Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ugoy sa Duyan Ang ugoy sa duyan ay tungkol sa pagaaruga ng magulang. Na kahit sino ay walang makakatalo. Na kahit anong problema ang dumating ay hindi sila papatalo para lang sa pagmamahal nila sayo.
0 notes
Text
Upuan Kayo po na naka upo, Subukan nyo namang tumayo At baka matanaw, at baka matanaw na nyo Ang tunay na kalagayan ko Ganito kasi yan eh... Tao po, nandyan po ba kayo sa loob ng Malaking bahay at malawak na bakuran Mataas na pader pinapaligiran At naka pilang mga mamahaling sasakyan Mga bantay na laging bulong ng bulong Wala namang kasal pero marami ang naka barong Lumakas man ang ulan ay walang butas ang bubong Mga plato't kutsara na hindi kilala ang tutong At ang kanin ay simputi ng gatas na nasa kahon At kahit na hindi pasko sa lamesa ay may hamon Ang sarap sigurong manirahan sa bahay na ganyan Sabi pa nila ay dito mo rin matatagpuan Ang tao na nagmamay-ari ng isang upuan Na pag may pagkakatao'y pinag-aagawan Kaya naman hindi niya pinakakawalan Kung makikita ko lamang siya ay aking sisigawan Kayo po na naka upo, Subukan nyo namang tumayo, At baka matanaw, at baka matanaw na nyo Ang tunay na kalagayan ko Mawalang galang na po Sa taong naka upo, Alam niyo bang pantakal ng bigas namin ay di puno Ang ding-ding ng bahay namin ay pinagtagpi-tagping yero Sa gabi ay sobrang init na tumutunaw ng yelo Na di kayang bilhin upang ilagay sa inumin Pinakulong tubig sa lumang takuring uling-uling Gamit lang panggatong na inanod lamang sa istero Na nagsisilbing kusina sa umaga'y aming banyo Ang aking ina na may kayamanan isang kaldero Na nagagamit lang pag ang aking ama ay sumweldo Pero kulang na kulang parin, Ulam na tuyo't asin Ang singkwenta pesos sa maghapo'y pagkakasyahin Di ko alam kung talagang maraming harang O mataas lang ang bakod O nagbubulag-bulagan lamang po kayo Kahit sa dami ng pera niyo Walang doktor na makapagpapalinaw ng mata niyo Kaya... Wag kang masyadong halata Bato-bato sa langit Ang matamaa'y wag magalit O bato-bato bato sa langit Ang matamaan ay Wag masyadong halata (ooh) Wag kang masyadong halata Hehey, (Wag kang masyadong halata) (Wag kang masyadong halata) Mga taong naghihirap na hindi napapansin ng mga namumuno. Mga taong nais makakuha ng tulong sa pamahalaan at kahit isang kusing ay walang natanggap sa ating pamahalaan. Dahil mas inuuna ng ating pamahalaan ang mga bagay na wala namang naitutulong sa ekonomiya ng ating bansa. Para sa akin, Ang mga taong ito ang kumakanta ng kanta ito. Nais nilang patamaan ang mga namamahala na naturingan pinuno ngunit hindi niya matugunan ang kanyang mga pangako. Mga pangako na napapako. Mga taong umaasa na mabibigyan ng tulong galing sa pamahalaan. Mga namamahala ngunit ang inaatupag ay ang paggasta ng pera kung saan saan, Pag-bulsa ng pera, At higit sa lahat pagpapanggap na wala silang nakikita sa kahirapan ng mga mamayan ng Pilipinas. Mas inuuna pa nila tulungan ang mga mayayamang tao kesa sa mga taong mahihirap.
0 notes