batchi0904-blog
batchi0904-blog
Ang Maikling Kwento ng Buhay Ko
5 posts
MAMT. 19. Tarlac. 1st Year, Public administration student.
Don't wanna be here? Send us removal request.
batchi0904-blog · 6 years ago
Quote
gumawa ka ng maganda sa kapwa mo, hindi ka lang pagpapalain, masarap pa sa pakiramdam
michael andrei torma
0 notes
batchi0904-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Hi!!!!!ako nga pala si Michae,Michael andre melegrito torma 18 years old mataba na matangkad at kayumanggi ang kulay size 11 1/2 ang paa na may hiwa o opera sa tiyan dahil nagkasakit ako sa appendix at may opera din nga pala ako sa tuhod dahil na disgrasya ako sa bike nung bata pa ako. Nakatira ako Calayaan Gerona,Tarlac dito na ako pinanganak dito na rin ako lumaki at nagkaroon ng muang. Ako ay anak nina Maria Teresa at Orlando Torma panganay sa tatlong magkakapatid. Pinanganak nuong September,04,2000 sa mismong kaarawan niya. Kaya ganun nalang ang alaga niya sa akin kapag nagkakasakit ako isusugod ako kaagad sa hospital kahit mahirap lang kami. Kahit mahirap lang kami wala ako pinagsisihan dahil masaya ako kahit ano ang meron sakin dahil ma swerte na ako sa mga magulang ko na ginagawa ang lahat para mapakain lang kami ng masarap at mapag tapos sa pag aaral. Inaamin ko hindi ako mabait na anak dahil minsan nasasagot ko ang aking ina kapag pinapagalitan niya ako ngunit kapag dina siya galit doon naman ako hihinge ng despensa o tawad sa kaniya. Ngayon nga pala ako ay nag aaral sa Tarlac State University sa kolehiyo ng Public Administration and Governance. 1st year pala ako na may walong subject na kailangang ipasa para ako ay makatungtong na sa 2nd year. Yan nga pala yung nasa taas yang nakikita mong larawan sa taas 🙂.
0 notes
batchi0904-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media
Ang dami kong naalalang pangyayari dito sa court nato dito ako nagsasanay matutong mag bike habang ako ay tulak-tulak nang aking kapatid na pangalaw. Lalaki nga din pala ang aking kapatid siya si Orlando jr. Dito ko din hinahabol yung bunso naming babae kapag papauwiin ko na siya. Dito din pala ako natutong maglaro ng basket ball. Dahil noong di pa ako marunong maglaro ng sport nato kaya pag sinasali nila ako laging diko nasasalo yung bola ng maayos kaya yung tumatama sa mukha ko o kaya'y sa ibang bahagi ng katawan ko. Dito nga pala kami nag lalaro ng mga pinsan ko nabuo ito dahil sa na panalunan namin sa liga ng aming barangay yung binigay yung binigay na premyo. Pinambili namin ng ring,bola,ilaw at mga materyales para mabuo ito. Diyan ako nasugat,nadapa,pinag papawisan,pinag pupustahan at na papagod tuwing hapon at sabado't linggo.
0 notes
batchi0904-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Ito nga pala yung mga nakakalaro kung mga pinsan at nandito din yung mga supportive naming mga kamag anak. Handa kaming ipag tanggol yang mga yan tuwing kami ay lalaban sa liga. Sila din ang cheering squad namin kapag kami ay nag laro na sa liga. Mga pinsan ko nga pala itong mga to oh!!!! Giant yang mga yan kaya pag nakalaban mo sila para kang tumabi sa mga poste ng kuryente kaya dapat handa ka nang masupalpalan sa kanila. Malulupit silang maglaro dahil ang bisyo lang namin ay paglalaro lang ng BASKETBALL. Yan ang mga kamag anak ko at mga pinsan ko kaya bumangga samin giba ^-^
0 notes
batchi0904-blog · 6 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
Mga kaibigan ko nga pala!!! Etong mga to yung susuporta sayo sa oras ng kalungkutan mo. Ngunit sila din ang mang titrip o pagtitripan ka pa lalo dahil sila ay mga sira. Kahit na minsan nag kakatampuhan kami sa mga babaw na usapan pero mas madalas pa rin masaya. Marami na ang problemang dumating samin. Pero eto pa rin kami nagdadamayan sa hirap o ginhawa. Mahal na mahal ko tong mga abnormal nato
1 note · View note