Kakalimutan na kita
Kakalimutan kita
Lagi ko itong tatandaan
Para rin ito sa ikabubuti ko, at ikabubuti mo na ren naman
kakalimutan kita, at di na hahabulin pa
diretso ang tingin, nakataas ang ulo, at pormal ang tindig
Pero hindi lang yon ang gagawin ko syempre,
Iiwan na kita,
gaya ng pag iwan mo sa akin, pero maraming salamat paren
Napapaisip tuloy ako bigla kung paano tayo nagsimla
kung pano ka naging mabuti, hanggang natapos nalang bigla
tanda mo pa ba nung binangga mo ko,
napaka siga mo pa kase, pati naman hanggang ngayon
Bumagsak mga gamit ko, at tinulungan mo ko
Di pa tayo magkakilala non, pero unti unti rin yon nagbago
Nagkakilala tayo, pero dapat pala di kita binigyan ng pagkakataon
dahil lang sa simpleng banggaan na iyon,
nagkakilala tayo
Dahil lang sa simpleng banggaan na yon,
nabuo ang "TAYO"
dahil lang sa simpleng banggaan na iyon,
naparamdam mo sa akin, na sobrang saya ng mundo
pero dahil lang din sa simpleng banggaan sa gawing doon
binawi ka agad sa akin ng pagkakataon.
Kakalimutan na kita
Ilang ulit ko na ba sinabi ang mga katagang yan
kakalimutan na kita!
oo, mahirap at masakit, pero gagawin ko yan
kakalimutan kita!
gagawin ko lahat para lang magawa ko yan
kakalimutan kita
kakalimutan kita kahit ang sakit sakit na
kakalimutan kita, kahit na nakikita kita sa bawat sulok ng aking paningin
kakalimutan kita, kahit na palagi ka paren anjan sa aking tabi
kakalimutan kita, hindi dahil sa masama ka o dahil sa ayaw ko na
kakalimutan kita para sa ikatathimik ng lahat
kakalimutan kita, pero patuloy paren kitang mamahalin
kakalimutan kita, para matahimik na ang iyong kaluluwa.
0 notes