Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
“I’m still learning to love the parts of me that no one claps for.”
— Rudy Francisco
15K notes
·
View notes
Text
“Never allow someone to be your priority while allowing yourself to be their option.”
— Mark Twain
8K notes
·
View notes
Text
it’s the expectation that cuts the deepest, isn’t it? to think you’d show up as something whole when you’ve only ever been fragments. i see that now. how unfair of me to want completion from someone still piecing themselves together.
still, my heart aches like an overwatered plant, heavy and spilling onto everything around it. you didn’t break me. but you didn’t hold me either. and that, i think, is the hardest truth to carry.
3 notes
·
View notes
Text
Gusto kong lumayo. Umiwas. Manahimik. Mag-isip.
Gusto ko maging mag-isa, pansamantala.
1 note
·
View note
Text
last July umalis na sila mama sa bahay namin. sa bahay na tinirhan nila ng 24years.
nung nagliligpit kami ng mga gamit nila, wala naman akong nafifeel na lungkot. ang kalat kasi sa bahay haha hindi ako makapagreminisce.
pero nung bumalik ako dun 3 or 4days after nila umalis dun, wala ng gamit, wala ng tao, ang meron na lang dumi, kalat, at masasayang alaala. bigla akong nalungkot, bigla kong nakita ulit yung bahay na tinirhan ko simula nung 10 years old hanggang umalis ako nung 27 na ko.
bigla kong nakita yung sala na tinatambayan ko habang nagpapatugtog ng malakas gamit stereo ni papa. yung sala kung saan ko nagsasayaw ng mga starstruck dance craze. yung sala kung saan ako kumakain dahil iisa lang sala at dining area namin. yung sala kung saan madaming tao kapag may handaan. yung sala na bumubungad sakin pag pasok ko ng bahay.
bigla kong nakita yung kwarto na tinutulugan namin ng ate at bunso namin. yung kwarto kung saan ko nakasama matulog mga tindera namin. yung kwarto kung saan kami naglalaro ng teacher-teacheran ng mga pinsan ko. yung kwarto kung saan ko isinasabuhay ang pagiging delulu ko xD yung kwarto kung saan kami nag-istay ng ex ko. yung kwarto kung saan ako nagkukulong pag may sakit ako. yumg kwarto kung saan ako nanunuod ng tv simula umaga hanggang gabi.
bigla kong nakita yung terrace kung saan ko pinapanuod maglaba mga tindera namin. yung terrace kung saan ako natutong maglaba. yung terrace kung saan kami naglalaro ng mga pinsan ko. yung terrace na tinatambayan namin pag mainit sa loob ng bahay. yung terrace na kinakainan namin pag sinabi ni papa na "kainntayo sa chowking" just because kita yung chowking dun. yung terrace kung saan nagpapatutor yung kapatid ko.
lahat yun bigla kong nakita. tapos bigla kong naisip, ang sarap balikan ng mga panahong yun.
0 notes
Text
ang galing no. napapa-install talaga ko ulit ng tumblr pag ganito isip ko.
magulo.
0 notes
Text
random thoughts.
kanina sobrang random na pumunta yung pinsan ko sa shop namin, pero mas random na nag open siya regarding sa mental health niya and sa pinagdaanan at pinagdadaanan niya. after niya magkwento bigla niya kong tinanong "ikaw ate, kamusta mental health mo?" napaisip ako. kamusta nga ba?
hindi ko rin sigurado kung kamusta. pero alam ko mas okay kesa nung mga nagdaang taon. mas stable ngayon, feeling ko. hindi na ko nakakaramdam bigla ng sobrang lungkot, pero hindi rin naman ako sobrang saya. sakto lang.
oo, sakto lang.
0 notes
Text




We won’t be stuck forever- slowly and gradually we always find a way out!
Chibird store | Positive pin club | Instagram
3K notes
·
View notes
Text
Andaming tumatakbo sa isip ko pero hindi ko maintindihan kung ano.
Andami kong gustong gawin, pero hindi ko alam kung paano.
Andami kong gustong subukan, pero hindi ko alam kung paano.
Basta. Ang dami.
0 notes
Text
double take
May something sa song na 'to na hindi ko maintindihan kung bakit siya una kong naiisip.
Ah. Siguro kasi nung time na nagkakilala kami ito yung mej sikat na kanta. Baka nga.
0 notes
Text
Gulong gulo na ko sa ikot ng mundo ko.
Ano bang purpose at nag eexist pa rin ko?
Hindi ko talaga ma-gets.
0 notes
Text
Eto pa rin.
Ilang taon na nakakalipas pero walang nababago.
Ilang taon na nakakalipas pero nawawala pa rin ako.
Ilang taon na nakakalipas pero wala pa rin akong nararating.
Ilang taon na nakakalipas pero wala pa rin akong nagagawang tama.
Ilang taon na nakakalipas pero andito pa rin ako.
Walang growth. Walang katapusan.
Gusto ko ng tapusin pero hindi ko alam kung paano, o kung tama ba yung paraan na naiisip ko para tapusin 'to.
Ang gulo.
0 notes
Text
same old, same old.
andito na naman ako, dahil naghahanap ako ng kausap. at yun pa rin ang situation ko. gusto ko kumausap ng ibang tao at sakanila na lang magkwento at magrant dahil ayoko nang sakanya magopen.
6 notes
·
View notes
Text
I really need this right now.
Gusto ko ng kausap.
Yung kausap na hindi ko kilala.
Yung kausap na walang alam sa buhay ko.
Yung kausap na makikinig sa kwento ko.
Yung kausap na magbibigay ng payo, kahit alam namin pareho na posibleng di ko gawin yun.
Yung kausap na mapagsasabihan ko ng kahit ano.
3 notes
·
View notes