an-excerpt
an-excerpt
qué será será
1K posts
keep shining ; since 2014
Don't wanna be here? Send us removal request.
an-excerpt · 2 years ago
Text
100 Days (Short story - Filipino)
100 Days
Umiling ang doktor sa kanya at iniwan siyang nanlulumo dahil sa balitang nalaman niya. Narito siya sa isang ospital at ngayon ay naglalakad na siya pauwi. Habang naglalakad siya sa maputi at malinis na pasilyo ng ospital, nakarinig siya ng mga iyakan na nagmumula sa isang kwarto. papalapit siya ng papalapit sa kwartong iyon at sa di sinasadyang pagkakataon, nakita niya ang bangkay na nakahiga sa kama at nakatalukbong ng kumot habang ang kanyang pamilya ay nag-iiyakan.
Ganyan din ang sasapitin ko. Lahat naman ng tao darating sa puntong iyon, mauuna nga lang ako, isip niya.
Siya nga pala si Cambrielle Fuentabella, 18 years old. Kilala sa tawag na Elle. Siya'y kaputian, may mahabang buhok ngunit sa dulo'y kulot, almond shape ang kanyang mga mata at may mahahabang pilik mata. Matangos ang kanyang ilong at may mapupulang labi. Siya rin ay may tamang tangkad at pangangatawan. Siya ngayon ay nasa ikalawang taon ng college at kumukuha ng Business Ad. Matalino, masayahin, masipag at mapagmahal na anak.
Habang pauwi na siya, dumaan muna siya sa isang simbahan. Tahimik siyang naglakad at umupo. Pumikit siya at taimtim na nagdasal.
Panginoon, bigyan Niyo pa Po ako ng isang pagkakataon. Kailangan ko Pong mabuhay para sa mga magulang ko. Marami pa Po akong pangarap na kailangan kong tuparin. Wala pa Po akong love life at ‘di ko pa Po nahahanap yung knight-in-shining-armor ko kaya Po hayaan Niyo muna po akong mahanap siya. Joke lang Po. Hehehe. Please Po, malakas pa Po ako at alam ko Po na kaya ko pa. Alam ko Po na isa lang tong pagsubok at malalagpasan ko rin ito. Please Po, bigyan Niyo Po ako ng konti pang panahon bago Niyo Po ako kunin.
Pagkatapos niyang magdasal, tahimik siyang umalis sa simbahan na iyon.
**
Samantala sa kabilang banda, nagkukumpulan ang mga tao, naghihiyawan at nagpupustahan. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao nang matanaw nila ang paparating na puting Ferrari. Malakas na palakpakan, hiyawan at abutan ng pera ang naganap nang lumabas ang driver nito–isang lalaki na nakasuot ng itim na leather jacket at may maangas na awra.
Siya si  Krypton delos Reyes, 18 years old. May kasingkitan ang kanyan mga mata at wala kang makikitang emosyon sa kanyang mga mata, sabi nga nila “cold eyes”. Matangos ang kanyang ilong, manipis ang kanyang labi, at pantay-pantay at mapuputi ang kanyang mga ngipin. Siya rin ay may tamang tangkad at pangangatawan. Hindi siya kayumangi ngunit 'di rin siya ganoon kaputi. Siya'y di na nag-aaral at namumuhay na lamang mag-isa ngunit kahit ganoon, may pera siyang pantustos sa kanyang sarili. Mahilig siyang sumasabak sa mga drag racing at sa iba’t ibang kaguluhan, na kung minsan ay siya pa mismo ang nag-uumpisa nito. Alam niyang magulo ang kanyang buhay at ito ang kanyang gusto–isang magulo at brutal na pamumuhay.
Pagkalapit niya sa taong nangongolekta ng pusta, hiningi niya agad ang kanyang premyo at umalis na. Dumiretso siya sa kanyang tambayan, ang palaruan sa kanilang subdivision, umupo sa isang duyan at dinuyan ang sarili. Madalas siyang pumalagi rito at uuwi lamang kapag malalim na ang gabi. Tahimik lang siyang nagduduyan at maririnig mo lamang ang mga kulisap at ang hangin na tumatama sa mga dahon ng puno. Napapikit siya at unti-unting bumabalik sa kanya ang mga masasakit na alaalang pilit niyang binabaon sa limot.
Makasalanan akong tao, dapat lang mangyari sa akin 'to. Ma, Pa, Chloe, Steph, patawarin niyo sana ako. 'Di ko sinasadyang mangyari iyon. Pinagsisisihan ko iyon at ngayon ay pinagdudusahan ko na yung kasalanan ko. Sa pag-iisip niyang iyon.
**
Sa kabilang banda, madaling araw nang magising si Elle sa kanyang mahimbing na tulog. 'Di niya mawari kung totoo ba o hindi ang kanyang panaginip. Napanaginipan niya na siya'y nagduduyan sa isang palaruan ng may bumabang anghel mula sa langit. Kinausap siya ng anghel at sinabing inutusan siya ng Panginoon na ibalita sa kanya na pagbibigyan siya sa kanyang dasal. Bibigyan siya ng Panginoon ng extension na sandaang araw para mabuhay ngunit sa isang daang araw na iyon kailangan niyang magawa ang kanyang misyon–ang baguhin ang isang tao.
Habang kumakain ng agahan si Elle kasama ang kanyang mga magulang, lumilipad ang isip niya sa kanyang panaginip. Iniisip niya kung totoo ba talaga iyon o hindi sapagkat may parte sa kanyang pagkatao na nagtutulak na paniwalaan ito.
Mabilis natapos ang araw ni Elle, para sa kanya ito'y walang kabuhay-buhay sapagkat maraming bawal sa kanya lalo na ang mapagod ng husto. Sa kabila ng nararamdaman, masiyahin pa rin siya at 'di pinapahalata sa kanyang mga magulang ang kanyang nararamdaman. Natulog siya ng maaga dahil iyon ang payo sa kanya ng doktor ngunit bago siya matulog, 'di pa rin mawala sa isipan niya ang kanyang panaginip hanggang sa kusang pumikit ang kanyang mga mata.
Makalipas ang dalawang oras, siya'y nagising ng dahil na naman sa isang panaginip. Napanaginipan niya na siya'y nasa isang palaruan na naman ngunit sa pagkakataong ito, may katabi siyang lalaki na nakaupo sa duyang kanyang kinauupuan. Nakita niya ang itsura ng binata, gwapo ito ngunit bakas sa mukha niya ang kalungkutan.
Kinaumagahan, nagpasya si Elle na bisitahin ang isa sa mga kaibigan niya. Tinanong niya kung naniniwala ba ito sa mga “signs” na binibigay ng nasa itaas. Sumang-ayon naman sa kanya ito at naisipan niyang ikuwento ang kanyang mga panaginip.
Habang pauwi siya, nadaanan niya ang palaruan sa kanilang subdivision, naalala niya na ito yung palaruan na nasa panaginip niya. Bumaba siya at umupo sa isa sa mga bench na naroroon.
Maya-maya nakita niyang nagtatakbuhan ang mga tao sa isang direksyon dahil sa kanyang kuryosidad sinundan niya ang mga ito at nadatnan niya na may nag-aaway na mga lalaki, isa laban sa apat. Pinapanuod lang sila ng mga tao at nagtataka si Elle kung bakit 'di nila ito inaawat.
Bago pa lumala ang sitwasyon, dahil sa hindi sanay sa ganoong pangyayari si Elle naglakas loob siyang hilahin ang lalaki na walang kakampi palayo sa mga taong iyon at dinala sa isang park na malapit sa palaruan na iyon. Pagkaharap niya sa binata, laking gulat niya ng makita niya ang
itsura nito at panandalian siya'y natulala. Siya yung gwapong lalaki na mukhang malungkot na nasa panaginip niya.
Siya na Po ba ang taong babaguhin ko? Simula na Po ba ng misyon ko? Kung ganoon po, maraming salamat Po dahil blessing in disguise Po ang binigay niyong misyon. Hehehe. Isip niya at nakangiting tumingin sa langit.
**
Isang linggo na ang lumipas simula ng nakilala ko si Elle. Lagi siyang nakabuntot sa akin kaya 'di ako makasali sa drag racing, ayaw ko kasi siyang mapahamak lalo na’t illegal ang drag racing. Tuwing tatanungin ko naman siya kung bakit siya sunud ng sunod sa akin, ngingitian niya lang ako. Ewan ko ba dito, sinabi ko na sa kanyang masama akong tao at dapat niya akong iwasan ngunit sinabi niyang mabait daw ako at hindi tulad ng tingin ko sa aking sarili. Agad ko namang kinontra ang sagot niya at sinabing 'di niya ako kilala ngunit sa pagkakataon iyon, ngiti lang ang ginanti niya sa akin.
Sa tuwing binabalak kong sumali sa drag racing lagi niya akong nahuhuli’t pinipigilan at dahil isang linggo ko na siyang nakilala’t nakakasama, isang linggo na rin akong 'di napapasabak sa gulo. Dahil doon, madalas kong maalala ang mga alaalang binaon ko na sa limot. Madalas niya rin akong kinokonsensya kapag gagawa ako ng masasamang bagay tulad ng pakikipag-away. Pinapangako niya pa kong 'wag ng sumabak sa drag racing at 'wag ng maghanap pa ng gulo. Alam kong 'di ko matutupad iyon sapagkat iyon na ang nakaugalian ko sa pang-araw-araw ngunit ng dahil sa kakulitan niya, nangako na lang ako.
Lumipas ang isang buwan at naging magkaibigan naman sila Elle at Krypton kahit papaano. Nasanay na rin sila sa presensya ng isa’t isa at kung minsan ay nabubuksan ang topik patungkol sa pribado nilang buhay ngunit sa pagkakataong iyon si Elle lang ang laging nagkukuwento tungkol sa kanyang pamilya at nakikinig lang ang binata sa kanya.
**
Isang araw, nakita ni Elle ang binata na nagmamadaling umalis na kala mo'y may tinatakasan. Sinundan niya ito at nalaman niyang sumali pala ito sa drag racing.
Nakahilera na ang mga kotse at hinihintay na lang ang pagputok ng baril bilang hudyat na umpisa na ang karera nang biglang humarang si Elle sa gitna. Nagulat si Krypton at pagalit na bumaba sa kanyang kotse. Hinila niya ang dalaga at dinala sa walang taong lugar. Pinagsabihan niya ang dalaga sa kanyang pagharang na ginawa at sinabi kung gaano kadelikado ang kanyang ginawa. Dala na rin ng galit at pag-aalala, napagtaasan at nasabihan niya ng mga bagay na below-the-belt ang dalaga dahilan para sumama ang loob ni Elle at magkasagutan ang dalawa. Sa 'di sinasadyang pagkakataon, nasabi ni Krypton kung bakit siya nagbago, kung bakit siya napariwala.
Si Krypton ay may masaya at mapagmahal na pamilya. Mapagmahal at maalagang mga magulang, bibo at malambing na kapatid, at mapagmahal na nobya. Nang makatungtong siya sa edad na labing-anim, tinuruan siya ng kanyang papa sa pagmamaneho. Disyembre 15, 2011, family outing nila at isinama niya ang kanyang nobya, nagpumilit siyang mag-drive ngunit ayaw pumayag ng mga magulang niya sapagkat alam nilang ito'y delikado dahil 'di pa siya ganoon kabihasa sa pagmamaneho. At dahil sa gustung-gusto niya talagang magmaneho, kinulit niya ang kanyang mga magulang at sa huli ay pinagbigyan siya ng papa niya ngunit sa kondisyong mabagal lang dapat siya magpatakbo at nakafocus sa daan. Habang nagbyabyahe sila, masaya silang nagkukuwentuhan hanggang sa 'di namalayan ni Krypton na may paparating na trak. Dahil sa sobrang pagkataranta niya, 'di niya agad naiwas ang kotse nila at nabangga sila ng tuluyan. Nagising siya na nasa ospital na at nang itanong niya ang kaniyang mga magulang, kapatid at ang kanyang nobya, nalaman niyang dead on arrival ang nangyari sa kanila. 'Di niya maintindihan kung bakit siya nabuhay pa, dapat nga siya pa ang dapat unang namatay kasi siya ang driver pero bakit siya pa ang nabuhay. At hanggang ngayon sinisisi niya pa rin ang sarili niya kung bakit namatay ang pamilya at nobya niya.
'Di ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon sinisisi niya ang sarili niya samantalang aksidente lamang ang nangyari. Dahil sa nalaman kong iyon, naintindihan ko na ngayon kung bakit siya nagrerebelde at ginagawang miserable ang buhay niya. Parang may nagtutulak sa akin na dapat ko siyang alagaan at pasayahin, 'di dahil sa ito ang misyon ko kundi dahil kaibigan niya ko.
Pagkatapos ng insidente, humingi sila ng tawad sa isa’t isa. Ngayon narito sila sa isang park at planong magbisikleta. Nag-unahan sila hanggang sa dulo ng park at natalo si Elle, bilang parusa nilibre ng dalaga si Krypton ng ice cream. Kasalukuyan silang kumakain ng biglang tumawa ang binata, natulala ang dalaga rito sapagkat ito ang unang beses na nakita niyang tumawa si Krypton at mas lalong tumawa ang binata dahil sa ekspresyon nito. Matapos niyang tumawa, nagulat ang dalaga ng punasan ng binata ang gilid ng labi niya dahilan para bumilis ang tibok ng puso niya at mamula ang kanyang pisngi.
**
Dalawang buwan na ang lumipas at sa loob ng dalawang buwan na iyon, napapansin ni Elle na nagbabago na si Krypton. Ngumingiti at tumatawa na ito kumpara dati at 'di na rin ito nakikipag-away. Ibang-iba siya sa Krypton na nakilala niya at sa Krypton ngayon.
Isang araw, nagising si Elle sa mahimbing niyang tulog at bigla niyang naalala ang kanyang misyon sa loob ng sandaang araw. Napaisip at napabilang, nalaman niyang higit kumulang na tatlumpung araw na lang ang natitira niya sa mundo.
Kinaumagahan, pumunta si Krypton sa bahay ng dalaga. Naabutan niya ito sa kanilang kusina at nagdedecorate ng cake dahil sa gustong asarin ng binata ang dalaga, pinahiran niya itong ng icing sa mukha. Nung una'y naasar si Elle ngunit sa huli siya'y gumanti rin kay Krypton. Naghabulan sila sa kusina at tawa sila ng tawa habang tumatawa si Krypton, napapatitig naman ang dalaga sa kanya habang lumalakas ang tibok ng puso nito at parang nararamdaman siyang may mga paruparong lumilipad sa kanyang tiyan.
Isang araw, habang namamasyal sa mall ang dalaga nakasalubong niya ang matalik niyang kaibigan. Nagkayayaan silang kumain at habang kumakain, sila'y nagkukuwentuhan. Tinanong ni Elle kung bakit ganoon ang nararamdaman niya kapag nakikita niya ang binata at sa sagot ng kanyang kaibigan nakumpirma niya na gusto na niya ang binata.
Kailangan ko 'tong pigilan bago pa mahuli ang lahat. Ayokong may masaktan pa dahil alam ko malapit na kong kunin ng nasa itaas, isip niya.
Nang araw ding iyon, tulad ng nakasanayan nagkita sila sa palaruan ngunit sa pagkakataong ito 'di ganoon kasigla ang dalaga at mapapansin mo ring umiiwas ito sa binata. Dahil sa ipinapakita ni Elle tinanong siya ng binata kung anong problema pero ngiti lang ang ginanti niya. 'Di maitatanging nasasaktan si Krypton sa kinikilos ng dalaga. Iniisip niya kung siya ba'y may nakalimutan o may  nagawang kasalanan, 'di na naman siya sumasali sa mga drag racing at sumasabak sa mga away kaya alam niyang wala siyang ginawang mali na ikakagalit niya. Ilang araw pa ang lumipas at ganoon pa rin ang pakikitungo ni Elle sa binata.
**
Isang araw, inimbitahan ng binata ang dalaga sa kanyang bahay. Kumain at nanuod lang sila ng mga pelikula. Nang nakaalis na si Elle napansin ng binata na may kung anong puting bagay sa gilid ng sofa. Kinuha niya ito at napag-alaman na isa itong medicine kit, binuksan niya ito at may nakita siyang maliit na papel na nakatuklip. Kinuha niya ito at binasa. Sa pagkabigla ng binata, nabitawan niya ang papel at 'di makapaniwala sa kanyang nabasa. Nakaramdam rin siya ng kaunting galit sa dalaga dahil pakiramdam niya 'di siya nito pinagkakatiwalaan pero sa kabila ng galit, nangibabaw pa rin ang takot. Takot na mawala sa kanya si Elle.
Samantala, kasalukuyang hinahanap ni Elle ang medicine kit niya kasi oras na ng kanyang pag-inom ng mapansin niyang wala ito sa kanyang bag. Nakaramdam siya ng kaba nang maisip niyang baka naiwan niya ito sa bahay ng binata. Tatawagan na sana niya si Krypton ng biglang mag-ring ang kanyang cellphone.
Krypton Calling….
Pagkakita niya sa pangalan ni Krypton, lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa kaba at takot na baka alam na nito ang sitwasyon niya. Sinagot niya naman ito agad at mas lalong lumakas ang tibok ng puso niya ng marinig ang seryosong Krypton sa kabilang linya at sinabing magkita sila ngayon na sa palaruan.
Lagot na! Isip niya.
Agad naman nagtungo ang dalaga sa palaruan at nakita niyang nakaupo sa duyan ang seryosong Krypton. Nginitian niya ito ngunit tiningnan lang siya nito. 'Di na nag-aksaya pa ng oras si Krypton at agad niyang inabot sa dalaga ang medicine kit nito. Nagpasalamat sa kanya ang dalaga at balak na nitong umalis ngunit bago pa man siya makahakbang, nagsalita na si Krypton. Tinanong niya kung totoo ba yung nabasa niya sa papel at sa oras na iyon, parang naistatwa ang dalaga. Dahan-dahan siyang humarap sa binata at tumango. Sinabi naman ng binata kung pinagkakatiwalaan siya nito, bakit 'di man niya sinabi ang kalagayan niya rito. Sinabi naman ng dalaga na hindi siya nito naiintindihan at 'di na napigilan ng dalaga na bumuhos ang kanyang damdamin. Nalaman ni Krypton ang tunay na kalagayan ni Elle.
Isang araw, madalas mapansin ng mga kaibigan ni Elle ang pamumutla at panghihina niya, 'di rin maitatangi ng dalaga ang kanyang nararamdaman kaya napagpasyahan niyang pumunta sa isang ospital at magpa-check up. Ilang oras siyang naghintay ngunit nang tawagin na siya ng nars para pumunta na sa doktor, nadatnan niyang seryosong nakatingin ang doktor sa resulta ng kanyang check up. Tinanong siya ng doktor kung may namatay na ba sa pamilya nila ng dahil sa Leukemia, sumagot naman siya at sinabing mayroon ang kanyang lola. Dineretso siya ng doktor at sinabing may Leukemia siya stage 4, 'di niya talaga naramdaman ang sintomas sapagkat lumilitaw lamang ang mga sintomas kapag malala na, tulad ngayon. Gulat na gulat si Elle sa balitang nalaman niya at hinabol niya ang doktor na palabas na ng pinto, tinanong niya rito kung ano pa ang pwede niyang gawin, umiling na lang ang dokor sa kanya at binigyan ng taning na hanggang dalawang buwan na lamang siya. Sinabi niya lamang ito sa kanyang mga magulang, nung una’y 'di matanggap ng kanyang magulang hanggang sa tinanggap na lang nila ito. Kahit nanghihina na siya, 'di niya ito pinapakita at pilit na nilalakasan ang loob niya. Isa ring rason kung bakit 'di niya pinapaalam sa iba ay dahil ayaw niyang kaawaan siya at gusto niyang mabuhay ng normal, na parang walang karamdaman. Nilalakasan rin niya sapagkat may misyon pa siyang 'di pa natatapos.
Pagkatapos kong marinig ang rason niya, niyakap ko siya ng mahigpit at pinatahan sa pag-iyak.
Anong misyon ba ang 'di mo pa natatapos? Kung ano man iyon, tutulungan kita. Nandito lang ako Elle, aalagaan kita, isip niya.
**
Isang linggo na ang lumipas, bumalik na sa normal ang dalawa. Napag-usapan nilang kalimutan na ang nangyari at nalaman ng binata. Normal na nga pakikitungo ng dalawa ngunit mapapansin mong nag-iba ang pakikitungo ni Krypton sa dalaga. Lagi niya na itong binabantayan at inaalagaan.
Kinagabihan, nakahiga si Krypton sa kama niya habang nag-iisip.
Steph, pwede na ba? Siya na ba? Isip niya.
Kinabukasan dinala ng binata sa isang amusement park ni Elle. Halos lahat na yata ng mga rides ay nasakyan na nila kaya napagpasyahan muna nilang magpahinga sa isang bench. Nagpaalam naman ang binata na siya'y bibili ng kanilang pagkain, pumayag naman ang dalaga. Pagkabalik ng binata, nadatnan niyang umiiyak ang dalaga. Tinanong niya kung napaano ito ngunit patuloy lang ito sa pag-iyak. Nang kumalma na si Elle, sinabi niyang natatakot siya. Natatakot daw siyang mamatay lalo na’t marami siyang maiiwan sa mundong ito. Sa pagkakataong ito, nag-ipon si Elle ng lakas ng loob at sinabing gusto niya ang binata. Niyakap naman siya ng binata at sinabing gusto niya rin ito.
**
Tulad ng dati, araw-araw pa rin silang nagkikita sa palaruan. Wala man silang opisyal na relasyon, alam naman nilang gusto nila ang isa’t isa, hindi gusto bilang kaibigan kundi mas malalim pa doon. Ngunit sa araw-araw na pagsasama nila, mapapansin mo sa dalaga ang pananamlay, panghihina, pangangayayat at pamumutla na labis namang pinangamba ng binata.
Isang Linggo, napagpasyahan nilang sabay na magsimba. Nang makapasok na sila sa simbahan, tahimik silang umupo at nagdasal. Sa pagkakataong ito, pumikit si Krypton at nagdasal.
Panginoon, alam ko pong 'di ako madasaling tao pero ngayon nagdarasal ako sa Inyo at humihiling na sana 'wag Niyo pa Pong kunin ang babaeng katabi ko ngayon. Nakikita ko Pong malakas pa siya at kaya niya pa kaya 'wag Niyo Po muna siyang kunin. Alam ko Pong 'di ako mabait na tao at makasalanan pero Po sana'y pakinggan Niyo ang aking dasal. Kailangan ko lang Po napagtanto ang nararamdaman ko Po sa kanya at 'di ko pa Po nasasabing mahal ko siya. Sana Po bigyan niyo ako ng pakakataon na masabi ito sa kanya.
Habang nagdadasal at nakapikit ang binata, nakatingin naman sa kanya ang dalaga at nakangiti. Pumikit na rin si Elle at nag-umpisang nagdasal.
Papa God, nakapagpasalamat na ba ako dahil binigay Niyo Po ang misyon na 'to sa akin? Kung hindi pa Po, sasabihin ko na ngayon. Maraming-maraming salamat Po sa pagbibigay sa akin ng misyon na ito dahil isa itong blessing in disguise. Salamat Po dahil sa misyong ito, nakatulong ako sa isang tao at natuto Po akong magmahal. Alam ko Pong malapit Niyo na akong kunin ngunit hihilingin ko Po na sana bantayan Niyo po ang lalaking nasa tabi ko, 'wag Niyo po siyang pababayaan. Mahal ko Po kasi 'yan kahit na ganyan 'yan. Pwede Po bang magrequest ulit? Bigyan Niyo po ako ng konting oras pa para masabi ko Po sa kanyang mahal ko siya. Pwede Po ba?
**
Isang linggo ang lumipas, nabalitaan ng binata na sinugod sa ospital ang dalaga, nalaman niyang ito'y nawalan ng malay kaya isinugod sa ospital. Habang papunta siya sa ospital, nagdasal siya.
Panginoon, 'wag naman Po ngayon. 'Di niya pa po alam na mahal ko siya. Parang 'di ko rin Po kayang mawala siya sa akin ngayon. Please Po. Hintayin Niyo muna Po akong makarating sa ospital bago Niyo po siya kunin sa akin. Please Po, nagmamakaawa ako sa Inyo.
Nang makarating na siya sa ospital, agad niyang hinanap ang kwarto ng dalaga. Nang makita na niya ito, agad niyang binuksan ang pinto at nakitang nakahiga ngunit may malay na ang dalaga at kausap ang kanyang mga magulang. Agad niya naman itong nilapitan at niyakap ng mahigpit. Sa pagkakataong ito, iniwan muna sila ng magulang ng dalaga upang makapag-usap. 'Di na siya nag-aksaya pa ng oras, sinabi na nitong mahal niya ang dalaga at natatakot siyang mawala ito sa kanya. Pinilit namang ngumiti ng dalaga kahit na siya'y nahihirapan, sinabi niya ring mahal niya ito at nagpapasalamat na nakilala niya ang binata kahit konti na lang ang natitira niyang oras sa mundo. Sa pagkakataong ito, 'di na napigilan ng binata ang mapaluha. Wala siyang pakialam kung umiiyak siya at kung may makakita sa kanya basta alam niyang ito ang nararamdaman niya sa oras na iyon ganoon rin ang dalaga.
Halos isang oras na silang nag-uusap ng kung anu-ano nang mapansin ng binata na parang nanghihina na talaga ang dalaga. Sa huling pagkakataon, niyakap niya ng mahigpit ang dalaga habang sinasabi ng binata kung gaano niya ito kamahal. At sa una’t huling pagkakataon, dinampi niya ang kanyang labi sa labi ng dalaga kasabay ng pagpikit ng mga mata nito.
Magpahinga ka na Elle. Hintayin mo ko. Mahal na mahal kita, tandaan mo ‘yan.Ma, Pa, Chloe, Steph, alam ko kasama niyo na si Elle diyan.
**
Ngayon ang death anniversary ni Elle at papunta ako ngayon sa puntod niya. Nang makarating ako sa puntod niya, nilagay ko na ang bulaklak at sinindihan ang kandila. Nag-alay rin ako ng maikling dasal sa kanya habang nagdarasal ako, bumabalik ang mga masasayang alaala na kasama ko si Elle. ‘Di ko na naman mapigilang mapaluha tuwing naaalala ko siya.
Ang babae na naglakas loob na hilahin ako habang nakikipag-away ako. Ang babaeng makulit na ‘di ako tinantanan hanggang ‘di ako nangangakong ‘di na sasali sa mga drag racing at sa mga gulo. Ang matapang na babae na humarang sa gitna ng drag racing. Ang babae na laging nakangiti ng pagkatamis-tamis. Ang babae na tiniis ang kasungitan at lahat ng kalokohan ko. Ang babae na nagbigay kulay sa malungkot at madilim kong buhay. Ang babae na walang sawang umayos sa mga kaguluhan ko. Ang babae na nagturo sa akin na magdasal ulit at may Diyos. Ang babae na tinuruan ako kung paano magmahal ulit. Ang babae na mahal na mahal ko. Ang babae na hindi ko malilimutan at ang babaeng iyon ay si Cambrielle Fuentabella.
Siguro ‘di lang iyon ang tamang oras sa pagmamahalan namin ni Elle ngunit naniniwala ako na balang araw magkikita ulit kami sa tamang panahon at doon, malaya kaming magmamahalan.
Wakas*
©2013
-unedited :>
6 notes · View notes
an-excerpt · 2 years ago
Text
03/11/23 Lee Jae Wook in Mnl ✨💗
Guess who got so hooked in Alchemy of Souls? Finally I saw Jang Uk! Got the balcony tix tier kasi sulit na siya because it has a hi bye perk. He's so tall and handsome rin in person plus he's so genuine. He also have those cute reactions. It was definitely fun meeting you, Jae wook! ✨💕
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
5 notes · View notes
an-excerpt · 2 years ago
Text
01/14/2023 Heal Together in Mnl 🖤🌹
Finally got hear their songs in live! I thought I'll not be able to attend their con but thanks to my friend's help in securing their tix. Their live vocals is really a superb! 💯
Will get a VIP ticket next time for a better view and photo op!! So jealous of those na nakasama sa photo op.
A new core memory was also unlocked during the hi bye sesh! The eye contact with Woosung was more than a second myghad. Also I finally got to see Jaehyeong up close! ✨🫶
Thank you for the healing, The Rose! We rose you 🖤🌹
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
an-excerpt · 3 years ago
Text
12/17/22 Be The Sun in Bulacan 💎✨💗
Nakapag-aju nice na rin ako with sebong & narinig ko na ng live yung Imperfect Love 🥺✨. Glad to be part of the crowd!
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
2 notes · View notes
an-excerpt · 3 years ago
Text
12/09/22 be you 2 con 🤍✨
Finally saw XiuChen and got a chance to listen to their new songs in live! Dream come true rin na maka sing along si Chen ng Everytime. ✨🥺
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
7 notes · View notes
an-excerpt · 3 years ago
Text
12/03/22 - 12/05/22 la union ✨💛🌊
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
0 notes
an-excerpt · 3 years ago
Text
11/25/22 - 11/28/22 boracay 🌊🌴✨💛
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
an-excerpt · 3 years ago
Text
08/06/2022 JOTM: Starry Caravan in MNL 🌌
Feeling so lucky since I saw Eunwoo twice for that day. Also won a signed pc and signed poster. tyG 🤍
Indeed, my aroha heart is so happy 🥺✨💜
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
an-excerpt · 3 years ago
Text
07/16/22 - 07/20/22 cebu x bohol countryside⛰️🌊🐚🍃
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
an-excerpt · 3 years ago
Text
05/07/22 atok, benguet ⛰️☁️✨
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
an-excerpt · 3 years ago
Text
04/09/22 - 04/10/22 ilocos norte & ilocos sur 🌊
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
1 note · View note
an-excerpt · 3 years ago
Text
02/19/22 15:35
i met him in grade school and we were seatmates back then. i didn't know him before and only met him that time. he's somewhat cute, funny and friendly. we became friends, then became my crush and eventually my puppy love. i knew he also felt the same way. we talked those childish things and also fought sometimes, but i'm always happy whenever i'm with him. i was naive and thought maybe he's the one but we were contented with what we have and never tried to cross the line. as years passed, we grew up and outgrew each other. then he came back, but i already like someone else. he left without an explanation and i realized that it was still him after all. we ignored each other in the hallways which was unlikely to happened before because he always smile at me. i remember that we were friends but when he tried to cross the line and left, our friendship ended as well. i was so heartbroken. at night, i always reminisce those times when we were okay and cry myself to sleep. eventually my heart became tired of waiting; i accepted the fact and moved on. when we were in our last year in highschool, i think the universe gave us another chance - to fix things but not the same as before. i bravely gave him a letter and i honestly can't remember what i wrote to him. we unexpectedly met during our school's event and he smiled at me; her girlfriend who was beside him, also smiled at me. i felt so happy because i knew that we are now okay and i realized that i was not hurting anymore because of him.
so many years passed by and now he's getting married. i knew from the start, that she's the one for him. indeed, i'm so delighted that they will now spend the rest of their life with each other.
by the way, thank you for making my youth memorable and for passing by in my life. congratulations and best wishes to the both of you! ✨🤍
1 note · View note
an-excerpt · 4 years ago
Photo
Tumblr media
812K notes · View notes
an-excerpt · 4 years ago
Photo
Tumblr media
196K notes · View notes
an-excerpt · 4 years ago
Photo
Tumblr media
45K notes · View notes
an-excerpt · 4 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
What’s this? My promise. I said I’d make sure you don’t feel pain. Don’t relax too much. You have to recharge it once a day before midnight. Recharge it? How? By holding my hand. What? Why? In case you run away.
DONG KYUNG & MYUL MANG | HANDS (1.02 - 1.06)
DOOM AT YOUR SERVICE (2021)
2K notes · View notes
an-excerpt · 4 years ago
Text
05/30/2021 2:28 AM
Life update.
Hello tumblr,
It's been awhile nung nagblog post ako so let's start the life update.
Weeks after namatay ng lola ko, nandun pa rin yung sakit at pangungulila. Every time na maaalala ko siya, gusto kong pumunta sa tabi at umiyak kasi sobrang miss ko na siya. May gabi na nagbreakdown ako kasi stressed ako sa work plus naiisip ko yung regrets ko sa buhay specifically mga bagay na dapat ginawa ko nung buhay pa yung lola ko. Sumabog na lang ako, kasi siguro nung time na namatay lola ko, di ko talaga naiyak lahat. Parang nung time na yun, naging manhid na lang ako. May times na umiyak ako pero di ko talaga malabas lahat kaya siguro nagpile up na lang until sumabog na ko.
Apo, I really miss you so much. Please guide us up there. I love you so much.
Next, siguro a month ago nakapa ni mama na may bukol siya sa left breast niya. Nung sinabi niya yun samin, kung ano-anong naisip ko. Di ko na alam bakit ganun nangyayare. Nagpatest si mama and nagpaconsult na rin sa doctor. Based naman daw sa observation nung doctor, di daw cancer pero need lang imake sure sa biopsy pero ayaw ni mama na ipaopera kaya nagheherbal medicine na lang siya.
This week, nawala yung tito ko due to heart attack. Sobrang biglaan, ayaw pa namin maniwala nung binalita ng tita ko yun. Akala pa nila na baka nag-away sila tapos umalis lang siya pero hindi pala. Sana nga ganun na lang, kasi sabi daw ng tita ko, babalik pa rin daw siya kahit ganun. Naaawa ako sa mga pinsan ko kasi maliliit pa sila, di pa nila talaga alam kung bakit nandun tito ko na akala nila siguro natutulog lang :( Hayys
Di ko na alam bat ganyan ang bato samin ng 2021.
Lord, guide us more. Please give us strength. I know You are always with us.
Ako naman, hindi ko na alam. Lito ako minsan pero go with the flow na lang. Minsan nagbreakdown ako, lalo na kapag nararamdaman ko yung bigat ng responsibility ko as breadwinner ng pamilya ko. Oo, narealized ko na ako ang breadwinner. Minsan kasi nacocompare ko bakit yung iba ganito ganyan sakin iba. Pinaka ayaw ko pa yung sasabihin sakin kung ano yung dapat kong gawin, tulad ng suportahan ko daw financially yung isa kong pinsan. Tutulong naman ako ng kusa, bakit kailangang sabihin na ganun -- parang kailangan kong magcomply, na mandatory yun.
Lord, Kayo na pong bahala.
1 note · View note