ansonchaaan-blog
ansonchaaan-blog
Isang Araw: Ang Tarlac
1 post
Don't wanna be here? Send us removal request.
ansonchaaan-blog · 7 years ago
Text
Tumblr media
Ang aking nanay ay pinanganak at pinalaki sa Tarlac, ngunit gayon pa man ay hindi pa namin gaanong nalilibot ang lugar, kaya naman nang sumapit ang bakasyon nag desisyon siya na maglibot kami sa Tarlac. Dalawang lugar ang napagplanuhan naming puntahan ang una ay ang Monasterio de Tarlac at ang pangalawa naman ay ang Bamban Tarlac.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang una naming pinuntahan ay ang Monasterio de Tarlac. Ang daanan papunta rito ay maaliwalas sa mata sapagkat ito ay mapuno, matatagpuan ang Monasterio sa tutok ng bundok. Sa aking palagay ang mapadaan sa magandang kalikasan habang patungo sa Monasterio ay isang magandang kombinasyon sapagkat tila ba nakikipagusap ang kalikasan sa mga taong dumadaan. Nang kami ay dumating sa Monasterio, nakita kaagad namin ang malaking statua ni Hesus na nakabukas ang mga kamay na saaking palagay ay nangangahulugan na tayo ay bukas na pumunta sa kanyang bahay upang bisitahin siya sapagkat mahal niya tayo. Ito ay dinarayo ng mga tao sa angking ganda nito.
Tumblr media Tumblr media
Sunod naming pinuntahan ang Bamban, ang stuktura nito ay hinango mula sa mga sikat na pook sa Greece. Ang lugar ay maganda at talaga namang dinarayo.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Nang matapos na ang araw, kami ay kumain sa isang tampok na lugar sa Tarlac, ang Isdaan na matatagpuan sa bayan ng Gerona. Masarap ang pagkain higit pa dito ay hindi ka mababagot sa pagaantay sapagkat may mga banda na kumakanta at may magician din.
2 notes · View notes