Text
PHOTOS
Here are some photos :)



Kagawad Nikki Perpetua, wearing black jacket. We’re not able to take a photo because she was in a hurry because she need to attend some meetings in the Pamahalaang Bayan
0 notes
Text
REFLECTION
Nakakapagod na araw ngunit marami akong natutunanan sa nangyari ngayin araw kasama ang isa sa kagawad ng barangay Dalin na si Kagawad Nikki.
Marami akong natutunan, Unang una na ang mga kalamidad o hazards na nararanasan ng barangay tulad ng pagbaha, pagkakaroon ng masang-sang na amoy dahil sa imbak na mga nabubulok na basura at mga nakakalat na basura sa paligid at ilog.
Madaming isyung hinaharap ang comunidad ng barangay, katulad na ang pag apaw ng tubig sa ilog at ang mga tambak ng basura bawat kanto at mga basura sa labas ng kani-kanilang bahay. Itong mga isyu ay nangyayari sa barangay dahil walang pagkakaisa ang mga tao na narito sa barangay, sa una lamang sila marunong sumunod ang mga mamayaman ng barangay, kapag tumagal na ay nakakalimutan na nila ang dapat nilang gawin upang hindi na mangyari ang mga kalamidad na nararanasan noon. Ang dapat gawin ng pamahalaan upang maiwasan ang mga kalamadid na ito ay dapat magkaroon ng mga karatula na nagsasabi kung anong oras dapat ilalabas ang mga basura, magkaroon ng panahon upang paghiwalayin ang nabubulok sa hindi nabubulok at ang mga maari pang pwedeng gamitin ulit. Isa pa ay magkaroon ng mga seminar or mga dapat gawin na makakatulong upang umunlad ang comunidad at ang bayan na din na ating kinalakihan.
Ito ay maihahalintulad ko sa nangyayari ngayon sa Bansa dahil aminin man natin o hindi nararamdaman o nararanasan ng Bansa ang nangyayari sa Comunidad ng Dalig dahil sa walang kaayusan ng mga taong naninirahan dito. isa pa ay nawawalang tayo ng pagmamahal para sa kalikasan dahil tapon lamang tayo ng tapon ng basura kung saan-saan dahil wala tayong makitang basurahan. dapat tayo magkaroon ng disiplina sa sarili upang magkaroon ng magandang bansa ang mga susunod na henerasyon ng Bansang ating tinitirhan.
Realizations at Insights pagkatapos ng kwentuhan at walk ay marami tayong pwedeng gawin upang umunlad at maging maganda ang ating comunidad. Kaylangan laman natin magkaroon ng disiplina sa sarili pati narin sa ating kapaligiran dahil sa atin nakasalalay ang kalinisan at kaayusan ng ating comunidad. Dapat nating alagaan at panatiliin ang kalinisan nito dahil tayo ang nakikinabang at ayaw natin magkasakit ng dahil sa ating kapabayaan.
Kaylangan nating harapin ang mga isyu ng kalamidad sa ating Bansa dahil tayo ang naninirahan dito at tayo rin ang magdudusa kung hindi natin haharapin ang mga isyung ito. Isa pa ay tayo rin ang magkakaroon ng benepisyo sa ating gagawin para sa ating kaligtasan. Mahaharap natin ito sa pagiging handa sa mga kalamidad na maaring dumating, dapat alam natin ang mga dapat at hindi dapat gawin kapag tumama ang isang kalamidad tulad ng bagyo o lindol sa Bansa.
Concrete solusyon na maaring gawin ay magkaroon ng maayos at magandang papatupad ng mga impormasyon ukol sa mga dapat at hindi dapata gawin tuwing may kalamidad na dadating sa ating bayan at Bansa. Isa ay magkaroon ng pagkakaisa ang mga Pamahalaan sa pagpapatupad nito kaugnay ang mga barangay pati narin ang mga tao sa Comunidad o lugar na iyon. Aksyon na dapat taasan ay ang paggalaw ng gobyerno kapag mayroon kalamidad na hindi inaasahan na mangyari o dumating
0 notes
Text
COMMUNITY WALK with Kagawad Nikki
Pagkatapos panayam ko kay Kagawad Nikki ay sinamahan niya ako maglakad sa paligid ng barangay upang makita ang mga ginagawa ng mga tao sa barangay upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan at kapayapaan dito.
Maraming pinakita si kagawad sa akin na ginagawa ng kanilang barangay, ngunit mayroon mga pumukaw ng aking atensyon at talagang tinanong ko siya tungkol dito.


Ang mga litrato sa itaas ang unang pumukaw sa aking atensyon sa aming paglalakad. ito ay isang problema ng barangay na gusto na din nilang masolusyunan ngunit paulit-ulit lamang ang nangyayari sa mga pinapatupad nilang mga paalala o mga dapat sundin sa paglabas ng basura. ito ay isang hazardous place dahil may nabubuong masang-sang na amoy dito dahil naiipon at naiimbak ang mga basura na hindi nakokolekta ng mga basurero dahil hindi sa tamang oras ito nilalabas ng mga mamayan ng barangay, minsan daw ay nilalabas lamang ito kapag guto nila o masang-sang na talaga ang amoy ayon kay Kagawad.
Pinakita rin ni Kagawad ang safe place kung tawagin nila

Sadam kung tawagin ng mga taga Cardona, ito ay malawak na lugar kung saan pwedeng pumunta ang mga tao kapag may kalamidad at dito muna tumigil para maging safe mula sa lindol, baha o ano mang kalamidad na hinaharap at haharapin ng barangay,

Pinapakita ng litrato ang mga ginagawa ng mamayan ng barangay. nagkakaroon sila ng pagkakataon upang linisin ang mga dumi sa palagid, minsan ay nagkukusa ang mga mamayan na linisin dahil narin sa dami ng kalat sa paligid na dulot din naman ng tao.
Marami akong natutunan sa paglalakad namin sa paligid ng barangay at ang mga natutunan ko ay isasapuso at aalahanin ko upang matulungan ko rin ang barangay na kinalakihan ko
0 notes
Text
BDRRM KWENTUHAN with one of the Barangay Councilor of Brgy. Dalig in Cardona Rizal
Welcome to my Blog! This part is where my conversation with one of the barangay kagawad in Brgy. Dalig in Cardona, Rizal. where in She answered question regarding the Disaster Risk Reduction and Management in the Barangay. Hope you enjoy reading our conversation!!
Hello po! Ako po si Althea Sta. Ana, isang estudyante mula sa University of Santo Tomas. ito po ay para lamang sa Modulo ng aking NSTP. Maraming Salamat po Gng. Nikki Perpetua at tinanggap niyo ang aking pakikipanayam sa inyo.
Una ko pong mga katanungan ay tungkol sa Hazard Identification o Pagtukoy ng mga Bantang Panganib.
1. Ano-ano ang mga kalamidad/hazards na tumama sa ating barangay? Paki-kwento.
Maraming kalamidad o hazards ang tumama na sa ating barangay, tulado noong Bagyong Ondoy bumaha ng sobra dito sa ating barangay dahil sa pag-apaw ng tubig sa ilog sa tulay at ang pagiging barado nito dahil sa mga basurang tinatapon dito. Isa pa ay pagkakaroon ng masang-sang na amoy nang dahil sa mga nabubulok na basura na nakatambak sa labas ng kani-kanilang bahay at ang mga basurang hindi nakokoleta kapag oras ng pagkuha.
2. Ano ang iba pang mga panganib na nakaapekto ng matindi sa ating pamayanan?
Ay ang pagbaha, paglaganap ng sakit tulad ng dengue, lagnat at ang hindi magandang amoy ng naiipon na mga nabubulok na basura sa bawat labas ng bahay ng ating mga kasapi sa barangay .
3. Paano nalalaman na may parating na bantang sakuna? (maaring siyentipiko at/o lokal na palatandaan at babala)
Ito’y nalalaman sa pakikipagtulungan sa punong mayor at pamahalaan lalo na sa NDRRMO ng Cardona na sila talaga ang nakakaalam kung paparating na ang isang sakuna sa bayan na makakaapekto sa bawat barangay dito sa cardona.
4. Gaano kadalas ito nangyayari sa ating pamayanan?
Ito’y nangyayari sa pamayanan siguro ay dalawang beses sa isang buwan, tulad ng pag apaw ng ilog sa tulay na nagiging sanhin ng pagbaha sa kaliwatot at lambingan dahil sila ang malapit dito. Kaya umaapaw ang tubig sa ilog dahil sa malakas na ulan at sa mga basura na napupunta sa ilog. Ang pagkakaroon ng masang-sang amoy dahil sa mga hindi nakokolekta na basura ay araw-araw dahil sa hindi pagsunod sa oras ng pagkuha ay naapektuhan ang lahat.
Ang mga susunod naman pong katanungan ay ukol sa Vulnerability, Elements and People at Risk Assessment po
1. Saan ang may pinakamatinding mapipinsala? Bakit kaya ang mga lugar na ito ang may pinakamatindi ang pinsala?
Pinaka matinding mapipinsala ay lahat ng malapit sa ilog lalo na ang mga nakatira sa manukan, kaliwatot at lambingan. Katulad nga ng sabi ko sila ang pinaka malapit sa ilog at ang mga lugar na yon ay mababa kaya kapag umapaw ang tubig sa ilog ay naapektuhan sila agad.
2. Kung tumama ang mga bantang panganib, sinu-sino kaya sa ating lugar ang pinaka-maaapektuhan? Tukuyin ang ilang mga tao. Bakit kaya sila ang pinaka-maaapektuhan?
Ang pinaka-maapektuhan ay mga taong nakatira mismo sa tabi ng ilog. Mga pamilyang nakatira tulad ng mga Dinisio, Reyes at iba pa. sila dahil napakalapit talaga ng kanilang bahay sa ilog maaring isang metro ang layo ng kanilang tirahan sa ilog.
3. Ano kaya ang epekto ng pagtama ng sakuna sa mga tao, pangkabuhayan, serbisyong panlipunan at imprakstruktura ng pamayanan?
Epekto nito sa mga tao ay hindi alam kung kaylan maging handa sa sakunang ito. Isa pa ay maaring walang tao sa kanilang mga bahay kapag tumama ang sakuna. Sa pangkabuhayan naman ay maaring masira nito ang mga paninda ng mga may tindahan o sari-sari store sa kanilang tahanan, maaring may masira ng importanteng document na kailangan sa kanilang pangkabuhayan. Sa serbisyong panlipunan naman ay maapektuhan ang pagpasok ng mga nagtratrabaho sa pamahaalang bayan sa imprasktruktura naman ay may masisira dahil sa sakunang ito lalo na kung ang mga materyales na ginamit ay hindi ganon kaganda at matibay
4. Saan ang pinakaligtas na lugar sa pamayanan kung may bantang panganib na dumating?
Pinakaligtas na lugar sa pamayanan ay ang matataas na lugar na malayo din sa panganib dahil wala mababa lamang an gating bayan at pamayanan kaya eto ang isang pwede maging lugar na mayroon kaligtasan.
5. Saan naman ang pinakadelikado na lugar sa pamayanan kung may bantang panganib na dumating?
Pinakadelikado ay siympre ay malapit sa ilog at kung saan naiimbak ang mga basurang nabubulok na mayroon masang-sang na amoy.
6. Anu-ano ang mga suliranin/problema na kinakaharap ng barangay na humahadlang sa pag-unlad ng pamayanan at pumipigil sa pagbangon mula sa pagkasalanta ng mga kalamidad?
Siguro ang hindi pagsunod ng mga ka-barangay natin sa kung paano dapat sinesegrate ang nabubulok, hindi nabubulok at ang mga gamit na pwede pang gamitin muli. Hindi sa pagsunod sa tamang oras sa pagliabas ng kanilang basura kapag ito ay kinukuha na ng mga nangongolekta.
Ito na ho ang huli kong mga katanungan sainyo ukol sa Capacity and Disaster Management Assessment
1. Ano-ano ang ginagawa ng pamayanan at barangay sa paghahanda/pag-iwas at kung sakaling may mga bantang panganib tulad ng bagyo, baha, lindol na dumating?
Madaming ginagawa ang pamayanan at ang barangay tulad ng pag-aanounce na kelangan nilang mag-ayos ng mga gamit at kelangan umalis sa kanilang tirahan kapag may malakas na bagyong dadating na makakaapekto talaga sa kanila. Isa pa ay ang pagkakaroon ng alarm kung magkakaroon ng baha sa lugar ata ang pagkakaroon ng mga seminar o talk sa bawat barangay kung saan inaanyayahan ang lath na dumalo dahil dito natuturo ang mga dapat nilang unang gawin kapag nagkakaroon o magkakaroon ng bagyo, baha o lindol na dadating sa pamayanan o barangay
2. Ano ang nilalaman ng plano ng Barangay pagdating ng sakuna? (kung kaya hingin o hiramin ang BDRRM Plan, Hazard and Safety Map, Barangay Projects for different sectors like Youth, Women, Children, Elderly, Poor, PWD etc.)
Ang nilalaman ng plano ay ang mga lugar kung saan pwedeng pumunta ang mga tao sa barangay kapag may sakuna. Dito nakalatag ang mga dapat gawin ng bawat kagawag, mga tanod, mga tao at lahat kapag talagang dadating na ang sakunang sinasabi. May mga proyekto ding nakalatag ang barangay at ang sanggunian ng kabatan tulad ng pagkakaroon ng once a month na paglilinis ng mga kanal, paglilinis ng kapaligiran at pagsusunog o pagsisiga ng mga natutuyong dahoon na nakuha mula sa mga bakuran ng mga kabarangay. Isa pa ay ang pagpapausok para hindi magkaroon ng dengue ang mga taong nakatira sa barangay.
3. Sa kasalukuyan, anong programa, sistema, gamit, pasilidad o kakayahan meron ang barangay na makakatulong sa mga tao , serbisyo at kabuhayan na makabangon mula sa epekto ng kalamidad? Isa-isahin natin.
Siguro ay ang paglilinis ng kapaligaran na makaktulong sa mga tao dahil kapag malinis ang kapaligiran ay magiging maayos ang pamumuhay at hindi magkakaroon ng sakit. Isa pa ay ang pagpapausok nga para mawala ang mga lamok na nakatira sa mga naimbak na tubig sa likod bahay. Barangay hall, barangay healt center ay maar imaging evacuation ng mga mamayan kapag tumama ang isang sakuna at bukas silang tatanggapin ng barangay dahil sila ay parte nito. Ang pagbibigay ng mga relif good o tulog upang maayos o malinis ang kani kanilang bahay pagkatapos ng sakuna.
4. Sino ang mga taong namamahala sa paghanda, pagharap at pagtugon sa kalamidad?
Ang mga taong namamahala ay ang pamahalaaang bayan, mga barangay captain, mga kagawad bawat barangay at pati ang mga tao na nasa barangay dahil maaring sa kanila na mismong manggaling ang paghanda sa mga kalamidad na mararamasan ng bayan at ng barangay.
Maraming Salamat po sa pagsagot ng mga katanungan ko. may isa pa po ako gusto, maari niyo po ba ako samahan upang ikutin ang Barangay at makita po ang mga ginagawa ng barangay ukol sa paghahanda sa kalamidad.
OO naman
1 note
·
View note