accountingbraindrain
accountingbraindrain
Pangingibang-bansa ng mga Certified Public Accountants
6 posts
Photo Blog KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (FILIPINO 1)
Don't wanna be here? Send us removal request.
accountingbraindrain · 7 years ago
Text
“Pangingibang-bansa ng mga Certified Public Accountants (CPA) o Accountants sa Pilipinas”
Bawat kabataan ay may sariling mithiin na nais maabot sa buhay. Ang ilan ay nangangarap na maging doktor, ang ilan naman ay nangangarap maging abogado. Hindi rin maiaalis sa mga pangarap na ito ang mga nagnanais na maging arkitekto o kaya naman ay inhinyero, at gayudin ang pagiging isang Certified Public Accountant (CPA) o Accountant.
Tumblr media
 Isa sa mga kinakailangan na propesyon sa ating bansa ngayon ang mga Accountant at lalo na ang mga nakapasa sa board exam nito na nagkakaroon ng titulo na Certified Public Accountant. At dahil sa pangarap na ito, ang bawat mag-aaral na nagnanais maging propesyon ito ay nagsisikap na makapasok sa mga paaralan at unibersidad na talaga namang nangunguna sa larangan ng Accountancy. Isa sa mga institusyon na ito ay ang Unibersidad ng Santo Tomas (UST) sa España sa lungsod ng Maynila.
 Kilala ang Unibersidad ng Santo Tomas sa larangan ng Accountancy.  Taun-taon maraming mag-aaral ang nagnanais na makapasok dito at magkaroon ng pagkakataon na makapag-aral at malinang ang kakayahan sa Alfredo M. Velayo – College of Accountancy. Sa pagnanais na maging mahusay sa propesyonal sa larangan na ito, ang bawat mag-aaral ay tunay na nagsisikap na mapagtagumpayan ang kurso sa pagsusunog ng kilay sa pag-aaral.
Tumblr media
Lagi na lang nadadatnan ng mga estudyante si ​Debit ​at si ​Credit. ​Idagdag pa ang mga nakakalitong entrada tulad ng Adjusting Entries ​at Closing Entries. Araw-araw maituturing nang kadikit nila ang mga libro at gayundin ang kanilang mga calculator para mabalanse ang ​Trial Balance​, at gayundin ang paggawa ng iba’t ibang​ financial statements t​ulad ng​ Statement of Comprehensive Income at Statement of Financial Position.
Ayon sa karamihan, isa sa mga pinakamahirap na kurso ang ​Bachelor of Science in Accountancy. Gayunpaman, dahil sa pinanghahawakan na pangarap na ito ng mga mag-aaral ay patuloy silang nagsisikap upang makapagtapos sa kursong ito. Isa ring malaking karangalan at katagumpayan ang maranasan na makadaan sa makasaysayang​ Arch of Centuries n​a sumisimbolo ng pagtatapos ng pag-aaral at kahandaan ng mga estudyante sa pagsisimula bilang mga propesyonal at pagharap sa mga pagsubok ng buhay.
Tumblr media
Ngunit hindi sa graduation natatapos ang paglalakbay ng isang Accountant sapagkat isa rin sa mga mithiin nila ang makapasa sa board exam. Bago pa sila kumuha ng board exam, ang mga estudyante ay dumaan sa matinding pagaaral para sila ay makasiguradong maipapasa nila ito sapagkat pagkatapos nito at kapag ito ay kanilang napasa masasabi na nila sa sarili nila na ang pinagdaanan nilang mahirap na proseso, ang oras na kanilang binibigay sa pagaaral araw araw apat o limang taon, at ang mga araw na hindi na sila halos natutulog, ay may bunga pala, na matatawag nadin nila ang sarili mga sarili nila isang accountant. Ngunit hindi pa doon nagtatapos ang lahat, pag katapos lumabas sa eskwelahan na naghubog sa mga estudyante na maging isang magaling na CPA, sila na ay haharap sa mundo ng realidad. Mas malaki pa ito kesa sa eskwelahan na araw araw nilang nilalakad at minsan ay nagrereklamo na ang haba naman ng kanilang nilalakad , mas marami pa silang makikilala na mas malalaki at maimpluwensiyang mga tao, at mas mahihirapan pa silang makipag kasundo sa magiging kasama nila sa trabaho. Ang mundo sa labas ng eskwelahan ay mas mahirap sapagkat ito ay umiikot na sa huwastong pag gamit ng pera, ang pag buo ng mga plano sa hinaharap, at ang pag tuwid ng mga planong gawin sa buhay para sa paghahanda ng pagbubuo ng sariling pamilya. Dito na pumapasok ang mga planong lumabas ng bansa sa isip na mas malaki ang kikitain bansang mas malalaki din kumpara sa atin. Dito na pumapasok ang kaisipan na mas makakaipon ng malaking pera kung luluwas ng bansa at gamitin ang ating serbisyo kapalit sa pagiiwan ng ating bansa na higit na nangangailangan sa atin para sa mithiing makaipon ng mas malaking pera na makakatulong sa pagbuo ng isang maayos na pamilya sa hinaharap, sa matihiing mas malaki ang magiging kita na makakatulong sa mabilis na pagkamit ng mga pinapangarap na mga luho na isaasam simula pa nung mga panahong nagaaral palang.
Tumblr media
0 notes
accountingbraindrain · 7 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
accountingbraindrain · 7 years ago
Photo
Tumblr media
0 notes
accountingbraindrain · 7 years ago
Text
CPA LICENSURE EXAM PASSING RATE
University of Santo Tomas CPA passing rate
Oct 2013 89.65%
Oct 2014 67.53%
Oct 2015 95.29%
Oct 2016 90.72%
Oct 2017 91.99%
Tumblr media
0 notes
accountingbraindrain · 7 years ago
Text
MGA DAHILAN NG PANGINGIBANG BANSA NG MGA ACCOUNTANT
Ngunit bakit nga ba nangingibang-bayan ang mga ​Certified Public Accountants o​ ​Accountants na hinubog ng ating sariling bansa? Sadya bang nanaisin ng ating mga propesyonal na ibigay ang kanilang mga kakayahana para sa pag-unlad ng ibang bayan? Tunay nga bang ganun kadali iwanan ang sariling bansa para sa mga kadahilanan na ito?
Tumblr media
Brain Drain
Ang mga estudyante ng Accountancy at ang mga nakapasa sa CPA boards ay mayroong iisang layunin at iyon ay ang makapaghanap ng trabaho. Nais nila magkaroon ng trabaho na pangmatagalan at makapagbibigay ng suweldo. Mabuti ito dahil makatutulong ito sa ekonomiya ng bansa. Ngunit, habang tumatagal ay mas marami na ng porsyento ng mga Pilipino ay nag-iibang bansa para magtrabaho. Kasama na rito ay ang mga estudyanteng nakapagtapos ng Bachelor of Science in Accountancy, Bachelor of Science in Management Accounting, at pati na rin ang mga CPA board exam passers. Sa larangan ng Ekonomiks, sinasabi nila na mayroong “push and pull factors” na nakakakaapekto sa paglisan ng mga Pilipino sa bansa para magtrabaho sa ibang bansa. Ang push factors ay ang mga negatibong katangian ng bansa na pinagagalingan ng mga propesyunal. Halimbawa ng push factors ay ang kakulangan sa mga pasilidad ng pananaliksik, hindi kanais-nais na working conditions, at kawalan ng trabaho. Ang kabaliktaran ng push factors ay ang pull factors. Ang pull factors ay ang magandang katangian ng bansa na paglilipatan ng mga propesyunal. Ang bansang iyon ay maaring nagbibigay ng oportunidad ng mas malaking sweldo, magandang kultura, at matatag na estado ng pulitika.
Mababang Sweldo
Lahat ng tao na nagpapaka-dalubhasa sa isang propesyon ay hangad na magkaroon ng magandang trabaho upang magkaroon ng maayos na sweldo. Kung titimbangin natin, hindi makatarungan ang bigayan ng sweldo sa Pilipinas kaysa sa ibang bansa. Dahil mas mataas ang sweldong makukuha mo sa ibang bansa kumpara sa Pilipinas kaya't hindi natin masisisi ang mga Pilipinong mas piniling mag trabaho sa ibang bansa dahil pera ang bumubuhay satin at hindi natin magagamit ang ating propesyon kung ikukulong natin ang ating sarili sa loob ng mga rehas ng Pilipinas.
Tumblr media
Mas Malaking Oportunidad sa ibang bansa
Maraming mga Pilipinong accountants ang gustong mag trabaho sa ibang bansa dahil bukod sa mas malaki at maganda ang oportunidad nila doon, di hamak na mas malaki din ang demand ng mga accountants sa labas ng Pilipinas. Ayon kay Joel L. Tan-Torres na tagapangulo ng BoA o Board of Accountancy, ang Pilipinas ay lumilikha ng 7,500 hanggang 8,000 na accountants ngunit hindi lahat ng mga ito ay mapalad na makakakuha ng trabaho sa Pilipinas dahil limitado lamang ang pangangailangan ng bansa. Bilang resulta, mas pinipili ng mga accountants na ito na mag ibang bansa dahil alam nila na madali silang makakahanap ng magandang trabaho doon dahil malaki ang pangangailangan ng mga ito sa nasabing propesyon. At dahil dito, naging negatibo ang epekto sa Pilipinas dahil ang bansang ito naman ang nakaranas ng kakapusan ng mga accountants dahil sa pag migrate ng mga propesyonal na ito sa ibang bansa
Tumblr media
0 notes
accountingbraindrain · 7 years ago
Text
MGA MAAARING MAGING SOLUTION SA BRAIN DRAIN
Ang makapag-Abroad ay isang karapatan ng isang tao upang maingat niya ang kanyang pamumuhay mula sa bansang mababa ang pasahod sa mga manggagawa. Kung ang isang bansa ay di kaya ibigay ang mga pangangailangan ng mga tao niya, malaki ang posibilidad na mag emigrate ang mga tao niya upang makapamuhay ng mas magandang buhay. Ang tawag galaw na ito ay “Brain Drain”
Itaas ang Pasahod
Kinakailangan na mabigay ng isang gobyerno ang pangangailangan ng isang tao sa pamamagitan aspetong pinansyal. Aminin natin na mahalaga sa ating mga tao ang pera dahil isa ito sa mga nagbibigay ng ginhawa sa mga tao. Kung ang isang tao ay isang taong nakaka-angat, malamang sa malamang masaya na ito sa kanyang buhay at hindi na kinakailangan mangibang bayan pa. Ang minimum wage natin sa ngayon ay nasa 3,500 pesos kada buwan kaya talagang mas pipiliin ng tao ang alok na trabaho mula sa ibang bansa na may mas mataas na pasahod. Ang accountant sa ibang bansa ay nakakakuha ng sahod na nagkakahalaga ng $21,450  ang pinakababa at  $53,250 ang pinaka mataas.
Benepisyo sa sariling Bansa
Mas maraming benepisyo mula sariling Gobyerno mas maganda. Kung mura ang paospital, edukasyon at serbisyo ng Gobyerno ng isang bansa, naaakit nito ang ating mga kababayang acountant na wag na umalis at naakit din nito ang ibang mga dayuhan na magtrabaho din sa ating bansa.
Pagandahin ang ekonomiya
Dapat mag hikayat ang ating gobyerno ng maraming foreign investors upang magkaroon ang mga pilipino ng mga trabaho. Kung maraming pumasok na Foreign Investors sa ating bansa, papasok ang pera at tataas na ang kalidad ng trabaho ng mga Accountant dahil magkakaroon na ng demand sa mga ito. Di lang ang mga Accountant ang makakaranas ng  benepisyo ng pag taas ng ating ekonomiya, kundi ay para rin sa mga regular na pilipino dahil magkakaroon na sila ng tiyansa upang magkaroon ng trabaho.
Pababain ang tax
Di lang ang mga regular na Pilipino ang nag babayad ng tax, kundi ang mga malalaking kompanya. Kung mataas ang binabayaran na tax ng mga malalaking kompanya, babawiin na nila ang kanilang mga investments ititigil na nila ang operasyon ng kanilang operasyon at maraming pilipino ang mawawalan ng trabaho at baba rin ang demand ng mga  Accountant ng mga accountant kaya mapipilitan sila mang-ibang bansa upang makahanap ng mas maganda trabaho.
0 notes