Tumgik
#pambansang alagad ng sining
ccp-visualarts · 11 months
Text
Tumblr media
ANG KIUKOK Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal-Pagpipinta (2001) Junkscape, oloe sa kambas, 1975 Koleksyon ng CCP 21AM #CulturalCenterPH #CCPvamd #artPH
25 notes · View notes
delfindakila · 8 months
Text
Tumblr media
ANG KIUKOK Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal-Pagpipinta (2001) Isda, oleo sa kambas, 1979 #artPH #PambansangAlagadNgSining #NationalArtistsPH
8 notes · View notes
hashirun · 1 year
Text
Tumblr media
Nag-post ako kamakailan lang tungkol sa kawalan ko ng direksyon pagkatapos ko tumakbo ng marathon, kaya nag-message si Beau sa akin na baka ang kailangan ko ay creative jolt sabay yaya sa akin na sumama sa book discussion ng grupo nila. Yung "Lahat ng B" ni Ricky Lee ang tatalakayin, kasama mismo ang sikat na awtor sa library ng kanyang tahanan sa Quezon City.
Bilang isang Pambansang Alagad ng Sining sa Pelikula at Broadcast Arts, hindi matatawaran ang mga aral na napulot ko kay Ricky Lee, pero ang pinakapumukaw sa aking damdamin eh kung gaano sya ka-humble and grounded as a person. Sa kabila ng mga parangal at papuri na tinatamasa nya bilang isang manunulat, wala syang ka-ere-ere at unsurprisingly, nagre-reflect ito sa kanyang estilo ng pagsusulat - kaswal at conversational, para ka lamang nakikipag-usap sa isang kaibigan. Walang halong palabok. Yung mga kwento nya relatable. 'Ika nga nya, inklusibo. Na-appreciate ko ang kahalagahan ng mga kwento na may kakayahang i-permeate ang iba't-ibang stratos ng lipunan because these are the kinds of stories that bind us. Maraming salamat Sir!
18 notes · View notes
lethargiccutie · 2 years
Text
“Ang mga nakapikit na mananatiling mulat sa kapaligiran.”
   — Isang replektibong sanaysay sa dokyumentaryo ni Howie G.Severino na pinamagatang “libingan ng alaala”
    Sa tanang buhay ko, madalang o mabibilang lang sa daliri ang pagkakataon na nakabisita ako sa isang sementeryo. Tuwing sasapit ang Undas 'di gaya ng ibang tao ang aking pamilya ay kadalasang nanatili lamang sa aming tahanan, kalimitan nagluluto ang aking ina ng biko, ngunit kadalasan pagtitirik lamang ng kandila ang aming nagagawa upang alalalahanin ang mga namayapa naming mga kapamilya. Kung kaya't ang halaga ng sementeryo ay pawang hangin lamang sa akin. Tulad ng kasaysayan nanatiling nandiyan ngunit bibihira ang nakapapansin. Ito ang kabuuran ng dokyumentaryong "libingan ng alaala."
    Labis akong namangha sa dokyumentaryo ni Howie Severino na sa unang tingin ang aking sapantaha ito'y walang katuturan at ginawa lamang upang may maipalabas sila sa manonood, ngunit katulad ng ibang akala, mali ang nasa aking isipan. Sa unang bahagi pa lamang ng dokyumentaryo nagustuhan ko na ang panayam ni Howie doon sa paring namamahala sa kapilyang nasa sentro ng sementeryo. Ang pahayag niyang ukol sa “perang maigagastos sa pagpapanatili ng kapilya ay 'di magiging sayang kung ang pera namang iyon ay makatutulong upang mapanatili rin ang kasaysayan” ay lubos na tumatak sa aking isipan, naiwika pa niyang “ang bansang walang kasaysayan ay isang bansang walang kaluluwa,” ako'y lubusang namangha sa pahayag na iyon. Bibihira na lamang ang mga taong tunay na may malasakit sa kasaysayan. Ang mundong ating ginagalawan ay nahuhumaling na sa patuloy na pag-ikot nito at ang lahat ay gustong makasabay sa takbo kung kaya't patuloy na tumitingin sa dinaraanan at ang iba pa nga'y nalimot nang lumingon sa pinanggalingan.
    Sa pagpapatuloy ng dokyumentaryo ay tuluyan pang isiniwalat ni Howie ang mga natatagong historya ng 'La Loma' ang sementeryong tampok sa dokyumentaryo. Nagulat pa nga ako nang may isang natatagong makabuluhang katauhan na 'di gaanong tanyag sa atin ang nakahimlay doon. Si Joaquin Herrer isang Professor, na naging professor pa ng ating pambansang alagad ng sining. Si Herrer ay nakalikha ng iilang obramaestra ngunit ang datos na naitala sa kaniya sa Madrid, ang kaniyang bansang pinanggalingan ay 'di wasto. Ayon sa salaysay walang nakaaalam na lumipat siya sa bansang Pilipinas noong taong 1893 at naging guro sa Unibersidad ng Pilipinas. Natuwa ako dahil mayroong mga taong lumapit sa Madrid upang maiwasto ang pagkakamali sa kanilang datos. Marami pang taniyag na katauhan ang nakahimlay doon at tiyak ako na sari-sari rin ang kanilang kwento. Tulad ni ginoong Herrer tiyak may mga tao ring nalimot na sa  kanilang lupang pinagsadlakan ngunit kailan man ay malabo nang maisiwalat muli ang kuwento.
    Isang bahagi pa ng dokyumentaryo ang napagtuunan ng pansin ay ang isang puntod ng batang kastila na naglalaman ng liham ng kaniyang ama. Ang liham ay lubos na nakaaantig ng puso at makabagbag damdaminin. Ito ay puno ng lungkot, paghihinagpis at panghihinayang. Isang mahalagang bagay na natutunan ko sa parteng iyon ay ang kahalagahan ng mga tala, lalo na ng talaan ng sementeryong iyon. Napag-alaman ko kasing ang bawat datos na naroroon ay maaaring maging salamin sa kalagayan ng bansa. Maaari itong maging repleksyon sa mga epidemiya o pandemiyang  kinahaharap ng bansa.  Isang patunay na ang tungkulin ng mga namamayapa ay hindi natatapos sa oras ng kanilang pagkawala ng buhay, bagkos patuloy silang magiging mata sa mga nangyayari sa lipunan.
    Ang huling naitampok na paksa ay ang hindi mamatay-matay na suliranin ukol sa pagkawalang-katarungang pagpatay. Kung saan ibinahagi ang kuwento ng binatilyong si Kian na siyang naging biktima ng hindi makatarungang kampanya laban sa droga sa ilalim ng administrasyon ni pangulong Rodrigo Duterte. Mababakas rin ang pagsasapin-sapin sa lipunan kahit sa mga sementeryo. Iyong mga nakaaangat sa buhay ay may karapatang magkaroon ng mas malaki at malawak na libingan para sa kanilang pamilya, ngunit yaong mga naghihikahos at naghihirap sa buhay ay walang ibang magagawa kung hindi ay tanggapin ang tadhanang nilikha ng lipunan para sa kanila. Yaong mga mahihirap ay patuloy na mailalagay sa apartment na nitso kung saan siksikan at dikit-dikit ang mga puntod. Silang mga walang kasalanan ay patuloy na pagbabayarin ng mga pultikong ganid sa kapangyarihan at titulo.
     Hindi man pangkaraniwan o 'di man nakaaanyaya ang paksa sa unang tingin ngunit 'di maitatanggi na marami itong baon-baong mga aral at kabuluhan. Ang patuloy na pagbabahagi sa ating ng i-Witness ng kamalayang pang-historical ay walang katumbas. Higit pa sa pagmulat ng mata ang naibahagi sa aking ng dokyumentaryong ito, higit pa sa kahalagahan ng sementeryo ang natunghayan ko, bagkos nakita ko ang mga 'di makita ng lipunan at ang mga nakatagong lihim nito. Kung ako'y magkaroroon ng panibagong pagkakataon upang makatunghay ng ganitong uri ng dokyumentaryo ay malugod ko itong pauunlakan. Nawa'y matunghayan ko pa ang mga kwento ng mga nanahimik nang mga nakahimlay at mabalik tanaw ko ang kanilang kadakilaan noong sila'y namumuhay pa sa mundong ibabaw. Sa patuloy kong paglagi sa ganitong paksa nawa'y sa kalaunan ay masagot ko rin ang tanong na "ano kaya ang maaalala sa akin, sa aking paglisan?"
Sanggunian: https://youtu.be/1JZsNvMm7Ms
Tumblr media
2 notes · View notes
dyaryobagwis · 2 months
Text
Sa katatapos na 38th EDSA People Power celebration
`Laging balikan ang nakaraan’–Vilma Santos
Idinaos noong Biyernes ng hapon sa St. Paul University sa Quezon City ang pagtatanghal muli ng pelikulang “Anak” ng Star Cinema na pinangungunahan nina Vilma Santos, Claudine Barretto, Baron Geisler, Amy Austria, Cherry Pie Picache, Joel Torre at marami pang iba sa direksyon ni Rory Quintos.
Noon pang 2000 ipinalabas ang obra maestrang sinulat ng ngayon ay National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricardo Lee, mas kilala sa tawag na Ricky Lee.
Pero hindi nagdalawang-isip ang Cultural Center of the Philippines (CCP) na muli itong itampok sa pamamagitan ng Film, Broadcast and New Media Division sa programa nitong “Cine Icons” na naglalayong ituon ang pansin sa mga likhang-sining ng mga Pambansang Alagad ng Sining kaya tamang-tama lang ang “Anak” para rito dahil ang screenwriter ng pelikula ay National Artist na.
Dumalo sina Vilma, Ricky at Claudine sa pagtatanghal na umapaw sa tao at halos lahat ay napaluha sa napakadakilang obrang ito tungkol sa Overseas Filipino Workers (OFW).
Gayunman, sa open forum o talkback ay hindi na nakadalo pa si Claudine dahil may pupuntahan pang ibang appointment kaya sina Vi at Ricky na lang ang naiwan sa panel.
At dahil nga ipinagdiwang ang ika-38 taon ng EDSA People Power kahapon ay matinik ang mga nanood lalo na ang mga estudyante, guro at mga panauhin mula sa iba’t ibang paaralan sa Metro Manila sa pagtatanong kung ano ang masasabi nina Santos at Lee—na madalas magsabi tungkol sa mga pelikulang nagpapakita ng katotohanan sa Lipunan—kaugnay sa kanilang masasabi sa mahalagang kasaysayan ng bansa mula nang 1972 hanggang 1986.
Si Vilma Santos-Recto muna ang nagsalita: “Napakahalaga na balikan natin ang nakaraan. Mahalaga ito sa atin.”
Bagamat walang diretsahang pagbanggit sa EDSA People Power si Ate Vi, idiniin naman niya sa kahalagahan ng “nakalipas.”
Si Ricky ang mas tuwiran sa pangangailangan ng EDSA People Power.
“Mahalaga ang pagbabago. Para makamtan natin ang tunay na ibig sabihin ng demokrasya, kailangang laging may pagbabago,” wika ni Lee na nakulong noong Martial Law nang dahil sa kanyang aktibismo. (Boy Villasanta)
Tumblr media
0 notes
cedrick-lhyton · 1 year
Text
2 REMARKABLE WRITERS IN DIFFERENT PERIOD
Period of Activism
Rogelio Mangahas
Tumblr media
Rogelio Mangahas was a Filipino poet and artist who lived from 9 May 1939 to 4 July 2018. He was raised in the Philippines and attended the University of the East where he studied AB Filipino. He was born in Palasinan, Cabiao, Nueva Ecija. He spent most of his time with poet friends like Virgilio S. Almario and Teo Antonio at the University of the East at that time since he was already looking for others who shared the same passion in language. They led the second effective modernist trend in Filipino poetry together. For his critical essay on Edgardo M. Reyes's novel "Sa mga Kuko ng Liwanag" and his collection of poems, "Mga Duguang Plakard," Rogelio Mangahas won the first prize at the Palanca Literary Awards. He also co-authored and edited Manlilikha, an anthology of poems that some have referred to as "the best poetry collection ever."
In the 1960s, reviewers hailed it as a major accomplishment in contemporary Filipino poetry. Winner of the essay category at the 1986 Palanca Awards. He taught Filipino language and literature at De La Salle University, University of the East, University of the Philippines Manila, and St. Scholastica's College in addition to serving as editor-in-chief of Phoenix Publishing House and SIBS Publishing House. He worked as the country editor of Tenggara, a Southeast Asian literary journal published in Malaysia, and as a consultant for literature at the Cultural Center of the Philippines. He was the recipient of the SWP's "Poet of the Year" award as well as the UMPIL's Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas. At the age of 79, he passed away on July 4, 2018.
Source: https://www.google.com/search?q=Rogelio+Mangahas&rlz=1C1CHBD_enPH1044PH1044&sxsrf=APwXEdctDWuqiS4YSV8RoQtdfEABTVqSBA:1683183787721&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiNyYiejNv-AhVkslYBHWrtDM8Q_AUoAXoECAEQAw&biw=1366&bih=568&dpr=1 Ponciano Pineda
Tumblr media
From 1971 to 1999, he served as the director of the Commission on the Filipino Language, formerly known as the Surian ng Wikang Pambansa (Filipino: Komisyon sa Wikang Filipino). Pineda began sociolinguistic studies to broaden the Filipino language under his direction. The Filipino language's orthographic reform is another of them. Language policy under Pineda underwent significant changes, including the introduction of bilingual schooling in 1974, the declaration of Filipino as the nation's official language in 1983, and the adoption of the 28-letter Filipino alphabet in 1987. In the Philippines, he founded 12 regional centers for the Filipino language. Ponciano B. Pineda edited the Philippine Dictionary (1973) by Jose Villa Panganiban and the Centennial Dictionary (1998) by the Commission on the Filipino Language. He
published the Filipino Dictionary, which served as the basis for the country's lexicography. Pineda completed his studies at the University of Santo Tomas in 1948 with the aid of former secretary of the Department of Filipino, angelica Panganiban, earning an Associate in Arts degree. He also took on the role of The Varsitarian's director. In addition to writing scholarly works, Pineda is a filipinologist, or specialist in Filipino culture. His literary works include "Pagpupulong: Mga Tuntunin At Pamamaraan," "Pandalubhasaang Sining Ng Komunikasyon," and "Sining Ng Komunikasyon Para Sa Mataas Na Paaralan." The Gawad Palanca gave him first and second prizes for his short stories "Ang Mangingisda" (1958) and "Malalim ang Gabi" (1953), respectively.
Source: https://www.google.com/search?q=Ponciano+Pineda&tbm=isch&ved=2ahUKEwjX7pOfjNv-AhUPNN4KHZ2DCjUQ2-cCegQIABAA&oq=Ponciano+Pineda&gs_lcp=CgNpbWcQAzIFCAAQgAQyBQgAEIAEMgUIABCABDIGCAAQBRAeMgYIABAIEB4yBwgAEBgQgAQyBwgAEBgQgAQyBwgAEBgQgAQyBwgAEBgQgAQyBwgAEBgQgAQ6BAgjECc6BggAEAcQHjoHCCMQ6gIQJ1DRBljpCGDSHWgBcAB4AIABdogB4AGSAQMwLjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABCsABAQ&sclient=img&ei=rVhTZJfkPI_o-Aadh6qoAw&bih=568&biw=1366&rlz=1C1CHBD_enPH1044PH1044
0 notes
kriziiiibeq · 1 year
Text
Period of Japanese
Tumblr media
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/17999646479
FRANCISCO ARCELLANA
(6 Setyembre 1916-1 Agosto 2002)
Isang manunulat ng maikling kuwento at sanaysay, peryodista, kritiko, at guro si Francisco Arcellana (Fran·sís·ko Ar·se·lyá·na). Zacarias Eugene Francisco Quino Arcellana ang buo niyáng pangalan. Si Arcellana, na kilala rin bilang Franz, ay isa sa mga tagapanguna sa pagsusulat ng maikling kuwento sa Ingles. Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 1990.
Nakilála ang kahusayan ni Arcellana sa pagsusulat noong 1932 at estudyante pa lámang sa Torres High School dahil sa pagkakalathala sa Graphic ng kaniyang kauna-unahang katha, “The Man Who Could Be Poe.”
Ang kaniyang inilathalang Expression (1934) ay pagsisimulan ng kanilang mahabàng panahon ng pagsusulatan at samahan ni Jose Garcia Villa, isa ring Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan sa wikang Ingles. Bahagi siyá ng Veronicans na binubuo ng 13 manunulat bago ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na sumasalungat sa tradisyonal na porma at paksa sa panitikang Filipino.
Tumblr media
https://www.goodreads.com/author/show/74757.Nick_Joaqu_n
NICOMEDES MARQUEZ JOAQUIN (1917–2004) was a Filipino writer and journalist best known for his short stories and novels in the English language. He also wrote using the pen name Quijano de Manila. In 1976, Joaquin was conferred the rank and title of National Artist of the Philippines for Literature. He has been considered one of the most important Filipino writers, along with José Rizal and Claro M. Recto. Unlike Rizal and Recto, whose works were written in Spanish, Joaquin's major works were written in English despite being a native Spanish speaker.
#2 remarkable filipino writers in a different periods.
#period of japanese
1 note · View note
dayondonmaryan · 1 year
Text
2 REMARKABLE FILIPINO WRITERS IN THE DIFFERENT PERIODS
Period of Activism
Tumblr media
1.Ponciano B. Peralta Pineda is a writer, translator and lawyer from the Philippines. Ponciano Pineda is considered as the "Father of the Commission on Filipino Language" for his promotion to establish a commission based on Section 9 of our Philippine Constitution.
He became director of Commission on the Filipino Language (Filipino: Komisyon sa Wikang Filipino) formerly Surian ng Wikang Pambansa during the year 1971 to 1999. In order to further widen the Filipino language, Pineda initiated a sociolinguistic research project under his leadership. And the Orthographic Reform in Filipino Language is also part of this.
His literary works include "Pagpupulong: Mga Tuntunin At Pamamaraan," "Pandalubhasaang Sining Ng Komunikasyon," and "Sining Ng Komunikasyon Para Sa Mataas Na Paaralan." The Gawad Palanca gave him first and second prizes for his short stories "Ang Mangingisda" (1958) and "Malalim ang Gabi" (1953), respectively.
Tumblr media
2.Rogelio Mangahas, born May 9, 1939 to 4 July 2018, was an artist and poet from the Philippines. He grew up in Palasinan, Cabiao, Nueva Ecija, and earned an AB Filipino from the University of the East. Even then, he was already seeking others who shared the same interest in language, by spending most of his time with poet-friends such as Virgilio S. Almario and Teo Antonio at the University of the East. Together, they were behind the emergence of a second major modernist movement in Philippine poetry.
He worked as the country editor of Tenggara, a Southeast Asian literary journal published in Malaysia, and as a consultant for literature at the Cultural Center of the Philippines. He was the recipient of the SWP's "Poet of the Year" award as well as the UMPIL's Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas.
References:
0 notes
wendellcapili · 1 year
Photo
Tumblr media
At the UP Theater, with National Artist for Music Fides Santos Cuyugan-Asencio, during UP’s tribute to its new National Artists, entitled: Duyan Ka ng Magiting: Pagpupugay sa mga Bagong Hirang na Pambansang Alagad ng Sining mula sa UP Diliman. On a lighter note, backstage, we were singing "Mas masarap ang timpla ng Orange Sunta," a jingle Jose Mari Chan had composed for Tita Fides's softdrink commercial when I was in grade school, during the early 1970s. We had so much fun! #UPDArtsCultureFestival2023 #Kaloob #ArtistaIskolarManlilikha #NAM2023 #universityofthephilippines #unibersidadngpilipinas (at University Theater, UP Diliman) https://www.instagram.com/p/CpFls5mPoFE/?igshid=NGJjMDIxMWI=
0 notes
johndanieldiuco-04 · 2 years
Text
Memorableng Paglalakbay sa Bulacan
Nasa gitna ng Fareast Asia ang Bulacan isang lalawigan sa Republika ng Pilipinas, na matatagpuan sa Rehiyon ng Gitnang Luzon ng bansa, hilaga ng Maynila, ang kabisera ng bansa. Ipinagmamalaki ng Bulacan ang sarili nito sa mayamang makasaysayang pamana. 
Tumblr media
Kasaysayan ng Bulacan
Ang kasaysayan ng lalawigan mula sa pananakop ng mga Espanyol ay puno ng mga pangyayaring karapat-dapat gunitain. Noon pa lamang ng pagdating ni Legaspi upang sakupin ang Maynila kasama ang dalawa sa kanyang mga subordinate na opisyal, sina Martin de Goiti at Juan Salcedo, ipinakita ng mga Bulakeño sa pamamagitan ng kanilang mga kapatid na marino mula sa Hagonoy ang kanilang likas na pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng pagtulong kay Raja Soliman, Hari ng Maynila, labanan ang Labanan sa Bangkusay Channel.
Nagsimula ang kasaysayan nang ang isang maliit na pamayanan ng mga mangingisda ay nanirahan sa baybayin ng Look ng Maynila bago dumating ang mga Kastila. Nang maglaon, ang mga settler na ito ay naging mga magsasaka pagkatapos lumipat sa loob ng kanilang natuklasan na ang lupain sa panloob na bahagi ay mataba at napaka-drain ng network ng mga ilog at sapa. Ang mga settler na ito ay lumago at umunlad tungo sa malaki at maunlad na pamayanan na kilala ngayon bilang lalawigan ng Bulacan.
Pinaniniwalaang namumulaklak ang mga bulaklak sa rehiyon nang dumating ang mga Kastila. Dahil sa mga malalawak na luntiang taniman, gulay at masaganang namumulaklak na mga halaman, pati na rin ang magagandang babae, ang magandang lupaing ito ay tinawag na Bulacan bilang isang uri ng pinaikling termino para sa "bulak-lakan" at/o hinango ng salitang "bulak. " (kapok) na sagana sa lalawigan bago pa man dumating ang mga Kastila.
Ang paglagda sa Kasunduan ng Biak-na-Bato noong 1897 ay isang napakatalino na kabanata sa kasaysayan ng Bulacan. Gayunpaman, ang putong na kaluwalhatian sa mga serye ng mga makasaysayang pangyayari sa lalawigan ay ang pagtatatag ng Kabisera ng Unang Republika ng Pilipinas sa Malolos. Ang Simbahan ng Malolos at ang Simbahan ng Barasoain ay parehong maaalala bilang executive headquarters ni Pangulong Aguinaldo at bilang Legislative, mula Setyembre 10, 1898 hanggang Marso 29, 1899. Sa Malolos din na ang tanyag at makasaysayang dokumento, ang Saligang Batas ng Malolos, ay binalangkas at pinagtibay.
Tumblr media
Mga Bayani ng Bulacan
Ito lamang ang lalawigan na may mga kinatawan sa halos lahat ng kategorya ng Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining: Antonino Buenaventura (Musika); Ernani Cuenco (Musika); Levi Celerio (Musika); Honorata “Atang” de la Rama (Teatro); Guillermo Tolentino (Eskultura); Gerardo de Leon (Pelikula); Francisca Reyes Aquino (Sayaw); José Joya (Visual Arts); Amado V. Hernández (Panitikan); Virgilio Almario, aka Rio Alma (Panitikan).
Kabilang sa iba pang bayani ng kultura mula sa lalawigan ang mga makata na sina Francisco Baltazar (Balagtas) at José Corazon de Jesus (Huseng Batute); mga komedyante na sina Rodolfo Vera Quizon (Dolphy) at Bert “Tawa” Marcelo; mga kompositor ng kundiman na sina Nicanor Abelardo at Francisco Santiago.
Kabilang sa mga bayani, siyempre, ang propagandista na si Marcelo H. del Pilar at ang kanyang pamangkin na si Gen. Gregorio del Pilar; mga rebolusyonaryong makabayan na sina Mariano Ponce, Pio Valenzuela at Maximo Viola; Gen. Anacleto Enriquez at ang kanyang kapatid na si Vicente; Katipunera Trinidad Tecson; ang 21 Babae ng Malolos.
Tumblr media
Produkto ng Bulacan
Ang Bulacan ay nagkaroon ng Tatak Bulakenyo Program. Inilunsad noong 2004, ang "Tatak Bulakenyo" (Bulacan Brand) Progam ay binuo upang pasiglahin ang aktibidad ng ekonomiya sa lalawigan at mapanatili ang anti-poverty thrust ng gobyerno sa pamamagitan ng pagsusulong ng entrepreneurship. Ang mga benepisyaryo ng programa ay mga potensyal na micro, small at medium-size enterprises sa probinsya.
Sa pamamagitan ng programang Tatak Bulakenyo, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, sa pamamagitan ng Provincial Cooperative and Economic Development Office (PCEDO), ay nagagawang pagandahin ang kalidad at halaga ng produkto ng Bulacan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga sumusunod na tulong:
Chicharon
Ang unang pagkain na kinain namin noong kami ay pumunta sa Bulacan ay ang kanilang chicharon, dahil kilala ang Bulacan sa kanilang masarap na chicharon. Kaliwa’t kanan ang mga nagbebenta ng chicharon sa Bulacan. Ang chicharon ay pinakasikat na ginawa mula sa piniritong tiyan ng baboy o balat ng baboy. Ngunit ngayon, mayroon nang iba't ibang uri, mula sa hindi lamang mga bahagi ng baboy, kundi maging ang piniritong karne ng tupa, karne ng baka at manok. Mayroong kahit na mga vegetarian variant na magagamit.
Tumblr media
Hamon Bulakenya
Ito ay baboy na inatsara sa pineapple juice at beer pagkatapos ay inihain na may meted at singed na asukal sa ibabaw. Dahil sa kawalan ng oven, ang asukal na ibinubuhos sa ibabaw nito, ito ay pinapaso kung saan ang isang mabigat at mainit na spatula ay ginagamit upang matunaw at i-toast ito. Pinaniniwalaang tinuro ito sa Bulacan ng mga Kastilang prayle.
Tumblr media
Pastillas/Pastillas de Leche
Ito ay kendi na gawa sa carabao’s milk. Marami na ring baryason ng pastillas na nabibili sa iba pang bahagi ng Bulacan. Mayroong Inihaw na pastillas, pastillas de yema, pastillas de ube, sari-saring pastillas (iba't ibang lasa tulad ng keso, langka, atbp.)
Tumblr media
Itong mga pagkain na ito ay ilan lamang sa mga natikman namin habang kami ay naglalakbay sa Bulacan. Maraming pang pagkain na ipinagmamalaki ang Bulacan gaya na lamang ng gurgurya, inipit, lechon, lengua, longganisa, at sukang paombong. 
Pasyalan sa Bulacan
Ang unang pasyalan na pinuntahan namin sa Bulacan ay ang Digos Hill. Ito talaga ang pinunta namin sa Bulacan lalo na ako, dahil may dadaluhan ako na enduro event. Ito ay mayroong 6.6-km out-and-back trail malapit sa San Miguel, Bulacan. Karaniwang itinuturing na isang mahirap na ruta, tumatagal ng average na 1 h 56 min upang makumpleto. Maganda ang trail na ito para sa camping, hiking, enduro at pagtakbo.
Mapupuntahan ito sa pamamagitan ng motorsiklo o pribadong sasakyan at may mga parking space sa summit. Ang background at karagdagang mga pasilidad ay ginagawa itong magandang paraan upang makaalis mula sa lungsod. Mayroon silang malalaking pugad at matataas na disenyo na ginawa para sa mga photo ops.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Marami pang ibang pasyalan mayroon ang Bulacan na nais kong mapuntahan sa mga susunod na taon. Sa ngayon nilagay ko muna iyon sa aking bucket list. Dahil hindi ko na masyadong nalibot ang Bulacan dahil sa kakulangan sa oras at araw, kaya itinabi ko muna ang pangarap ko na pumunta sa iba pang mga pasyalan sa Bulacan.
Bakit kailangan mong bumisita sa Bulacan?
Sa Bulacan mararamdaman mo ang puso at kaluluwa ng Pilipinas. Ang kasaysayan at tradisyon nito, ang lupain, kultura at mga tao nito. Tunay na tunawan ng nakaraan at kasalukuyan, luma at bago, kanayunan at kalunsuran. Kilala ang Bulacan bilang lupain ng mga bayani, magagandang kababaihan, mga progresibong kooperatiba, maliliit at katamtamang mga industriya.
Realisasyon ko sa aking pinakamemorableng paglalakbay sa Bulacan
The way to achieve your own success is to be willing to help somebody else get it first. Kasi tinatawag itong teamwork bakit? kasi una ang larong ito e duo, pag sinabing duo dalawa kayo so it means kayo mag tutulungan mag hihilahan kayo pataas.
1 note · View note
gine-again · 2 years
Text
Tunay ngang makahihinga nang maluwag kapag nakasama at nakausap ang mga taong katulad din ng danas mo. Muli nating balikan ang tulang ito ng ating pambansang alagad ng sining, Amado V. Hernandez.
Tumblr media
0 notes
ilaw-at-panitik · 3 years
Text
“Ang wika ay palatandaan ng identidad ng isang bayan… ang nag-uugnay sa estudyante sa kaniyang pamilya, komunidad na kaniyang pinanggalingan, sa kahapon ng bayan.”
Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan
31 notes · View notes
delfindakila · 1 year
Text
Tumblr media
VICENTE S. MANANSALA Pambansang Alagad ng Sining para sa Sining Biswal-Pagpipinta (1981) Mga Tindera, oleo sa kambas, 1978 artPH
22 notes · View notes
kalakian · 3 years
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Maraming heritage buildings ang matagal ng binabalak tibagin. Nabanggit rin sa isa kong post na halos wala na ring laman ang El Hogar. Noong hunyo nitong taon, tuluyan nang tinibag ang  Capitol Theater sa Escolta.
Ang Escolta Capitol Theater ay dinisenyo ni Juan Nakpil na isang pambansang alagad ng sining sa arkitektura noong 1930s. Mayro’n itong double-balcony interior at 800 na upuan.
Napabalitang Papanatiliin “raw” ang harapan ng naturang gusali. Tampok sa gusaling ito ang dalawang Pilipina na nililok ni Francesco Monti mula Italya. 
Tumblr media Tumblr media
Gayon na rin ang mural na gawa ng tatlo sa ating pambansang alagad ng sining na sina Galo B. Ocampo, Victorio Edades at Carlos “Botong” V. Francisco. Pinangalanan nila ang mural bilang “The Rising New Philippines.”
Tumblr media
***
Ang mga naunang larawan ay kuha sa pelikulang “Viva Escolta”.
Ang mga kaalaman sa post na ito ay kuha sa Nolisoli at Arquitectura Manila.
Ang larawan ng dalawang Pilipina ay kuha sa Arquitectura Manila.
Ang larawan ng Escolta Capitol at tarpaulin ng “Rising Philippines” ay kuha sa Facebook page ng Escolta.
7 notes · View notes
carylleladd · 3 years
Text
DEKADA 50: ANG GININTUANG PANAHON NG PELIKULANG PILIPINO
Tumblr media
Ang industriya ng pelikula sa Pilipinas ay isa sa pinakaabala pagdating sa paggawa ng mga pelikula sa Asya. Itinatayang nakapaglabas ng 350 na pelikula sa isang taon ang Pilipinas na pumapangalawa sa bansang Japan.
Ang dekada 50 ay napakaimportanteng panahon sa industriya ng pelikula sa Pilipinas. Itinuring itong Unang Ginintuang Panahon ng Pelikulang Pilipino dahil sa mataas na artistikong pagpapahalaga na ipinakita.
Sa dekadang ito, apat na naglalakihang production studios ang namuno at ito ay ang LVN Pictures, Sampaguita Pictures, Premiere Productions, at Lebran International.
Tumblr media
Ang dekada 50 ay napakaimportanteng panahon sa industriya ng Pelikula Pilipino sapagkat sa panahon na ito nagawa ang ilan sa mga mahahalagang pelikula sa kasaysayan ng pelikula sa Pilipinas. Mga pelikula na hindi lamang nakilala sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
MGA PELIKULA SA DEKADA 50
ANAK DALITA
Tumblr media
Ang pelikulang Anak Dalita ay tungkol sa isang sundalo na nakipaglaban sa giyera sa Korea na ginampanan ni Tony Santos at sa isang mang-aaliw sa isang bar na ginampanan naman ni Rosa Rosal. Inilabas ito sa taong 1956 at ginawaran ang pelikula ng 1956 Asian Film Festival Award.
GENGHIS KHAN
Tumblr media
Ang pelikulang Genghis Khan ay tungkol sa buhay ng isang Mongol ruler na ginampanan ni Manuel Conde. Inilabas ang pelikula sa taong 1950. Ang pelikulang ito ay ang pinakaambisyosong pelikula na ginawa noong panahon ng post war.
PRINSIPE AMANTE
Tumblr media
Ang Prinsipe Amante ay inilabas sa taong 1951 at ang pinakaunang full-colour na pelikulang inilabas sa Pilipinas. Inilaban ang pelikula sa Venice International Film Festival.  Ito rin ang nag marka sa pagsisimula ng paglaganap ng pagbagay ng Filipino komiks sa pelikula.
Sa dekadang ito ay nakilala ang mga mahuhusay na aktor at aktress na nagpakita ng kanilang galing sa pagarte. Sila ang isa sa mga rason kung bakit ang mga pelikula ay naging matagumpay. At hanggang ngayon ang mga aktor at aktress ay hinahangaan at ginagalang parin.
MGA KILALANG AKTOR AT AKTRESS SA DEKADA 50
LILIA DIZON
Tumblr media
Claire Strauss y Dizon o mas kilala sa pangalang Lilia Dizon ay isang sikat na aktress na bumida sa mga pelikulang Sanda Wong, Bathumal, Kalderong Pilak at iba pa. Tinaguring isa sa pinakamagaling na aktress sa Asya at ang pinakaunang Pilipinong artista na nakamit ang Best Asian Actress Award sa Cambodia Film Festival.
REGIDOR DE LA ROSA
Tumblr media
Regidor de la Rosa ay isa sa pinakapopular na matinee idols sa ika-20th siglo. Sa 1955 ay nanalo siya bilang Pinakamahusay na Aktor sa FAMAS at Southeast Asia's Pinakamahusay na Aktress sa Hong Kong Festival para sa pelikulang "Higit sa Lahat".
Hindi magagawa ang mga pelikula kung wala ang direktor. Kaya ngayon, kilalanin natin ang mga direktor na nagbigay at gumawa ng mga pelikulang pumukaw sa mga puso ng mga Pilipino.
MGA KILALANG DIREKTOR SA DEKADA 50
LAMBERTO AVELLANA
Tumblr media
Si Lamberto Avellana ay isang sikat na direktor sa pelikula at teatro. Tinaguriang Boy Wonder of the Philippine Movies. Siya ang direktor ng pelikulang Kalderong Pilak na pinakunang pelikulang ipinakita sa Cannes International Film Festival at ang. At sa taong 1976 ay iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro at Pelikula.
GERARDO DE LEON
Tumblr media
Si Gerardo de Leon ay isang sikat na direktor, aktor at doktor sa medisina. Ilan sa mga kilalang pelikula na ginawa niya ay ang Sisa (1951), Dyesebel (1953), Pedro Penduko (1954), Noli Me Tangere(1961), at El Filibusterismo (1962). Iginawad sa kaniya ang Pambansang Alagad ng Sining sa Teatro at Pelikula sa taong 1983.
Sa dekada 50 nagsimulang magkaroon ng tagapaggawad-parangal ang Pilipinas at ito ay ang Maria Clara Awards at Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS.
Tumblr media
1. FLIPINO ACADEMY OF MOVIE ARTS AND SCIENCES O FAMAS
Ang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS ay ang pinakamatandang tagapaggawad-parangal kung saan binibigyan ng parangal ang mga artista, direktor at artisan sa kanilang ipinakitang kagalingan sa pelikula.
2. MARIA CLARA AWARDS
Ang Maria Clara Awards ay ang pinakaunang tagapaggawad-parangal sa mga natatanging direktor, artista at artisan sa laranagan ng pelikula sa Pilipinas.
ILAN SA MGA KILALANG PELIKULA SA DEKADA 50
Sisa
Sanda Wong
Biyaya ng Lupa
Gerilya
Walang Kamatayan
ILAN SA MGA KILALANG DIREKTOR
Gregorio Fernández
Consuelo Ateng Padilla Osorio
César Gallardo
Armando Garces
Eddie Romero
Ang Dekada 50 ay napakaimportanteng panahon sa industriya ng Pelikula Pilipino. Ito ang dekada kung saan nabuhay ulit ang paggawa ng mga pelikula matapos ang digmaan. Dekada kung saan nagawa ang ilan sa mahahalagang pelikula at nakilala ang ilan sa mahuhusay na artista at direktor sa Pilipinas. Dekada na nagpatunay sa husay ng mga Pilipino pagdating sa larangan ng pelikula.
4 notes · View notes
juarez-nj20 · 3 years
Text
SINING BISWAL
Ang sining ay pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan, ito ay walang katapusan at walang limitasyong larangan, na nagbibigay laya sa paghahayag ng tao sa paraang piskal, sosyal, o paguugali (VSA,2015). Ang sining ay pandaigdig na wika na may kakahayang pag-isahin ang lahat ng tao. ito ay kagalingan sa pagbuo at paggawa. Ayon sa aking nabasa, sinasakop ng Sining-biswal ang isang malawak na bahagi ng sining. Ito ay isang uri ng “art forms” tulad na lamang ng pagguhit, pagpinta, eskultura o kahit anong sining na maaaring makita, di kabilang ang sining-pagganap. May pitong elemento ang Sining Biswal ito ay, linya, valyu,liwanag at dilim (chiaroscuro),kulay, tekstura, volyum at espasyo. Mga halimbawa nito ay:
FERNANDO AMORSOLO Si Fernándo C. Amorsólo ang pinakaunang ginawaran ng karangalang Pambansang Alagad ng Sining sa Pintura noong 1972. Si Amorsolo ang pinakamaningning na kinatawan ng panahong klasiko sa sining biswal sa Filipinas. Kinikilála rin siyáng “Ang Maestro”at “Grand Old Man” ng sining sa Filipinas noong nabubúhay pa. Siya ay tinagurian bilang unang Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas. Ipinanganak siya sa Paco, Maynila noong Mayo 30, 1892 at nakatapos ng pag-aaral mula sa Paaralang Pansining ng Liseo ng Maynila noong 1909. Siya ay tanyag dahil sa mga obra niya na nagpapakita ng buhay probinsya o buhay nayon. Ipinapakita ng kanyang mga ipininta ang kapayakan ng buhay ng mga Pilipino.Kilalasiya sa kaniyang pagiging malikhain at pagkadalubhasa sa paggamit ng liwanag sa aspeto ng sining. Siya ay pumanaw sa edad walumpu noong Abril 24, 1972.
Isa sa pinakatanyag niyang likha ay ang “Planting Rice” noong 1946.
GUILLERMO TOLENTINO Siya ay isang pilipino ng at hinirang na pambansang alagad ng Sining sa larangan ng iskultura noong 1973. Nakilala siya sa kanyang obra maestrang na naglalahad ng pagiging makabayan.
Tumblr media
Ang sining ay pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan, ito ay walang katapusan at walang limitasyong larangan, na nagbibigay laya sa paghahayag ng tao sa paraang piskal, sosyal, o paguugali (VSA,2015). Ang sining ay pandaigdig na wika na may kakahayang pag-isahin ang lahat ng tao. ito ay kagalingan sa pagbuo at paggawa. Ayon sa aking nabasa, sinasakop ng Sining-biswal ang isang malawak na bahagi ng sining. Ito ay isang uri ng “art forms” tulad na lamang ng pagguhit, pagpinta, eskultura o kahit anong sining na maaaring makita, di kabilang ang sining-pagganap. May pitong elemento ang Sining Biswal ito ay, linya, valyu,liwanag at dilim (chiaroscuro),kulay, tekstura, volyum at espasyo. Mga halimbawa nito ay: Ang sining ay pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan, ito ay walang katapusan at walang limitasyong larangan, na nagbibigay laya sa paghahayag ng tao sa paraang piskal, sosyal, o paguugali (VSA,2015). Ang sining ay pandaigdig na wika na may kakahayang pag-isahin ang lahat ng tao. ito ay kagalingan sa pagbuo at paggawa. Ayon sa aking nabasa, sinasakop ng Sining-biswal ang isang malawak na bahagi ng sining. Ito ay isang uri ng “art forms” tulad na lamang ng pagguhit, pagpinta, eskultura o kahit anong sining na maaaring makita, di kabilang ang sining-pagganap. May pitong elemento ang Sining Biswal ito ay, linya, valyu,liwanag at dilim (chiaroscuro),kulay, tekstura, volyum at espasyo. Mga halimbawa nito ay:
Ang sining ay pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan, ito ay walang katapusan at walang limitasyong larangan, na nagbibigay laya sa paghahayag ng tao sa paraang piskal, sosyal, o paguugali (VSA,2015). Ang sining ay pandaigdig na wika na may kakahayang pag-isahin ang lahat ng tao. ito ay kagalingan sa pagbuo at paggawa. Ayon sa aking nabasa, sinasakop ng Sining-biswal ang isang malawak na bahagi ng sining. Ito ay isang uri ng “art forms” tulad na lamang ng pagguhit, pagpinta, eskultura o kahit anong sining na maaaring makita, di kabilang ang sining-pagganap. May pitong elemento ang Sining Biswal ito ay, linya, valyu,liwanag at dilim (chiaroscuro),kulay, tekstura, volyum at espasyo. Mga halimbawa nito ay: Ang sining ay pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan, ito ay walang katapusan at walang limitasyong larangan, na nagbibigay laya sa paghahayag ng tao sa paraang piskal, sosyal, o paguugali (VSA,2015). Ang sining ay pandaigdig na wika na may kakahayang pag-isahin ang lahat ng tao. ito ay kagalingan sa pagbuo at paggawa. Ayon sa aking nabasa, sinasakop ng Sining-biswal ang isang malawak na bahagi ng sining. Ito ay isang uri ng “art forms” tulad na lamang ng pagguhit, pagpinta, eskultura o kahit anong sining na maaaring makita, di kabilang ang sining-pagganap. May pitong elemento ang Sining Biswal ito ay, linya, valyu,liwanag at dilim (chiaroscuro),kulay, tekstura, volyum at espasyo. Mga halimbawa nito ay: ng sining ay pinakamataas na antas ng pakikipag-ugnayan, ito ay walang katapusan at walang limitasyong larangan, na nagbibigay laya sa paghahayag ng tao sa paraang piskal, sosyal, o paguugali (VSA,2015). Ang sining ay pandaigdig na wika na may kakahayang pag-isahin ang lahat ng tao. ito ay kagalingan sa pagbuo at paggawa. Ayon sa aking nabasa, sinasakop ng Sining-biswal ang isang malawak na bahagi ng sining. Ito ay isang uri ng “art forms” tulad na lamang ng pagguhit, pagpinta, eskultura o kahit anong sining na maaaring makita, di kabilang ang sining-pagganap. May pitong elemento ang Sining Biswal ito ay, linya, valyu,liwanag at dilim (chiaroscuro),kulay, tekstura, volyum at espasyo. Mga halimbawa nito ay
2 notes · View notes