Tumgik
wmab 4 months
Text
Manigong bagong taon! Wag ka magtiis sa kanya. Mahalin mo muna sarili mo. Matatagpuan ka rin ng tamang tao.
1 note View note
wmab 4 months
Text
SONATA NG BUGTONG NA ILAW
Patawarin mo kaya ako?
Kung malaman mong ilang beses kong naipagsawalang bahala ang lahat ng 'yong mga hinagpis? Maraming ligpitin sa buhay at araw-araw ay kailangan kong mag-imis. Patawarin mo kaya ako na di agad nadinig lahat mong mga tawag; sa di inunawang mga pangungusap? Nanghihina lang sa bigat. Nag-iisip lang kung sa bukas ay may sasapat.
Patawarin mo kaya ako?
Sa mga gabing hindi kita dagliang nayakap. Sa pagpungas ng mga mata mong di ko pinansin agad. Sa mga luhang di nasagot at hinayaang lumabak sa'yong palad. Mga paborito mong tugtog na hindi kita nasabayang umindak, dahil pagod; dahil gumuguho; dahil ang ilaw ay aandap-andap.
Patawarin mo kaya ako?
Sa mga impit kong pagkasira. Kahit pa karapatan mong malamang ako'y nanghihina. Masyadong malupit ang mga pas芒 at hindi ko nais na sa'yo sila ay ipamana. Kaya't kung patatawarin ay sa paghimbing mo na lang ako gigib芒. Hindi naman sa makasarili; ikaw lang ang aking inaalala. Naglihim man hanggang sa huli, tandaan mong ikaw palagi ang inuuna. Kaya't sa mga bagyo kong ni tunog ng patak ay di kita ginambala,
Patawarin mo sana.
Sa mga sakit na naidulot sa akin ng kahapon. Na ayaw kong malaman mo't baka di pa maka-ahon. Sa guhit ng aking mga palad, na tila ba sa likod mo鈥攎ula pa sa sinapupunan鈥攁y malaon nang nakatarak. Matatalim na mga gabing ikaw ang nakatakdang pumalahaw sa sakit dahil sa aking nagdaang pagkawasak.
Patawarin mo sana sa mga lundag na ni di kita tinanaw. Sa mga gabing dalamhati ang tinuring kong kakampi鈥攊mbis na ikaw. Mga kasawiang pinrisinta kong sapuhing mag-isa dahil sa laya't ga芒n ng dal谩 ay nasilaw.
Patawad.
Sa kasamaan ng mundo sa akin na parang di pa sagad. Patawad. Sa mga sugat na hindi ko naman talaga hinangad; o sa mga umaga mong pag-asa sana ang gawad, ngunit hindi. Muli, patawad. Dahil di na nangangarap, ng buong tahanan; ni masayang salo-salo sa hapag. Anak, kung magutom sa sagot at mauhaw man sa pagkalinga'y paumanhin mo ang aking hangad.
Patawad.
Muli, sa mga yapos na baka hanapin sa susunod at hindi ko maibigay; o sa mga gabing hindi kasing higpit ng ama ang yakap na naibibigay ng nanay.
Patawad.
Kung araw-araw ka man saking nawawalay鈥攄ahil kailangang magligpit. Kailangang bukas ay mayroon tayong magamit. Mag-isa lang kasing nagpipilit. Kung makasasagot ka nang matuwid, patawarin mo kaya ako sa buhay na 'yong nakamit?
2 notes View notes
wmab 4 months
Text
Tulog na.
0 notes
wmab 5 months
Text
Alam ko namang hindi ko kailangan. Pero minsan, naiisip kong makakahanap rin ako. Ng mabuti at marunong makinig. Ng may pakialam at di takot humibik. Yung hindi masyadong duwag sa p没la ng aking malakas na pagkababae. Hindi napahihina sa tapang ng nakakalalaki kong kalikasan at prinsipyo. Kung hahanap man ay dapat kaya n'ya ang aking mga bagyo, mapa delubyo man ng aking mga suhestyon sa buhay at makatotohanang payo. Saan ka pa kaya sa mundo makakakita ng taong kayang lumuhod sa hindi n'ya kapanalig ng pagkatao?
Hindi ako naghahanap. Ni hindi ako nangangailangan. Pero numanais rin ako ng marunong sumakay at may alam kung kailan tamang maglumanay at lumaban.
-WMAB
18 notes View notes
wmab 6 months
Text
Ang dami ko na palang sinimulang tula na hindi ko matapos-tapos. Ilang taon na kong parang nakagapos鈥攕a kawalan, sa pagkatigang, sa pagkalito, pagluluksa, pagkatamad, sa pagka-bigo, minsan sa pagkadarang. Wala na yata akong matatapos sa mga sinimulan. Lahat ng nilimbag ay dapat lumabas para malaman. Pero bakit hindi ko sa kanila maibigay ang tangi nilang karapatan? Piitan ko ang aking mga kamay at masalimoot na isipan. Hindi mapakinabangan. Ni hindi ko sila maipangalandakan. Sa dami nang sinimulan ay wala pa ni isa sa kanila ang nakasilay sa kawakasan. Akala ko ba'y maagang napipili ang mga maiinam? Bakit parang di naman. Ang dami ko nang simula, pero bakit parang walang hanggan?
Saklolo.
-WMAB
7 notes View notes
wmab 6 months
Text
IKAW LANG PALA
Gumising akong pawis na pawis dahil nanaginip. Iba ang pakiramdam. Tila ang mga sagot ay umaapaw at nagsusumiksik. Matagal ko nang tanong ang mga palihim mong titig. Ngayon ay parang alam ko na kung bakit.
Totoong di nagsisinungaling ang ipinipilit na di mabanaag. Habang sinisikil, ay sumisigaw lang lalo ang mga itinatagong balak. Maski nakakakita, palagay ko nga ay matagal na akong bulag. Dahil kahit na halata ma'y 'di ako nag-gawad. Ng kahit anong pagtingin. Sa mga palipad hangin. Sa mga pasikretong titig na akin ring nabubuking.
Dapat noon ko pa napag-tagni. Nang sabihin ng nanay mo sa akin. Na ako at ako lang sa tanang buhay n'ya ang ipinaghanda mo ng pagkain. Marahil ay alam mo nang dati. Na ako ang gustong ibigin. Pasensya na. Bulag marahil, ngayon ko lang nakita. Di lang magkaibigan ang mayr'on tayong dalawa.
Matagal na pala. Di ko akalaing di ko man lang nakita. Sa t'wing nagtatagpo tayo dahil sa buhay ay yamot at naa-abala. Kapag lumulutang na sa panaginip at mga kabayong pula. Marahang yayakap sa likod at sa kamay ko ay hahawak ka. Malay ko ba. Mga biruan at debate nating tayo lang ang nakakaunawa. Dahil sa lahat, para sa'tin ay tayo lang ang matalino at may maayos na bista. Matagal na pala. Malay ko ba. Sa haba ng pinagsama, di ko akalaing di ko man lang nakita.
"Huli na. Anong magagawa?"
Maghawak man ng mga kamay ay nakapangako na sa iba. Di na dapat nilabanan. Kung lumabas noon, sana hinayan na lang. Wala namang lihim na di nalalaman. Magtatagpo rin pala kalaunan. Dun pa sa mga pook na nakaka-kabang puntahan. Sa mga sulok na tahimik at walang matinong nagtatangkang masaksihan.
"Anong magagawa, baka tadhana."
Di siguro. Masyado ka lang mahina. Di sana sumagot ako ng mas maaga. Kung noon pa tayo lumakad nang may diretsong mga dila at malinaw na sadya. San na kaya tayo ngayon papunta? Biruin mo, ang tagal na. Ikaw lang pala. Kaya di namamalagi sa mga nakakasama. Kaya di humihinto at 'di ni minsan tumama. Malay ko ba. Ngayon ko lang nakita.
鈥揥MAB (Wag Mo Akong Bitawan)
5 notes View notes
wmab 6 months
Text
UMAGA
Umaga nang unang nagmulat ng mata.
Sabay sa paghinga,
Naitanong marahil kung ilang sakuna.
Anong pait, at ilang hagupit ng tadahana,
Ang dadantay sa mga balikat.
O kung paanong kahit paano maiaangat
Ang mga paa sa paglakad.
Siguro ay nagisip rin kung ano ba ang hinaharap.
Tapat na ang tanghali kaya't libre nang makatakbo't makalundag
Anong silbi ng kahapon bakit kailangang lumingon bago sumabak?
Masaya naman siguro ang ngayon at ang bukas
Susubok kasama ang mga kadikit ng bituka't
Malay mo naman kung anong kapalaran ang humatak
Magbabalik man sa tahana'y ang lumagay na sa tahimik marahil ang s'yang balak.
Humihigit na dibdib dahil nagtatampo sa paghagulgol
"Anong klaseng sagot ang mas mapait pa kaysa sa mga tanong?"
Nagparoo't parito na sa lumang kwarto't lugar na malalayo
Nagsimula mang maaga ay babalik rin pala pagdapit hapon.
Kung ang mga hinahawakang kamay ay sa huli'y dahilan ako ng pagkukuyom
Buk谩s kaya ang bukas sa mga marubdob na sumbong?
Pakikinggan kaya?
Humiling naman na sa parehong langit at lupa.
Tinatalukbungan na ng ulap ang karampot nang diwa.
Ngayong gabi na ay humahangos dahil nagagahol
Sa oras at baka di pa sumapat ang sumpang naghahabol
Kung pagsuko sa liwanag ang kapayapaan, bakit imbis na matagpuan lang ay tila hudas na sinusukol?
Sige't magpapahuli na lang sa Nagtatakda.
Na kung ang sagot man sa pag-iral ay ang pagpapantay lang rin ng mga paa,
Sabay sa huling hininga,
Nagtaas naman na ng tiwala at pag-asa,
Tatanggi na siguro sa pagmulat ng mga mata.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
3 notes View notes
wmab 9 months
Text
Tumblr media
It's my 8 year anniversary on Tumblr 馃コ
It's been almost a decade since I started writing about you.
1 note View note
wmab 9 months
Text
TAO KA LANG
Tao ka lang. Hindi lahat dapat mong kayanin. Ano ba naman ang saglit na pahinga? Humugot na ng di mapitas na buntong hininga. Pasukuin ang bigat ng buhay at palayain sila sa mga mata.
Kung balak buhatin ang mga bagay, kahit paano ay bumitaw sa sakit ng loob. Tao ka lang. Iinog ang walang pakialam na mundo kahit hindi ka magtuloy. Kaya magpahinga ka. Tao ka lang. Kahit hindi nila maintindihan. Kahit na parang ang pagtigil ay mortal na kasalanan. Kung wala nang matitira sa'yo ay paano ka pa magbibigay? Tao ka lang.
Saglit lang. Baka magalit pa sa'yo ang ningning ng pag-asang dala ng ulan. Ikulong mo muna ang mga pumapalahaw na bulong sa pusod ng mapanira nilang bahay-bahayan. Sa sulok ng isipan. Hanggang sa di na sila matagpuan. Nagyon na, huminto ka. Ang ingay sa ulo at mga tanong na makalaslas-pulso. Magpahinga ka para malaman mo. Kung hinahanap man, ang payapa ay dapat magsimula sa'yo. Tao ka lang.
Magpahinga ka. Tao ka lang.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
28 notes View notes
wmab 10 months
Text
IKOT
Sigurado akong bukas ay babalik ka na sa dati. Nahatak mo nang pabalik ang aking loob at pihadong ang susunod mong gagawin ay umupo na lang at tumanaw sa malayo. Ako ang pumawi sayong mga uhaw at ngumiti akong malawak para sayo. Kung tutuusin ay pwede akong pumalahaw ng iyak pero pinili kong manahimik at di kumibo. Kita mong kinagat ko ang aking mga labi hanggang sa sila ay magdugo para lang mamalas mong pwede pang mabuhay ang aking pagpapatawad. Kaso ay alam kong babalik ka lang sa dati dahil nakuha mo na ang balak.
Iniayos ko ang aking mga salita. Hindi kita pinigilan hanggang sa ikaw ay maglamira ng mga purol mong boladas na nakita ko na ring ginamit mo sa iba. Hindi mo ako maloloko. Hindi na ulit. Pero hinayaan kita. Matagal na rin namang namimilipit ako sa pagka darang. Kaya't naulit. Tandaan mo lang na makapasok ka man ay baka hanggang sa pintuan lang ng aking mga pagkawili, para lang sa aking mga nasa at masarap na gising. Hindi para magtagal sa aking tabi. Hindi para mahalin kang ulit. Sigurado kasing bukas ay babalik ka na sa dati.
Ilang araw siguro akong magtatago sa 'yong mga tawag. Bukas ay babalik ka na naman sa dati, di naman siguro masamang umawat. Babalik ka na bukas sa dati, di mo na kailangan humingi ng tawad. Ang pag-ibig ko ay may karapatan ring alalahanin, hindi isantabi. Sa bagay ay babalik ka na rin naman bukas sa dati. Para san pa ang mga salitang ito na hindi mo naman hiningi. Para lang ito sa mga himutok kong una sa lahat ay di mo naman inintindi.
12 notes View notes
wmab 10 months
Text
PALAGI
Pakiramdam ko, kahit na kaninong matatag na balikat pa ay hindi rin aakma ang aking ulo.
Sa'yo lamang nakahulma ang aking pag-iisip at ang aking mga tunghay sa malayo.
Kahit na kanino pa sigurong matatag na bisig ang umagapay,
hahanapin pa ring mainam ang perpektong lapat ng palad mo sa aking uhaw na kamay.
Himlayan ka na habambuhay ng mapaglayag kong malay.
Nakatatak nang marahil kahit na sino pa ang humagkan.
Tanda na ng aking mga labi ang pasikot-sikot sa kalsada ng sa'yo at sa'yo lang.
Memoryado na ang mga galaw, ang katahimikan, at maski mga hiyaw.
Kahit na sino pa sigurong boses ay tanging bulong mo sa 'king nagniningas-kugon na pag-asa ang pakikinggan.
At kung sirain man ng paborito kong kadiliman ang yong pangalan,
ay sa'yo pa rin marahil mananahanan.
Ikaw at ikaw.
Palagi.
Araw-araw.
.
.
.
Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
18 notes View notes
wmab 10 months
Text
Sayang naman ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani
Kung ikaw mismo ay walang balak kumawala sa di ka naman pinipili.
-WMAB
4 notes View notes
wmab 10 months
Text
UKOPA
Ikaw ang una kong pag-ibig. Ang takdang itatangi mula pa sa unang paghinga. Itinatak sa bawat pulo ng di malirip kong pagkatao. Pinaglalagakan ng marupok kong tiwala at unang pinag-alayan ng musmos kong kasarinlan.
Ikaw ang aking unang pag-ibig na hindi na yata magwawakas sa aking palagay. Palaging mahal. Hindi mawawala kahit minsang kalimutan. Tarakan man ng hinagpis at multuhin man sa bangungot ng nakaraan at kasalukuyan. Maghihintay sa pagbabago. Magtitiwala sa mga pangako. Lito man, takot, o di sigurado. Mananatiling gumigiliw sa mga awiting nagpapatawad. Sa mga dahong tumutubo pagkatapos bumagsak. Mag-gagawad ng pag-intindi. Malakas ang loob at di duwag.
Ikaw ang una kong pag-ibig at syang umuukopa ng aking kasaysayan. Habambuhay naka-ukit sa mga haligi ng aking nagdaan. Sa tagumpay man o sa pagkatalo. Sa gumapang man o sa tumakbo. Ikaw ang unang pag-ibig na humihigit sa dibdib at sumusubok ng pagkatao. Ikaw ang isa sa mga dulo na hindi na pupwedeng balikan. Ikaw ang una at sana ay ikaw na rin ang huli kong kabiguan.
.
.
.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
5 notes View notes
wmab 1 year
Text
KAY TIYA
Naalala ko noong magkandaligaw-ligaw tayo sa kahabaan ng Cubao. Sinabi kong malamang na marating natin ang terminal ng bus pagsapit pa ng madaling araw. Huminto ka saglit, binitbit ang aking napapagod na bisig, tyaka mo sinabing basta't sayo ay wag akong bibitaw. "Mas mabilis na nakararating ang masigasig na naghahanap kaysa sa kagyat umaayaw." Kaya't walang nagawa kundi tumayo at lumakad.
Mapapalad ang nakababatid na hindi lahat ng mga linya sa mga tula ay magkakatunog. Gaya ng mga araw na pagkaminsan ay hindi sa ating gusto ang nasusunod. Kaya nga sa mga araw na maulan鈥攌ahit na biyaya鈥攎insan ay hindi nakagagaan ng loob. Sa mga lakad na gusto na sanang matapos, minsan ay sa pagtagal pa lalong iniuudyok. Maging sa mga buhay na ibinigay, ang laging nais ay katandaan sana'y maarok鈥攏gunit hindi naman itinutulot.
Gaya ng sa iyo.
Sa mapanuyang panahon na hindi madalas pumapatol sa ating mga nasa. Na tila sadya yatang nangyayari para ang mga sugat ay mas kumirot pa. Hindi yata tama. Hindi yata nakatutuwa. Na para sa isang maaraw na Miyerkules, tila kabalintunaang maituturing ang pag-ulan ng sanlibong saksak sa aking dibdib dahil wala ka na.
Paalam, tiya Rebecca. Hanggang sa muli.
-Wag Mo Akong Bitawan (WMAB)
(Original date written: Oct 19, 2022)
5 notes View notes
wmab 1 year
Text
Maligayang kaarawan sa akin. Di sapat na ipinanganak lang ako sa araw ng mga tanga. Pagbibigyan ko sya ng pagbibigyan hanggang sa maubos ako para mapangatawanan ko na itong araw na ito, ay araw ko talaga.
5 notes View notes
wmab 1 year
Text
Malungkot ka 'no?
6 notes View notes
wmab 1 year
Text
Pasensya na, kung hindi pa ako sumusulat ng tula. Nakakawala kasi ng pagkamalikhain ang ligaya. Kaya hanggat maari, ayoko nga sanang sumaya.
Pero hindi pupwede. Dahil siguradong 'pag nagpalamon ako sa balisa, imbis na saglitan lang, ay tuluyan na akong mamahinga.
鈥揥MAB
6 notes View notes