pribadong paaralan na aking pinapasukan ngayon. Hindi ko man palaging naisasatinig ngunit ako ay lubos na nagpapasalamat sa aking tita at balang araw ay masusuklian ko ang sakripisyo nila ng aking ina at hindi lamang sila kundi maging ang nakakatanda kong kapatid na babae na noon ay nakipagsapalaran din sa bansang Taiwan hanggang bago magpandeya at hanggang ngayon ay patuloy na ako’y tinutulungan.
Alam kong mahirap makipagsapalaran sa ibang bansa kaya’t ako ay humahanga sa tita ko, maging sa ate ko na naranasang makipagsapalaran sa ibang bansa dahil nakaya nila ang buhay doon at trabaho, bukod pa ang mawalay ng ilang taon sa aming pamilya. Hindi man ngayon ngunit balang araw ay ako naman. Ako naman ang magbibigay at susuklian ang kanilang mga sakripisyo sa akin. Ako naman ang magsasakripisyo para sa kanila.
Tumblr media
1 note · View note
cjlacson · 2 years
Text
Ang Panimula
Tumblr media
Ang paglikha ng blog ay may nilalaman na mga impormasyong tungkol sa mga karanasan at kaalaman ng ating natututunan sa pang-araw-araw na buhay. Ang panghuling gawain na ito ay isinasagawa para sa kursong Malikhaing Komunikasyon Gamit ang Panitikang Popular. Layunin nito na makapagbigay-aral sa mga mag-aaral upang mailarawan ang mga kasanayang dapat taglayin sa paglikha ng blog. Nagpapakita rin ito ng magandang mensahe, impluwensya, at inspirasyon na maiuugnay sa mambabasa sa pamamagitan ng usaping migrasyon ng pamilya o kamag-anak sa panahon ng pandemya.
Ang pakikipanayam sa isang tao ay isa sa mga mahalagang bagay upang makabuo o makasulat ng isang blog. Dahil nagbibigay ito ng konteksto para sa mahusay na pagkakaayos ng impormasyon at maaari itong ibahagi sa libu-libong mambabasa na magiging interesado dito.
Ang aking kinapanayam ay ang aking pinsan na si Paul Amiel Asis De Guzman o tinatawag naming "kuya bon-bon", na may edad na dalawampu't dalawang taong gulang. Siya ang napili ko dahil bago nagsimula ang pandemya ay nagtrabaho siya at nag-aral sa Perth, Australia kasama ang kanyang pamilya. Maaaring ilang taon na rin ang lumipas mula noong huli ko siyang nakausap ngunit dahil sa aktibidad na ito ay muli kaming nakapag-usap at nagkamustahan.
1 note · View note
vieblog · 2 years
Text
Pangamba at antala sa harap ng pandemya: Mga karanasan ng paglalakbay at pananatili ni John Lee Candelaria sa japan.
Nang magsimula ang pandaidigang pandemya ng COVID-19 sa Japan, marami ang pumuri sa polisiya ng pamahalaan dahil hindi masyadong naapektuhan ang karaniwang pamumuhay at hindi rin mataas ang bilang ng mga tinamaan ng sakit sa bansa kahit na walang malawakang lockdown. Gayumpaman, marami rin ang bumatikos sa pamahalaan dahil sa magulong polisiya kaugnay ng paglabas at pagtanggap ng mga banyaga, mga nagsasalungatang patakaran tungkol sa pandemya, kaangkupan ng suporta para sa mga residente, at mabagal na pagsisimula ng programa ng pagbabakuna. Sa harap ng mga usaping ito, ano ang mga karanasan ng mga Pilipinong nasa Japan at paano nila dinanas ang pandemya nang malayo sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas? Tunguhin ng pag-aaral na katawanin ang mga salaysay ng pangamba, paglalakbay, pananatili, at pagkaantala na dinanas ng mga Pilipino sa Japan sa panahon ng pandemya. Sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga mag-aaral at manggagawa sa Japan, natuklasang bagamat malaki ang hamong dala ng pandemya sa mga Pilipino sa Japan laluna sa kanilang mental health, nananatili ang katatagan nila, at kahit na marami sa mga personal na hangarin ang kinailangang isantabi, hindi nawawala ang pag-asang magkakaroon pa rin ng pagkakataong tuparin ito sa hinaharap. Dumating ang COVID-19 sa Japan noong Enero 15. Sa pagtatapos ng buwan, idineklara ng World Health Organization na isa nang global emergency ang pandemya. Sa sumunod na buwan, nabalita naman ang quarantine ng cruise ship na Diamond Princess, na nakadaong noon sa Yokohama at nakumpirmang umabot sa halos 700ng sakay nito ang nahawa. Mula sa mga panimulang pangyayaring ito, kumalat ang balita sa Japan kaugnay ng COVID-19. Bagamat nabahala sa mga balitang ito ang kalakhan ng mga kalahok, para sa ilang mayroong karanasan o alaala ng SARS outbreak noong 2002 hanggang 2004, inakala nilang mabilis itong mawawala.
Marami rin ang nagpahayag ayon sa kanilang pakiramdam, dahil nasa Japan sila, ligtas sila sa peligro. Sa halip, mas namayani ang pagkabahala nila para sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas isa na nga roon si John Lee na kasalukuyang naninirahan sa japan for 6 years at nagta trabaho para may ipang tutos sa pamilya ayon sakanya :
“Naisip ko, okay naman ako. Nasa Japan ako. Safe ako dito. Nasa inaka (probinsya) ako, so walang masyadong tao. Bago pa ang pandemic sanay na akong mag-mask, so hindi malaking adjustment. Hindi talaga ako nangamba, mas kinabahan ako para sa pamilya ko sa Pilipinas.”
“Exaggerated lang yan, don’t panic about it. Pero sa simula, no one really knew what to think about it.” “It’s Japan, I expected na magiging maganda ang response nila. So mas nag-worry ako sa mga balita tungkol sa Pilipinas.”
“Takot akong magkasakit kasi hindi ako marunong mag-nihongo. Paano ko mae-explain yung nararamdaman ko kung magka-covid ako at hindi na nga ako makahinga, hindi pa ko makapagsalita ng wika nila?”
“Noong may news na andito na sa prefecture namin yung pandemic, naging malala yung anxiety ko. Naisip ko, paano kapag nahawa ako? Hindi ako marunong mag-nihongo. Google Translate lang ang meron ako.”
“Ang hirap na andito ka, wala kang magawa kung may mangyari man sa pamilya mo sa Pilipinas.”
“Kung sakali man, may mangyaring hindi inaasahan, hindi rin ako makakadiretso sa pamilya ko kung uuwi ako kasi may quarantine pa. So helpless talaga. Araw-araw ang video call namin ng pamilya ko para ma-monitor ko lang yung activities nila kahit papaano.”
Mula sa pagsusuri sa mga panayam, nakita ng pag-aaral na ito ang dulot at danas ng mga Pilipino sa Japan sa panahon ng pandemyang COVID-19. Sa kaalaman ng may-akda, ito ang unang qualitative na pag-aaral kaugnay sa ispesipikong konteksto ng mga Pilipino sa Japan sa panahon ng pandemya, bagama’t mayroon nang ibang mga pag-aaral tungkol sa epekto ng pandemya sa mga pamilyang OFW at sa mga pamilya nila sa Pilipinas (Cleofas, et al. 2021). Naniniwala ang may-akda na sa pagtukoy sa mga tema ng pangamba, paglalakbay, pananatili, at pagkaantala, maaring mabigyan ng pagkakataong maliwanagan ang kakaibang konteksto ng mga Pilipinong humaharap sa pandemya sa labas ng Pilipinas, habang nagpapanatili ng mga ugnayan at relasyon sa bansang kinalalagyan at sa mga kapamilya at kaibigan sa Pilipinas.
Tumblr media
JOHN LEE CANDELARIA
2 notes · View notes
missylee · 4 years
Text
BALITANG PAKIKIPANAYAM
Mayroon akong apat naihandang tanong para sa pakikipanayam sa isang guro at ang ngalan nang aking nakipagpanayam si Mr. Froilan Calixto siya ay guro sa paksa ng Organization and Management ngayong trimestre. Ito ang mga kasagutan ni Mr. Froilan Calixto sa tanong naihanda para sakanya.
1.    Sa iyong palagay mas maganda bang magturo kung online class o face to face?
Sagot: Sa aking palagay, parehong may magandang kapakinabangan ang "online classes" at "face to face". Kapag online ang klase, malaking katipiran sa mga guro at estudyante ang di na bumiyahe papunta sa paaralan at pauwi sa bahay, makakabawas din ito ng trapiko sa kalsada at pati na rin polusyon sa hangin. Magkakaroon din ng mas mahabang oras na kasama ang pamilya dahil na nabawas na oras sa kalsada. Ngunit kung sa kasiguruhan na may natututunan ang mga mag-aaral, mas mainam ang face to face. Sa face to face na klase, nakakatulong ang interaksyon ng guro at mag-aaral. Nasusubaybayan din ng guro kung ang estudyante ay nakikinig sa diskusyon
 2.    Ano ang inspiration mo sa pagtuturo sa kabila ng pandemic na ito?
Sagot: Inspirasyon pa rin sa akin na ang mga mag-aaral ay matuto at magkaroon ng kaalaman. Kapag nakikita ko ang mga estudyante na masigasig na matuto, tiyak na mai-inspire kahit sinong guro.
 3.    Gaano kahirap ang pagtuturo gamit ang makabagong teknolohiya?
Sagot: Napakahirap magturo ng gamit ang online modality. Mas mahaba ang ginugugol ng guro sa paghahanda ng aralin, Nakakadulot ng pagsakit ng mata at ulo ang maghapong pagtutok sa monitor ng computer. At higit sa lahat, mahirap ang hindi nakikita ang kausap dahil hindi lahat ay mabilis ang internet o may webcam.
 4.    Sa iyong palagay bakit nga ba kailangan ipagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral kahit na may pandemic?
Sagot: Sa aking palagay, mahirap na mapag-iwanan ang mga estudyante sa aralin. Bukod sa sayang ang panahon, maaari din silang tuluyang tamarin na ipagpatuloy ang pag-aaral. Tandaan natin na sa kasaysayan, kahit na panahon ng digmaan ay patuloy ang pagtuturo ng mga guro sa mga bata.
2 notes · View notes
daneeee77 · 4 years
Text
BALITANG PAKIKIPANAYAM:
Guro: Gil Sherloc Amoc Nagsimula ang aming ututang dila sa isang simpleng kamustahan, Ang guro na ito ay isang matalik na kaibigan mula pa noong senior high school pa lamang ako. Ngayon ay isa na sa mga ginagalang na guro sa unibersidad ng Adamson, walang iba kundi si Gil Sherloc Amoc. Ang paksa na aming tinalakay ay halos umiikot lang sa mga pagsubok, suliranin at kagandahan ng pagtuturo sa makabagong alternatibong paraan sa gitna ng pandemiya.
Bungad ang simpleng katanungan kung ano ang kalagayan ng isang guro sa gitna ng pandemiya, ay agad akong sinuklian ng kasagutang “Napakahirap kase ang daming kailangang iadjust, mula sa simpleng pagtuturo hanggang sa kung papaano mo masisiguradong meron silang nakuhang aral sa bawat lesson na nag daan”. Tila nga ba isang pagsubok na hindi lamang mga estudyante ang nakararanas bagamat pati rin pala ang ating mga guro ay hindi ligtas sa mga pasaket nitong pandemya. Hindi maiiwasang maka ingkwentro ng mga pahirap sa daan lalo na’t tayo ay na nangangapa pa lang.
Kinalaunan, sa gitna ng aming panayam ay naibahagi narin niya ang iba’t ibang pag subok na kanyang kinaharap. “Makakasalamuha mo talaga yung iba’t ibang klase ng estudyante; mula sa mga mayayamang hindi kapos sa bawat kinakailangan sa bawat klase hanggang sa mga hirap na hirap makamtam bawat kailangan gawin dahil sa kakapusan”. Dagdag niya pa ang labis-labis na pasensya at pang-unawang baon niya sa pagtuturo dahil hindi maiiwasan ang mga estudyanteng nahuhuli sa mga gawain dahil sa hirap sa kuneksyon at iba naman na ginagawa lamang dahilan ang mahinang internet kahit hindi naman.
Sa huling parte nang aking pakikipag-usap ay nasaksihan ko parin ang pagiging positibo natin sa lahat ng mga hindi magagandang pangyayare, “Marami man problems pero nandon parin yung new learnings. Syempre nandon narin yung pagiging blessed dahil sa kabila nung mga nagdaang crisis saten nagawa parin natin na makapag-raos nang klase. Hindi maiitangi na may aral padin talagang mapupulot sa mga hindi magagandang pangyayare.
1 note · View note
anneeechvz · 4 years
Text
Pakikipanayam kay Bb. Sheddaly Sardual
Ano ang masasabi mo sa biglaang Online Class ngayong Academic Year?
Talagang nakakagulat, sino ba ang hindi?Sinukat ang pagiging inobatibo at ang kagalingan ng mga guro sa ating bansa. Noong una maraming tanong, maraming takot, maraming ayaw, maraming kaba; halo-halong emosyon ngunit babalik at babalik kaming mga guro sa sinumpaan naming tungkulin, ang magturo at linangin ang mga bata kahit anong sakuna at problema ang pwedeng mangyari sa kahit ano mang panahon.
May mga pagbabago ba sa iyong pakikitungo sa mga estudyante at co-teachers?
Sa aking personal na opinyon at base na rin sa karanasan wala namang nagbago sa paraan ng pakikitungo ko sa mga estudyante at sa aking kapwa guro. Marahil nasa online class, maraming pagsubok ngunit kung paano mo ituro at paano ka makipag-usap sa mga bata ay ganoon pa rin, yun lamang ay sa paraan na lamang ng social media, google hangouts at google classroom. Mas epektibo pa rin ang tradisyonal at lumang pamamaraan ngunit kailangan din nating maging inobatibo lalo na sa ganitong panahon.
Nakaranas/nakararanas ka rin ba ng matinding stress, depression at anxiety gaya ng mga estudyante sa pagtuturo Online?
Stress at anxiety, masasabi kong oo. Ayokong gamitin ang salitang depression sa kadahilanang hindi pa ako nagpa-konsulta sa mga propesyonal na doktor ukol dito. Ang pagtuturo online ay totoong nakaka-stress, marami kang tanong sa sarili mo. Epektibong guro pa ba ako? Kaya ko po bang magturo sa gitna ng pandemya? Paano ko maisasabuhay ang leksyon gayung laptop lang aking kaharap? Ito lamang ay ilan sa mga tanong na nakaka-dagdag ng stress at anxiety ko bilang guro. 
Paano mo nilalabanan ito? sa anong pamamaraan?
Sa ganitong panahon o sa kahit ano mang panahon importante ang mental health katulad ng pagpapahalaga natin sa ibang aspeto ng ating buhay. Kapag nakakaramdam na ako ng kakaibang stress at anxiety, tumitigil muna ako, I pause, kakain, lalabas ng bahay upang makahinga hinga sa dami ng trabaho at problema, mag-ehersisyo upang mas lumakas ang pangangatawan at ma-divert ang atensyon sa ibang bagay, at ang pinaka-importante ay ang kausapin Siya. 
Bilang isang guro ano ang masasabi mo sa mga estudyanteng nahihirapan mag-adopt ng lesson sa online class?
Hindi madali ang nangyayari sa atin ngayon, lahat tayo may kanya kanyang problema, lahat tayo may iba’t ibang desisyon at pananaw sa buhay. Kapag nakakaramdam na ng pagod, pwede kang tumigil saglit, pause kung baga, maghanap ng bagay na makakagaan ng iyong loob, gumawa ng paraan para maging masaya. Kapag nagawa mo na ito, bumalik ka sa iyong ginagawa. It is okay to rest but never quit. It is okay to pause and then resume what you are doing. Always remember why you started, always go back to your roots. 
Ano naman ang masasabi mo sa iyong kapwa-guro na nahihirapan rin gumamit at mag turo Online? At para rin sa mga gurong nakakaranas ng Depression, anxiety at stress.
Marahil karamihan sa mga kapwa kong guro ay hirap magturo online, may mga bilang din sa’min na nakararanas ng anxiety and stress, simple lang ang masasabi ko, hindi tayo bibigyan ng pagsubok na hindi natin kakayanin. Kaya naman, sa gitna ng pandemyang ito, sa gitna ng paghihirap, sa panahon na puro negatibo ang nangyayari ‘wag nating kalimutan ang mga maliliit na dahilan upang manatili tayong positibo sa kabila ng hirap ng buhay ngayon. 
1 note · View note
heatherxkrystal · 4 years
Text
Pakikipanayam sa Guro tungkol sa mga pagbabagong hatid ng pandemya sa Edukasyon
            Si Gng. Gemma Dator mula sa Bagong Nayon II National High School sa Antipolo ay ibinahagi ang karanasan sa pagtuturo sa gitna ng pandemya. Ang kanyang tinuturaan ay Grade 10 at ang kanyang paksang hinahawakan ay TLE - Fashion and Accessories.
             Bago magsimula ang pasukan ng school year 2020-2021, nagkaroon muna sila ng pagsisiyasat sa mga estudyante na naka-enroll sa kanilang institusyon kung modular learning o blended learning. Ngunit ang nakuhang resulta sa pagsisiyasat ay modular learning na sistema kung saan ihahatid ang kanilang mga aktibidad sa kani-kanilang barangay at iaabot ng mga Sitio coordinators ang mga aktibidad. Ang mga aktibidad ay nakabalot o naka-envelope para maayos na matanggap ng kanilang mga magulang at ibibigay sa mga bata. Kapag ibabalik naman sa guro ay ganoong proseso pa rin. Kukunin ng mga Sitio coordinators at ilalagay sa barangay. Kukunin naman ito ng mga Modular Distance Learning Riders, sila ang mga guro na magbabalik sa school. Tuloy-tuloy ang pagbibigay nila ng aktibidad at dapat sa dalawang linggo ay matapos na nila ang kanilang mga gawain. Ngunit hindi maiiwasan ang ibang estudyante na matagal magpasa dahil sila ay nagtatrabaho ngayong pandemya.
             Kahit modular learning ang kanilang sistema ay hindi nawalan ng komunikasyon ang mga estudyante sa mga guro. Ngunit kung magdedesisyon ang institusyon o ang guro kung anong klaseng sistema ang pagtuturo nila sa gitna ng pandemya. Ang pipiliin nila ay blended learning.
1 note · View note
mythsofbrands · 5 years
Text
1001 Mga Kwento ng Tatak | Talumpati ng Lotus 莲花演说
writen by ZHOU Junjun
Tumblr media
第一个故事
男人拖着疲倦回到家,妻子问:“怎么这么晚回来?是不是外面有人了?”
男人忽然感到非常愤怒地对妻子说:“你怎么这么不理解我?”
第二天,他们去民政局换了一本证……
Unang kwento
Pagod na pagod ang lalaki sa bahay, tinanong ng kanyang asawa, "Bakit ka bumalik sa huli? May tao ba sa labas?"
Biglang nakaramdam ng galit ang lalaki at sinabi sa kanyang asawa, "Bakit hindi mo ako masyadong naiintindihan?"
Kinabukasan, nagpunta sila sa Civil Affairs Bureau upang makipagpalitan ng sertipiko ...
 第二个故事
课后,老师对学生说:“如果再是这个成绩,我会劝你转校了,跟上你会很吃力。”
回家,母亲拿着试卷恨铁不成钢地指责孩子说:“再过一年高考了,你看你该怎么办,你看考得上哪个学校,你看你将来该怎么办!怎么这么不争气呢。”
晚间补习,补习老师说:“怎么教了这么多遍,你就是做不对呢?”
当晚,学生从补习老师家一跃而下,当场死亡,他才十六岁……
Pangalawang kwento
Matapos ang klase, sinabi ng guro sa mga mag-aaral, "Kung ito ang grade na ito muli, bibigyan kita ng payo na ilipat sa paaralan. Mahirap na panatilihin ka."
Umuwi sa bahay, inakusahan ng ina ang bata na may isang pagsubok sa papel na kinamumuhian ang bakal at bakal, na nagsasabing, "Matapos ang isa pang taon ng pagsusuri sa pagpasok sa kolehiyo, ano sa palagay mo ang dapat mong gawin, alin sa paaralan na maaari mong gawin, at kung ano ang gagawin mo sa hinaharap! Ipaglaban mo ito. "
Sa gabi, sinabi ng tagapagturo, "Bakit mo ito itinuro nang maraming beses na hindi mo ito ginawa nang tama?"
Nang gabing iyon, tumalon ang mag-aaral mula sa bahay ng tutor at namatay sa puwesto .. Siya ay 16 taong gulang lamang ...
 第三个故事
十年寒窗苦读,他是有名的学霸,名企招聘会上,面试官对他说:“介绍下你自己。”
他说:“啊……嗯……我……我叫……”
面试官说:“对不起,请下一位。”
走出门,他靠着墙蹲下,把简历撕得粉碎……
Pangatlong kwento
Matapos ang sampung taon ng matapang na pag-aaral, siya ay isang kilalang toro sa paaralan. Sa mga pakikipanayam sa mga kilalang kumpanya, sinabi sa kanya ng tagapanayam, "Ipakilala ang iyong sarili."
Sinabi niya, "Ah ... um ... Ako ... Ako ..."
Sinabi ng tagapanayam, "Paumanhin, mangyaring susunod."
Pagkalabas ng pintuan, siya ay tumungo laban sa dingding, napunit ang kanyang resume ...
 第四个故事
团队准备整整一月,精心编制各种节目,终于迎来了万众期待的年会。
董事长在员工热情的掌声中缓步走上讲台,举起话筒方才发觉演讲稿落在座位上,他望着台下黑压压的人群,一双双亮晶晶的眼睛,忽然觉得呼吸急促,头冒冷汗,双脚发抖……
他不禁往讲台中间挪了挪,这一挪,却不小心把话筒掉到了地上,台下一下子热闹起来,传来闷声的笑声。
他完全慌了神,已不记得演讲稿的内容,有些尴尬地弯下腰捡起话筒咳了两声说:“哈哈,大家,吃好,喝好!谢谢!”
然后像逃荒般地窜下台回到座位,连忙拿起纸巾擦拭满头汗水,剧烈的心跳声在耳畔久久不能散去……
Pang-apat na kwento
Naghanda ang koponan para sa isang buong buwan, maingat na naipon ang iba't ibang mga programa, at sa wakas ay dinala kami sa inaasahang taunang pagpupulong.
Dahan-dahang lumakad ang chairman papunta sa podium na may mainit na palakpakan ng mga empleyado, at pinataas ang mikropono bago niya napagtanto na nahuhulog ang talumpati sa upuan.Tiningnan niya ang karamihan sa ilalim ng entablado, ang kanyang maliwanag na mga mata, at biglang nakaramdam ng igsi ng paghinga at malamig na pawis sa kanyang ulo. Nanginginig ang iyong mga paa ...
Hindi niya maiwasang lumipat sa gitna ng podium, ngunit hindi sinasadyang ibinaba nito ang mikropono sa lupa, at sumiksik ang tagapakinig at nakarinig ng isang humalakhak na tawa.
Siya ay ganap na gulat, at hindi matandaan ang mga nilalaman ng pagsasalita.Nabaluktot siya nang medyo awkwardly, kinuha ang mikropono at isinama ng dalawang beses: "Haha, lahat, kumain ng mabuti, uminom ng mabuti! Salamat!"
Pagkatapos ay tumakas mula sa entablado tulad ng isang tumakas, bumalik sa upuan, mabilis na kumuha ng isang tissue at nagpahid ng pawis, ang matinding tibok ng puso ay hindi mawala sa loob ng mahabang panahon sa aking mga tainga ...
  第五个故事
商业路演现场,他拿着一个团队整整一个月不眠不休做出的商业计划书,已经有20万高粘度粉丝,信心十足。
当话筒递到他手上,投资人说:“请用三句话说明你的项目。”
他说:“呃……我们做的是……是……”
投资人说:“谢谢,请下一位。”
他黯然坐下,合作伙伴们都黯然低下了头,拍了拍他的肩膀,起身离去……
Ikalimang kwento
Sa komersyal na roadshow, gaganapin niya ang isang koponan ng mga plano sa negosyo na nagtatrabaho siya sa loob ng isang buong buwan, at mayroong 200,000 mataas na lagkit na tagahanga na may malaking kumpiyansa.
Nang maipasa sa kanya ang mikropono, sinabi ng namumuhunan, "Mangyaring ipaliwanag ang iyong proyekto sa tatlong mga pangungusap."
Sinabi niya, "Uh ... ang ginagawa natin ay ... oo ..."
Sinabi ng namumuhunan, "Salamat, mangyaring susunod."
Umupo siya nang malungkot, lahat ng mga kasosyo ay yumuko ang kanilang mga ulo ng malungkot, tinapik ang kanyang balikat, tumayo at umalis ...
 第六个故事
古有贾诩一句话引起百年战乱,亦有张仪三寸不烂之舌抵百万雄狮。
历史由人演绎,社会由人诠释,生活由人改变。
今天,当我们面对各种繁琐,各种误解,各种质疑,各种矛盾,各种委屈,我们都说,这是人造成的。
蓦然回首,三省吾身,这是——沟通——造成的!
Pang-anim na kwento
Sa mga sinaunang panahon, ang mga salita ni Jia Yi ay nagdulot ng isang daang taon ng digmaan, at ang tatlong-pulgada na di-bulok na wika ni Zhang Yi ay dumating sa isang milyong leon.
Ang kasaysayan ay binibigyang kahulugan ng mga tao, ang lipunan ay binibigyang kahulugan ng mga tao, at ang buhay ay binago ng mga tao.
Ngayon, kapag nahaharap tayo sa lahat ng uri ng nakakapagod, lahat ng uri ng hindi pagkakaunawaan, lahat ng uri ng mga pagdududa, lahat ng uri ng mga pagkakasalungatan, lahat ng uri ng mga hinaing, lahat tayo ay nagsasabi na ito ay sanhi ng mga tao.
Biglang lumingon, ang tatlong lalawigan ay ang aking katawan, ito ay sanhi ng komunikasyon!
 第N个故事
..........
Nth story
..........
  “莲花演说”源自“舌灿莲花,口吐莲花”,主要形容人口才好,口齿伶俐,能言善道,有如莲花般的美妙。莲花,也有纯洁,正直,吉祥之意。古月今心取“莲花演说”,意其一是人若有纯洁正直的心,逢人多说吉祥的话,这样人们便会心生欢喜,人事顺利,性格也就乐观包容,命运也就更加舒顺。意其二,公众演说,能够能言善道,犹如莲花般的美妙。
Ang "pananalita ng lotus" ay nagmula sa "wika ng lotus, spit lotus." Pangunahin nitong inilalarawan ang populasyon, ay nakapagsasalita, maaaring magsalita nang maayos, at kasing ganda ng isang lotus. Nangangahulugan din si Lotus ng kadalisayan, integridad, at pagiging kasiyahan. Kinuha ni Gu Yuejin ang "lotus speech". Ang isa sa mga dahilan ay kung ang mga tao ay may dalisay at tuwid na puso at magsasabi ng mga masasamang salita sa bawat oras, ang mga tao ay magagalak sa kanilang mga puso, ang mga bagay ay magiging maayos, ang kanilang pagkatao ay magiging maasahin at mapagparaya, at ang kanilang kapalaran ay magiging higit pa Shushun. Pangalawa, ang mga pampublikong talumpati ay maaaring magsalita nang mabait, tulad ng isang lotus na bulaklak.
 在这个科技日新月异的时代,移动互联网深入到我们生活的方方面面,改变了我们的社交方式,看似缩短了人与人之间的距离。恰恰相反的是,而今“人际交往”却成为大家津津乐道的话题,人们热衷学习“情商”,“智商”,“处理人际关系”。
Sa mabilis na pagbabago ng edad ng teknolohiya, ang mobile Internet ay tumagos sa bawat aspeto ng ating buhay, nagbago sa pakikisalamuha, at tila paikliin ang distansya sa pagitan ng mga tao. Sa kabaligtaran, ang "interpersonal na komunikasyon" ay naging isang paksa na pinag-uusapan ng lahat. Ang mga tao ay masigasig na malaman ang "EQ", "IQ", at "paghawak ng interpersonal na relasyon".
 古月今心说,从他帮助的几千位因公众演说有障碍的学员,他发现经常用正确的方式进行演说训练,不仅让更多的人成功的解决了公众演说障碍,还更加提高了沟通和谈判能力,连同日常人际关系也有积极改善。而今,古月今心已经帮助几千人因为沟通,因为演说问题而遇到困惑的人。而今,莲花演说遍布全国多个一线城市,成为中国极具影响力的互动演说训练机构,收获学员大量赞誉。
Sinabi ni Gu Yuejinxin na mula sa libu-libong mga trainees na nahihirapan sa pagsasalita sa publiko, natagpuan niya na ang madalas na pagsasanay sa pagsasalita sa tamang paraan ay hindi lamang pinapayagan ang mas maraming mga tao na matagumpay na malutas ang mga hadlang sa pagsasalita ng publiko, ngunit nagpapabuti din Ang mga kasanayan sa komunikasyon at negosasyon, kasama ang pang-araw-araw na ugnayan ng interpersonal, ay napabuti din. Ngayon, ang Gu Yuejin Xin ay tumulong sa libu-libong mga tao na nalilito dahil sa mga problema sa komunikasyon at pagsasalita. Ngayong mga araw na ito, ang mga talumpati ni Lotus ay kumalat sa maraming mga lungsod ng unang baitang sa buong bansa, at naging pinakapang-impluwensyang interactive na pagsasalita ng mga institusyong pagsasanay sa China, na natanggap ng maraming papuri mula sa mga mag-aaral.
 古月今心过去十二年,把自己的全部心血和精力专注于沟通、演说事业,未来,他将一如既往……他只是希望能够帮更多人解决沟通问题,让他们不会再因为沟通问题失去家庭,不会因为沟通问题失去机会,不会因为沟通问题失去自信,不会因为沟通问题铸就大错后悔终生。
Sa nakalipas na labindalawang taon, itinalaga ni Gu Yuejinxin ang lahat ng kanyang pagsisikap at lakas sa sanhi ng komunikasyon at pagsasalita.Sa hinaharap, magpapatuloy siya tulad ng lagi ... Umaasa lamang siya na matulungan ang maraming tao na malutas ang mga problema sa komunikasyon upang hindi sila maapektuhan ng mga problema sa komunikasyon. Kung nawala ka sa iyong pamilya, hindi ka mawawalan ng mga pagkakataon dahil sa mga problema sa komunikasyon, hindi ka mawawalan ng tiwala dahil sa mga problema sa komunikasyon, at hindi ka magsisisi sa iyong buhay dahil sa mga problema sa komunikasyon.
 沟通,让你学会怎么好好生活;沟通,让你学会怎么面对他人;沟通,让你学会怎么认识自己;沟通,让你学会怎样把握机会;沟通,改变命运,演讲,改变人生……古月今心说:人一生,学会好好说话,你会发现满是惊喜 。 提升演讲,做一个懂得一对多、一对一沟通的人。
Hinahayaan ka ng komunikasyon na malaman kung paano mamuhay nang maayos; hinahayaan ka ng komunikasyon na malaman kung paano harapin ang iba; hinahayaan ka ng komunikasyon na malaman kung paano mo malalaman ang iyong sarili; hinahayaan ka ng komunikasyon na malaman kung paano mahawakan ang mga pagkakataon; komunikasyon, nagbabago ng kapalaran, lektura, nagbabago ng buhay ... Gu Yue Sinabi ni Jinxin: Sa iyong buhay, matutong magsalita ng maayos, makikita mo itong puno ng mga sorpresa. Pagbutihin ang presentasyon at maging isang tao na nakakaintindi ng isa-sa-maraming at isang-sa-isang komunikasyon.
1 note · View note
BDRRM KWENTUHAN with one of the Barangay Councilor of Brgy. Dalig in Cardona Rizal
Welcome to my Blog! This part is where my conversation with one of the barangay kagawad in Brgy. Dalig in Cardona, Rizal. where in She answered question regarding the Disaster Risk Reduction and Management in the Barangay. Hope you enjoy reading our conversation!! 
Hello po! Ako po si Althea Sta. Ana, isang estudyante mula sa University of Santo Tomas. ito po ay para lamang sa Modulo ng aking NSTP. Maraming Salamat po Gng. Nikki Perpetua at tinanggap niyo ang aking pakikipanayam sa inyo.
Una ko pong mga katanungan ay tungkol sa Hazard Identification o Pagtukoy ng mga Bantang Panganib.
1. Ano-ano ang mga kalamidad/hazards na tumama sa ating barangay? Paki-kwento.
        Maraming kalamidad o hazards ang tumama na sa ating barangay, tulado noong Bagyong Ondoy bumaha ng sobra dito sa ating barangay dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog sa tulay at ang pagiging barado nito dahil sa mga basurang tinatapon dito. Isa pa ay pagkakaroon ng masang-sang na amoy nang dahil sa mga nabubulok na basura na nakatambak sa labas ng kani-kanilang bahay at ang mga basurang hindi nakokoleta kapag oras ng pagkuha. 
2. Ano ang iba pang mga panganib na nakaapekto ng matindi sa ating pamayanan? 
        Ay ang pagbaha, paglaganap ng sakit tulad ng dengue, lagnat at ang hindi magandang amoy ng naiipon na mga nabubulok na basura sa bawat labas ng bahay ng ating mga kasapi sa barangay .
3. Paano nalalaman na may parating na bantang sakuna? (maaring siyentipiko at/o lokal na palatandaan at babala)
         Ito’y nalalaman sa pakikipagtulungan sa punong mayor at pamahalaan lalo na sa NDRRMO ng Cardona na sila talaga ang nakakaalam kung paparating na ang isang sakuna sa bayan na makakaapekto sa bawat barangay dito sa cardona.
4. Gaano kadalas ito nangyayari sa ating pamayanan? 
         Ito’y nangyayari sa pamayanan siguro ay dalawang beses sa isang buwan, tulad ng pag apaw ng ilog sa tulay na nagiging sanhin ng pagbaha sa kaliwatot at lambingan dahil sila ang malapit dito. Kaya umaapaw ang tubig sa ilog dahil sa malakas na ulan at sa mga basura na napupunta sa ilog. Ang pagkakaroon ng masang-sang amoy dahil sa mga hindi nakokolekta na basura ay araw-araw dahil sa hindi pagsunod sa oras ng pagkuha ay naapektuhan ang lahat.
Ang mga susunod naman pong katanungan ay ukol sa Vulnerability, Elements and People at Risk Assessment po
1. Saan ang may pinakamatinding mapipinsala? Bakit kaya ang mga lugar na ito ang may pinakamatindi ang pinsala?
          Pinaka matinding mapipinsala ay lahat ng malapit sa ilog lalo na ang mga nakatira sa manukan, kaliwatot at lambingan. Katulad nga ng sabi ko sila ang pinaka malapit sa ilog at ang mga lugar na yon ay mababa kaya kapag umapaw ang tubig sa ilog ay naapektuhan sila agad.
2. Kung tumama ang mga bantang panganib, sinu-sino kaya sa ating lugar ang pinaka-maaapektuhan? Tukuyin ang ilang mga tao. Bakit kaya sila ang pinaka-maaapektuhan? 
         Ang pinaka-maapektuhan ay mga taong nakatira mismo sa tabi ng ilog. Mga pamilyang nakatira tulad ng mga Dinisio, Reyes at iba pa. sila dahil napakalapit talaga ng kanilang bahay sa ilog maaring isang metro ang layo ng kanilang tirahan sa ilog. 
3. Ano kaya ang epekto ng pagtama ng sakuna sa mga tao, pangkabuhayan, serbisyong panlipunan at imprakstruktura ng pamayanan?
         Epekto nito sa mga tao ay hindi alam kung kaylan maging handa sa sakunang ito. Isa pa ay maaring walang tao sa kanilang mga bahay kapag tumama ang sakuna. Sa pangkabuhayan naman ay maaring masira nito ang mga paninda ng mga may tindahan o sari-sari store sa kanilang tahanan, maaring may masira ng importanteng document na kailangan sa kanilang pangkabuhayan. Sa serbisyong panlipunan naman ay maapektuhan ang pagpasok ng mga nagtratrabaho sa pamahaalang bayan sa imprasktruktura naman ay may masisira dahil sa sakunang ito lalo na kung ang mga materyales na ginamit ay hindi ganon kaganda at matibay
4. Saan ang pinakaligtas na lugar sa pamayanan kung may bantang panganib na dumating? 
         Pinakaligtas na lugar sa pamayanan ay ang matataas na lugar na malayo din sa panganib dahil wala mababa lamang an gating bayan at pamayanan kaya eto ang isang pwede maging lugar na mayroon kaligtasan.
5. Saan naman ang pinakadelikado na lugar sa pamayanan kung may bantang panganib na dumating? 
       Pinakadelikado ay siympre ay malapit sa ilog at kung saan naiimbak ang mga basurang nabubulok na mayroon masang-sang na amoy.
6. Anu-ano ang mga suliranin/problema na kinakaharap ng barangay na humahadlang sa pag-unlad ng pamayanan at pumipigil sa pagbangon mula sa pagkasalanta ng mga kalamidad?
         Siguro ang hindi pagsunod ng mga ka-barangay natin sa kung paano dapat sinesegrate ang nabubulok, hindi nabubulok at ang mga gamit na pwede pang gamitin muli. Hindi sa pagsunod sa tamang oras sa pagliabas ng kanilang basura kapag ito ay kinukuha na ng mga nangongolekta.
Ito na ho ang huli kong mga katanungan sainyo ukol sa Capacity and Disaster Management Assessment
 1. Ano-ano ang ginagawa ng pamayanan at barangay sa paghahanda/pag-iwas at kung sakaling may mga bantang panganib tulad ng bagyo, baha, lindol na dumating? 
             Madaming ginagawa ang pamayanan at ang barangay tulad ng pag-aanounce na kelangan nilang mag-ayos ng mga gamit at kelangan umalis sa kanilang tirahan kapag may malakas na bagyong dadating na makakaapekto talaga sa kanila. Isa pa ay ang pagkakaroon ng alarm kung magkakaroon ng baha sa lugar ata ang pagkakaroon ng mga seminar o talk sa bawat barangay kung saan inaanyayahan ang lath na dumalo dahil dito natuturo ang mga dapat nilang unang gawin kapag nagkakaroon o magkakaroon ng bagyo, baha o lindol na dadating sa pamayanan o barangay
2. Ano ang nilalaman ng plano ng Barangay pagdating ng sakuna? (kung kaya hingin o hiramin ang BDRRM Plan, Hazard and Safety Map, Barangay Projects for different sectors like Youth, Women, Children, Elderly, Poor, PWD etc.)
           Ang nilalaman ng plano ay ang mga lugar kung saan pwedeng pumunta ang mga tao sa barangay kapag may sakuna. Dito nakalatag ang mga dapat gawin ng bawat kagawag, mga tanod, mga tao at lahat kapag talagang dadating na ang sakunang sinasabi. May mga proyekto ding nakalatag ang barangay at ang sanggunian ng kabatan tulad ng pagkakaroon ng once a month na paglilinis ng mga kanal, paglilinis ng kapaligiran at pagsusunog o pagsisiga ng mga natutuyong dahoon na nakuha mula sa mga bakuran ng mga kabarangay. Isa pa ay ang pagpapausok para hindi magkaroon ng dengue ang mga taong nakatira sa barangay.
3. Sa kasalukuyan, anong programa, sistema, gamit, pasilidad o kakayahan meron ang barangay na makakatulong sa mga tao , serbisyo at kabuhayan na makabangon mula sa epekto ng kalamidad? Isa-isahin natin.
         Siguro ay ang paglilinis ng kapaligaran na makaktulong sa mga tao dahil kapag malinis ang kapaligiran ay magiging maayos ang pamumuhay at hindi magkakaroon ng sakit. Isa pa ay ang pagpapausok nga para mawala ang mga lamok na nakatira sa mga naimbak na tubig sa likod bahay. Barangay hall, barangay healt center ay maar imaging evacuation ng mga mamayan kapag tumama ang isang sakuna at bukas silang tatanggapin ng barangay dahil sila ay parte nito. Ang pagbibigay ng mga relif good o tulog upang maayos o malinis ang kani kanilang bahay pagkatapos ng sakuna. 
4. Sino ang mga taong namamahala sa paghanda, pagharap at pagtugon sa kalamidad? 
       Ang mga taong namamahala ay ang pamahalaaang bayan, mga barangay captain, mga kagawad bawat barangay at pati ang mga tao na nasa barangay dahil maaring sa kanila na mismong manggaling ang paghanda sa mga kalamidad na mararamasan ng bayan at ng barangay. 
Maraming Salamat po sa pagsagot ng mga katanungan ko. may isa pa po ako gusto, maari niyo po ba ako samahan upang ikutin ang Barangay at makita po ang mga ginagawa ng barangay ukol sa paghahanda sa kalamidad.
      OO naman 
1 note · View note
Text
Brgy. 175′s BDRRM
Tumblr media Tumblr media
             Ang komunidad ng Brgy. 175, na halos madalas din kung tamaan ng kalamidad tulad ng bagyo, na taun-taon naman din ay nangyayari. Ngunit ang iba sa mga mamamayan dio ay may kakulangan din sa kahandaan katulad na lamang ng simpleng paglinis ng drainage kaya naman ito ay nagdudulot  ng pagbabaha sa mga mababang lugar at kalsadang dinaraanan ng mga sasakyan. Ang simpleng pagtapon lamang ng basura at tamang pag-segregate ng mga ito ay mahirap ng gawin para sa kanila, ngunit hindi lamang ito nangyayari sa aming pamayanan, kundi pati na rin sa buong bansa.
Tumblr media Tumblr media
             Kadalasan sa mga matinding napipinsala ay ang mga imprastrakturang mali ang pinagtayuan nito, maaaring sa tabing ilog naninirahan, sa tulay o mga kabahayang dikit-dikit. Kawalan ng kakayahan na maisa-ayosang kanilang tahanan o kakapusan sa pera ang kadalasang dahilan kung bakit ilan sa mga mamamayan namin (Informal Settlers) dito ay naninirahan malapit sa mga mapanganib na lugar. Nagkakaroon sila ng psychological effects tulad ng trauma  lalo na kung mabagal ang paghatid ng tulong mukla sa lokal at nasyonal na pamahalaan, at economic effects tulad ng hanap-buhay at pagkatigil ng kalakalan. Mga eskuwelahan at simbahan ang pinaka-mainam na pwedeng pag-likasan ng mga taong maaapektuhan ng mga kalamidad na nabanggit kanina.
Tumblr media
Photo by: Brgy. 175 facebook page
Tumblr media
Photo by: Brgy. 175 facebook page
Sa tuwing may darating na bantang panganib, ito ang ginagawa sa aming barangay at nagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa parating na panganib. Binibigyan naman ng mga bahagi ng barangay official ang mga taong nangangailanga sa pamamagitan ng pag-abot ng pagkain, tubig, hygiene kits at iba pa. Laging bukas upang makatulong ang BPSO, Tanod, Police, BDRRM at ang mga Health centers sa pagbibigay ng first aid.
Isa sa mga natutunan ko habang isinasagawa ko ang pakikipanayam na ito ay ang kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat isa, ng bawat mamamayan, ang kooperasyon ng bawat indibidwal. Hindi lang dapat ang mga may posisyon sa lipunan ang laging nagsasagawa ng paghahanda tuwing may sakuna, dapat tayo mismo bilang miyembro ng pamayanan ay may kusa sa lahat ng bagay. Ang lahat ng mga gawaing ito ay para rin sa atin, sa kaligtasan ng lahat. Simulan dapat natin ang kahandaang ito sa ating mga tahanan, upang maging alerto at maalam sa mga sakunang paparating, at walang sisihang dapat mangyari. Hindi rin dapat isinisisi sa ating gobyerno ang mga pinsalang natamo, dahil walang isa sa atin ang may kagustuhan nito, ngunit sa simpleng pag-sunod at pagpapanatili ng kaayusan sa ating kapaligiran ay maaari pa rin makapagbigay ng pag-asa upang unti-unti pa rin nating maisalba mula sa unti-unting pagkasira ang ating minamahal na kalikasan.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
Text
DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT KWENTUHAN
Tumblr media
MALIPAMPANG, SAN ILDEFONSO, BULACAN
Ang aking paglalakad sa aming komunidad at pakikipanayam sa isang opisyal ng barangay ay nagbigay sa akin ng mas malawak na kaalaman na ang aking pook tirahan ay kulang sa mga programa at paghahanda kung mayroon na dadating na sakuna. Bukod sa evacuation plan ay wala nang ibang plano para sa aming baranggay. Nakalulungkot isipin pagkat kahit maunlad ang aming pamayanan ay hindi nito binibigyang pansin ang mga bagay na may kaugnay sa kaligtasan ng bawat isa. Ayon sa aking nakausap na baranggay opisyal, ang baranggay Malipampang ay hindi nakararanas ng matinding sakuna. Ito ay malayo sa mga bulubundukin at karagatan at kalian man ay hindi pa lubos na napinsala ng kalamidad. Gayun pa man, sa diwang ito, ay kinakailngan pa rin na maging handa ang ating pamayanan sa mga posibleng unos na dadating.
Tumblr media
HAZARD IDENTIFICATION
Ang Baranggay Malipampang ay nasa bahaging kapatagan ng heographiya. Ito ay malayo sa mga anyong tubig tulad ng dagat at ilog, gayundin naman, sa mga anyong lupa tulad ng bundok at bulkan. Masasabi rin na pagkat malaki ang populasyon ng baranggay ay hindi ito sobra (overpopulated) upang maging masikip ang pamayanan, tulad sa ilang bahagi ng Maynila. Dahil sa mga kadahilanang ito, ang Malipampang ay hindi madalas nakararanas ng matitinding kalamidad at sakuna. Ito ay liban na lamang kung may malakas na bagyong dadating sa bansa at kabilang ang bahagi na ito ng Bulacan sa mga apektadong lugar.
Bukod sa pagtama ng bagyo, lindol at pagkasunog ng bukirin ang dalawa pang sakuna na nararanasan dito sa aming lokal. Lindol pagkat ang Bulacan ay dinadaanan ng fault line at ito ay nasa kaparehong rehiyon kung saan naroon ang bulkang Pinatubo at bundok Aryat. Ang pagkasunog naman ng bukirin ay karaniwang nararanasan kung tag-araw. Ang sobrang init ng araw ay nakapagdudulot upang magliyab ang mga bukirin.
Upang malaman na may mga ganitong sakuna, nakakatanggap ng balita ang pamayanan mula sa munisipyo ng San Ildefonso at NDRRMC lalong higit kung may bagyong dadating. Mayroon din namang mga palatandaan mula sa kapaligiran. Ito ay kung mayroong mga pumpon ng ibon na magliliparan sa himpapawid at kung ang mga insekto ay maglalabasan sa paligid.
Tumblr media
VULNERABILITY, ELEMENT AND PEOPLE AT RISK ASSESSMENT
Kung may darating na sakuna sa pamayanan ay pinakamaapektuhan ang Purok 2 at 3 ng baranggay Malipampang.  Ang nasabing purok ay mas mababa kumpara sa ibang bahagi ng pamayanan kung kaya’t nakararanas sila ng pagbaha kung may bagyo na dadating. Ang baha ay hindi masasabing mapaminsalang higit pagkat ito ay tumataas lamang hangang tuhod at bumababa rin ka-agad pagkatapos ng ulan. Dito rin sa mga purok na ito may pinaka malaking bilang ng tao na naninirahan sa lugar. Mahirap kung may dadating na bagyo para sa marami dahil masasabing kapos sila sa buhay at may mga bahay na gawa sa mga light materials. Pagkabasa ang dulot na malakas na ulan sa kanila at pagkasira ng ilang parte ng bahay. Sa kabilang banda, kung titingnan naman ay ang pinakadelikadong bahagi ng pamayanan ay masasabi kong ang mga naninirahan kalapit ng imprastaktura ng B-MEG Corporation sa lugar ang nasa panganib. Tiyak na matibay ang pagkakagawa ng kabuhayan na ito ngunit kung mayroon mang dadating na malakas na lindol ay sigurading magiging malaking balakit ito sa mga mamamayan. Sa mga panahong ito ang mga tao ay maaring magtungo sa sentro ng baranggay. And sentro ng pamayanan ay ang compound ng simbahan, eskwelahan at barangay hall. Mayroong espasyo sa pagitan nito na maaring matakbuhan ng mga mamamayan. Bukod dito ay ang covered court sa loob eskwelahan ay sinasabing maaaring takbuhan ng mga tao sa panahon ng sakuna.
Ang mga suliraning ito ay makapangyayaring maging sanhi ng pagka antala sa pang araw araw na buhay ng mamamayan. Marami ang hindi makakalabas ng bahay at hindi makapupunta sa kanikanilang mga hanapbuhay. Marami rin ang may mga malilit na negosyo sa baranggay ang hindi makapagbubukas ng kanilang tindahan kung may bagyo mang dadating.
Tumblr media
CAPACITY AND DISASTER MANAGEMENT ASSESSMENT 
Sa kasalukuyan ang baranggay ay pinaalam sa kanyang nasasakupan na ang magiging evacuation centers ay ang bakantang espasyo sa harap ng Baranggay Hall at eskwelahan pati na rin ang covered court sa loob ng eskwelahan at ang Bahay Pari na nasa Purok 3. Dito hinihiling na pumunta ang mga mamamayan upang maging madali ang pag bibigay tulong at serbisyo. Ang mga ganitong mga pangyayari ay naka talaga ang mga opisyal ng baranggay upang maprotektahan ang mga na sasakupan. Kasama nila ay ang mga Branggay Tanod at ang grupo ng pulisya mula sa bayan ng San Ildefonso. Kasama na rin dito ang mga tauhan ng Malipampang Health Care Centr sa pagbibigay ng mga paunang lunas.
PUNTO DE VISTA!
Sa ganitong kaisipan lubos ang aking pasasalamat sa NSTP pagka’t ako ay hindi lamang natututo ng mga aralin kung hindi ay nagiging bukas rin ang aking mga mata sa mga bagay na nasa aking komunidad. Binibigyang ideya nito na sa isang pamayanan, sa isang komunidad, sa isang baranggay ay kailangan naka ayos ang bawat aspeto. Hindi lang dapat mahusay sa usaping pang kabuhayan o usaping pang kalinisan kung hindi pati na rin sa usaping pang kaligtasan. Ito ay kailangan upang mapanatili ang maunlad na kinabukasan at masulong ang pagiging, IM AM READY!
1 note · View note
bachmarky · 5 years
Text
Disaster Awareness in Community or Barangay
9 December - Pumunta ako sa aming Barangay Hall upang magsagawa ng isang interview sa kahit sinong namamahala para sa aming NSTP na may paksang Disaster Risk Reduction and Management. 
Tumblr media
Sa araw na iyon, aking nakapanayam si Mark Anthony Pader, isang SK Chairman at SK Council ng aming barangay sa North Fairview.
Tumblr media Tumblr media
Sa ginawang pakikipanayam ay ibinahagi sa akin ni Hon. Pader ang mga kalamidad at mga epekto nito na aming nararanasan sa aming barangay.
Hazard Identification - Ayon kay G. Pader, isa sa mga kalamidad na nararanasan ng aming barangay ay ang sunog. Dahil sa congested o dikit-dikit ang mga bahay at gawa sa mga light materials gaya ng plywood na mabilis magdulot ng sunog. Isa sa mga nagiging dahilan nito ay ang pagpapabaya ng nakasinding kandila lalo na kapag brown-out. Maliban sa sunog, isa sa matinding sakuna na naranasan ay ang bagyong Ondoy taong 2009. Dahil sa bagyo, matinding pagbaha ang naranasan ng barangay, lalo na ang mga nakatira malapit sa ilog. 
Tumblr media
Maliban pa sa nasabing kalamidad, isa pang pinaghahandaan ay ang “The Big One” na maaaring maranasan anumang oras. Sakaling mangyari ito, nakahanda ang barangay dito, merong mga ambulansya, fire truck, responders, BPSO na handang tumulong sa barangay. 
Tumblr media
Bilang paghahanda, ang Barangay Council ay nagkakaroon ng contiuous o tuloy-tuloy na drill (fire or earthquake) nang sa gayon alam ng mga tao ang kanilang gagawin.
Sa pamamagitan ng CCTV sa bawat barangay, nasusubaybayan nito ang mga sakuna na pwedeng mangyari at ang City Council ng Mayor kasama ang Quezon City Disaster Risk Reduction Office sa City Hall, nasusubaybayan nila doon ang weather forecast na makakaapekto sa lugar. Maliban sa PAG-ASA,  ang Mayor ay pwedeng magsuspede ng klase depende sa measure o level ng signals. 
Mayroong database ang PAG-ASA na kung saan sila ang nakakaalam kung gaano kadalas mangyari ang isang sakuna tulad ng bagyo.
Vulnerability, Elements and People at Risk Assessment - Pagdating sa bagyo, ang pinakamating lugar na napipinsala ay ang mga bahay na nakatayo malapit sa ilog. Sa ngayon, hindi na masyado dahil noon wala pang “retaining wall” sa mga ilog. Noong si Herbert Bautista pa ang Mayor, nagpatayo siya ng retaining wall sa mga ilog tulad ng Tullahan River. Pinatayo ang pader na ito upang ang daloy ng tubig ay diretso hindi tulad noon na umaapaw ang tubig at dahil dito hindi na umaapaw ang tubig. 
Tumblr media
Kung sakaling tumama ang anumang sakuna, maaapektuhan ang mga bahay lalo na kung hindi sementado at gawa lamang sa mga light materials. Bakit, dahil kung sakaling tumama ang bagyo na may kasamang malakas na hangin, may posebilidad na liparin ang bahay o ang bubong nito. Siyempre ‘di lamang ito nangayayari sa bagyo pati na rin sa sunog na kung saan mabilis ang pagkalat nito sa kanilang bahay pati na rin sa katabi nito.
Tumblr media
Sa pamayanan naman lalo na sa merkaado, naaapektuhan ang kanilang pangkabuhayan. Kapag bumabagyo, nakasara ang kanilang lugar, instead na kumita sa araw na iyon, ang nangyayari ay nagsasara sila at nababawasan ang kanilang kita dahil sa pangyayari lalo na yung mga nagtitinda.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pagdating naman sa mga pampasahero tulad ng tricycle, dahil sa pagkakaroon ng suspension, konti lang ang kanilang pasahero at dahil doon nababawasan din ang kanilang kita. Nangkakaroon din naman ng kita ang mga tricycle driver hindi nga lang ganon kalakas. 
Tumblr media
Kung sakaling dumating ang panganib, isa sa mga pinakaligtas na lugar na pwedeng puntahan ay ang evacuation center na kung saan ay dito mananatili ang mga taong naakpektuhan ng anumang sakuna. Ang barangay ay nagtatalaga ng evacuation center area. Hindi lamang nasa iisang lugar ang evacuation center kundi nasa iba’t ibang lugar ito.
Tumblr media
Isa sa mga pinakadelikadong lugar sa barangay ay ang mga taong naninirahan malapit sa ilog. Ang mga taong naninirahan dito ay nasa bungad ng ilog at kapag umapaw ang tubig sa tuwing may baha, sila ang unang maaapektuhan. Pagdating naman sa sunog, ang mga bahay na gawa sa light materials ang maaapektuhan, pero nakapepende pa rin ito. Hindi sa lahat ng pagkakataon sila ang nagiging dahilan o biktima ng sunog. Nakadepende pa rin ito sa komunidad kung sinu-sino ang mga taong naninirahan dito.
Ang kinakaharap ng barangay na humahadlang sa pag-unlad tulad ng political opposition yung mga may ayaw sa kapitan, sa administration o sa mga namumuno sa lugar. Bakit hindi nalang natin isipin na “If you help, you were able to meet an impact to your community.” Mayroong tinatawag na “crab-mentality” na kung saan hindi masaya ang isang tao na umuunlad yung isang tao, bagkus hihilain nila ito pababa. Sa totoo lang, kapwa Pilipino dapat tayo nagtutulungan. Ayon sa pelikulang Heneral Luna, “mismong nagiging kalaban mo yung mga nakakasama mo rin.”
Capacity and Disaster Management Assessment - Ang barangay ay laging andito nagmomonitor at ayun ang kanilang tungkulin. Sa paghahanda, nagkakaroon ng trainings, doon papasok ang kanilang kaalaman kung paano pa nila mailalabas ang kanilang abilidad o kakayahan na makatulong sa komunidad. Ang BPSO, ay rumoronda o umiikot sa barangay tuwing gabi, at mga CCTV na inoobserbahan ang mga taong naglalakad at mga sasakyan na pumapasok at lumalabas ng barangay. Lagi rin nakahanda ang fire truck kapag may nangyaring sunog sa isang komunidad. Pati ang ambulansya na handang tumulong.
Tumblr media
Sa barangay, mayroong mapa na kung saan nakalagay doon yung mga lugar na delikado, yung mga maaapektuhan sakaling dumating ang sakuna. Nagkakaroon ng continuous training ang barangay na malaki ang tulong o dulot nito sa mga tao.
Tumblr media
Sa mga bagay, inaalam kung sinu-sino ang mga biktima, mga naaapektuhan at dahil dito kaagapay ang barangay. Nagbibigay ang mga Social Workers ng ayuno at tulong sa mga taong naapektuhan. Andito ang mga kagawad na kung saan inaalam nila kung sino yung apektado. Sa pagbibigay ng tulong, kasama dito yung mga relief goods, bagong damit upang makapagsimula ulit. 
Sa Barangay level, ang Barangay Council ang namumuno dito kasama ang mga kagawad. Dahil sa bagong batas, kasama na rin ang SK pati ang SK Chairman na kabilang sa mga namumuno.
Konklusyon: 
Habang ginagawa ko ang aktibidad na ito, marami akong nakunang impormasyon na aking natutunan na hindi lang sa komunidad pati na rin sa aming barangay. Siguro yung mga issue/s na nararanasan ng aming barangay ay yun nga, mga sakuna na dumadating sa ating bansa. Syempre hindi lamang nangyayari ang mga ganito sa aming barangay, pati na rin sa ating bansa. Bilang mamayanan, kinakailangan na ipaalam ito sa publiko nang sa gayon ay maging handa tayo sa anumang sakuna na dumating sa ating lugar. Kung kinakailangan, dapat din tayo sumali sa mga training upang makatulong tayo sa ibang tao. 
Kung kinakailangan, makipagkooperatibo tayo sa ating barangay pati sa na gobyerno upang malaman nila ang ating problema nang sa gayon ay masulusyonan ito. BIlang Pilipino rin kailangan din natin magtulungan upang makabangon tayo sa mga sakuna at ipakita natin ang tinatawag na “BAYANIHAN” sa ating lugar.
1 note · View note