Photo

Gusto mo ba sa lugar na pwede ka magrelax kung saan pwede ka lumangoy at magehersisyo? Gusto mo din ba na mabusog pagkatapos ng mahabang pahinga, paglangoy at pagehersisyo? Lahat ng yan ay matatagpuan sa Pinagtung-Ulan San Jose Batangas lamang! Makakapag-enjoy ka na, mabubusog ka pa kasama ang iyong kapamilya! Kaya tara simulan na natin para malaman niyo kung paano kayo makakarating dito at saksihan ang kagandahan na wala ang ibang pasyalan! May dalawang lugar na sikat na tiyak magpapakinang ng mga mata mo at magpapabigat ng tiyan!
Valentino Resort & Spa

Sa loob ng Resort na ito, pwede kayong makapag-langoy kasama ang buong pamilya o makapag-ehersisyo sapagkat may malaking paliguan dito at may himnasyo dito na naglalaman ng mga barbel, jumping rope at iba pang pampalakas at pang-kondisyon ng katawan.

At dahil ito ay isang resort, nagtataglay ito ng masasarap na pagkain gaya ng tocino na may kasamang fried rice at kape sa umaga, mga kare-kare sa patanghali at sinigang na isda naman sa hapunan.
DIREKSYON
Kung ikaw ay manggagaling sa De La Salle Lipa, pagkalabas ng main gate ay tumungo sa direksyong kanan.
Pagkatapos madadaanan mo ang lugar ng tambo dumirederetso lamang at kasunod noon madadaanan ang lugar ng mataas na kahoy.
Dumirederetso ulit nang madaanan ang lugar ng San Vicente.
Pagkatapos makarating sa San Vicente dumiretso lamang ulit at may madadaanang kantuhan kung saan matatagpuan ang gasolinahang nagngangalang "Phoenix".
Pagkakita sa gasolinahan ay tumungo sa kanan at huwag dumiretso upang makarating sa Pinagtung-Ulan.
Pagkapasok, dumirederetso lamang at magenjoy muna sa biyahe.
At pagkatapos ng mga 15 minutong pagbyahe, tumingin lamang palagi sa kaliwang bahagi ng daan para makita ang board sign ng Valentino Resort and Spa.
Kapag natagpuan na ang board sign, kumaliwa rito at dumirederetso lamang ulit hanggang sa makita ang Valentino Resort and Spa Entrance - Ngayon nakarating ka na sa Valentino Resort and Spa!
Corcolon Lomi House

Makakain ng lomi na sobrang daming panama na nagpapasarap at nagbibigay espesyal sa kanilang mga lutuin.
Pwede ka rin na magpalamig dito sapagkat may malalamig silang inumin kagaya na lamang ng softdrinks, tubig at iba pa.
At ang huli ay pwede kayong makabili ng pasalubong pinoy at ito ay ang sikat na sikat na ube na paborito nating mga pinoy na nakalagay sa taperwear at mabibili lamang sa halagang 50 pesos .
DIREKSYON
Kung ikaw ay manggagaling sa De La Salle Lipa ulit, sundin lamang ang mga direksyong nakasulat upang makarating sa Valentino Resort and Spa.
Kapag nakarating na kayo sa Valentino Resort and Spa, dumiretso lamang ulit hanggang sa may madaanang lomi-an at ito ay ang nag-iisang masarap na lomi-an sa Pinagtung-ulan, ang Corcolon!
Oh hindi ba? Nakapag-relax ka na, nabusog ka pa! Napalakas mo pa ang iyong kasukasuan, nakalangoy ka pa! Kaya kung nararamdaman mo na sinasabihan ka na ng katawan mo na magpahinga at magpakabusog kahit sandali lamang, dumayo ka na sa Pinagtung-Ulan San Jose Batangas! Magrelax sa Valentino Resort and Spa at magpakabusog sa Corcolon! Kaya rekomenda ko sayo, dayo na sa P. Ulan upang maranasan ang mga kakaibang karanasan na isang beses mo lamang mararamdaman sa buong buhay mo!
1 note
·
View note