Tumgik
Text
Lakbay Batangas
Kilala ang Batangas dahil dito matatagpuan ang sikat na Bulkang Taal. Ngunit dahil nga ba dito lang kaya ito ay dinadayo? Paano naman ang mga magagandang “diving spots” dito? O kaya naman ay ang kapeng barako? Sa blog na ito, ating tatalakayin ang aming paglalakbay rito sa Batangas. Handa kana ba? Tara at samahan mo kaming libutin ag Batangas!
Tumblr media
Paano nga ba makapunta sa Batangas?
Kung ikaw ay babyahe ng eroplano, ang pinakamalapit na lugar na iyong pwedeng babaan ang paliparan ng NAIA sa Pasay. Mula dito, maaaring magcommute kana mula dito hanggang Batangas. Kung ikaw naman ay babyahe sa karagatan, mahihirapan ka sapagkat kakaunti lamang ang mga daungan na sasakyang pandagat dito. Ang mga piling daungan lamang ay ang karaniwang paraan para makapunta dito gaya ng Puerto Galera, Caticlan (Boracay), at Sibuyan Island. Ang pinakamadaling para naman para ikaw ay makapunta dito ay kung ikaw ay magbabyahe gamit ang iyong sasakyan. Maaring mong tahakin ang SLEX at pagkatapos ay ang STAR tollway para ikaw ay makapunta rito.
Tumblr media
Laiya Beach
Tumblr media
Una naming pinuntahan ay ang San Juan sa Batangas. ito ay dahil dito matatagpuan ang isa sa magagandang dagat sa Batangas, ang Laiya Beach. Nakakabighani sa ganda ang puti at pinong buhangin katambal ang malinaw na tubig dagat na humahampas sa dalampasigan. Mayroon ding marerentahang jet ski at Bangka para sa inyong gustong maglibot sa mga isla at banana boat naman para sa mga gustong magtampisaw sa dagat. Sa aming paglalakbay, sinubukan namin ang adventure course ng Laiya Park. Kabilang sa mga aktibi na aming ginawa ay ang wall climbing, atv, at zipline. Pagkalipas ng isang buong araw na puro aktibiti ay nakahanap kami ng lugar na matutuluyan. Ito ay malapit sa tabing-dagat kaya naman ito ay tunay na nakakatanggal ng problema at pagod.
Mga Putahe ng Ala E
Tumblr media
Sa isang paglalakbay hindi malilimutan ang pagtikim ng mga bagong putahe. Kaya naman sa aming paglalakbay sa Batangas sinubukan namin ang mga lutong bahay ng rito gaya ng ipinagmamalaking loming batangas at tamis anghang. Hindi gaya ng loming tagalog, ang lomi ng batangas ay mas maitim at mas malapot, ang mga sangkap nito ay inilalagay sa itaas ng lomi gaya ng laman ng baboy, atay, nilagang itlog, chicharon, shanghai at iba pang mga sangkap. Mas sumasarap ito kapag sinabayan ng kalamansi, toyo na may sili bilang sawsawan.Sinubukan din namin ang tamis anghang, ito ay ang sariling bersiyon ng Batangas ng pancit miki, kagaya ng lomi nilalagay din ang sangkap nito sa itaas at mas masarap kapag may sawsawan. Sa bawat kain ng mga putaheng ito ay ramdam ko ang init na bumababa patungo sa katawan at tamang tama sa malamig na panahon.
Makisaya sa Lambayok Festival
At syempre, isa sa mga dahilan kung bakit kami ay nagtungo rito ay para makilahok sa Lambayok Festival. Hindi ko makakalimutan ang pista ng lambayok sa Batangas na ipinagdidiwang upang magpasalamat kay San Juan Nepomuceno at maipakita ang mga ipinagmamalaki ng Batangas ang lambanog, palayok, at ang kagandahan ng dagat. Sa pistang ito ay may mga patimpalak maaari tayong salihan gaya ng streetdance, paggawa ng palayok, at binibining San Juan. Habang nagpaparada ang mga kalahok ay sumasayaw ang mga ito at maaaring sabayan ng ibang mamamayan habang umiinom ng lambanog. Lubhang napakasaya ng pistang ito dahil kanilang naipapakita ang kahusayan ng Batangas sa tatlong larangan at naipapasa rin ng mga mamamayan sa amin ang kasiyahang kanilang nararamdaman.
Tumblr media
Hanggang sa Muli
Ang aming karanasan na pagbabakasyon sa Batangas ay hindi matatawaran ng kahit na anong bagay at laging mananatili sa aming puso at isipan. Ang kasiyahang naidudulot ng pagkain, tanawin, at pista ay hindi madaling malilimutan ng aking pamilya at kasama na rin ang ibang mga turista sa probinsiya. Ang probinsiya ay puno ng mga kagila-gilalas na mga bagay, at sa laki ng nito ay may mga lugar pa rin akong hindi nadidiskubre. Ang pagbisita sa lugar na ito ay maihahalintulad sa isang oportunidad na nagbukas upang magkaroon ng bagong kaalaman at kasiyahan na tatatak sa aking isipan hanggang sa wakas.
Tumblr media
Kaunting Payo
Tumblr media
Ilan lang sa mga nabanggit namin para sa inyo ang maari niyong libutin kung sakaling pupunta kayo ng Batangas. Malawak ang lugar na ito kung kaya’t marami kayong pwedeng lakbayin. Maaring subukan ninyong maghanap ng iba pang “beach” o kaya naman ay umakyat ng bundok. Huwag ninyo rin kakalimutan na tikman ang iba’t ibang putahe rito sapagkat kay sarap nito. At syempre, sa inyong paglalakbay, maaari mong matagpuan ang iyong sarili kung kaya’t naman huwag na huwag mong kakalimutan sa maging masaya sa kahit ano mang paglalakbay pa iyan.
1 note · View note