Text
Letter to Nanay Salve #3
Hi, Nay.
Nakakapagod. Alam ko ngayon lang po ulit ako sumulat sayo. Wala e, wala ako mapaglabasan ng nararamdaman ko kasi wala naman makakaintindi.
Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. I'm confused. Nasaan ba ako? Dapat ba nandito ako ngayon? Tama ba tong mga desisyon ko sa buhay? Bakit wala akong progress sa pag-aaral ko? Bakit parang grabe naman ako sa hina?
Nay, inaantok na ako pero gusto ko lang sabihin na gusto ko na ring sumuko.
Kayo na po bahala sa akin. Di ko na alam ang gagawin ko.
- Corinne
3.20am, May 1, 2023
0 notes
Text
letter to nanay salve #2
november 5, 2022 * sat * 22:20
dear nanay,
good evening po! nakauwi na po kami from vigil sa manggahan. akala nga po amin kanina hindi rin tuloy ang vigil kasi nakapaskil sa labas ng simbahan na walang mass ngayong araw. buti po nagtanong si kuya ed kay kuya robert, yung secretary/brother po sa st. vincent, pwede naman daw po magvigil. wala lang daw pong mass kasi may sakit daw si father.
huhu, di po ako nakapagsalang kanina nay. sorry po! sorry Ama, hindi po Kita nakausap kanina. kasi po maaga kami nagvigil so isip ko 7pm pa tapos. basta po dapat 6.30 ako sasalang kaso nung luluhod na po ako para sumalang, biglang nagsimula na po sila magclosing. e kasi nay, mali ko rin po, umupo pa ko at sinulat ang mga gusto ko ipagdasal hehe. baka po kasi may makalimutan ako - pero lahat po yun actually para kay michael haha.
anyway nay, ayun po, nakauwi na po kami. at magvivigil pa po ulit ako mamayang 3-4am. akala ko nga po overnight vigil sa shrine hahaha di po ako nagbabasa nang maayos. buti po at nilapitan ko si shiena para tanungin kung magoovernight sya at dun ko nalaman na home vigil lang pala sabi ni shiena haha. may dala na nga po akong pamalit e. kumain rin po pala kami sa king bee kanina after vigil hehe tinreat po ulit kami ni daddy. ang sarap ng siomai, yang chow, at pancit! kahit medyo nangati ako at nasusuka, kain pa rin hehe ang sarap po e.
balak ko po nay gumising nang 2.50am mamaya. gusto ko po magsimulang magsacrifice para kay michael, sa parents, at sa sarili ko po.
ganon po talaga siguro nay kapag mahal mo ang tao, matutunan mo magsakripisyo. at dito mas natutunan kong humingi po ng tulong sa inyo ng mahal na Ingkong. nung nagkaroon po ng mga pangangailangan si michael, lalo po ako nagkaroon ng desire and eagerness to serve and sacrifice.
i love you po, nanay! siguro po kung nandito pa kayo, nako, ang daming activities at sasali ako nang sasali po hehe. nakakabitin po yung moment natin e.
nay, please guide michael po sa kanyang career. bigyan nyo po nay si michael ng maraming projects ngayong november, december, at sa mga susunod pang buwan at mga taon. sana po magtuloy-tuloy ang mga projects nya at magkaroon sya ng maraming clients na maniniwala at magtitiwala sa kanya.
si daddy po lagi nyo po syang gagabayan at tulungan nyo po sya sa kanyabg trabaho sa barko. sana po nay habang nag-aaral pa ako ay patuloy po ang tawag sa kanya ng company para pasampahin sya. kaya po sisikapin ko po na makapagtapos na walang delay with you and MNI's guidance sa dentistry para po makapagrest na po sila ni mama dahil ako naman po ang tutulong sa kanila.
nanay, sana po tulungan nyo po kami na makahanap ng paraan para magkaroon po kami ng ipon. like businesses po nay. marami po kaming gustong matulungab lalo ang mga kapamilya at kapatid namin sa bnp.
please always pray for us, nanay!
nay, sorry po hanggang dito muna po ha? antok na po ako e hehe at tutulog po ako at gigising maya-maya rin.
salamat po nay! napakasarap magkwento at makipag-usap sa inyo.
i love you so much, nanay salve!
please pray for us.
— corinne, ymph
0 notes
Text
letter to nanay salve #1
november 4, 2022 * 10pm
dear nanay,
ang tagal ko na pong gustong subukan na sumulat sayo pero hindi ko magawa-gawa. pero ngayon, gusto ko na pong ugaliin na sumulat sayo kahit nasa langit ka na dahil alam ko na pinakikinggan mo pa rin kami at mas higit pa ngayon na kasama mo na ang mahal na Ingkong.
nay, gusto ko lang din muna magpasalamat na nagkaroon ako ng munting pagkakataon na makasama ka. kahit sandali lang po ay napakalaking bagay na po sa akin yung mga experiences na yun. salamat po at nagkaroon tayo ng moments nung 2019 nung sumali po ako sa bnp voice season 3. salamat nay at kahit papaano ay nakapasok po ako sa top 6 at naging 2nd runner-up! alam ko na sinabi po sa inyo ni kuya boy hehe pero the fact that you gave me a chance po ay sobrang nakakatuwa po talaga. salamat po, nay! sobrang thankful po ako na nakapagmano ako sa inyo, nakapag-abot ng flowers, at higit sa lahat nasabi ko ang "i love you po". salamat sa "thank you" at napakagandang ngiti mo, nay... meron nga po akong picture with you nung exact moment na yun at ngayon ay nakaframe na at nakasabit sa may altar namin sa baba. ang sarap sarap tingnan at balik-balikan ang moment na yun. maraming maraming salamat po. sobrang pinanghahawakan ko ang panahong yun... nagkaroon man po ng mga challenges pagkatapos ng magagandang pangyayari ay masasabi ko po na mas naging malakas at matatag po ako. salamat po nang sobra sobra.
gusto ko rin pong magsorry sa mga nagawa ko noon na nakapagbigay ng mga sakit sa inyo. i'm very sorry for adding up to your burdens, nay.
salamat po dahil kahit na makulit na bata ako ay you never stopped loving me.
salamat rin po nay na sa sandaling panahon ay nagkaroon ako ng pagkakataon na maging kaibigan ang isa sa mga apo mo po, si dana. napakarami ko pong natutunan sa kanya tungkol sa inyo and i consider that as a gift and a privilege to know you from a different point of view especially from a point of view of a family member. i am so very grateful nay. kahit na hindi na po kami friends ngayon, i still keep her in my thoughts, and i will always be grateful that i got to know her and you most importantly. sorry rin po nay dahil alam ko na nasaktan ko rin po ang apo nyo. but i hope and pray now that she's doing fine. sana po nay ay lagi nyo po syang ipagdasal sa Ama at laging gabayan sa bawat desisyon nya.
---
nay salve, meron na po akong boyfriend! hehe. ano pong tingin nyo? okay po ba sya para sa akin? mas matanda po sya akin pero 5 years lang naman hehehe. ano ba yan nay, kinikilig po ako habang tinatype ko to hahaha! masaya po ako ngayon at sobra po ako nagpapasalamat. ang sarap sa feeling ng ganito - masaya... may hope... ang sarap sarap po.
nagkaroon na rin po muli ako ng fire to pursue and finish dentistry. i hope you keep praying for me nay... please always be with me rin po. kayo po ang pinakacreative, matalino, at mahusay na taong kilala ko. nawa po nay sa bawat kilos ko sa pag-aaral at pag-eensayo ko ng dentistry ay gabayan nyo po ako. kayo po ang gumalaw ng mga kamay ko at ng isip ko.
i really want to finish studying na po, nay. gusto ko na pong makabawi sa mga magulang ko at makatulong sa mga nangangailangan... napakarami ko pong magagandang plano pag nakapagtapos po ako at nakapagsimulang magtrabho bilang isang dentista. nay, sana po sa buong buhay ko, lagi nyo po akong bantayan at gabayan just like how you did when you were still here with us on earth. be with me together with mahal na Ingkong and mama Mary.
nay, please always guide my parents din po. alam nyo po bang masaya ako na hindi sila nag-aaway ngayon simula nang dumating si daddy ngayong taon. merong mga inisan pero hindi nagkakaroon ng away na katulad ng dati na sobrang nakakasakit ng damdamin ko bilang anak. nagpapasalamat po ako. nakakatuwa po.
malapit na po ulit sumampa si daddy sa barko anytime now... pero sana po nay ay makapagserve pa rin po silang dalawa ni mama sa isabela ngayong nov 18-20. kailangan po nila ito.
sana nay makasakay na si daddy sa barko para po makapag-ipon na po ulit kami kasi malapit na po ulit akong pumasok sa school...
ingatan mo rin po si mama, nay... please always keep her heart at peace. alam ko po marami syang iniisip like daddy. please help lessen her anxieties po, nay.
please keep both of them healthy po! salamat nay, gusto ko po makita nila akong maging successful hanggang sa magkaroon ng sariling pamilya...
--- --- ---
ngayon naman po nay, ito po yung sobrang ipakikiusap ko po sa inyo. para po sa boyfriend kong si michael.
mahal na mahal ko po itong taong ito at gusto ko na lagi syang masaya. kung anong nakapagpapasaya sa kanya nay ay gusto kong makuha nya kasi napakabuti po nyang tao. mapagmahal, masipag, matulungin, maintindihin, mapagpatawad, at may takot sa Diyos. naiinspire po ako sa kanya. ever since i met him, sobrang nagkaroon po ako ng inspiration to get up and move for myself - for my future.
nay... please help him with his career po. please give him many projects and most especially many clients who will believe and trust in him. napakahusay po nyang manggagawa. just talking about it makes my heart beat so fast because i am so passionate about his abilities. i look up to this person po, nay.
please po, nay... please ipanalangin nyo po sya sa mahal na Ingkong. nay, i am writing this letter po because i want michael to be able to reach his dreams in life. and i know that you will hear me out, nay...
sa tingin ko nga po, dumating si michael sa buhay ko para mas maging malapit po ako sa inyo at sa bnp. napakasupportive nya po sa mga activities sa banal at natutuwa po ako nang sobra. sumama po sya sa akin nung nagpractice kami sa nova center. hayy, im so soft... i love him po, nay and i can feel that he loves me too. sya rin po ang gumawa ng props at tumulong sa costume ni charlotte for miss bnp. nakakatuwa sobra. salamat po.
nay, from the bottom of my heart, i am asking that you may give him continuous job opportunities. hindi ko po alam kung saan sya gusto ng Ama - sa corporate or company o sa sarili nyang field sa pangongontrata at pagdedesign at paggawa ng mga bahay... please please please nanay, give him his needs. dahil unang-una rin po sa kanyang listahan ang kanyang mga magulang lalo na ang kanyang nanay na 66 na ay nananahi pa rin po. gusto nyang mapatayuan sila ng bahay sa bicol para dun na makapagretire at mag enjoy sa buhay. please help michael, nay...
ngayong gabi po ay pinuntahan at niyaya si michael ng kanyang dalawang college friends at nabanggit nya sa akin na yung isa dun ay pumunta para magtanong dahil sa december ay magpapagawa sila... sobrang yun palang nay ay nagpapasalmat na ako dahil i feel and believe na unti-unting sinasagot ng Ama ang panalangin ko... nawa po nay ay magkatotoo at matuloy po ito nang smooth at walang problema... please nay, sana po ay ibigay po ninyo itong proyektong ito kay michael. nawawalan po sya ng pag-asa at tiwala sa sarili nya and i hope and pray nanay na ito pong potential project na ito ang magpapabago ng lahat. i am so eager to see him get back on his feet and be alive again. please po, nay please intercede for us... please intercede for michael and may you please, bring michael's hope back. para rin po makapagsimula sya ng business para sa kanyang pamilya... marami po syang pangarap at most of it ay para sa kanyang pamilya. salamat po, nay salve...
---
napaka sarap po palang magsulat sa inyo... gusto ko na po itong araw-arawin.
salamat nay!
babalik po ako bukas para makipagusap po ulit sa inyo.
please intercede and guide me and my family, my loved ones and their loved ones always po, nay!
salamat po muli!
good night and i love you po, nanay!
-- Corinne, YMPH
0 notes
Text
nandito pa pala
13:13 •• 11322
----
i have been diagnosed with bipolar disorder just last year at simula noon mas naging aware na ako sa mga episodes ko. it was a rollercoaster ride for me.
pero a few months back kasi, madalas hypomanic lang so di ako masyadong nahihirapan since i know how to manage it plus it just feels normal naman. pero these days naman, biglang manic talaga. i mean, at least for me it feels manic pero baka sa iba it's hypo but idk. baka it feels manic lang to me cus it has been a while since i had this kind of episode. baka di talaga ako hypomanic before at normal lang talaga yun and this time im hypomanic but it feels manic cus again it has been a while. idk if im making sense.
last night, nag iingay na naman ako sa insta stories ko - handpicked viewers pa kasi sa close friends ko pinost since ayoko na gumawa ng dump account. basta it was funny at first but it didn't end well.
nandito pa pala sya. kasi i was close to forgetting na bipolar pala ako kasi my heart is mostly just filled with joy. thanks to my boyfriend, michael.
di naman lahat ng araw at bawat segundo ng araw ko masaya ako. may mga times pa rin na ang bilis ko magbago ng mood. aware naman ako dun at inaacknowledge ko yun. though it's very bipolar but i know that it's also just very normal na kahit may saya ang puso ko, okay lang na magkaroon ng down times. pero yung ngayon kasi, it's different from what i was showing before (months back). kasi it felt new to me though i already know what it is because i have been through it and, lo and behold, i really am still in it and going through it. nandito pa pala at hindi nawawala. at OKAY LANG yun. matagal na kasi, or at least sa sobrang joyous ng puso ko, ang bilis kong nakalimutan kung kailan ako nagkaroon ng rapid cycling. masaya ako at it's okay to have episodes pa rin.
i was rapidcycling these days and last night was the peak of my manic episode kaya ngayon, i am wallowing in my depressive phase at hindi ko alam paano ipapaliwanag sa boyfriend ko yung pagiging ganito ko. i don't want to overwhelm him with my explanations so i guess i will just let time teach him and me na rin. explain little by little nalang siguro. ayoko sya bigyan ng lecture kasi, again, ayoko makaoverwhelm.
last night, i realized na damn bipolar nga talaga ako. sana hindi mahirapan si michael na mahalin at intindihin ako. i am always trying to be better di lang para sa sarili ko pero para na rin sa relationship namin. mag 6 months palang kami - there's so much to learn.
i just want him to love me the most during my episodes because that's when i need him the most... both on my manic and depressive phases.
0 notes
Text
23:44 •• 81222
| ANO BA ITONG DOM'S DAYDREAMS |
It's so weird calling this blog "Dom" because I have never even called myself Dom in my entire life kahit na may Dom sa Dominique ko. Hindi ko talaga to ginamit kasi I find it so manly and I'm not a manly lady (ano daw). At ang tunay na Dom ay si daddy ko lol.
Anyway, while I was creating this new blog of mine, wala akong maisip na kapares ng Corinne na magandang pakinggan. So, nag-isip pa ako nang nag-isip... Dom...Dominique's... Corinne Dominique... Corinne Dominique na naman?! Nagsasawa na ako sa pangalan ko haha! Nakakita ako ng picture ko na gagamitin for this blog and yung picture ay yang nakapikit ako. Naisip ko, Dominique's Daydreams sana... pero naririndi na ako sa Dominique tapos nahahabaan pa ako and then out of nowhere, pumasok sa isip ko ang Dom. Dom's Daydreams. Sabi ko, mukhang maganda. At naisip ko rin na mas nagustuhan ko yung Dom hindi lang dahil sa sawa na ako sa Dominique kung hindi ay dahil mas cute pakinggan kapag babae ang nagmamay-ari nung name hehe. Parang pag sinabi mong Dom, lalaki agad ang papasok sa isip nila tapos magugulat sila na babae pala. O, diba? Ang babaw. HAHA!
Saka, parang gusto ko rin palitan yung lady names ko para magkaroon ng masculine vibe yung persona ko. DOM. Wala lang. Dominant. Wala lang! Kung di nyo type, kebs lang. HAHA.
| DIBA MAY UNANG BLOG KA NA? |
Yes! Charlotte Lionheart ang pangalan ng una kong blog na ngayon ay gusto ko nalang gawing display. Feeling ko, tapos na si Charlotte Lionheart sa buhay ko. Senior na sya hahaha. Si Charlotte Lionheart kasi ang unang-una kong "alter ego". Ano ba yan, nakakatamad naman i-explain kung sino sya hahaha! Basta sya yung tinatawag ko dati lagi kapag nagiging mahina ako o kapag natatakot ako. Sya kasi yung persona na ginawa ko para palitan si Corinne na takot, duwag, at mahina. Si Charlotte ay isang babaeng matapang, matalino, confident, marunong, at big sister ko. Lionheart ang second name or maybe surname nya kasi gusto ko may pusong leon sya dahil si Corinne pusong rabbit lang lol. Cut it short, si Charlotte Lionheart ang complete opposite ko. I used that as the name of my blog because wala akong bilib sa sarili kong pangalan noon. Kasi alam ko yung pangalan kong Corinne Dominique ay kilala ko na bilang mahina at walang laban.
Tinapos ko na yung service nya sa akin ngayon kasi wala na akong ma input sa blog na yun. Parang di ko na rin maramdaman si Charlotte, di ko na sya tinatawag, di na kami close, wala na kaming spark. She served me well. Retired na sya.
I replaced Charlotte with Dom.
| ANONG DIFFERENCE NGAYON NI CHARLOTTE AT DOM |
kahit wala kayong pake...
Ang difference ni Charlotte at ni Dom ay:
1. Babaeng pangalan si Charlotte. Lalaking pangalan si Dom.
2. Malayo sa pangalang Corinne Dominique ang Charlotte Lionheart. Kinailangan kong maghanap ng bagong pangalan, yung hindi ako. Si Dom ay napakalapit sa akin. Nasa second name ko lang sya. Ako si Dom. Hindi ko sya hiniram.
Yun lang naman. Wala na akong ibang maisip.
Hahaha!
| ANONG EXPECTED SA BLOG NA ITO? |
Expect this blog to be more personal and intimate; raw and unfiltered; and informal.
Don't expect anything to be grammatically correct kung mag-e-english ako.
Don't expect correct punctuation placements.
My dreams, daydreams, and even nightmares are most likely to be put on this blog.
Everything and anything under the sun.
Purely me.
Dom doesn't care to be judged.
•
•
•
Good night!
1 note
·
View note