Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Introduksyon
Ang Panitikang Pilipino sa wikang Pilipino ay isa sa mga bagay na ginusto kong mahalin ngunit ayaw sa akin. Dahil sa pagpapalaki at edukasyon na ang kalinangan ay nasa paghasa sa kasanayan sa wikang Ingles, lumaki akong nagbigay ng importansya sa mga kathang nasa wikang Ingles lamang. Pilipino man ang manunulat o hindi, pinaniwala ko ang sarili ko na mas mainit akong sinasalubong ng mga salitang Ingles kaysa mga salitang nasa Pilipino.
Ngunit pagpasok ko sa Unibersidad, nagbago ang lahat. Sa tulong ng mga aral sa Unibersidad, nabuksan ang aking isip na siksik sa ganda at kulturang kinabibilangan ko ang mga kathang Pilipinong nakasulat sa Pilipino. Laki din ang tuwa ko ng malaman kong may mga kursong tinuturo sa Pilipino na kailangan kong kunin. Ngunit, dahil din sa takot (at mga kumplikasyong dala ng bulok na SAIS), sa huling semestre ko na sa kolehiyo nakuha ang kursong inaabangan ko.
Sinimulan ko ang FIL 20 na pasibong tumatanggap ng mga kathang Pilipino. Pero ngayong nagtapos na ang pag-aaral namin sa loob ng apat na dingding ng aming klasrum, maipagmamalaki kong ako mismo ang sumulat ng mga katha sa Pilipino. Hinila ako ng aming klase mula sa pagtanga lamang sa mga katha papunta sa aktibong partisipasyon sa paggawa ng katha. Natuto akong sumulat, umintindi, at kalikutin ang pasikut-sikot ng mga porma ng paggawa ng katha. Ang aking pagsisi lamang ay hindi ko kinuha ang klaseng ito ng mas maaga.
Ngayon, aking ibinabahagi ang aking naging paglalakbay.
0 notes
Text
Kahulugan ng pangalan

Pagsasanay: Nag-imbento kami ng pinagmulan ng aming apelyido, pinag-laruan ang pagkaka-ayos ng mga letra at pantig. Kinailangan ding gumawa ng kapani-paniwalang kwento na nagbigay-bunga sa pangalan na ito. (Kalakip ang litrato ng unang draft)
TACLAS (pangngalan)
: mula sa mga salitang Tac na nagmula sa Tagalog na salitang “taktak” (pangalan ng talong Hinulugang Taktak sa Antipolo, Rizal) at Las na nagmula sa Kastilang salitang “blas” (nangangahulugang maputla);
: nangangahulugan sa kahinaan ng pinakaunang ninuno ng mga Taclas na sumasagisag sa pagbagsak mula sa mapayapang pamumuhay patungo sa magulong relasyong pampamilya na dulot ng kapabayaan ng mga nagiging padre de pamilya
0 notes
Text
Dramatikong tula
Pagsasanay: Sumulat ng tula na may tiyak na lugar at panahon (tagpuan), may paglalarawan ng kalagayan ng isang persona, at may paglalahad ng kanyang mga saloobin. Hamon: hindi dapat lumitaw sa tula ang emosyong nais ihatid sa mambabasa.
dalawang paang bugbog walang hinto sa pagyabag biktimang tulad ng iba pang libo ang bilang mga manlalakbay na tahanan ang direksyong tinatahak mga lungsod na dinadaana'y di kilala tatahakin pag-uwi mula sa Unibersidad na mahal sakripisyo'y oras-oras ng parusa tila ba'y senakulo ni Hesus patungo sa kamatayan
0 notes
Text
Diagram/Talingahaga: Paano suriin ang tulang “May bagyo ma’t may rilim”
Pagsasanay: Gumawa ng diagram o talingahaga na magpapakita ng proseso ng mainam na paraan ng pagbasa ng tulang May bagyo ma’t may rilim. (Kalakip ang link ng unang draft ng gawa [https://drive.google.com/file/d/1baELT4kegdtKewtzXFQf07goQ3sH-_MG/view?usp=sharing]) at imahe ng talinghaga para sa huling bersyon)

Pinili kong gamitin ang talinghaga ng sikat na kwento mula sa Bibliya ng paghati ni Moses sa Dagat na Pula upang maligtas ang kanyang mga kababayan. Kung babasahin ang tula, makikitang may dalawang adhikain ang tagapagsalita: ang hanapin ang kanyang Diyos (”Toloyin cong hahanapin / Dios na ama namin”) at ang kaligtasan (”Aco’y magsusumikad / Babagohin ang lacas / Dito rin hahaguilap / Timbulang icaligtas”).
Maaring gamitin sa pagbasa ng tula ang paglalakabay ng mga kababayan ni Moises papunta sa Canaan. Maikukumpara ang paghawi ni Moises sa dagat sa pagbasa sa gitna ng mga linya ng tula at ang makalumang pagbababaybay sa mga salita. Hamon sa mambabasa ang pagbasa sa tula dahil sa lumang paraan ng pagbababay pati na ang kalaliman ng mga salitang ginamit. Tulad ng pagsubok ni Moises, kinakailangan ng pagbalik sa nakaraan ng mambabasa para maunawaan ang kahulugan ng mga salitang ginamit, tulad ng pagbalik ni Moises sa mga pangakong tinupad ng kanyang Panginoon. Maihahambing din ang pananampalataya ni Moises at kanyang mga kababayan na sila’y maliligtas mula sa kapahamakan pagdating nila sa kabilang dulo ng dagat, sa tiwala ng mambabasa sa tula na mayroong mensaheng naghihintay sa pagkatapos magpursiging intindihin ang tula. Huli, tulad ng kaligtasang ipinangako ni Moises at kanyang mga kababayan, may naghihintay na kaliwanagan sa mambabasa tulad ng liwanag na naghihintay sa kabilang dulo ng dagat.
0 notes
Text
Ang Dapat Mabatid ng Mga Tagalog
Direksyon ng propesor: Sumulat ng sanaysay para sa isang sektor o grupo ng tao sa Pilipinas batay sa padron o pagkakasulat ng “Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog” ni Andres Bonifacio. Ilaan ang unang paragraph sa deskripsyon ng kalagayan ng pinili ninyong sektor/ grupo. Sa ikalawa, magfokus sa bahaging “Itinuturo ng katuwiran...” at sa ikatlo, deskripsyon ng kalagayang mangyayari kapag kumilos ayon sa itinuturo ng katuwiran.
ANG DAPAT MABATID NG MGA MAGSASAKA
Ytong Katagalugan na pinamamahalaan ng unang panahon ng ating tunay na mga kababayan niyaong hindi pa tumutungtong sa mga lupaing ito ang mga kastila ay nabubuhay sa lubos na kasaganaan, at kaguinhawahan. Kasundo niya ang mga kapit bayan at lalung lalo na ang mga taga Japon sila’y kabilihan at kapalitan ng mga kalakal malabis ang pag yabong ng lahat ng pinagkakakitaan, kaya't dahil dito’y mayaman mahal ang kaasalan ng lahat, bata't matanda at sampung mga babae ay marunong bumasa at sumulat ng talagang pagsulat nating mga tagalog. Dumating ang mga kastila at dumulog na nakipagkaibigan. Sa mabuti nilang hikayat na di umano, tayo'y aakain sa lalung kagalingan at lalung imumulat ang ating kaisipan, ang nasabing nagsisipamahala ay ng yaring nalamuyot sa tamis ng kanilang dila sa paghibo. Gayon man sila'y ipinailalim sa talagang kaugalian ng mga tagalog na sinaksihan at pinapagtibay ang kanilang pinagkayarian sa pamamaguitan ng isang panunumpa na kumuha ng kaunting dugo sa kanikanilang mga ugat, at yao'y inihalu't ininom nila kapua tanda ng tunay at lubos na pagtatapat na di mag tataksil sa pinagkayarian. Ytoy siang tinatawag na "Pacto de Sangre" ng haring Sikatuna at ni Legaspi na pinaka katawan ng hari sa España.
Buhat ng ito’y mangyari ay bumibilang na ngayon sa tatlong daang taon mahiguit na ang lahi ni Legaspi ay ating binubuhay sa lubos na kasaganaan, ating pinagtatamasa at binubusog, kahit abutin natin ang kasalatan at kadayukdukan; iguinugugol natin ang yaman dugo at sampu ng buhay sa pagtatangol sa kanila; kinakahamok natin sampu ng tunay na mga kababayan na aayaw pumayag na sa kanilay pasakop, at gayon din naman nakipagbaka tayo sa mga Ynsik at taga Holanda na nagbalang umagaw sa kanila nitong Katagalugan.
Ngayon sa lahat ng ito'y ano ang sa mga guinawa nating paggugugol nakikitang kaguinhawahang ibinigay sa ating Bayan? Ano ang nakikita nating pagtupad sa kanilang kapangakuan na siang naging dahil ng ating pag gugugol! Wala kung di pawang kataksilan ang ganti sa ating mga pagpapala at mga pagtupad sa kanilang ipinangakung tayo'y lalung guiguisingin sa kagalingan ay bagkus tayong binulag, inihawa tayo sa kanilang hamak na asal, pinilit na sinira ang mahal at magandang ugali ng ating Bayan; Yminulat tayo sa isang maling pagsampalataya at isinadlak sa lubak ng kasamaan ang kapurihan ng ating Bayan; at kung tayo’y mangahas humingi ng kahit gabahid na lingap, ang naguiguing kasagutan ay ang tayo'y itapon at ilayo sa piling ng ating minamahal na anak, asawa at matandang magulang. Ang bawat isang himutok na pumulas sa ating dibdib ay itinuturing na isang malaking pagkakasala at karakarakang nilalapatan ng sa hayop na kabangisan.
Ngayon wala ng maituturing na kapanatagan sa ating pamamayan; ngayon lagui ng guinagambala ang ating katahimikan ng umaalingawngaw na daing at pananambitan bunton hininga at hinagpis ng makapal na ulila, bao't mga magulang ng mga kababayang ipinanganyaya ng mga manlulupig na kastila; ngayon tayo'y malunod na sa nagbabahang luha ng Yna na nakitil na buhay ng anak sa pananangis ng sanggol na pinangulila ng kalupitan na ang bawat patak ay katulad ng isang kumukulong tinga, na sumasalang sa mahapding sugat ng ating pusong nagdaramdam; ngayon lalut lalu tayong na bibilibiran ng tanikala ng pagkaalipin, tanikalang nakalalait sa bawat lalaking may iniingatang kapurihan. Ano ang nararapat nating gawin? Ang araw ng katuiran na sumisikat sa Silanganan, ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin, ang liwanag niya'y tanaw sa ating mga mata, ang kukong nag akma ng kamatayang alay sa ating ng mga ganid na asal. Ytinuturo ng katuiran, na wala tayong iba pang maaantay kundi lalut lalung kahirapan, lalut lalung kataksilan, lalutlalung kaalipustaan at lalut lalung kaalipinan. Ytinuturo ng katuiran, na huag nating sayangin ang panahon sa pagasa sa ipinangakong kaguinhawahan na hindi darating at hindi mangyayari. Ytinuturo ng katuiran ang tayo'y umasa sa ating sarili at huag antain sa iba ang ating kabuhayan. Ytinuturo ng katuiran ang tayo'y mag kaisang loob magka isang isip at akala at ng tayo'y magkalakas na maihanap ang naghaharing kasamaan sa ating Bayan.
Panahun na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng katotohanan; panahon ng dapat nating ipakilala na tayo’y may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon panahun ng dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahun na ngayong dapat makilala ng mga tagalog ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat isang hakbang natin ay tumutuntong tayo at nabibingit sa malalim na hukay ng kamatayan na sa ati’y inuumang ng mga kaaway. Kaya! oh mga kababayan! ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag asa na mag tagumpay sa nilalayong kaguinhawahan ng bayang tinubuan.
0 notes
Text
SALIN: “Needing No Time”


Pagsasanay: Isalin sa Filipino mula sa Ingles ang tula ni Carlos Bulosan na Needing No Time. Kailangang tandaan na ang isinasalin ay ang diwa hindi ang anyo ng tula. (Kalakip ang mga imahe ng unang draft ng salin).
Wala Nang Oras
Wala nang oras para luhaan ang mga nakakakadenang karangyaan Tinatanggap tayo ng kinabukasan Sa yakap ng kanyang katotohanan kung saan Panggagaya ang ipinipintang larawan Ng alaala ng mga tuklas at nakasisilaw na bayan; Kung saan isang takipsilim ng mga ulap ang nakaraan Na binaon sa panahon at nilamon ng kasaysayan. Tayo'y nakatindig sa takipsilim habang sa araw ay nakatitig Sinasakal ang ating sarili sa kamay ng ating pagtangis. Ninanais nating maibulsa ang nakaraan Ito'y kalansingin sa tunog ng ating kagalakan Nang mabuhay ang pananampalataya-- Pabangong humahalimuyak sa gumaganap na umaga. Ang paglipad ng oras sa mga taon Patunay na ang nakaraan at isang tumpok ng abong dahon. At di natin ito makakamtan sa salat na mga palad Sinsunggaban ang mailap na hangin Ang nakaraan ay nakalipas at hindi ito mababago. Kung 'di na mababago, 'di na kailangan. Kung 'di na kailangan, wala nang dapat kalungkutan. Kung wala nang dapat kalungkutan, dapat na itong sirain. Ang kinabukasan ay para sa pag-asa at ito'y ating nais. Kung ito'y ninanais, ito'y maaangkin. Kung ito'y maaangkin, ito na ang lahat. Kung ito na ang lahat, ito'y dapat ipaglaban. Ganito natin haharapin ang bukas Ganito titindig sa paglubog ng araw Habang nakatitig sa araw, wala nang oras para Luhaan ang martsa sa parating na umaga.
0 notes
Text
Haibun

Direksyon ng propesor: Sumulat ng isang haibun (kombinasyon ng prosa at tula). Ang unang dalawang linya sa haiku ay dapat na maging patibong na kailangan mahusay na maikasa para mahuli ang konklusyon/mensahe sa ikatlong linya. (Kalakip ang unang draft ng gawa).
Ako’y bumuntong-hininga, pinakalma ang sarili. Sumambit ako ng tahimik na dasal na sana’y walang akong malimutang linya. Pananabik at pangamba ang nararamdamanan ko sa aking unang beses sa likod ng tanghalan.
Kabog ng dibdib Salimbayan ng sinag at sigaw Ang pagtatanghal
0 notes
Text
Padron ng Tunog

Pagsasanay: Gumawa ng tunog gamit ang tatlong pantig at magsulat ng dalawang-linyang tula na aangkop sa silabikasyon ng nagawang tunog. (Kalakip ang scratch ng unang gawa).
Gravinda gravidavin gravivin Hawig mo ay upos ng posporo Said at lumalangoy sa antok Gravinda gravidavin gravivin
0 notes
Text
Tulang Hugis/Kongkretong Tula
Pagsasanay: Gumamit ng isang salita para humugis ng isang imahe. Kailangang maipakita ang banggaan ng mga imahe at teksto.

1 note
·
View note