May lugod din ang hindi hinahayaang umiral. Pagkaraan ng mahigit isang taon, nagkita ulit tayo. Mali, nakita ulit kita. Kanina, hindi ko namalayan, magkasunod pala tayo sa pag-akyat sa overpass. Noong nalampasan mo ako saka ko lang nakilala ang pamilyar mong likod na saulado ko ang bawat kurba, nililok ng maraming panakaw na sulyap sa aking isip. [...] Alam ko na ang pangalan mo; isinigaw ko ito nang tikom ang bibig. Hindi ka lumingon. Sa ibang bersyon ng alaalang ito, tinawag kita upang magpakilala. Malamang sa hindi, natapos na ang salaysay na iyon. Ito, hangga't nananatiling lihim, hindi. May mga bagay na tiyak na walang patutunguhan. Ang hindi nasisimulan, walang katapusan.
Allan Popa, mula sa "Overpass" sa Tao sa Prowa: Mga Tala, Mga Taon (Aklat Ulagad, 2023)
sa apat na taong pamamalagi ni zhang hao ft. ang kanyang mga pagka-cute cute na mga pinsan (sobrang cute gusto niyang tirisin) sa paaralang ito ay kabisadong kabisado na siya ng mga kaibigan nya.
matthew and taerae have been his friends since 9th grade. well, they're not exactly this close noon because transferee lang naman si zhang hao sa institusyong 'to dati. maging si matthew. so kumbaga, taerae already had his own established circle of friends nang tumungtong siya dito tapos sila ni matthew ay ang mga bagong salta.
at syempre sino sino pa nga bang magtutulungan kundi sila sila lang na mga hamak na transferees hindi ba?
so, matthew had him figured out like the back of his hand for 2 years and when senior high school came, doon na pumasok si taerae sa litrato kung saan ang binata ay nabahagian ng iilang facts and trivias about hao. parang open book na tuloy siya sa kanyang peers (peers being 2 people), dahil nga kabisado na nila lahat ng galawan nito.
to simply put, wala na siyang kawala.
tulad ngayon.
the 4th rule in the zhang handbook is if he goes missing immediately after class, matic may ayaw 'yang pag usapan. at matic mahahanap mo lang yan kasama ng mga pinsan nya.
it's not that hao's aloof kaya wala siyang ibang circle of friends. hindi rin naman siya suplado. he wouldn't be elected president of their club kung madaming may ayaw sakanya. ang katotohanan lang diyan, medyo wary sakanya 'yung mga tao because he's just... something else.
eh siya din naman hindi siya kumakausap ng kung sino lang. unless he's been approached beforehand you won't catch him talking to someone randomly. habit na din siguro nya na maging skeptical.
after all, this place is not his natural habitat. he grew up in palawan, a part of him died in palawan, and in his heart and mind, palawan will always be his home.
which explains why he's only made plenty of connections instead of friendships in this place. at least a guy knows how to plant his own roots diba?
and anyway, andyan naman nga ang mga pinsan nya so why bother pa? para sakanya matthew and taerae are enough. other people are just collateral damage. ansaveh.
yun nga lang, there are times when he wishes na hindi nalang nya kaibigan 'tong mga dakilang epal na 'to sa buhay nya. those times being now.
"so, dahil nga sa sinabi ko kaya ka nagpa-lista?" matthew inquired at talaga ginigitgit pa sya sa upuan nya, a habit na alam ni matthew ay ikaiinis ng kaibigan nya to the point na he would fess up.
but not today.
medyo in a deep thought kasi sya because of sung hanbin. and the convo that transpired between them just hours ago.
as if on cue naman, dumating din si taerae. "hi everything!" ganadong greetings pa niya kay ricky at gyuvin na may pinagtatalunan nanaman kaya hindi siya pinansin so dedma, tumabi nalang siya kay hao.
"sabi ni matt sasama ka na sa prom, kelan ka magba-bayad? magbayad ka na ha! wala nang atrasan 'to gago. rehearsals na next week! magkikita kita tayo lagi sa audi kasi kami 'yung magdedecorate ng venue." paglalahad niya with a smile pa. yung labas dimples.
sometimes they doubt talaga na taerae only joined the sc for clout. super passionate kasi nya sa role to the point na sometimes it's inspiring to witness it firsthand.
"huy oo nga pala! what changed? si pres ba? kinausap ka ni pres? si pres noh? nag-reply ka sakanya sa twitter umamin ka!" sunod sunod siyang inintriga ng kanyang friend with matching duro duro pa sa kanyang braso subalit tanging kunot ng ulo lang ang binigay nya dito.
"tangina anong problema nito?" tanong ni taerae asking for help na kasi hindi sila kinikibo, but matthew only shrugged habang may nakakalokong ngiti sa labi.
hao would punch his face if he could.
matthew knows him too well minsan it's creepy. what if he can read minds?
pero thanks to matthew's stupid face na mukhang in the mood for chika ay sya nalang ang iniintriga ni taerae.
"nakita mo tweet ni pres? sino kaya ininvite no'n sa prom?"
okay maybe he's not so thankful pala. tangina. ayan din yung iniisip nya kanina pa.
what did that asshole mean when he said he was interested in him?
ano siya item sa facebook live na pwedeng i-mine?
it's so weird because it's so out of the blue.
and what's weirder is how the guy boldy confessed to having zhang hao occupy his mind from time to time. what do he do with that information?
bakit para siyang kinakabahan?
bakit parang sasabog yung dibdib niya?
at bakit may nagba-badyang ngiti sa mga labi niya?
putang. ina. mo. seok. matthew.
in zhang hao's mind he's still blaming matthew for putting ideas inside his head. kung ano ano tuloy dumadapo sa utak nya!
he was at peace. and then he wasn't.
ngayon ang gulo lang.
at lalo pang gumulo when taerae suddenly uttered sung hanbin's title.
"pres!" eskandalosang pag-sigaw nito turning a couple of heads on his direction. "uy pres, tara dito maluwag pa!" eme pa nito akala mo jeep lang.
unfortunately for zhang hao talagang tumayo pa si taerae para ioffer ang upuan niya kay hanbin at ang the rest, kay jiwoong at gunwook!
pag minamalas ka nga naman.
well, fortunately for gyuvin, tabi sila ng crush nya.
at least someone's winning at this round table.
"hi." pag-sabat agad ni hanbin sakanya pero on a soft tone. you know, yung hi na may kasama nang ngiti sa labi? ganon. and the best part, hanbin uttered his hi in a way na si hao lang ang nakarinig.
"huy pres, pano mo napapayag sa prom si hao?"
"HUH?"
"ha?"
they said in unison. at kung una ay kay taerae pa sila lumingon, ngayon ay nagka-tinginan silang dalawa. si hao obviously annoyed, si hanbin naman has an amused expression on his face.
"pumayag ka na pala sa'kin? bakit sa iba mo sinabi?" panimula nito which made the whole table frowning at their direction. mga mosang.
but then again, bakit ganyan siya makatingin? and also, baliw talaga si taerae, zhang hao would definitely kick his ass for this.
"pumayag saan?" pag-singit ni jiwoong. "huy, bro don't tell me—" alternately tinuro nya si hanbin at zhang hao with matching takip labi pa bago tumingin kay taerae, mentally asking kung nagegets nya ba ang kino-conclude ni jiwoong.
it took him a few seconds to finally mirror jiwoong's gestures. ngayon pareho na silang nakaturo sa dalawa. habang ang iba sa table nila ay nakangiti na naguguluhan sa mga nangyayari.
"NAYAYA MO NA SI HAO SA PROM?" si jiwoong.
"PUMAYAG KA?" pag-dagdag ni taerae.
"PUPUNTA NA TAYONG PROM?" sabat naman ni gyuvin.
lahat sila ay nag-aabang sa confirmation pero to their disappointment nagtaas lang ng pakyu si zhang hao sakanilang lahat at itinuon ang atensyon sa pagkain leaving his friends and cousin hanging.
being respectful of hao's decision to not disclose anything, nag shrug nalang din si hanbin at may ngiti parin sa labi.
jiwoong could almost throw up kasi kanina pa siya ganyan. big smile plastered on his face since this morning, maski pagre-recite nya may ngiti parin.
but he chose to pay no mind. kung gaano kakapal naman kasi ang mukha ni jiwoong sa socmed eh kabaliktaran sya in person. he's surprisingly decent and behave. yari nga lang mamaya sakanya si hanbin who's now observing zhang hao's way of eating.
the meal of the day: giniling.
a more sophisticated name for giniling? picadillo.
korek, yan lang naman ang parehas nilang ulam.
and shawn right here notices a small quirk of zhang hao. the latter separates the olives from his food. and if you watch sitcoms, you'll probably share the same mind as hanbin right now.
"ayaw mo ng olives?" tanong niya, stalling zhang hao from inserting a spoonful of rice in his mouth. "can i? take it? mahilig ako sa olives."
share mo lang? hao wanted to blurt out pero sumenyas nalang sya kay hanbin to go ahead and just pick the damned olives kasi alam niyang pinapanood parin sila ng mga kasama nila.
"are you familiar with the olive theory?"
zhang hao heard a snort coming from matthew kaya napa-react na din siya. "ano?"
"olive theory. compatibility test 'yan. they say na two people would be perfect for each other if one loves olives and the other person hates them."
"anong konek?" pakiki-sawsaw ni taerae.
"wala naman." sambit ni shawn, shrugging after drowning a glass of water.
"i'm just... implying na, you and me—we might make a perfect couple you know?"
dagdag pa nya sporting a smirk towards hao's direction bago nag iwas at nagpatuloy sa pag-kain na parang wala lang.
everyone on the table had malicious smiles displayed on their faces.
and hao should be smoking mad dahil napagkakaisahan siya right now but instead he's not.
one thing's for sure.
sung hanbin. shawn. or whatever the fuck they call him. he's confusing zhang hao. big time.
Halimbawa ng Akademikong Sulatin, ayon sa layunin, gamit at katangian
Anyo: Abstrak
Layunin: Mapaikli o mabigyan ng buod ang mga akademikong papel.
Gamit: Ito ay karaniwang ginagamit sa pagsulat ng akademikong papel para sa tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at report.
Katangian: Hindi gaanong mahaba, organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng nilalaman.
Anyo: Sintesis o Buod
Layunin: Organisadong mailahad ang kabuuang nilalaman ng teksto ng may pagkakasunod sunod.
Gamit: Nagpapaikli sa kwento at nilalaman nito ang mahahalagang pang yayari sa isang teksto.
Katangian: Pagpapaikli sa nilalaman ngunit nakaulat na rito ang mga mahalagang detalye sa mas maikli at maayos na pamamaraan.
Anyo: Bionote
Layunin: Ito ay may layunin na ipakilala ang manunulat at nagpapahayag ng mga katangian nito bilang isang indibidwal na may kredibilidad.
Gamit: Ginagamit ang mga bionote upang mabigyan ng sariling “profile” ang isang tao at naipapakita ang mga nagawa nito katulad ng mga akademikong achievements mga parangal at iba pa.
Katangian: Maikli lamang ang laman nito, gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw (third-person), nagpapakilala sa mambabasa, gumagamit ng baliktad na tatsulok na sistema ng pagpapakita ng impormasyon mula sa pinakamahalaga papunta sa hindi gaano ka halaga. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian, binabanggit ang degree kung kailangan at maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon.
Anyo: Memorandum
Layunin: Maipabatid ang mga impormasyon ukol sa gaganaping pagpupulong o pagtitipon.
Gamit: Paghingi ng impormasyon, pag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa mga pulong at pagbubuod ng mga pulong.
Katangian: Organisado at malinaw para maunawaan ng mabuti.
Anyo: Agenda
Layunin: Layunin nitong ipakita o ipabatid ang paksan tatalakayin sapagpupulong na magaganap para sa kaayusan ng atorgansadong pagpupulong.
Gamit: Ginagamit para maipakita ang adyenda ng isang meeting atpara maging organisado ang meeting.
Katangian: Pormal at organisado para sa kaayusan ng daloy ngpagpupulong.
Anyo: Panukalang Proyekto
Layunin: Ang layunin nito ay malaman ang plano na maaring gawin sa hinaharap.
Gamit: Ito ay ginagamit upang malaman ang isang proposal na kailangang ilatag at naglalayong mailatag ang mga plano na gagawin sa hinaharap.
Katangian: Ito ay pormal at makikita rin dito kung ano nga ba ang mga napagusapan sa natapos na pulong.
Anyo: Talumpati
Layunin: Layunin ng Talumpati na humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Gamit: Ang gamit ng talumpati ay ang makapagpahayag ng mga salita sa madla na siyang binubuo ng "Tagapagsalita" at "Tagapakinig".
Katangian: Ang katangian ng Talumpati ay ang pagtalakay sa napapanahong isyu o paksa na ang layunin ay bigkasin sa harap ng madla na handang makinig.
Anyo: Katitikan ng Pulong
Layunin: Ang pangunahing layunin nito ay maging pormal na pag-uulat ng mga naging kaganapan sa pormal na pagpupulong.
Gamit: Ito ay ginagamit na kung saan ay dito natin makikita ang opisyal na tala ng isang pulong at upang malaman kung kailan ang susunod na pulong.
Katangian: Ito ay dapat organisado ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan.
Anyo: Posisyong Papel
Layunin: Layunin ng posisyong papel na mahikayat ang mga mambabasa na magkaroon ng kamulatan sa argumentong inihahain sa kanila. Ang mga posisyong papel ay karaniwang isinusulat mula sa pinakasimpleng format tulad ng letter to the editor hanggang sa pinakakomplikadong academic position paper.
Gamit: Ang isang posisyong papel ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.
Katangian: Maaari itong kabilangan ng mga isyung may saklaw na pambansa o pandaigdigang may epekto sa isa o maraming pangkat ng mga indibi dwal o sa isang buong pamayanan sa pangkalahatan. Kung gayon, likas itong kontrober siyal at nagtataglay ng mga nagtutunggaliang pananaw.
Anyo: Replektibong Sanaysay
Layunin: Ang layunin ng Replektibong Sanaysay ay ang makapag pahayag at maipahiwatig ang pananaw o perspektibo tungkol sa mga isyu o kontento.
Gamit: Ang gamit ng Replektibong Sanaysay ay ang makapaglahad ng mga aral na natutunan sa pagsulat ng akda at kasama rito ang pagtalakay sa mga naging epekto ng isang bagay, tao o pangyayari sa gumawa ng akda.
Katangian: Ang katangian ng Replektibong Sanaysay ay ang makapag lahad ng interpretasyon at maka pagtalakay ng iba't ibang aspeto sa karanasang personal o sa mga nababasa/napapanood.
Anyo: Pictorial Essay o Larawang Sanaysay
Layunin: Layunin ng Pictorial Essay o Larawang Sanaysay ang magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.
Gamit: Ang Pictorial Essay o Larawang Sanaysay ay ginagamit upang magpahiwatig ng mahalagang mensahe, kadalasan ito ay ginagamitan ng larawan at kaunting gamit ng salita.
Katangian: Ang katangian ng Pictorial Essay o Larawang Sanaysay ay ang paggamit sa larawan para sa mga sulatin kumpara sa mga salita at nagbibigay din ito ng sanaysay batay sa mga litrato na naka ayos.
Anyo: Lakbay Sanaysay
Layunin: Ang layunin nito ay ang magkaroon ng ka ng realisasyon sa paglalakbay na iyong ginawa.
Gamit: Ito ay ginagamit upang maitala ang mga nararanasan sa paglalakbay ng taong sumusulat nito at dito ay mas marami ang pagsulat kaysa sa mga larawan.Katangian: Ito ay personal at kalamitang nakakapang-akit ng mamababasa at ito rin ay detalyado at makatotohanan ang mga pinapakita dito.
Ang Aking Review Tungkol Sa Mga Tula Ni JOSE CORAZON DE JESUS (5 min read)
Ang tulang "Kamay ng Birhen" (1929) ni Jose Corazon de Jesus ay isang kaibig-ibig, makabagbag-damdaming tula sa Tagalog kung paano siya binago ng kanyang pagmamahal sa isang babae para sa ikabubuti niya. Na patuloy na nagsusumikap na maging tapat at etikal, kahit na nangangahulugan ito ng pagsuway sa karaniwang opinyon. Nasabi na ang mga kamay ng isang birhen ay may kakayahan na gawing mabubuting lalaki kahit ang pinakamatigas na kriminal. Ang maliit na aklat na ito ay nagbabalik sa atin sa ating pinagmulan at nagpapaalala sa atin na ang pakikitungo sa iba nang may kabaitan ay maaaring makatulong minsan sa pag-aayos ng ating sariling mga puso.
Ang tulang "May Mga Tugtuging Hindi Ko Malimot" ay isinulat rin ni Jose Corazon de Jesus,. Ang tulang ito ay tungkol sa isang taong nami-miss ang iyong mahal sa buhay, mga alaalang hinding-hindi niya makakalimutan, parang musikang tumatatak sa puso't isipan mo kapag narinig mo ito. Mag-iiwan ito ng imprint sa iyong buhay sa maraming taon na darating.
Isa rin sa mga tula ni Jose Corazon de Jesus ay ang "Itanong mo Sa Bituin". Ang tula ay tungkol sa pagharap sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay. Ang tulang ito ay mahalagang nagsasalaysay ng isang salaysay ng isang lalaking naghahanap ng mga sagot sa backdrop ng isang madilim na gabing puno ng mga ulap at isang bituin na nais niyang maabot.
Ang tulang "Kahit Saan" naman ay tungkol sa dalawang bida sa tulaa at ang tagapagsalita na mayroong nahahati ng bangin na tanging ang kanilang pag-iibigan lamang ang maaaring tulay. Nasasaksihan namin ang ilan sa maraming mukha ng pag-ibig dito: panghihinayang, diskriminasyon, at paghihintay.
Ang huling Tagalog na tula ni José Corazón de Jess para sa review na ito ay may pamagat na "Ang Magandang Parol". And istorya nitong tula na ito ay patungkol sa isang magandang parol na ginawa ng kanyang lolo. Ang tradisyonal na parol na makikita sa lahat ng dako sa paligid ng Pasko sa Pilipinas ay ang parol. Kwento ng lolo na gumagawa noon ng mga parol para sa kapaskuhan. Ang simbolo ng parol ay mas mahalaga, at ito ay konektado sa simbolikong liwanag na inaasahang mangunguna sa paglaki ng mga bata at palitan ang direksyon ng lolo sa kanyang apo.
Upang ibuod ang bawat tulang sinabi ko sa pagsusuri na ito na personal kong pinili dahil makikita mo ang lahat ng tungkol sa mga tula ng pag-ibig. At dahil malapit na at karawan ng pag mamahalan Nais ko lang ibahagi ang magagandang tula ng pag-ibig sa bawat hugis at anyo na ginawa ni Jose Corazon de Jesus. Sa kabuuan, ang pag-ibig ang pinakamahalagang bagay sa mundong ito. Pagmamahal sa iyong pamilya, kaibigan, kasosyo, alagang hayop, at maging sa mga estranghero. Dahil sa pag-ibig ay maa-appreciate at mauunawaan natin kung saan tayo nanggaling. Sana nagustuhan niyo itong tula kong review. Salamat sa pagbabasa ng Pax Et Bonum.
Marahil ay kakaunti lamang ang hindi pa nakarinig sa pahayag ng dating pangulong Rodrigo Duterte sa isa sa kanyang mga talumpati na kung buhay pa lamang ang kanyang nanay ay kanya itong ipapa-DSWD dahil sa madalas na pamamalo sa kanya. Ang pahayag na ito ay nakapagkiliti ng marami at marahil rin ay marami din ang pagpapakahulugan ng karamihan sa pahayag na ito, iba-iba. Subalit biro man o seryoso ang pagtanggap ng nakarinig ay hindi maikakaila ang malaking pagbabago sa estado ng ating bayan sa pamamaraan ng pagprotekta sa kapakanan ng mga kabataan. Napakamabuti ang naidudulot nito sa mga nakaranas at ginagawan ng matitindi at hindi kasimu-sikmurang pang-aabuso.
Pero hindi iyan ang paksa sa salaysay na ito, mabalik tayo sa palo. Dati, mayroon rin naman ngayon, ito ang madalas na pangtabla sa katigasan ng ulo ng isang bata. Hindi naman sa tipong bugbugan na ang antas bagkus ay parang para lamang kumbisihin ang isang bata na mali ang ginagawa, may hangganan at mapaparusahan kapag sumobra. Hindi rin naman na lingid sa atin ang maaring maging resulta kapag ang nilalang ay hinahayaan na lamang palagi ang makuha ang mga kagustuhan. Magiging suwail ito kapag may pagkakataong hindi maabot ang gusto. Maari ay maiukit o naukit na sa isipan na karapatan niya'ng mapasakamay lahat at sa alinmang naising gawin kung sa kanya ay may pahintulot.
Epektibo naman sa karamihan ang bagay na ito kung talagang maging totoo tayo, ating kikitain ang mga kaugalian ng nagdaan at sa kasalukuyan. Karamihan, hindi pangkalahatan ang gagamiting salita dahil walang lahat, mayroo't mayroong sadyang hindi kapareho ang epekto ng pagpapatupad sa iilan.
Ngayon, ang pag-aalinlangan sa paglapat ng kamay sa bata ay malaki na. Madali ng maireklamo at sisikat bigla sa kabahayan kapag may mag-aatribidong magpakalat ng litrato kahit walang tunay na alam sa buong kwento. Na kahit hindi naman kawalang hiyaang pang-aabuso na nagawa. Wala nalang ba talagang karapatang supilin ng magulang o tagapag-alaga ang bata? Na kung kaunting ngawa ay mapaparusan na ng batas ang nagmamalasakit na magpalaki ng mamamayang matuwid. Resulta, mga singtigas ng bakal na mga bungo. Hindi na nagpapasabi o nagpapasuway sa mga kalokohan o kabarumbaduhan.
Hindi ko rin sinasabing mali na ang gumawa ng nais o ipaglaban ang ninanais. Pero kung ikaw ay isa sa mga mulat ang mata sa ngayon ay maiintindihan mo ang ibig na ipaabot ng mga pangungusap na ito. Sa makabago at mapamagat na pagbibigay-karapatan, kahit ang pagbibigay daan sa kasalubungan ay hindi na magawa, hindi na marunong tumabi ng kahit kaunti para sa espasyo ng lakaran, kahit sa paglalakad nagkukumpulan. Pati na ang pagbati sa gabi na senyales sana na ang kasalubong ay tao rin.
Kagaya rin sa tagpo sa paaralan. Kagaya nga ba o ito rin ay isa na sa resulta... Inuulit, hindi lahat, marami-rami rin lang.
Kung dati inihahabilin ang mga mag-aaral sa mga guro na disiplinahin kung pasaway, may bantog pang parirala na 'ibitin patiwarik o kurutin ang singit' ngayon ay kung masabihan lamang ng kaunti dahil lang rin sa kagagawan ay ipapatawag na ang guro, sasamaan ng salita o ipapatanggal na. Sikat na ito ngayon. Bakit pa pinapapasok pa kung ayaw naman matuto? Sa tingin ba ay kokomprontahin kung ginagawa naman ang talagang pakay sa pagpunta sa paaralan- ang mag-aral. At kung hindi kokomprontahin, bibigyan nalang ng marka na inaayon sa gawa, mababa, malaking baliktaktakan rin ang magaganap. Hindi, hindi nga lang ayon sa gawa dahil sinamahan na ng gurong mahika.
Sa ganito na ngayong kasalukuyan, saan nalang lulugar ang mga magulang o pangalawang magulang kung hirangin. Nagagawa pang pangumparahan ang mga nangunguna sa entablo ng pagkasikat at pagkamayaman na hindi tinapos ang pag-aaral sa paaralan. Mas maigi na rin siguro kung talagang gayahin para hindi na dadagdag pa sa pasaway dahil kung papasok man parang ganoon rin lang, pumapasyal lang hindi sumusunod sa gawain.
Ang pagkaklaro sa sanhi ng mga ito ay hindi iisa na konkreto, ang awtoridad ba, mga magulang o tagapag-alaga o ang prinsipal na agos ng kinagigiliwan sa ngayon. Mga maaring buntunan ng sisi pero walang isa na siyang talagang maituturo, lahat maaring suspetsado.
🎉HI NAY LIVE READING AT THE SALAYSAY FILIPINO/A/X LITERARY ARTS FESTIVAL🎉
Come listen to a Live Reading of a never before heard Hi Nay special episode :)
-
Save the date for Toronto's first literary festival made for and by our community! 🇵🇭🇨🇦
📚📚📚
SALAYSAY: A FILIPINO/A/X LITERARY ARTS FESTIVAL
Saturday May 25, 2024
11 am to 3 pm
Barbara Frum Branch @torontolibrary
20 Covington Rd, Toronto (Bathurst & Lawrence)
FREE ADMISSION!
Over the next couple weeks we'll feature speakers and events lined up for the day. We've got lots of exciting things planned, from author readings, a publishing panel, youth showcase, writing workshop, and hands-on cultural and children’s activities.
Look forward to seeing you there! 🎉
“Salaysay: A Filipino/a/x Literary Arts Festival” is supported by the Toronto Arts Council with funding from the City of Toronto, and is not a TPL event.
The Ethics of Looking And “Harmless” Peeping Toms [TL]
[Ang (suliraning) etika ng pagsilip at mga "walang pinsalang" maboboso] [sinalin sa wikang Tagalog; maaaring may mga hiram na salita]
Ang isang bahagi ng ugnayan ni Prinsipe Teñoso at Prinsesa Flocerfida na hindi pa tinatalakay ay ang katotohanan na nabosohan ng prinsesa ang prinsipe noong naliligo siya sa batis malapit sa patangwa ng kaniyang silid-tulugan. Sa halip na ituring ito na isang paglalabag kay Prinsipe Teñoso, ito ay inilarawan ng musikang nilapat sa pangyayari bilang inosente at pag-usbong ng pag-ibig.Tinuring itong "walang sala" na pag-gising (ng pag-ibig)/hudyat ng pagbabago kay Prinsesa Flocerfida na dating hinding wiling wili ukol sa paksa ng pag-aasawa at pag-ibig. Kahiman nalaman ni Prinsipe Teñoso na siya'y nasilipan, hindi niya ito inalintana at lalo pang nilambing ang prinsesa.
Sa kadahilanang ito, may halaga na panuorin ang video essay o ang sanaysay na may pamagat sa itaas. Sa ilalim ay isang halaw ng sanaysay na pinalitan ang mga paksa ng mga tauhan ng Prinsipe Teñoso (1954):
“… It’s [Prinsesa Flocerfida’s] excitement we are meant to identify with. Just to reiterate, narratively speaking, [Prinsipe Teñoso doesn’t know he’s] being watched and therefore [hasn’t] given consent. Not to put too fine a point on it, but the reason these scenes are supposed to be titillating to the viewer is precisely because the looking is being done without permission. All the actors involved in these productions have, presumably, agreed to be represented in the ways we see on-screen, but fictional representations can still help normalize non-consensual behavior.”
("... Marapat ang pagpukaw ng damdamin [ni Prinsesa Flocerfida] ang maramdaman nating nanunuod. Babanggitin muli (upang bigyan diin), ayon sa salaysay ng pangyayari, [hindi alam ni Prinsipe Teñoso na siya'y] pinapanood at samakatuwid ay hindi nagbigay ng pahintulot. Hindi sa pagdidiin ngunit ang dahilan kung bakit nakasasabik ang pagsilip ay ang kawalan ng pahintulot. Lahat ng artista na bahagi ng produksiyon o paggawa ng pelikula ay ipinapalagay na pumayag i-katawan kung paano sila napanood sa screen o sinehan, ngunit ang likhang isip na pangyayaring pamboboso ay ginagawang hindi katatangi-tangi, waring ayos lang ang paglabag o ang ugaling walang pahintulot.")
The Ethics of Looking And “Harmless” Peeping Toms ay sinulat ni Jonathan McIntosh sa Pop Culture Detective Agency.
Article 1416. When the agreement is not illegal per se but is merely prohibited, and the prohibition by the law is designed for the protection of the plaintiff, he may, if public policy is thereby enhanced, recover what he has paid or delivered.
Related Case :
[ G.R. No. 192629, November 25, 2015 ]
FILINVEST LAND, INC., PETITIONER,
VS. EDUARDO R. ADIA, etal . RESPONDENTS .
FACTUAL BACKGROUND
The respondents were the registered owners of various parcels of land located in Barangay Hugo Perez, Trece Martires, Cavite. These properties were awarded to them pursuant to the Comprehensive Land Reform Law (CARL). and had a total land area of about 709,910 square meters under seventy-five (75) TCTs.
In 1995, Filinvest Land, Inc. (Filinvest) acquired possession of these properties. Each of the respondents executed a Sinumpaang Salaysay entitled Pagbibitaw ng Karapatan (affidavits). Based on these affidavits, the respondents relinquished all their rights over the properties for valuable consideration.
The respondents alleged that they surrendered possession of their properties with the understanding that Filinvest would develop these into a residential subdivision, pursuant to a joint venture agreement (JVA). They also entrusted their respective owner's duplicate original copies of the TCTs to Filinvest because they were told that these would be used in preparing the development plans. The respondents added that they were even given money to find their own place while the development was taking place.
The respondents repeatedly requested Filinvest to return their owner's TCT copies and to give them a copy of the JVA. Since development had not yet begun, they also sent a letter to Filinvest to allow them to temporarily return to their lands. They received no response. Instead, Filinvest began to fence the area and prohibited entry. To protect their rights, the respondents filed notices of adverse claim.1aшphi1
In 2010, the respondents filed a complaint for recovery of possession with damages against Filinvest.
Issue :
The Core issue in an accion publiciana is who between Filinvest and the respondents are the properties lawful possessors.
Held :
In the present case, the parties do not dispute that the transfers occurred within the ten-year period. Filinvest contends, however, that only transfer of ownership is prohibited, not of possession.
Filinvest claims that if the affidavits are void, this Court should consider the parties to be in pari delicto. Both parties came to court with unclean hands because they voluntarily entered into the void transactions. Thus, the court should leave them where they are Filinvest possessing the properties and the respondents keeping the money they received.
We see no merit in Filinvest's position.
To elaborate, Article 1416 of the Civil Code provides an exception to the pari delicto doctrine. Under this article, the plaintiff may recover what he paid or delivered pursuant to a void contract if the following requisites are met: (a) the contract is not illegal per se but merely prohibited; (b) the prohibition is for the plaintiffs protection; and (c) public policy will be enhanced by his recovery. These requisites are present in this case.
In sum, we hold that the respondents are the lawful possessors of the disputed properties. Their affidavits are void and did not transfer possessory rights.
of real estate or any interest therein affecting registered land judgment is entered for the plaintiff, such judgment shall be entitled to registration on presentation of a certificate of the entry thereof from the clerk of court where the action is pending to the Register of Deeds for the province or city where the land lies, who shall enter a memorandum upon the certificate of title of the land to which such judgment relates. If the judgment does not apply to all the land described in the certificate of title, the certificate of the clerk of court where the action is pending and the memorandum entered by the Register of Deeds shall contain a description of the land affected by the judgment." (emphasis supplied)
WHEREFORE, we hereby DENY the petition for lack of merit.
1. Si Edgardo M. Reyes ay isang kilalang Pilipinong manunulat at makata. Isinilang siya noong 1936 sa Sta. Cruz, Maynila. Kilala siya sa kanyang mga obra tulad ng "Sa Mga Kuko ng Liwanag," na naging isang klasikong nobela sa panitikang Filipino.
2. Si Reyes ay lumaki sa Maynila at ang kanyang mga karanasan at obserbasyon sa lungsod ay nagbigay inspirasyon sa kanyang nobela. Ang kanyang mga salaysay ay naglalarawan ng mga isyu sa lipunan at kahirapan na karaniwang nararanasan sa mga lungsod tulad ng Maynila.
B. Maynila sa mga Kuko ng Liwanag
Ang pamagat na "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag" ay nagpapakita ng pagkakabisa sa lungsod ng Maynila, kung saan ang liwanag ay simbolo ng pag-asa at ang kuko ay simbolo ng kahirapan at panganib.
2. Ang pamagat ay naglalarawan ng kalagayan ng mga pangunahing tauhan sa nobela at ang kanilang pakikibaka sa harap ng mga hamon at panganib sa lungsod.
II. Katawan
A. Tauhan, pagpapakilala at paglalarawan
1. Pangunahing tauhan: Si Julio Madiaga, isang probinsyanong naghahanap ng trabaho at nagtitiis sa hirap ng buhay sa Maynila.
2. Katunggali: Si Mr. Balajadia, isang mapanlamang na empleyado na pumipigil sa pag-angat ni Julio sa lipunan.
3. Iba pang tauhan: Kasama na si Atong, Benny, Imo, at iba pa na nagpapakita ng iba't ibang uri ng karanasan at pakikibaka sa buhay.
B. Banghay / Buod
A. Tagpuan: Maynila.
i. Panahon: Hindi tukoy, ngunit maaaring sa 1960s o 1970s. ii.
Lugar: Mga pook sa Maynila tulad ng kalye, gusali, at sementeryo.
a. Simula: Pagdating ni Julio sa Maynila at paghahanap kay Ligaya.
b. Kasukdulan: Ang pagtuklas ni Julio sa mga sikreto sa likod ng mga pangyayari sa lungsod.
c. Wakas: Ang trahedya at pagkawala ni Ligaya at ang pagkamatay ni Julio.
D. Tema / Damdamin
1. Ang kahirapan, karahasan, at pang-aabuso sa mga lungsod at ang paghahanap ng pag-asa at katarungan.
a. Ang pagtutunggali sa pagitan ng mayayaman at mahihirap, at ang pag-asa sa kabila ng kahirapan.
b. Ang lungkot, pangungulila, at galit sa harap ng pang-aapi at karahasan.
c. Ang paglaban para sa katarungan at pag-ibig sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay.
IV. Pagsusuring pampanitikan
A. Teorya
Ang nobela ay maaring suriin gamit ang teoryang marxismo, na nagpapakita ng agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap, maykapangyarihan at walang lakas.
B. Akda
Sa kabanata 2 ng nobelang ito, ipinapakita ang pang-aabuso ni Mr. Balajadia sa mga manggagawa sa construction site, na nagpapakita ng karahasan at kahirapan na kinakaharap ng mga manggagawa.
D. Pagsusuri
Sa mga pangyayaring ito, ipinapakita ang kawalan ng hustisya at kahirapan na dinaranas ng mga manggagawa sa Maynila, na nagpapakita ng pangangailangan ng pagbabago at pagtugon sa mga suliraning panlipunan.
VI. Konklusyon
Sa nobelang "Maynila sa mga Kuko ng Liwanag," ang pang-aabuso at panggigipit sa mga manggagawa sa construction site, tulad ng ginagawa ni Mr. Balajadia, ay nagpapakita ng kawalan ng hustisya sa lipunan. Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang mga isyung panlipunan na may kinalaman sa karapatan ng mga manggagawa at kahirapan.
Upang tugunan ito, maaaring magkaroon ng mas mahigpit na batas laban sa pang-aabuso sa mga manggagawa at pagpapalakas ng mga ahensya para sa kanilang proteksyon. Kailangan rin ang mas malawakang edukasyon at kamalayan sa mga karapatan ng mga manggagawa upang mapanatili ang kanilang pagiging mapanuri.
Sa ganitong paraan, maaaring mabigyan ng tamang proteksyon at hustisya ang mga manggagawa, na magdudulot ng mas maayos at pantay na lipunan para sa lahat.