Filled with random blogs, and probably school activities
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Pagsusuri sa akda
Pagsusuri sa akda
I. Panimula A. May-akda: José Rizal 1. Talambuhay ng may-akda: Si José Rizal (1861-1896) ay malawak na itinuturing na isa sa mga pinaka-maimpluwensyang tao sa kasaysayan ng Pilipinas. Siya ay mayroong madaming tungkulin; isa siyang intelektwal at politikal na aktibista, na kilala sa kanyang mga pampulitikang sulatin, na nagbigay inspirasyon sa rebolusyong Pilipino at kalaunan ay humantong sa kanyang pagbitay ng mga kolonyalistang Espanyol. 2. Kaugnayan ng may-akda sa kanyang nobela: Ang kaugnayan ni José Rizal sa kanyang nobela na Noli Me Tangere ay ang pagpakita ng buhay ng tao noon sa panahon niya & ng mga español. B. Pamagat ng nobela: Noli me Tangere 1. Kaugnayan ng pamagat sa may-akda: Ang kaugnayan ng pamagat kay José Rizal ay ang pagkakasaksi niya sa panahong sinasabi niyang may kanser. 2. Kaugnayan ng pamagat sa kabuuan ng nobela: Ang kaugnayan ng pamagat sa kabuuan ng nobela ay ang pagkakaroon ng isang anyo ng kanser na lubhang kakila-kilabot na ang nagdurusa ay hindi nakayanan na mahawakan, na humahantong sa pangalan ng sakit, at ng nobela, noli me tangere (Latin: "huwag mo akong hawakan"). II. Katawan A. Tauhan, pagpapakilala at paglalarawan 1. Pangunahing tauhan
Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin: isang binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang matiyak ang magandang kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
Maria Clara de los Santos y Alba: ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago: isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.
Elias: isang bangkero at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.
Sisa, Crispin, at Basilio - si Narcisa o Sisa ay isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit. Sina Basilio at Crispin ay mga magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.
Pilosopo Tasio o Don Anastasio: maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
Donya Victorina de los Reyes de Espadaña: isang babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila. Mahilig niyang lagyan ng isa pang “de” ang pangalan niya dahil nagdudulot ito ng “kalidad” sa pangalan niya. 2. Katunggali
Padre Damaso: isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego: tunay na ama ni Maria Clara. 3. Iba pang tauhan
Padre Salvi: kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.
Alperes: matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego (itinuring ni Rizal na Hari ng Italya ng San Diego habang ang kura ang Papa ng Estado Pontipikal)
Donya Consolacion: napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.
Don Tiburcio de Espadaña: isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.
Linares: malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.
Don Filipo: tenyente mayor na mahilig magbasa na Latin
Señor Nyor Juan: namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.
Lucas: kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa di-natuloy na pagpatay kay Ibarra.
Tarsilo at Bruno: magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.
Tiya Isabel: hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.
Donya Pia Alba: masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya’y maisilang.
Inday, Sinang, Victoria, at Andeng: mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego.
Kapitan-Heneral: pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.
Don Rafael Ibarra: ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.
Don Saturnino: lolo ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.
Balat: nuno ni Elias na naging isang tulisan
Mang Pablo: pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.
Kapitan Basilio: ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni Sinang.
Tenyente Guevarra: isang matapat na tenyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.
Padre Sibyla: paring Dominikano na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Albino: dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa. B. Banghay / Buod A. Tagpuan i. Panahon
Tag-araw
Tag-init ii. Lugar
San Diego
Sa bahay ni Kapitan Tiago sa Binondo
Sa libingan
Sa simbahan ng San Diego
Sa tribunal ng San Diego
Sa bahay ni Pilosopo Tasyo
Sa plasa
Sa mga hayag ng lansangan ng San Diego
Sa bulwagan
Sa kwartel
Sa kabundukan a. Simula Si Juan Crisostomo Ibarra ay bumalik sa Pilipinas pagkatapos ng pitong taong pag-aaral sa ibang bansa. Nagdaos ng piging si Kapitan Tiyago, at ininsulto ni Padre Damaso si Ibarra. Dinalaw siya ng kasintahan ni Ibarra na si Maria Clara pagkatapos ng kapistahan. Inakusahan ni Padre Damaso si Ibarra bilang isang Erehe at Pilibustero, ngunit namatay ang ama ni Ibarra na si Don Rafael Ibarra matapos protektahan ang isang bata mula sa isang kubrador. Ang mga labi ni Ibarra ay hinukay at inilipat sa libingan ng mga Instik, ngunit ang kanyang katawan ay itinapon sa lawa dahil sa ulan. Ipinagpatuloy ni Ibarra ang gawain ng kanyang ama, na tumulong kay Nol Juan sa pagtatayo ng paaralan. Pumagitna si Elias, at ang biktima ay hindi si Ibarra kundi ang binayaran ng kanyang lihim na kalaban. b. Kasukdulan Si Ibarra, isang binata, ay sinakal ni Padre Damaso, na inatake ng kanyang ama. Si Maria Clara ay namagitan upang pigilan siya, at pinatalsik ng Arsobispo si Ibarra sa Simbahang Katoliko. Tumanggi ang mga magulang ni Maria Clara na pakasalan si Ibarra, sa halip ay nagpakasal kay Linares, isang batang Kastila. Ang pagkakatiwalag kay Ibarra ay binawi, at siya ay muling ikinulong. Nakatakas si Ibarra sa tulong ni Elias, at naglakbay sila sa Ilog Pasig hanggang sa makarating sila sa Lawa ng Bay. Natagpuan at pinatay si Elias, na sumaklaw kay Ibarra. Nalaman ni Maria Clara ang pagkamatay ni Ibarra at nakiusap kay Padre Damaso na pasukin siya sa kumbento. c. Wakas Sinundan ni Elias ang alamat ng Ibarra Forest, nakita si Basilio at ang kanyang namatay na ina na si Sisa. Bagama't nasugatan, binalaan niya ang mga mapalad na huwag kalimutan ang mga nasawi sa dilim ng gabi. d. Uri ng Nobela
Nobelang Romansa
Nobelang Kasaysayan
Nobelang Layunin D. Tema / Damdamin
Kabuuang mensahe ng Nobela Ang mensahe ng nobela, na hanggang ngayon ay totoo, ay suportahan ang nasyonalismo at matutong tanggapin ang pagbabago sa ating sarili. Upang ilantad ang pagmamaltrato, pagsasamantala, at pang-aapi ng mga Kastila sa mga katutubo, isinulat ni Rizal ang nobelang Noli Me Tangere. a. Bisang pangkaisipan Ang nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose P. Rizal ay nakatulong sa ibang lahi, maliban sa mga Pilipino, upang buksan ang kanilang puso at isipan sa ideya ng kalayaan. b. Bisang pandamdamin Ang matinding pagmamahal ng mga mambabasa sa bayan ay nahayag sa aklat na ito, na pumukaw sa kanilang damdamin. c. Bisang pangkaasalan Sa pagtataguyod ng batas, pagtataguyod ng kultura ng Pilipinas, at pagsasakatuparan ng tunay na layunin ng bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan sa isa't isa upang mapabuti ito, dapat nating suportahan ang ating bansa. IV. Pagsusuring pampanitikan A. Teorya
Ipinapakita ng Noli me Tangere and malaking agwat ng mayaman at mahirap, makapangyarihan at walang lakas. Ipinapakita ito sa pagkakaiba ng buhay nina Elias at Sisa, at kina Maria Clara at Crisostomo Ibarra. Ang buhay nina Sisa at Elias ay hindi ganon ka ganda kaysa sa buhay nina Crisostomo at Maria Clara. B. Akda
Si José Rizal ang may-akda sa Noli Me Tangere. D. Pagsusuri
Ipinakikita sa mga pangyayaring ito ang maksaplap na katotohanan sa buhay na ang mga taong may lakas ay sadyang na mapagsamantala sa mga taong mahina. VI. Konklusyon Ang korupsyon ng pamahalaan sa nobelang Noli me Tangere ay ganoon pa rin hanggang ngayon. Ang korupsyon ng pamahalaan sa nobela ay ipinakita sa kabanata 19 kung saan minamanipula ng mga prayle ang mga taong-bayan upang tanggihan ang mga hakbang na maaaring humantong sa kanilang sariling kapangyarihan. Maliban diyan, nariyan pa rin ang hindi pagkakapantay-pantay sa ating henerasyon, katulad noong panahon na isinulat ang nobelang Noli me Tangere. Sa halos buong nobela, ang hindi pagkakapantay-pantay ay ipinakita sa mga mahihirap, at gayundin sa mga kababaihan. Ang mga mahihirap ay tinatrato ng masama, at ang mga babae ay hindi pinapayagang pumasok sa paaralan. Ang nobelang ito ay magkaugnay sa kasabihan sa ingles na "History repeats itself."
0 notes
Text
Panunuring Pampelikula
Pamagat: Family Matters Direktor: Nuel C. Naval Tauhan:
Francisco Florencio na ginanapan ni Noel Trinidad
Eleonor Florencio na ginanapan ni Liza Lorena
Francisco 'Kiko' Jr. na ginanapan ni Nonie Buencamino
Odette (Asawa ni Francisco) na ginanapan ni Agot Isidro
Fortune (Anak nina Eleonor at Francisco) na ginanapan ni Mylene Dizon
Nelson (Asawa ni Fortune) na ginanapan ni James Blanco
Ellen (Anak din nina Eleonor at Francisco) na ginanapan ni Nikki Valdez
Enrico (Bunso na anak nina Eleonor at Francisco) na ginanapan ni JC Santos
Banghay ng pelikula:
Ang pagmamahalan ng magasawa na sina Fransisco Sr. at Eleonor ay nauwi sa isang masaya at masigla na pamilya. Si Kiko, Fortune, Ellen, at Enrico ang mga anak ni Fransisco at Eleonor.
Dahil tumatanda ang mga magulang, mahina sila sa sakit, at kailangan nilang maalagaan. Pero, ayaw nilang magpaalaga dahil nararamdaman nila na parang sila bata o sakit sa ulo sa anak.
Si Ellen ay may 'jowa' sa Amerika, pagkatapos hikain ang tatay niya, si Fransisco, pumunta siya ng Amerika para bisitahin ito ('jowa' niya). Dito nagsimula ang mahigpit na pagkaalaga ng tatlo pang magkakapatid sa kanilang mga magulang. Nalaman ni Ellen na hindi sila para sa isa't-isa dahil nakita niya kung paano itinatrato ng 'jowa' niya ang kanyang ('jowa') mga magulang kaya umuwi ito uli sa Pilipinas.
Kahit na puno ng kasayahan ang pamilya nina Fransisco at Eleonor, hindi maiiwasan ang pagkaaway away sa mga kapatid at asawa ng mga kapatid. Pero, ito ay naresolba din sa may dulo ng pelikula. Dito na uli napuno ng mas maraming kasiyahan sa pamilya.
Tema/Paksang Diwa:
Ang pelikulang ito ay nagpapakita ng kasiyahan at kalungkutan sa isang pamilya.
Sa pelikulang ito ay makikita kung ano ang nararamdaman ng isang magulang, anak, o asawa dahil lahat ng 'point of view' ay pinakita mula sa mga magulang hanggang sa mga anak.
Ang halagahan ng pamilya sa isa't isa ay ipinakita din ng pelikulang ito.
Ang tema at paksa ng pilikulang ito ay tungkol sa pamilya at pagmamahalan.
Pamagat ng Pelikula:
Ang pamagat ng pelikula ay katugma ng pamagat nito dahil pinapakita sa pelikula ang kahalagahan ng pamilya.
Genre: Drama/Family
Pagganap ng mga Tauhan:
Ang mga artistang pinili para sa pelikula ay magagaling at bagay sa kanilang mga karakter. Perperkto at maayos ang pagakto nila.
Diyalogo:
Maayos ang diyalogong nasulat para sa pelikulang ito dahil kapanipaniwala ito na para bang totoo ang mga nangyayari.
Direktor:
Mahusay ang naging pagdidirehe ni Nuel C. Naval sapagkat nagawa niyang makatotohanan ang bawat eksena, nailabas niya ang galing ng mga nagsipagganap at nagawa niyang mapakilos ang mga manonood, nainis, napaluha, nito ang mga manonood.
Sinematograpiya:
Maayos at maganda ang naging sinematograpiya ng pelikula, napakita nito ang iba't ibang bahay sa Pilipinas -- ang condo, modernong bahay, at lumang istilong bahay.
1 note
·
View note