Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Lifetime Commitment (Flash Fiction)
I was sitting alone in a comfy restaurant along the seashore. The sweet smile is evident in my face as I am looking up at the blanket of stars smiling down at me. The bright ambiance was further enhanced by the bright crescent moon that shines like a silvery claw in the night sky. Suddenly, a manly scent lingered through my nose that was very familiar to me. Then there was him—the man I was waiting for. He is walking towards me with an affectionate and dazzling smile. I was stunned by his dashing, handsome face. As he slowly walked towards me, the surroundings were covered in darkness. I am frowning as I was shocked and wondering what is happening in the surrounding. A few seconds passed, and the light came back. My face was covered with curiosity, and my cold hands were covering my mouth when I saw my man kneeling on the ground. His smile is mixed with nervousness. With his trembling hands, he picked up something in his pocket—an elegant box. He slowly opened the box, and the glittering ring inside caught my eye. “Isabelle, finally, this lovely night has come.” He uttered these words, almost inaudible because of his nervousness. “I was planning this for a long time. From the moment I met you, my life was completely changed. It became brighter and better. I am very thankful to you, my Isabelle. And I want to spend all my life with you. I can’t imagine my life without you by my side,” he continued, teary-eyed. I can see the love in his eyes as he says those words. “Isabelle, my love, will you be my wife? ”He asked. Tears streamed down my cheeks, and words were unable to form in my mouth. I was shocked. My heart is pounding that I can’t even utter words. Then, I nodded. I held his face, looked into his lovely eyes, and embraced him tight. “Is that a yes? ”He asked with mixed emotions evident in his face. I nodded again. He then gave me a gentle kiss on my forehead and slid the ring onto my finger. That atmosphere was surrounded by love, which made the night brighter. We savored the bliss of our commitment, knowing that our love would become stronger as time will pass. We will be taking our next step together. Soon, these two souls will become one heart. This would be one of the best and most unforgettable moments of my life.
0 notes
Text
Halimaw (Short Story)
"Pst! pst! pst!" may sumisitsit sa akin habang ako'y nasa kwarto sa ikalawang palapag ng aming lumang bahay at nag-aaral dahil papalapit na ang aming pagsusulit. Ngunit paglingon ko sa aking likuran, wala akong naaninag. Dumungaw rin ako sa baba ng aming bintana, wala rin akong makita dahil madilim na sa aming paligid at tanging ang ilaw na lang sa aking kwarto ang nagbibigay liwanag sa paligid. Wala kasi kaming kapitbahay dito dahil nasa ang nakapaligid sa amin ay mga bakanteng lote. "Pssssst!" ulit pa nang sumisitsit ngunit ngayo'y mas malakas na at mas matagal. Dali-dali akong lumingon sa aking likuran, sa may pintuan na nakabukas. May dumaan na taong naka itim ar mahaba ang buhok na wari'y anino. "Ma?" tawag ko, ngunit walang sumagot. Baka umihi lang sabi ko na lang sa aking isipan. Ngunit paglipas ng ilang minuto may sumisitsit na naman ngunit ngayon ay mas malakas at maramibg beses.
"Pst! pst! pst! pst!". Nagsimula na akong kinilabutan. Tumayo lahat ng aking balahibo, namula at uminit ang mukha. Bakas na bakas ang takot sa aking mukha habang unti unting lumingon sa may pintuan. Nakita ko doon ang babaeng nakaitim kanina na nakatayo na gilid ng pintuan at nakatalikod sa akin. Kahit na nanginginig na ako sa takot, tumayo pa rin ako upang kausapin ang babae sa may pintuan na inaakala kong ang aking ina. Habang ako'y papalit ay lumalamig ang paligid at lumalakas ang ihip ng hangin. "Ma, ikaw ba yan, anong ginagawa mo diyan?" saad ko habang kinalabit ang kanyang balikat. Wala pa rin siyang sagot ngunit maya maya pa ay bigla lumingon siyang lumingon. Nanlumo ako sa aking nakita, nanginginig ang aking katawan at humihina ang aking tuhod. "Aaaaaaahhhhh!" sigaw ko at biglang napaupo sa sahig. Isang dalaga na puno ng sugat at dugo ang mukha ang aking nakita. Siya ay nakangisi at titig na titig sa aking mukha. Lumitaw ang lahat ng tako sa aking katawan at parang humina ang aking katawan. Humahagulgol akong nakaupo sa sahig habang ang babae ay tumatawa sa may pintuan. Napapikit na ako habang umiiyak nang malakas at sumisigaw sa takot.
"Anak, anak, bangon na!" May sumisigaw habang yugyog sa aking balikat. Pagdilat ko ng aking mata, sumalubong agad ang mukha ni mama. "Anak, bakit ka umiiyak? Masama ba iyong panaginip?" saad ni mama at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. Hinawakan ko ang aking mukha at basang-basa nga talaga ito ng luha at pati ang aking likod ay basang-basa rin sa pawis. "Umakyat ako dito sa iyong kwarto dahil narinig kong humahagulgol ka kaya binangon na kita dahil baka kung ano pa ang mangyari sa iyo. May problema ba anak?" sabi sa akin ni mama habang pinupunasan ang luha sa aking mukha. Hindi ako makapagsalita dahil maliwanag pa sa aking isipan ang mga kaganapan kanina at ako ay takot na takot pa rin. "Salamat at panaginip lang pala" sabi ko na lang sa aking isipan at niyakap nang mahigpit ang aking ina. “Kung may panaginip ka mang hindi maganda, huwag mo na lang masyadong dibdibin dahil panaginip lang iyong anak. Magbihis ka na kung may klase ka ngayon at baka mahuli ka pa.” ‘Yan na lang ang naisagot ni mama nung wala na akong imik at napayakap na lang sa kanya.
Ako si Clara – maliit, balingkinitan, unat na unat at mahaba at sing itim ng uling ang buhok, ang kutis ay parang kahoy ng narra na pinakintab upang gawing muwebles, ang mga mata ay nakakasilaw na kayumanggi na hindi gaanong singkit at hindi rin gaanong malaki, maliit ang hugis ng aking mukha, at mayroong mga maliliit at pantay-pantay na mga ngipin na siyang mas lalong nagpapatamis sa aking ngiti. Ang aking ngiti kasi ang isa sa mga ititunuturing kong aking “asset”. Isa akong mag-aaral na nasa ikatlong taon na sa kolehiyo na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Psychology. Ako ay nakatira sa barangay Malakas, bayan ng Marinduque kasama ang aking ina at kapatid. Mag-isa na lang ang aking ina na nagtataguyod sa aming magkapatid. Iniwan na kasi kami ng aming ama dahil nakahanap na siya ng ibang pamilya. Ang aking kapatid na si Gino ay limang taong gulang pa lamang at kasalukuyang nasa unang baitang. Hindi gaya ko, mataba at mas maputi ang aking kapatid. Ngunit ang talagang magkaparehas sa amin ay ang aming mga nakakasilaw na kayumangging mata na hindi gaanong singkit at hindi rin gaanong malaki. Ito ay aming minana sa mata ng aming ama. Ang hugis naman ng aming mga mukha ay nakuha namin sa aming ina. Hirap ang aming ina sa pagpapaaral sa amin dahil hindi sapat ang kinikita niya sa paglalabada kaya malaking tulong rin ang pagkukuha ko ng mga pinapagawa ng mga estudyante sa aming paaralan.
Nasa madugong parte na ako ng aking buhay kolehiyo, at alam kong habang papalit ako sa tuktok ng tagumpay, mas marami pang mga pagsubok ang aking malalampasan na kailangan. Sabay-sabay ang mga gawain sa paaralan at problemang pinansyal. Tumatanggap ako ng mga mga serbisyo ng komisyong pang-akademiko sa eskwela upang makakuha ng kahit konti man lang upang pantustos sa aking pag-aaral. Kahit marami akong mga gawain ay naisasabay ko paring gawin ang mga pinapagawa ng ibang mga estudyante. Kakayanin ko dahil alam kong wala na akong ibang aasahan bukod sa aking ina na konti rin lang ang kinikita sa paglalabada at hindi pa yun araw-araw. Naisabay pa ang problema sa aming pamilya dahil wala pang dalawang buwan simula noong iniwan kami ng aming ama. Malaki ang galit ko kay papa dahil sa kanyang ginawa. Sa tuwing pumapasok sa aking isipan ang kanyang ginawa at ang estado ng buhay naming mag-iina na kanyang iniwan ay nagpupuyos ako sa galit tila gusto kong kumitil ng buhay. At ang masakit pa sa ginawa ng aking tatay ay sa kaibigan pa ni nanay siya kumabit. Wala siyang sinabi noon kahit ano. Basta’t umuwi na lang ako isang araw na nadatnan kong umiiyak si mama sa loob ng kanilang kwarto habang si bunso ay natutulog sa salas. “Wala na ang papa mo, iniwan na niya tayo.” Pautal-utal na saad ni mama habang humagulgol sa iyak. “Ha? Bakit ma? Saan siya pumunta?”. “Lumuwas na siya sa Manila kasma ng kabit niya.” sagot ni mama. “Anong kabit ma? Sinong kabit ni papa? Hindi totoo yan ma, hindi!” litong sagot ko sa sabi ni mama habang umiiyak na rin at napasigaw. “Tayo na lang nila bunso ang magkakasama anak.” sagot ni mama sa mahina at malungkot na tuno habang niyakap ako nang mahigpit. Wala na rin lang akong nagawa kundi yakapin na lang din si mama habang umiiyak.
Doon nagsimulang gumuho ang aking mundo. Doon nagsimulang bumaba ang tingin sa taong tinitingala ko. Hindi ko inaasahan na magagwa yun ni papa dahil maganda naman ang aming pagsasama sa loob ng aming tahanan. Kahit mahirap ang buhay ay magkakasama kami pa ring hinaharap ito. Ngunit ngayon ay hindi na ganoon ang sitwasyon. Kaya’t ginagawa ko ang lahat upang makapagtapos ng pag-aaral at upang matulungan ko ang aking ina at kapatid.
Araw ng Lunes ngayon at ilang araw na lang ay Final examination na namin, sa huwebes at biyernes na. “Clara! Clara! Tapos mo na ba ang case study na pinagawa ko nung biyernes?” tanong ni Hades isa sa aking mga kaibigan. “Ay, oo ito na.” “Salamat Clara!” saad niya sabay abot ng tatlong daang piso na bayad ng aking ginawa. Habang naglalakad kami papunta sa aming silid-aralan ay may sumigaw na naman sa pangalan ko. “Clara!” paglingon ko ay nakita ko si Zaine. “Yung pinagawa ko pala.” saad niya at inabot ko sa kanya ang pinagawa niyang written report at iniabot naman niya ang kanyang bayad na dalawang daan. Pagpasok namin sa silid-aralan ay mayroon pang dalawang academic outputs na aking ibinigay sa aking mga kamag-aral na binyaran din nila. “Kung may gusto pang magpagawa sa inyo o kung may mga kilala kayong wala nang oras gumawa ng mga academic outputs ay sabihin niyo lang saakin.” sabi ko sa aking mga kamag-aral at umaasang mas marami pang magpagawa upang mas marami rin ang aking kita.
Malaking tulong na rin ito sa aking pag-aaral at sa aming pang araw-araw na kailangan. Kahit mahirap dahil sabay-sabay ang mga nagpapagawa at naitaon pang malapit ang exam ay kakayanin ko pa rin. Ilang araw nang wala akong sapat na tulog. Swerte na nga kung maka anim na oras ako ng tulog. Madalas nang alas dos na akong natatapos sa aking mga gawain at mayroon pa akong klase sa alas syete sa umaga tuwing lunes, miyerkules, at biyernes. Pero nagsimula ang hindi pagkakaroon ko ng hindi maayos na tulog noong umalis si papa sa poder namin. Madalas akong umiiyak sa gabi sa loob aking kwarto at iniisip kung bakit ginawa iyon ni papa. Masakit sa puso at isip. Ngayon ay kasama na sa aking pagpupuyat ang paggawa ko sa aking mga komisyon at paggawa sa mga gawain sa paaralan. Hindi rin ako nakakakain nang maayos kaya’t kita na rin sa aking katawan ang pagbaba ng aking timbang. Madalas rin akong tulala sa loob ng aming silid-aralan na tila ang aking isipan ay nasa kawalan. Halo-halo ang aking iniisip kaya minsan hindi ko na rin naipopokus ang pag-aaral.
"Hoy!” gulat sabay kalabit sa akin ni Zhena, ang aking katabi sa aming asignaturang Chemical Biology III. "Oh bakit?" Tugon ko sa kanya at lumingon. “Ano na naman ba ang nasa isipan mo at tulala ka na naman diyan?”. “Ay wala ‘to, kulang lang siguro ako sa tulog.” sagot ko na lang sa kanya. “May pinapapagawa si sir basahin mo sa ating group chat. ‘Di daw kasi siya makakapagklase ngayon kasi mayroon silang meeting sa admin.”. Agad kong tiningnan ang aking selpon at tiningnan ang chat ni sir sa aming GC. Habang binabasa ko ang chat ni sir ay may nagchat sa aking messenger. Nagulat ako sa profile picture na aking nakita, mukha ito ni papa. Nag init ang mukha at biglang kumabog nag aking puso. May facebook account na pala si papa. Hindi kasi siya marunong magselpon noon kaya kahit anong hanap ko sa kanya sa facebook e wala akong makita pero ngayon nga ay nagchat siya. Nanginginig ang aking kamay habang pinipindot ang kanyang pangalan upang basahin ang kanyang chat. “Anak kumusta na kayo?” yan ang nakapaloob sa chat ni papa. Oo, namimiss ko rin ang aking ama ngunit mas nangibabaw pa rin ang aking galit sa kanya sa puntong iyon kaya hindi ko ito sinagot at ginawa ko na lang ang activity na pinapagawa ng aming guro dahil ipapasa daw yun mamaya. Pagkatapos kung gawin ang aming activity ay ipinasa ko na ito sa aming mayor upang siya na ang magpasa sa aming guro.
Mayroon pang oras bago magsimula ang aming susunod na klase kaya sabi ko sa aking sarili na iidlip muna ako kasi anto na antok na ako. Wala pa atang tatlumpong minuto ang aking idlip ay may kumakalabit na sa aking balikat at may bumubulong. Mahina ito kaya hindi ko maintindihan. Kahit antok na antok pa ang aking katawan ay dumilat ako upang tingnan kung sino ang kumalabit at bumlong. Pagtingala ko wala akong nakita. Lumingon din ako sa aking likod at sa aking kanan at kaliwa ay wala naman akong katabi. Ang aking mga kaklase ay nakaupo sa medyo malayo sa kain, may mga nasa bintana, sa labas at sa harapan. Ako naman ay nasa gitna. “Kung mga kaklase ko yun ay ang bilis namamn umalis nang hindi ko man lang nakita kasi dumilat at tumingala naman ako agad.” ani ko sa aking isipan. Paglingon ko sa may pintuan, naaninag ko ang babeng nakaitim na nakatayo sa gilid ng pintuan. Kahawig na kahawig nito ang nakita ko sa aking panaginip noong isang gabi, naka itim na bistida at mahaba ang buhok na itim na itim rin. Kinusot ko ang aking mata at baka namamalikmata lang ako. Pagtingin ko ulit ay wala na akong nakita. Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Bigla akong nanginig at napaiyak sa takot. “Aaaaahhhhh! Sino ka? Umalis ka dito!” sigaw ko habang tinuturo ang pintuan. Nagwala na ako sa loob ng aming paaralan. Sumigaw ako nang sigaw habang tinatakpan ang aking tainga at umiiyak hanggang sa nawalan na ako ng malay. Ang sumunod na nagyari ay hindi ko na alam. Nagising na lang ako ay nasa clinic na ako ng aming paaralan. Paggising ko ay sinabi na ng nurse na umuwi na ako at magpahinga dahil kulang daw ako ng pahinga. Sinabi rin ni Zhena na bahala na raw siya na sabihin kay sir na i-excuse ako kaya umuwi na lang ako sa aming bahay.
Pagkauwi ko ay tinapos ko na ang lahat ng gawain gaya ng pagluluto, paglilinis sa loob at labas ng bahay, paglalaba, at pagbabantay na rin kay bunso noong pagdating niya galing sa eskwela. Habang hinihintay namin si mama ay tinulungan ko ang aking kapatid sa paggawa ng kanyang takdang-aralin. Pagdating ni mama ay kumain na kami at kinuewento ko na rin kay mama na nagchat si papa sa akin kanina. Hindi na rin nakapagsalita si mama noong sinabi ko iyon at naiintindihan ko naman iyon kaya tumahimik na lang din ako at dumiretso na lang ako sa aking kwarto upang tapusin ang mga kailangan kong tapusin na activities at mga proyekto sa aming paaralan. Ngayong gabi ay ala una na nung ako ay nakatulog. Ilang gabi nang ganoon ang oras ng aking pagtulog kahit na noong exam namin. Napapadalas na rin ang pagkatulala ko sa paaralan, at hindi na ako masyadong nakikipag-usap sa mga tao pati mga kaibigan ko dahil parang gusto na lang laging mapag-isa. Napansin rin ito ng aking mga kaibigan kaya tinatanong nila ako tungkol dito at sinabi ko na lang na puyat lang dahil marami akong ginagawang proyekto at sinasabay ko pa ang aking mga komisyon. Ngunit mayroon ding mga pagkakataon na hindi ko nagagwa angmga pinapagawa nila sa akin dahil parang wala lagi ako sa mood gawin angmga ito. Hindi ko na rin ginagawa minsan ang mga gawaing bahay na dati naman ay gustong gusto ko talagang gawin, naiirita kasi ako sa maruming kapaligiran at kapag may mga nakikita akong gawain sa aming bahay na hindi pa tapos. Bukod pa diya ay mas naging galitin at konti ang pasensya. Kahit konting bagay lang gaya ng kaunting ingay eh naggalit na ako at naiirita. Madalas din ang mga pagpaparamdam ng mga hindi ko mawaring nilalang sa akin kaya madalas akong umiiyak at natatakot kaya ngayon hindi na ako sa akin kwarto natutulog. Nakikitulog na ako sa kwarto nina mama at bunso sa mama, sa sahig ako natutulog pero ganun pa din, marami pa rin akog nakikita at naririnig. May naririnig din akong parang batang umiiyak at mga babaeng tumatawa. Lagi akong binabalot ng takot tuwing gabi at kumikirot lagi ang dibdib dahil naiisip ko pa rin ang ginawa ni papa sa amin. Nababahala na nga rin si mama dahil baka may raw hindi matahimik na kaluluwa sa aming bahay na gusto akong guluhin o kunin kaya sinabi niyang pumunta daw kami sa albularyo pagkatapos ng aming klase. Sumang-ayon naman ako sa sinabi ni mama dahil sabi ko ay wala naman sigurong masama kung susubukan namin upang malaman na rin kung sino ang mga nanggugulo sa akin ngunit nung plano sana namin pumunta ay hindi iyon natuloy.
Isang araw bago matapos ang aming school year ngayong 3rd year college ay may isang pangyayari na hinding-hindi ko malilimutan. Gaya nang nangyari bago kami mag-exam, nakita ko na anman ang babaeng nakaitim sa may pintuan. Nakikipag-usap ako sa kina Zhena, Pat, at Hanrex, ang aking mga kaibigan tungkol sa aming mga planong gawin sa bakayson at ang nasabi ko lang sa kanila ay tutulong kay mama sa pag-aalaga kay bunso at mag-iipon ng gagamitin ko sa susunod na school year. Natanong din nila kung may balak akong hanapin si papa. Ang sagot ko naman ay "Wala akong balak na hanapin siya, kung gusto niya na lang kaming bisitahin eh doon na lang siguro kami magkikita.”. Hindi ko pa kasi tuluyang napatawad si papa sa ngayon. Kailangan ko pa ng oras at pag-unawa. Tapos tanong pa nang tanong ang aking mga kaibigan tungkol kay papa. “Bakit ba kasi siya umalis, Clara?”, “Baka may kasalan kasi kayo.”, “Hindi ba sila nag-usap ng mama mo bago siya umalis?”, “Hindi man lang ba siya nagpaalam sa inyo ni Gino?”, ilan lamang iyan sa kanilang mga tanong at naiirita na ako sa kanila. “Umalis na nga kayo! Nakakaiirita ang mga sinasabi niyo!” pasigaw ko na tugon sa kanila. Nagulat ang aking kaibigan kaya wala na silang nagawa kundi umalis na lang sa aking tabi. Doon na nga nagpakita ulit ang babaeng nakaitim sa may pintuan. Tila ako ay tinatawag. Nakangisi siya, dilat na dilat ang nakakatakot niyang mukha, at bakas na bakas ang mga dugo sa kanyang mukha. Tinatawag ako. “ Clara” mahinang tawag niya habang nakangisi at kinakawayan ako. Sa hindi ko malamang dahilan ay unti unting tumayo ang aking mga paa sa aking kinauupoan at dahan dahan akong naglakad patungo sa kanya ngunit bago pa ako makalapit sa kanya ay wala na akog naaninag, nagdilim na lang bigla ang paligid.
Pagdilat ko ay nasilaw ako sa maliwanag na ilaw. “Anak, anak.” boses iyon ni mama habang hinahawakan ang aking balikat. “Ma, nasaan ako?” sagot ko. “Nasa ospital ka, nawlan ka daw ng malay sa eskwela at minabuti nalang nilang dalhin ka rito at tinawagan ako ni Pat kaya pumunta ako agad dito. Kumusta ka na anak, may masakit ba sa iyo?” tugon ni mama at bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. “Okay lang ako ma, sumasakit lang ang aking ulo.” sagot ko naman. Maya maya pa ay pumasok na ang doktor at may tinanong sa akin na ilang mga bagay at sinagot ko naman ang mga ito. Tinanong niya kung malas ba akong himatayin, sumasakit ang ulo, tungkol sa oras ng aking pagtulog, at marami pang iba. Kinuwento ko lahat kahit yung mga pagiging matatakutin ko, madalas na pag-iyak at pagkagalit. “Mayroon bang malaking bagay sa iyong isipan na bumabagabag sa iyo?” tanong ni dok. “Meron po, dok.” saad ko na lang dito. Pagtapos ng ilang tests na ginawa sa akin ay sinabi ng doktor na pwede na raw kaming umuwi at babalik na lang ako bukas para sa mga resulta.
Pagka-uwi namin ay dumiretso si mama sa kabilang bahay dahil mayroon daw siyang labada ngayon. Ako naman ay dumiretso bahay. Pagpasok ko sa bahay ay nadatnan ko si papa. “Pa? Anong ginagawa mo dito?” taka at gulat kong tanong. “Anak, narito ka na pala. Gusto ko lang sana kayong kamustahin.” sagot ni papa. “Kumustahin? Pagkatapos mo kaming iwan nang wala man lang sabi sabi, babalik ka upang kumustahin kami?” nagsimula nang tumulo ang luha ko habang binibigkas ko ang mga salitang ito. “Para ano pa, pa, para ipamukha sa amin na masaya ka na sa iyong bagong pamilya?” tuloy ko pa. “Hindi anak, wala akong bagong pamilya.” sagot niya. Napakunot noo akong sumagot, “Ha? Anong wala, pa? Sinabi na nga mama na umalis ka kasama ang babae mo, at ang kaibigan pa ni mama.”. “Hayaan mo akong magpaliwanag anak. Ang totoo niyan ay umalis lamang ako dahil gusto kong makahinga, sakal na sakal na ako sa iyong ina.” sabi ni papa na mas lalong ikinunot noo ko, mas lalo akong nagtaka dahil sa aking napapnsin ay maganda naman ang kanilang pagsasama. “Hindi namin ipinapakita sa inyo na hindi maganda ang pagsasama naming mag-asawa, kapag wala kayo ni Gino na nakakakita sa amin ay doon nagiging tigre ang iyong ina at palagi kaming nag-aaway. Palagi niya akong pinagkakamalang may babae sa trabaho kahit ang totoo naman niyan ay wala talaga. Siya lang nag gusto ko at mamahalin ko. Sapat na kayo sa akin at ayaw kong masira ang pagsasama natin.” sabi ni papa. “Sinira mo na nga simula nung iwan mo kami!” galit na sagot sa kanya. “Umalis ako dahil gusto ko lang magpahinga saglit pero wala akong balak iwan kayo nang tuluyan. Hindi kasi matahimik ang iyong ina at lagi akong inaaway na meron daw akong kabit at wala daw akong naitutulong sa inyo, hindi ko alam kung anong nangyayari sa iyong ina.” pagpapatuloy ni papa. Ako naman ay unti unting nawawala ang galit at taimtim na nakininig sa kanya. “Hindi totoong nagsama kami ni Marites, naitaon lang na umalis din siya upang magtrabaho sa Maynila kaya wal adin siya noong umalis ako. Pero hindi kami magkasama. Maniwala ka sa akin anak, ang ina mo lang ang tanging laman ng puso ko at kayong mga naak namin. Patawarin mo ako sa king nagawang pag-iwan sa inyo nang walang paalam.” sabi ni papa na umiiyak na rin. “Sana mapatawad mo ako anak.” saad niya habang niyakap ako. Wala na akong nagwa kundi gantihan din siya ng kayakap dahil sa totoo ay namiss ko din talaga siya. Nag-iyakan na lang kami doon at nag-usap pa hanggang sa napatawad ko na din siya dahil snabi naman niya sa akin ang totoo. Pagkauwi ni mama ay nagalit din siya at umiyak noong nakita si papa. Ngunit nag-usap rin sila nang masinsinan hanggang sa naging mabuti rin ang lahat. Nakahinga rin ako nang maluwag at mas naging maganda ang aking pakiramdam kahit kagagaling ko lang sa ospital. Noong oras na iyon ay parang ang lahat ng aking problema ay nalutas. Ang gaan gaan sa pakiramdam at hindi maalis ang ngiti sa aking labi.
Kinabukasan ay bumalik ako sa ospital upang tingnan ang resulta ng check-up sa akin ni dok. Pagkarating ko ay pinapasok na ako agad. Pagkatapos kong nakipag-usap kay dok ay lumabas akong tulala. Hindi ako makapagsalita. “Clara mayroon kang depresyon.” yan ang sabi ni dok kanina sa akin na ikinagulat ko. “Ang mga bagay rin na sinabi mo kahapon noong nag-usap tayo ay mga senyales ng depresyon yun, Clara.” sabi ni dok at hindi na ako nakapagsalita. Ang mga problema ko na aking dinamdam at hindi inalis sa aking isipan pala ang naging dahilan. Kaya pala madalas akong iritado at galit, ang mga bagay na dati’y gustong-gusto kong gawin ay hindi ko na ginagawa, palaging sumasakit ang ulo ko, hindi ako makatulog nang maayos sa gabi kahit wala naman akong ginagawa, at marami pa, dahil mayroon akong depresyon. Sa gitna ng aking pag-iisip ay tumulo ang aking luha. “Kakayin ko kayang lampasan ‘to?” ani ko sa aking isipan. Natatakot ako dahil kung hindi ito maagapan ay baka kung saan pa ako pupulutin.
Ngunit sa kabila ng iyon ay napag isip-isip ko na rin na kakayin ko ‘to dahil nandiyan na si papa. Ang isa sa alam kong pinakamalaking problema ko noon na naghatid sa aking kinalalagayan ngayon ay nalutas na. Maayos na ang relasyon naming pamilya kaya nabuhayan ang aking loob na malalampasan ko ito. Napagtanto ko na rin na ang nakikita at naririnig na ibang nilalang ay bunga lamang ng aking guni-guni. Ang mga ito ay halimaw sa loob ng aking isipan. Halimaw na kailangan matanggal upang ang aking katawan ay hindi nila tuluyang maangkin. Lumabas ako sa ospital na tumutulo ang aking mga luha. Nakakuha man ako hindi magandang balita ay buo pa rin ang loob kong malalampasan ko ito. Kailagan kong maging matatag. Hindi ko hahayaang angkinin ng mga halimaw na ito ang aking munting kaisipan. "Halimaw, nagmamakaawa ako, umalis ka na sa loob ko." mahinang sabi ko sa kawalan."
WAKAS
2 notes
·
View notes