asteptoadventure
asteptoadventure
CuriousTraveler_12
12 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
asteptoadventure · 4 years ago
Text
Gusto lang Tumingin
paglakbay. Kasi ang daan sa gitna ng Luzon ay hindi mo malilimutan hindi lang dahil sa sining, mahaba talaga ang paglakbay. Labingdalawa hanggang labing apat na oras bago makarating sa Aparri galing Manila. Aparri ay isang sambayanang magkimkim, maraming ari-arihan pumupunta dito galing ibang bansa. May isang simbahan dito lamang ang St. Peter Thelmo, medyo bago yung loob dahil sa mga renobasyon. Isa sa mga malaking pangyayari ay yung perya, merong mga sakyan at laro na ilang oras na nakawak ka. Sasabihin ko lang, magdala ng maraming sukli. Isa sa kasiyahan na hindi ko pa nakita ay yung "miss Aparri pageant' na tao galing ng ibang mga munisipyo ay makilahok. Ang pagkain ang mahahanap dito ay puro isda, kasi katabi ng ilog ang munisipyo. Isa sa mga to ay ang Bulung Unas o "Ribbon Fish", mas nakakahuli ang isda na to sa buwan ng Enero - Pebrero. Yung pinakmahal na isda na pwede bilhin ay yung "President fish" na 4ooo hanggang 5000 pesos. Nakakita lang sa Aparri delta sa buwan ng Oktubre - Nobyembre. Kalahati na tong minensahe di ko pa naranasan, pero parang maraming nalakbayan sa uwi ko nang Aparri. Yung totoong lakbay ay sa pakikita ng bagong bagay. Kaya tumingin ka lang, baka magustahan mo.
0 notes
asteptoadventure · 4 years ago
Text
The Island That Never Sleeps
Tumblr media
Nais kong ibahagi and aking karanasan noon bakasyon ng taong 2019. Ako, kasama angaking pamilya ay pagpunta sa isang sa mga kilalang “tourist desination” sa ating bansa. Kami ay sumakay sa eroplano mula sa Manila patungo sa Kalibo, Aklan. Pagkalapag naming ng Kalibo, kami nama’y sumakay sa isang bangka na siyang nagdala sa amin sa isla ng Boracay. Sa aming pagdating sa isla ng Boracay kailangan pa naming sumakay ng tricycle upang makarating sa Station 2 dahil naroon ang hotel kung saan kami mananatili ng limang araw. Inayos naming ang aming mga gamit sa aming kwarto at bumabang muli upang kumain at magtampisaw sa swimming pool ng hotel at pati na rin sa dagat. Nang mapagod ay kapag den kaming bumalik sa aming kwarto at nagpahinga.
Kinabukasan, kami ay sumakay muli ng bangka upang mag-island hopping. Pagkadating naming sa isang isla, kami ay sumubok ng ilang mga activity na mayroon sa isla, katulad ng pagsakay sa ATV. Nasubukan din naming na lumangoy sa ilalim ng isang isla na aming napuntahan. Sa aming pagbalik sa isla kung nasaan ang aming hotel, sinubukan namin ang mag-snorkeling sa ginta ng malawak at malalim na karagatan. Kahit saan ako tumingin magandang tanawin ang aking nakikita. Nang marating namin ang isla kung nasaan ang aming hotel, naisipan namin na manatili muna sa tabi ng dagat upang pagmasdan ang nakakamanghang tanawin ng paglubog ng araw.
Sa mga natitirang araw, namasyal kami sa iba pang tourist spot na pwede naming mapuntahan sa Boracay. Narating naming ang Grotto ng mahal na birheng Maria. Tumikim kami ng iba’t ibang putahe sa iba’t ibang kainan na sa isla ng Boracay lamang namin matitikman at mararanasan.
Iilan lamang ang aming mga nasubukan na activity sa mdaming activity nna maihahandog sa inyo ng isla ng Boracay. Marami pa ang isla na pwedeng pasyalan ng bawat turista katulad ng Magic Island, Crocodile Island, Crystal Cove Island, at iba pa. Marami din ang mga water activities na pwedeng gawin, katulad ng pagpagsakay sa banana boat, jet ski, at fly fish, o ‘di kaya nama’y mag-paddleboaring, pwede den ang mag-paraw sailing. Pwede din sa ilang bahagi ng Boracay ang mag cliff jumping. At hindi lang sa mga water activities magsaya, dahil pwede mo ding tanawin ang kabuuan ang Boracay sa itaas ng Mount Luho.
Sa pagbalik-tanaw ko sa aking karanasan, hindi ko maiwasang naisiin na sana’y magiging maayos na ang lahat upang maranasan ko ang iba pang mga masasayang activity sa Boracay o ‘di kaya nama’y makaranas ako ng iba pang masasayang activity sa iba’t iba pang lugar sa boung panig ng mundo.
0 notes
asteptoadventure · 4 years ago
Text
Akademyang Nagbubuo ng kinabukasan ng Bansa
Tumblr media
Ang litrato na ito ay kinuha noong pumunta kami ng magulang ko sa Philippine Military Academy sa Baguio, Benguet. Ang Philippine Military academy ay ang pinapasukan ng mga tao na nais na maglingkod sa bansa bilang isang sundalo. Malaki ang lugar na ito, presko at maraming pwedeng puntahan bilang isang turista basta walang nagaganap na pasok. Ang litrato na ito ay nanggaling sa isa sa mga maraming parke na makikita sa lugar. Ang mga parkeng ito ay ipinatayo ng bawat batches nagtapos sa PMA. Sa parkeng ito, makikita ang iba’t ibang tangke at kanyon na ginamit noong World War 2. Galing sa lugar na ito, konting lakad lang ang kailangan mo upang makarating sa lugar kung saan makikita mga gusali na puno ng mga kuwarto ng turuan at tulugan ng mga kadete. Sa labas ng gusali na ito, makikita ang mga nakadisplay na eroplano at helicopter ginamit ng militar. Malapit rin dito ang grandstand. Ang grandstand ay isang malaking patlang kung saan nagaganap ang mga iba’t ibang seremonya at mga aktibidad. At sa kabilang dulo nito, ay ang gymnasium. Sa loob nito makikita ang mga basketball courts, badminton courts, at sa labas makikita ang swimming pool. Maganda sa kabuuan ang lugar na ito at maganda rin makita ang lugar na pinanggagalingan ng mga sundalo ng bansa. Kaya maayos rin na balik balikan ang lugar na ito.
0 notes
asteptoadventure · 4 years ago
Text
“Fresh na Fresh”
Ni: Christian Romidez L. Calilung II
Tumblr media
Fresh na fresh! Sa sobrang fresh ng tubig, nakikita mo hanggat sa pinaka ilalim ng dagat. Sa sobrang fresh, kailangan magsuot ng life vest para lumutang sa tubig. ang larawan na ito ay nakuha noong 2019, kasama ang aking pamilya at iba pang relatives. Ito ay isa pa sa mga maraming fresh water lakes na matatagpuan sa Coron, Palawan. Ang Coron ay isang lugar sa Palawan, kilala sa sobrang daming pweding magagandang puntahan. Iba’t ibang lugar tulad ng mga reef, mga lumubog na mga banka ng hapon, at iba’t ibang mga isla. Ang larawan naman na aking ipinakita ay isa sa dalawang napuntahan namin na fresh-water lake na napuntahan. Kaya ito fresh dahil ang tubig dito ay hindi galing sa dagat, kundi dahil ito’y galing sa ulan at sa mga bundok. dito sa fresh water lake na ito ay may mga maliliit na isda din. Dito rin ay may mga maliliit na kuweba sa tabi tabi sa mga bundok. Sa totoo lang, kahit maraming beses na kaming nakapunt dito, hindi talaga nakakasawa ang experience na makukuha na makapunta dito. Talagang masarap at presko ang hangin na mahihinga dito sa Coron, Palawan. Ibang iba ang pakiramdam makalabas sa siyudad na area, lalo na sa metro manila. Busina, usok, trapik, mga problema na hindi matatagpuan sa Palawan.
0 notes
asteptoadventure · 4 years ago
Text
“Tara Aaron!”
Tumblr media
TIONQUIAO, Ron Maynard S.
“Tara Aaron, sama ka samin papunta Marinduque.” Medyo pilit na pag-yaya ng ni kuya Maco sakin. Tuwing summer, mga pinsan ko ay umuuwi sa Marinduque para bisitahin ang kanilang lola sa side ng tatay nila. At dahil palagi daw ako nasa bahay, naisip nila na maganda na isama nila ako dito para kakaiba naman. Di naman nila ako kailangan pilitin kasi gusto ko naman. 
Tumblr media
One to sawa kami sa pag langoy sa dagat. sa isang buwan namin sa marinduque, bawat linggo lumalanggoy kami sa dagat. Tas pagdating ng gabi, nag iihaw kami at nag kakaroon ng campfire tas nagkekwentuhan sa isa’t-isa.
Tumblr media
Di lang dagat, pati sa talon kami lumalangoy.  Nahirapan ako lumanggoy sa una dahil ang lamig ng tubig tas kinakabahan ako masugatan dahil sa madudulas na bato. Ang sarap sobra tumalon at napagalitan ako ng magulang ko pag-uwi ko ng makati dahil nalaman nila na ginagawa ko yan. XD
Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Tas syempre may pista na naganap. Kaya idinala kami ni tito sa simbahan. Ang ganda sa loob. At tinadhana ako (joke lang pero pwede ren) dahil nandito pala ren ang isa kong ka eskwela. Kaya bumisita kam isa bahay niya at nakikain sa mga handa nila (normal na gawain ng mga Pilipino XD). Ang babait ng mga tao sa Marinduque tas di sila kasing stressed tulad dito sa Manila. Napaka chill ng buhay.
Tumblr media
At ang pinaka huli ay yun pagtatanim ng mga buko at saging. Di ko alam kung alam niyo, pero mahilig ako sa buko (kung di na halata sa larawan hahahaha) Ang saya at na enjoy ko, nalaman ko ren kung gaano kahirpan mag bukas ng buko (o sadya lang talagang mahina ako). Lakas pa ng trip ni kuya Maco sakin, city boy daw kasi ako. Tse bahala siya, basta ako na enjoy ko!
--------
Babalik kami sana sa Marinduque, pero dahil sa pandemya, di natuloy. Pero pag dumating yun pagkataon na tatawagin ako ng pinsan ko at sabihin niya na “Tara Aaron! Sama ka sa Marinduque”. Walang pag dalawang-isip, PAPAYAG AKO AGAD! Ang saya sa buhay ng probinsya at may mga naranasan akong mga bagay na di ko mararanasan dito sa manila. Di ko sinasabi na gusto ko tumira sa Marinduque. Pero magandang lugar to para mag chill kasama ang iyong pamilya at kalimutan ang mga problema mo.
0 notes
asteptoadventure · 4 years ago
Text
Magpapawis
Ni: ESTANIEL, Aron Christopher D.
Tumblr media
Noong ika-10 na baiting ako, bago kami mag move up, inimbita ako ng aking kaibigan na pari na si Father Donnie sa isang hiking sa Taal Volcano sa Tagaytay. Kasama ko ang mga ilan kong kaklase at mas naging komportable ako dahil akala ko na ako lang yung inimbita ni Father. Bago yung araw na iyon, ako ay sobrang excited dahil ito ay ang pangalawang beses ko na maghike at minsan lang ito mangyari.
Noong araw na iyon, nagulat ako dahil ang daming estudyante galing sa iba’t-ibang batch na sumama din. Sa una, akala ko na yung mga ika-10 na baiting lang ang sinama pero ilan ilan pala sa junior high ang sinama. Napaisip ako kung kakasya tayo lahat sa isang bus nung nalaman ko na isang bus ang gagamitin lamang para sa biyahe. Papunta doon, nasiyahan ako dahil eto nanaman, ang nostalhik na biyahe na may kasamang musika, kwento, tawa, at tulog. Bago kami dumating doon sa taal, kami ay nag stop over para mag amlusal. Pagkatapos, kami ay bumalik sa bus at nakarating na kami sa ilog ng taal. Bago kami maghike, sumakay muna kami sa bangka para makarating doon sa bundok na ihihike namin. Nakarating na kami doon sa bundok at doon na kami nagsimula maghike. Ang dami naming Nakita papunta sa taas ng bundok, katulad ng mga kabayo, checkpoints para makaupo, mga tindahan, at mga malalaking bato na umuusok.
Pagdating namin sa tutok ng bundok, ang daming tindahan nanaman at may isang watchtower na nakita ko doon at agad ako pumunta doon at nagpakuha ako ng litrato sa kaklase ko. Ang paglalakbay ay isang pahinga galing sa ating araw-araw na gawain. Masisiyahan ka dahil ikaw lang mag-isa lumakbay o kasama mo ang iyong pamilya o mga kaibigan mo. Ginagawa natin ito dahil gusto natin mag explore o maalis ang ating stress at mag-enjoy ng sobra.
0 notes
asteptoadventure · 4 years ago
Text
‘Ride Home’
ni ZANTUA, Francis Gerard S.
Tumblr media
Baliktanaw sa buwan ng Marso, 2019, sa aking munting tahanan. Napili ako ng paaralan upang masama sa Leadership Camp bago ako mag senior high. Ako naman ay naunahan ng hiya at takot ng mga mangyayari, pero bilang isang taong hindi marunong magsabi ng ‘hindi’, um-oo ako at nakisama, ‘tignan na lang natin kung saan tayo dadalhin nito’. Fast forward tayo sa buwan ng Mayo, 2019, nakatapak na kami sa maputing buhangin ng Cagbalete, kasama dun na naghihintay ang mga employado ng resort na pananatilihan namin ng isang Linggo. Siyempre, unang araw, pahinga at pag-gala lang ang aatupagin. Init ang dala ng araw, lamig ang dala ng hangin, at kapayapaan ang dala ng dagat.  Sa baba, maikita mo talaga na puno ng mga misteryo ang bihangin. Mayroong mga seashells na maliliit, mayroon rin namang malalaki, may mga alimango na mahilig magtago, ngunit wala kang makikitang ni isang kalat. Kahit ‘di ka na mag tsinelas, paniguradong puputi ang paa mo kada tapak. Sa gitna naman, alon na maliliit, mayroon rin namang malalaki, sa umaga ay nawawala, sa gabi ay bumabalik. Pag sapit ng low tide, higit kalahating kilometro ng buhangin ay magpapaaraw. Sa taas naman, ang sinag ng araw, minsan mainit, minsan sobrang init. Mabuti naman na mayroong dagat para magpalamig.  Kasama ko naman ang ilan sa mga nakasama rin sa Leadership Camp, may mga kakilala, may mga hindi kakilala. Sa una, hindi ko alam kung paano dapat ako makikisama sa kanila, ngunit habang tumagal, nalaman ko rin kung bakit sila nasama sa Camp tulad ko. Lahat kami ay mababait at mabubuting tao sa loob-looban, basta’t mapakita namin ‘yun sa isa’t-isa, paniguradong tropa na agad.  Unang una talaga, tahimik akong bata, ‘di ako tumatayo para sa aking sarili, at naghihintay lang ako sa mga gusto kong mangyari nang hindi inaasikasuhan. Namulat ako sa loob ng Leadership Camp na ito, na ‘di pwedeng naka-standby lang, ‘di pwedeng nasa background lang tayo. Naisipan kong isa akong ordinaryong tao, at sila ay mga extraordinaryong tao, ngunit nalaman ko rin na lahat pala kami na nakasama doon ay pantay pantay lamang na ordinaryong tao, at walang extra sa atin. Kada-araw na lumilipas ay pinapatugtog sa amin ang ‘Ride Home’ ng Ben&Ben bilang pampagising. Ngayon, naabot ko na ang aking Home, hindi ito ang lugar ng Cagbalete, ngunit ang aking tunay na sarili, na mabait, mapagbigay, nagsasalita, at namumuno.
0 notes
asteptoadventure · 4 years ago
Text
Ang karanasan ko sa Aurora, Baler
Ni Nathan Louis L. Hernandez
Tumblr media
Baler, Aurora sa pag punta ng baler mahaba ang paglalakbay namin dun. Umabot pa nga kami ng halos labing apat na oras para lang makarating sa baler. Pagkarating namin sa baler nakita ko ang malawak na dagat ang pag tapon ng alon patungo sa lupa. Marami akong natutunan sa pag punta ko sa baler. Nalaman ko din mga tao sa baler sobrang mahilig sa dagat. Natutunan ko meron din silang “surfing culture” gaya sa La Union. Nakapag surfing din ako gaya sa La Union. May napansin din akong pagkakaiba sa kultura ng La Union at Baler. Lalo na his surfing pag mismo napansin nila yung nag surfing ako tas yung paraan ko his surfing pag iba his paraan ng surfing pag nila. Mga tao nakilala ko dito napaka bait masarap makisama. Para saakin ang paglalakaay patungo sa mga iba't ibang lugar ay pagkakataon para makipag kilala sa mga iba '
0 notes
asteptoadventure · 4 years ago
Text
Iniwang Kayamanan ng Las Casas
Ni Juan Miguel B. Cortez
Tumblr media
Ang isa sa pinakapaborito kong pinuntahan dito sa Pilipinas ay ang Las Casas Filipinas De Acuzar, dahil na iintriga ako sa mga bahay at mga gusali na makikita dito. Ito ay mga bahay at gusali na nabili ni Jose Acuzar at nilagay niya ito sa isang lugar. Nakakaintriga tignan ang mga bahay at gusali dito pati ang mga imprastraktura na makikita dito. Nalala ko noong unang pagpasok namin sa loob ay parang bumalik ako sa nakalipas na panahon. Madaming nakalulumang mga bahay at mga gusali kung saan man ka tumingin. Puro masalimuot ang mga disenyo at istraktura ng mga bahay at gusali. Ang mga tour guide rin ay nakasuot din ng mga nakalulumang kasuotan pati ang mga guwardiya. Malamig ang panahon nung pinuntahan namin ang Las Casas dahil na sa bandang Nobyembre na noon. Hindi ako masyadong nakinig sa aming tour guide noon dahil masyado akong na intriga sa arkitektura ng mga bahay at gusali doon. Naalala ko ay kuha ako ng kuha ng mga litrato ng mga arkitektura ng mga bahay at mga gusali at madalas ako na iiwan ng grupo namin. Nainspire ako sa mga imprastruktura na makikita dito dahil sobrang matikuloso ang mga naka ukit sa mga bahay at gusali pati sa mga tulay dito. Sa tatlong araw na nandoon ako sa Las Casas ay nakatinggin lang ako sa mga bahay at mga gusali doon at iniisip kung paano nila ginawa ang mga ito. Dahil naalala ko ang sinabi ng tour guide namin ay ang may ari ng Las Casas ay binibili ang mga nakululumang mga bahay at gusali sa buong Manila at dinadala nila sa loob ng Las Casas. Lahat ng mga ginamit sa mga bahay at gusali bago sila binili ay ang pareho din na ginamit na mga materyales para sa reconstruction ng mga bahay at gusali. Para sa akin ito ang isas sa mga gusto kong bisitahin ulit dahil sa mga imprastraktura nito. Pati na rin para sa inspirasyon. Ang paglalakbay sa akin ay para his inspirasyon para sa sarili. Ang paglalakabay din ay para mahanap mo rin ang sarili mo. Sana makabalik ulit ako dito kapag natapos na ang pandemya.
0 notes
asteptoadventure · 4 years ago
Text
Munting Paraiso
Ni Allen Manuel M. Koa
Tumblr media
     Noong bata pa ako, ipinakilala na ng aking pamilya ang kanilang maliit na paraiso sa Cebu na itinatawag na Tabunan. Malayo ito sa mga malalaking siyudad, kung kaya't isang oras ang biyahe papunta rito. Angkop ang pangalan nito sapagkat ang kahulugan ng, "Tabunan" sa Cebuano ay, "Nakatakip" o "Nakatago."
     Sa mismong lugar, makikita ang maikling kumpol na mga bahay, na katabi ang malaking dalampasigan. Mayroong mga kubo na nakaharap ng dagat, kung saan maaring tumambay at magpahinga. Ang tubig ng dagat ay palaging nakakapresko. Pumupunta ako rito kapag nais magpahinga ng pamilya ko sa buhay sa siyudad o kapag may mga "Family Reunion." Lahat ng mga karanasan ko dito ay puno ng kaligayahan kasama ang aking mga pinsan at kamag-anak. Naalala ko na palagi kaming naghahanap ng hermit crab sa mga malalaking bato sa tabi ng dalampasigan. Kasama na dito ang pagligo namin sa dagat, kung saan tumatabling kami bago tumalon. Ito ang karaniwan na araw namin sa maliit na paraiso na ito.
     Hanggang ngayon, nananatili parin ito bilang isang mahalagang lugar sa aking buhay. Kapag nandoon ako, nararanasan ko muli ang kaligayahan ng aking pagkabata. Hindi karaniwan na magkaroon ng malaking halaga ang isang lugar sa akin, pero ito ay isang eksepsyon. Ang kahalagahan ng paglalakbay ay tunay na nakikita sa sarili, sa nakakasama, at sa lugar na nagbibigay ng makahulugan na karanasan. 
0 notes
asteptoadventure · 4 years ago
Text
Pagudpud, hindi ka mapapagod
Gawa ni: James Matthew O. Bueno
Tumblr media
Makikita mo dito sa larawang ito ay ako at kasama ko ang aking pamilya. Nasa lugar kami kung saan malayo ito sa aming tahanan. Ito ay noong taong 2018 at bakasyon ko na ito noong Grade 9 ako. Isa itong beach pero hindi lang ordinaryong beach to dahil ito ay ang kingfisher beach resort na matatagpuan sa Pagudpud, Ilocos Norte. Ito ay ang unang beses naming makapunta sa lugar na ito na sobrang layo at sobrang layo ng byahe namin papunta dito na umabot ng 10 oras para lang dumating dito. Natulog kami ng isang araw na bumabyahe lang sa loob ng van para lang makarating sa napakagandang lugar na ito. Nakakapagod ang byahe at sumakit ang mga katawan namin sa mahabang oras na nakaupo o higa sa van na natulog pero yung pagod na iyon ay nawala ng makarating kami dito. Sobrang sarap sa pakiramdam ang hangin doon di tulad sa metro manila na puro usok ang masisimoy. Sinalubong kami ng isang aso ngunit di naman ito nangangagat at imbes ay parang tinanggap kami sa lugar na iyon na parang isang tao. Talagang sinulit namin ng pamilya ko ang limitadong oras namin sa Pagudpud at nagpahinga muna sa trabaho at pag-aaral. 
Talagang gusto ko bumalik balik sa lugar na ito kahit mahina ang signal dito dahil parang takas ito sa mundo ng social media at sa totoong buhay. Parang nasa ibang mundo ka dahil iba din ang mga tao dun na sobrang bait at sinalubong din kami ng may ngiti sa kanilang mga mukha. Para sa akin ang pagbyahe na ito ay napakahalaga dahil dito habang nabyahe ay nakikipag kwentuhan ka sa mga mahal mo sa buhay habang madidiskubre niyo ang mga magagandang lugar na hindi mo pa natutuklasan. Sana kapag natapos na ang pandemyang ito, bumyahe tayo sa mga lugar na di pa natin natutuklasan at takasan natin ang mga problema at ang realidad.
0 notes
asteptoadventure · 4 years ago
Text
Ang Dating Mundo ng Intramuros
Ni: AGUILA, William Patrick P.
Tumblr media
Dalawang beses ako nakapunta sa Intramuros, ang una noong bata palang ako, labing-isang taong gulang ako noon, at ang ikalawang beses, ilang buwan lamang bago mangyari ang Coronavirus. Nakakaaliw balikan ang lugar at makita ang pagbabago sa loob ng anim na taon. Dati, marumi-rumi pa ang intramuros at wala masyadong turista na nagpupunta rito, ngunit noong balik ko, biglang may pila na para makapasok sa Fort Santiago. Ngunit ang pinakanakakaaliw sakin ay kung gaano katanda ang mga gusali na ito pero hanggang ngayon matibay parin sila, subalit may mga renobasyon at pagpapanumbalik ng mga gusali, napaka kamangha-mangha na makita nakatayo parin ang mga ito. Nakikita ko dito kung gaano talaga kagaling ang mga tao kahit noong panahon pa.
        Pagpasok mo sa Intramuros madali mong makikita kung sino ay lokal na halos araw araw ay narito at kung sino ang turista. Ang mga turista ay kumukuha ng litrato sa mga kalesa habang ang mga lokal ay naiirita sa amoy ng tae ng kabayo. Ang mga tao sa loob ng intramuros bago pa ang pandemiya ay kahangahanga dahil araw-araw sila nasa loob ng lungsod at para bang alam na nila ang buong kuwento ng Intramuros. Alam nila halos lahat ng itinatanong sa kanila. Isang beses nadaanan namin ang isang tindero ng laruang pambata, tinanong namin kung nasaan ang simbahang San Agustin, hindi niya lamang sinabi kung nasaan ito kundi nagbigay din siya ng dagdag impormasyon, sinabi niya na ang simbahan na iyon ay ang pinakamatandang batong simbahan sa bansa.
    Sinabi ko noong una, dalawang beses ako nakapunta sa Intramuros, ang unang beses noong bata pa lamang ako at ikalawang beses kamakailan lamang. Noong binalikan ko ang mga karanasan na ito, napansin ko ang pagkakaiba ng pagiisip ko sa aking pagtanda. Dati, masnahihiligan ko tignan ang mga espada at baril na naka-display sa mga museo at bumili pa nga kami ng aking mga kapatid ng laruang pana dahil sa hilig namin sa mga larong giyera. Ngunit noong binalikan namin ang Intramuros, napansin ko sa sarili ko na mas interesado ako sa mga larawan at iskultura, nahiligan ko tignan ang mga detail at pagisipan ang proseso ng paggawa ng mga ito. Nakakapagbukas ng mata ang pagbalik sa isang lugar kung saan nakikita ko kung paano ako lumaki. Ang kahalagahan ng paglalakbay para saakin ay para mahanap ang tunay na sarili.
1 note · View note