akobatch81
akobatch81
AKΩ
4 posts
| LACHICA | LAYGO | MILLA | TANQUINTIC | TONSON | Dedikado ang blog na ito sa pagpapahiwatig ng kakayahang ipakita ang mga realidad ng kanilang panahon at ang kaugnayan ng mga produksiyong AKO at Batch ‘81
Don't wanna be here? Send us removal request.
akobatch81 · 6 years ago
Text
Paghahambing
    Mayroong ilang eksena mula sa pelikulang Batch ‘81 na binago sa dulang AKO. Kabilang dito ang eksena sa pagkalat ng bidyo na pornograpiya ni Pacoy Ledesma na inilabas sa buong paaralan at hindi lamang sa pagitan ng mga miyembro ng AKO (tulad ng sa pelikula) . Nagbago ang klase ng media na ginamit upang ipalabas ito na hindi na telebisyon kundi Facebook Live. Napansin rin ng aming grupo na may mga naiwan pang buhay sa rambulan ng mga fraternity na dapat namatay nang tulad sa pelikula. Binago din ang pagganap ng AKO na ginawang “beauty pageant” sa halip na isang song number na Cabaret. Nagbago rin ang ginawa sa bangkay ni Arni. Nilagyan ng droga ang kanyang bangkay imbis na iniwan lamang at ginawa nila ito bilang pekeng ebidensya sa dahilan ng kanyang pagkamatay.
Tumblr media
             Bukod sa mga idinagdag, mayroong mga eksena na tinanggal na hindi makikita sa dula na galing sa pelikula. Isa dito ang eksena noong binista ni Vince at Sid Lucero ang doktor [na miyembro din ng AKO] para sa isang ‘check-up’ na naging isang hazing session. Sumunod din ang eksena noong naghahapunan sina Sid at Ami kung saan pinagusapan nila dito ang pakikipagsali ni Sid sa AKO.
Tumblr media
Madaming eksenang idinagdag sa dula upang maging mas angkop ang produksiyong AKO sa panahon ngayon. Dinagdag na gumagamit ng droga si Tina at ang eksenang nagparty siya na sa impluwensiya nito. Dinagdag din ang eksena kung saan mayroong monologue ang bawat fraternity member ng AKO. Kasama dito ang monologue ni Pacoy kung saan ipinakita siyang nagnonood ng pornograpiya sa kaniyang cellphone at nagsasalsal. Isa pang dagdag ang eksena kung saan nakipagusap si Ronnie kay Pearl, ang kasintahan ni Master Vincent, na magpanggap bilang kasintahan niya para hindi siya ma-ungguyan ng mga Master. Dinagdag din ang patama tungkol sa isyu ng Pilipinas ngayon kagaya ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa beauty pageant. Hinggil sa mga eksena ng mga titser, nagkaroon sila ng pag-uusapan tungkol sa mga namatay na frat member kung saan ipinahiwatig ng isang propesor ang mga implikasyon ng mga aksyon ni Santi bilang miyembro ng AKO.
Tumblr media
Sanggunian ng mga Larawan:
Gomez, Jerome. “Esquire.” Esquire, images.summitmedia-digital.com/esquiremagph/images/2017/06/27/akobatch81-screencap3.png.
“IMDB.” IMDB, www.imdb.com/title/tt0138317/mediaviewer/rm3859686144.
Katigbak, Waldo. “Evo & Grace: The Wanderlusts.” Evo & Grace: The Wanderlusts, Gomez, Jerome. “Esquire.” Esquire, images.summitmedia-digital.com/esquiremagph/images/2017/06/27/akobatch81-screencap3.png.
0 notes
akobatch81 · 6 years ago
Text
Paglulugar
Paano nakikita ang kaligirang pangkasaysayan (lugar/panahon) sa produksiyong Batch ‘81 at produksiyong AKO?
Ipinapakita ang panahon sa pagbihis at sa mga props o teknolihyang ginamit. Ang mga damit na sinuot ng mga karakter sa produksiyong Batch ‘81 ay maituturing retro na istilo na makikita sa kanilang mga bell bottom na pantalon, mga maluwag na polong may mahabang manggas, at sa kanilang buhok sa medyong mahaba at “flowy” o “feathery”. Hindi katulad ng produksiyong AKO, mas moderno at angkop sa panahon ngayon ang mga sinusuot ng karakter.
Sa teknolohiya, may mga eksena sa produksiyong AKO na nangyari dahil sa bagong teknolohiya ng aming panahon ngayon kagaya ng pagnood ni McCoy ng pornogropiya sa kaniyang cellphone sa kaniyang indibiduwal na monologue at sa paggamit ng Facebook Live noong ipinakalat ng mga master ang pagtalik niya sa babaeng dinala niyang mga bulaklak galing kay Master Gonzales.
Ano ang tuon at lapit sa dalawang produksiyon? Paano ito nagkaiba at bakit kaya ito nagkaiba?
Isang posibleng dahilan ng pagkaiba ng tuon ang pagkakaiba ng panahon ng mga produksiyon ng Batch 81 at ng AKO. Iba ang mga isyu at mga problema ang naranasan ng mga tao sa lipunan noong panahon kung kailan ginawa ang Batch 81. Sa panahon 1980, maraming pangyayari ang naganap. Ito ang panahon kung kailan nasa Martial Law ang Pilipinas. Nararanasan ng mga Pilipino ang karahasan ng pumumuno ni Marcos kung saan marami ang nawala, nasaktan, at namatay. Panahon din ito kung kailan lumalaganap at umuunlad ang teknolohiya sa mundo. Sa kasalukuyang panahon na ginawa ang AKO, iba-iba rin ang mga problema sa panahon na ito. Isang isyu na puwedeng pagusapan ay ang War on Drugs ni Pangulo Rodrigo Duterte. Maraming mamayan ang napaslang sa War on Drugs at ito ang paksa ng maraming kontrobersiya. Problema rin sa panahon na ito ang panganib ng paggamit ng teknolohiya. Totoo na umunlad ang teknolohiya ngunit dahil dito, nagkaroon ng mas maraming paraan kung saan puwede isaktan ang tao—isang halimbawa ang paggamit ng “live streaming” na ipinamahagi sa mundo ang kawalan ng “privacy”. Kahit na hindi eksaktong magkapareho ang mga problema ng panahon noon at panahon ngayon, mayroon paring pagkakatulad at paghahambing ang mga isyu.
0 notes
akobatch81 · 6 years ago
Photo
Tumblr media
“Http://Entertainment.inquirer.net/Files/2017/08/t0807batch813.Jpg.” Http://Entertainment.inquirer.net/Files/2017/08/t0807batch813.Jpg.
0 notes
akobatch81 · 6 years ago
Text
Ebalwasyon
Naaangkop at napapanahon ba ang mga pagbabagong ginawa sa orihinal na materyal?
Napapanahon ang mga pagbabagong ginawa sa orihinal na materyal dahil sa pagdagdag ng teknolohiya na laganap sa ating kasalukuyan. Ipinagsama ang konsepto ng teknolohiya sa dulang Alpha Kappa Omega bilang pamamagitan upang ipamahagi ang impormasyon sa pagitan ng mga aktor.
Dahil din sa mga pagbabago ay napapag-usapan ang mga ilang isyung panlipunan na inihinaharap ng Pilipinas ngayon, tulad ng war on drugs, isyu ng hazing ng mga frat, at feminismo.
Tumblr media
Naging matagumpay ba ang Batch ‘81 at ang AKO bilang masining na pagtatanghal ng kontemporaryong usaping panlipunan? Bakit o bakit hindi? Paano?
Naipapakita ng pelikulang Batch ‘81 ang iba’t ibang aspeto na nagpapahiwatig kung kailan ito ginawa. Mayroong dalawang beses kung saan ipinahiwatig ng Batch ‘81 ang nangyaring Batas Militar. Unang-una ay ang  partikular na eksena sa Batch ‘81 kung saan itinanong ang mga bagong kasapi tungkol sa kabutihan ng Batas Militar sa Pilipinas at ang ikalawang beses ay sa mismong dynamiko ng AKO na ayon kay Snipper Media, “The movie portrayed the harsh conditions of hazing, torture, and power struggle within a fraternity, but it mirrored the tumultuous time of Martial Law” (Pineda, 2018).
Sa dulang AKO, makakamit ang pagiging masining na pagtatanghal ng kontemporaryong usaping panlipunan sa paggamit ng teknolohiya, pagtukoy ng ”social justice”, at iba pang tagapagpahiwatig na nagpapakita na ito’y inilikha sa ika-21 siglo. Ayon kay Nadia Fawad, “Art depicts the interplay between individuals and the material world. It intertwines and stitches together the material and spiritual realities and brings forth a reality that is truer than life” (Rehmat, 2017). at dahil dito pumapasok ang teknolohiya sa produksiyong AKO, hindi katulad ng Batch ‘81, upang ipakita na ang kontekstong ipinapahiwatig sa produksiyong AKO ay ang kasalukuyan. Isang halimbawa ay makikita noong ipinagtawanan ng mga “masters” si McCoy bilang unggoy. Dito ipinapakita ang natatanging paggamit ng Facebook Live, isang konseto na magkalapit sa mga manonood. Sa eksena ng pagtatalik nina Pearl at Vincent, binanggit ni Pearl ang feminismo— isang konsepto na nagtatalakay ng isyung panlipunan ngayon. Noong pinagalitan ni Pearl si Vince na nagsimula ng kanilang pagaway sa isa’t-isa dahil sa agresyon ni Pearl tungkol sa feminismo, sinalamin niya dito ang negatibong pananaw sa mga peminismo ngayon na ayon kay Dr. Katherin Wimbley ng University College London, “while feminism does mean equality, many people may "affiliate the term feminist with ‘man-hating'. Some people, she continues, "typify feminists as ‘shouty’ and ‘aggressive’, and do not see themselves nor want to be seen in that way.” (Petter, 2018).
Sa eksena ng “beauty pageant”, makikita ang pagbanggit ng diskurso at tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China na nangyayari ngayon dahil sa kawalan ng pagkakasundo hinggil sa teritoriya at ang pagsakop ng Scarborough Shoal sa South China Sea ayon sa World socialist Website (Santolan, 2017). Sa kabila ng itong layuning pangkomedya, nagdadala rin ito ng realidad at kalagayan ng ating bansa .
Mainam ang pagtatanghal ng kontemporaryong usaping panliupnan sa pelikulang Batch ‘81 at dulaang AKO dahil naisalamin ng mga ito, sa mga manonood ang panahon kung kailan ito inilikha. Ayon sa “History in the Text” ni Resil Mojares, naging medyum ang mga produksiyon upang maibahagi ang mga isyu ng panahon kung kailan ginawa ang mga ito. Sa konteksto ng pelikulang Batch ‘81, naipakita ang realidad ng mga “fraternities” sa panahon kung kailan ito inilikha. Ngunit bago maituturing isang tunay na masining na pagtanghal ng kontemporaryong usaping panlipunan ang pelikulang Batch ‘81, nangangailangan ito ng layuning pukawin ang mga manonood. Isinalaysay lamang ng pelikulang Batch ‘81 ang mga kuwento ng kapatiran at pagdusa ng mga miyembro ng fraternity. 
Mga Sanggunian:
Gomez, Jerome. “An Oral History of Mike De Leon's Batch '81.” Esquiremag.ph, Esquire Philippines, 27 June 2017, www.esquiremag.ph/long-reads/notes-and-essays/an-oral-history-of-mike-de-leon-batch-81-a1549-20170627-lfrm6.
Mojares, Resil. Origins and Rise of the Filipino Novel: A Generic Study of the Novel Until 1940. QC: University of the Philippines Press, 1983
Petter, Olivia. “Over Half of Millennial Women Don't Identify as Feminist - Here's Why.” The Independent, Independent Digital News and Media, 15 Aug. 2018, www.independent.co.uk/life-style/women/millennials-feminist-dont-identity-poll-refinery29-activism-a8492271.html.
Pineda, Dianne. “Martial Law on Film: Here’s a List of Documentaries and Movies about That Dark Time in Philippine History.” Snippet X, 21 Sept. 2018, www.snippetmedia.com/snippetx/?p=11111.
Rehmat, Kamran. “‘Art Reflects Innermost Realities of Humanity.’” Gulf, 11 June 2017, www.gulf-times.com/story/552858/Art-reflects-innermost-realities-of-humanity.
Santolan, Joseph. “Tensions Erupt between the Philippines and China over Disputed Island.” Tensions Erupt between the Philippines and China over Disputed Island, World Socialist Web Site Wsws.org Published by the International Committee of the Fourth International (ICFI), 30 Mar. 2017, www.wsws.org/en/articles/2017/03/30/phil-m30.html.
Torre, Ricky. “Retro Review: Batch '81.” SPOT.PH, 25 May 2014, www.spot.ph/entertainment/56411/retro-review-batch-81.
Sanggunian para sa Larawan:
“Inquirer.” Inquirer, entertainment.inquirer.net/196919/restoring-batch-81/t0703batch81a.
0 notes