brenanloraya
brenanloraya
Brenan Loraya
3 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
brenanloraya · 8 months ago
Text
Usap-usapan ng mga turista ang lugar ng Oslob na sinasabi na may mga butanding na makikita dito. Marami na ring mga artista ang pumunta sa lugar na ito. Bukod sa mga butanding, may falls na matatagpuan din sa lugar na ito. Halina't samahan ninyo akong lakbayin ang lugar ng Oslob. Magiging isang masayang byahe ang mararanasan ninyo ngayon.
 
Bilang isang kabataan, gustong-gusto ko ang maglibot-libot sa mga lugar na maganda. Gusto kong makaranas kung ano ang sayang maidudulot nito at mga magagandang ala-ala. Ala-singko ng hapon ay bumyahe na kami papuntang Oslob kasama ang pamilya ng aking matalik na kaibigan. Dahil sa masaya ang naging byahe ay hindi namin namalayan na malalim na ang gabi ng kami ay nakarating doon. Nagpahinga na kami dahil maaga pa kaminng gigising para puntahan ang butanding at ang waterfalls.
 
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Una naming pinuntahan ay ang beach na kung saan makakakita ka ng maraming butanding. Ang kailangan lang ay magbayad, magsuot ng lifejacket at sumakay na sa bangka. Makikita niyo na lumalapit ang butanding sa bangka dahil nagsasaboy ng pagkain ang bangkero. Napakasayang makita ang mga butanding, pag ang baba nila ay bumunganga na ay para kang kakainin. Hindi mo pwedeng lapitan at hawakan ang mga butanding. Medyo nakakatakot lang kasi dahil nasa gitna ka ng dagat. Napakaganda dito dahil malinaw na malinaw ang tubig at makikita mo ang mga maliliit na isda. Pagkatapos namin doon ay pumunta kami sa tumalog falls, sobrang ganda at lamig ng tubig doon. Wala kang ibang maririnig kundi ang mga huni ng ibon at ang mga tawanan ng mga tao na nagsisiyahan doon. Para kang nasa isang paraiso sa sobrang ganda nito. Malinis din ang tubig kaya ang lahat ay naliligo.
0 notes
brenanloraya · 8 months ago
Text
Ang Bolinao ay kilala sa maraming malinis na beach nito, kung saan ang Patar Beach ang pinakakilala. Matatagpuan sa kanlurang baybayin ng Bolinao, sa kahabaan ng South China Sea, sa timog-kanluran ng sentro. ng bayan, ipinagmamalaki ng Patar Beach ang magandang mabuhanging baybayin na dahan- dahang lumulubog sa tubig. Dahil ito ay isang pampublikong dalampasigan, may kaunting pagpapanatili, na makikita sa pagkakaroon ng seaweed sa ilang mga lugar, lalo na sa panahon ng mainit at tuyo na mga buwan ng Abril at Mayo. Habang nagpapatuloy ka sa kahabaan ng baybayin patungo sa timog, makakatagpo ka ng higit pang mga kahabaan ng mga puting buhangin na dalampasigan na pinalamutian ng mga coral rock formation at maliliit na cove.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Ang paglalakbay ay isa sa pinakamagandang gawin lalo na kung kasama mo ang iyong pamilya o mga kaibigan. Sa aking paglalakbay sa Patar Beach Bolinao na kasama ko ang aking pamilya noong nakaraang taong 2022. Malayo at matagal man ang byahe roon pero masisiguro namang mai-enjoy mo ang pagpunta roon lalo na't napakalinaw ng tubig at napakaganda ng buhangin at mga naglalakihang 'rock formations' sa paligid nito.
Ang pagpunta namin dito ay isa sa pinaka memorable sa aking paglalakbay dahil kasama ko ang aking pamilya at ang aking mga tita. Matagal na kaming hindi nagkakasama ng aking mga tita dahil sila ay nasa malayong lugar, kaya't naman sa kahit konting oras o panahon na aming pagsasama ay linubus-lubus na namin ang pagiging magkakasama.
0 notes
brenanloraya · 8 months ago
Text
Ang Intramuros ("nagsasanggalang na pader" o "sa loob ng pader") ay ang pinakamatandang distrito at sentro ng kasaysayan sa lungsod ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Tinatawag ding "napapaderang lungsod", ito ang orihinal na lungsod ng Maynila at luklukan ng pamahalaan noong ang Pilipinas ay nasasakop pa ng Kastila. Ang tawag sa mga distrito sa labas ng pader ay extramuros, na nangangahulugang "sa labas ng pader". Ang bayan ng Intramuros ay naging saksi na rin sa kasaysayan ng Pilipinas. Ilan sa mga lugar tulad ng Fort Santiago (kung saan ipinakulong si Dr. Jose Rizal bago siya dinala sa Bagumbayan).
Noong kame ay nakapunta sa intramuros ay sadyang namangha ako sa ganda ng lugar, pakiramdam ko ay nasa lumang panahon ako. Maganda ang intramuros dahil isa ito sa pinaka matandang lugar sa Maynila at isa. ito sa pinaka sikat na atraksyon sa Pilipinas.
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Pumunta rin kame sa isa sa sikat na atraksyon sa intramuros at iyon ay ang Fort Santiago. Masasabi ko na tunay na maganda ang disenyo ng mga estraktura at makikita mo talaga ang mga bagay na antik sa loob doon.
1 note · View note