donkweng-blog
donkweng-blog
My everyday thoughts
24 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
donkweng-blog · 6 years ago
Text
...
SIGNING OFF :(
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
April 20, 2019
Happy monthsary wini sana naalala mo din yung special day natin. Masaya ko ngayon kasi kinakausap mo ko pero sa isang banda natatakot ako napapaisip ako paano kung mawala ka nanaman bigla? Paano kung maisip mo nanaman akong hindi kausapin miserable nanaman ako? Natatakot ako sobra. Hindi ko nanaman alam gagawin ko. Nakukuntento nalang ako sa ganito parang asong sunod ng sunod habol ng habol. Alam ko hindi mo hiniling gawin ko to pero eto ang gusto ko na mag stay sa tabi mo kahit ayaw mo. Sana mahal mo pa din ako gaya ng dati sana di mo pag isipan mag move on kasi kapag naisip mo yun naisip mong kalimutan ako. Sana lagi ka nag iingat sana masaya ka palagi. Icecelebrate ko pa din tong special day natin kahit mag isa nalang ako. Nag papasalamat pa din ako na kahit papano kinakausap mo ko hindi ko alam kung awa o ano nararamdaman mo para sa akin pero sna hindi awa mas gugustuhin ko pa layuan mo nalang ako kesa ganon. Mahal na mahal kita. Happy monthsary khit hindi happy. Napakaswerte ko na sayo dati. Napakabuti mo sakin salamat sa pag tanggap sakin ng buo.
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
Hindi.
Hindi ako bibitaw sa pagkakapit ko sayo. Hindi ako aalis sa tabi mo. Hindi ko babaliin lahat ng mga pinangako ko. Hindi ako mag babago sayo. Hindi ako mag sasawa intindihin ka. Hindi ako titigil na suyuin ka. Hindi ako titigil at mapapagod na mahalin ka.
Kahit anong sabihin nila alam ko sa sarili ko walang mali sa pag mamahal ko sayo. Kahit sabihin mo man na lahat ng to ay pagkakamali lang. Pinag lalaban kita sa paraang hindi mo alam. Kahit anong sabihin mo o ng ibang tao alam ko kung anong ginagawa ko alam ko kung anong pinag lalaban ko. Alam ko kung pano mag mahal. How I wish matapos na ang lahat ng to para hindi na din ako nahihirapan at hindi ka din nahihirapan. Ipinapangako ko isa man ang makapasok sa atin dalawa sa bfp hindi nila ko mapipigilan bawiin ka ulit. Alam ko hindi mo gusto lahat ng to alam ko hindi mo gustong iwanan ako kaya ginagawa ko rin yung part ko na mag stay sa tabi mo kahit pinag tutulakan mo ko. Kahit ang daming masasakit na salita na sinabi mo kahit inapi at ininsulto nila ko mahal na mahal pa din kita. Sana lahat ng luha at sakripisyo ko worth it sa pag iintay ko sayo. Sana may mapuntahan lahat ng ito.
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
Mahal na mahal kita kahit hindi mahal na araw.
Minamahal pa rin kita sa kabila ng lahat. Iniisip parin kita kung anong ginagawa mo kung kumain ka na kung nakakatulog ka ba ng ayos o kung masaya ka ba? Nakatatak na kasi sakin yung unahin ka muna bago ang lahat. Unahin kita bago ang sarili ko. Hindi mag babago lahat ng to ni walang mag babago sakin. Minamahal pa rin kita kaso palihim nga lang hehe alam ko didinigin ng Diyos panalangin ko alam ko kasi ikaw talaga yung binigay niya sakin para maging mabuti. Hindi ako susuko kahit alam mong sumuko na ko ayoko lang talaga ipush ng sobra sarili ko sayo para di ka mapahamak. Kahit nilaglag mo ko hindi parin nag bago pag mamahal ko sayo ang tanga lang diba? Haha. Nag iintay lang ako kung kailan ka babalik sakin. Nag lilibang ako pilit kung kanikanino na ko sumasama na mga kaibigan ko pero hindi parin nila matutumbasan yung moment na nag kakasama tayo. Imissyousomuch. Ano karidad niyo? Hehe
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
...
Stress na stress na talaga ko. Habang tinitingnan ko sarili ko sa salamin naiiyak nalang ako. Ang pangit ko na. Ang itim ang payat laki ng eyebags mukha na kong adik. Ang haggard haggard ko na huhu how I wish bumalik na lahat sa dati pati kalusugan at pangangatawan ko. I dont think na magugustuhan niya pa rin ako hindi na ko maganda. Ayaw ko umattend sa report sa may 1 baka pag nakita niya ko maturn off na siya sakin dahil sa itchura ko. Hay insecurities kills me 💔
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
Umagang kay ganda
Maganda gising ko ngayon dahil sa nangyari kagabi although bitin pa din ang tulog kapos pa din pero masaya lang hindi ako binangungot kagabi. Sana laging ganon no? Hehe para di na ko mag mukhang matanda para fresh na ulit haha mukha kasi ako laging pagod e pumangit nga daw ako. Pero hayaan mo na kahit naman gumanda ko ng sobra hindi na niya ko babalikan e pero feel ko baka maturn off na siya sakin kase ang pangit ko na. Sana mamayang gabi makatulog ulit ako ng ayos. Hehe
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
It means a lot to me.
Maraming maraming salamat ha siguro kung sayo maliit na bagay lang yun sakin sobrang laking bagay non. Gumaan ng konti pakiramdam ko nabawasan kahit papano mga iniisip ko. Salamat mahal maraming maraming salamat. Bka ngayon gabi makatulog ako ng ayos hehe namimiss ko na din matulog ng maayos e yung derederetcho tulog feel ko ngayon makakatulog ako ng maayos. Salamat ha sa simpleng bagay lang na yun napaligaya mo ko. Mahal na mahal kita.
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
...
Masaya ko kasi kahit papano nakakabawi kana nagiging masaya kana ulit. Yun naman importante sakin maging masaya ka kasi kung masaya ka yun din nag papasaya sakin kaligayahan mo masakit lang kasi hindi na ako yung nagiging dahilan kung bakit ka sumasaya. Pero okay lang. Ang importante masaya ka kung san ka masaya kung san ka liligaya dun din ako. Sana tuloy tuloy na yan. Kung alam ko lang na magiging masaya ka sa kabila ng pag iwan mo sakin sana noon pa ko nag sakripisyo sa loob ng 5years hindi ka naging masaya masakit para sakin syempre pero yun yung totoo e hindi kita napasaya akala ko kasi masaya ka sakin ako lang pala masaya satin dalawa sa loob ng 5years napakamakasarili ko. Alam mo sarili ko sinisisi ko sa lahat ng nangyari. But still im happy for you sa kabila ng lahat ng nangyari matatag ka sana nakuha ko din yung trait mo na yan para hindi ako ganito haha. Imissyousomuch baby butete ko 💔
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
Gumising nanaman ako ngayong umaga na hindi okay. Binangungot nanaman ako lakas nanaman ng tibok ng puso ko ang sakit sa dibdib sobrang nag papalpitate. :( Hindi na umuubra yung gamot hanggang pampatulog nalang talaga. Araw araw gigising ako na ganito panimula ng araw ko natatakot ako kung ano ano napapanaginipan ko pero puro siya lang naman at pamilya niya lagi ang may scenario sa bangungot ko. Hindi ko alam paano hirap na hirap na talaga ko kapag inaantake ako ng sakit ko hindi ko alam pano magiging okay o pano pakalmahin sarili ko gusto ko lang naman matulog ng maayos mukha na ko may sakit ang laki ng eyebags payat ang pangit na ko na depress na depress na ko. :(
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
Nakapag pasa na ko ng folder mahal ko. :) umokay na din yung timbang ko hindi na ko overweight haha may magandang maidudulot din pala yung pag iwan mo sakin pumayat kasi ko ng sobra hahaha lagi ako wala gana kumain ayun laki ng nabawas sa timbang. Naayos na lahat wini sched nalang ng opera tapos okay na. Ginagawa ko lahat to para sayo baka kasi kung makakapasok ako sa bfp baka pwede na ulit tayo. Nakipag kaibigan din ako sa ibang aplikante kanina. May mga mali pds ko manyak lang yung nag checheck ng folder ko kanina mahilig sa maganda kaya pinalusot yung folder ko ayun kinuha at di na ko pinabalik 😂 Mag kikita na tayo sa may 1 di ko alam kung ready na ko kinakabahan ako kasi tagal na natin di nag kikita tapos di din tayo nag kakausap. Mag iingat ka palagi mahal ko miss na miss na miss na miss na miss na po kita.
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
Gabi gabi nalang
Gabi gabi nalang napapaisip ako. Ano pa bang kulang? Ano pang kailangan ang higitan? Ano pa ang dapat gawin? Napakaraming tanong. Dumating na yung kinatatakutan ko as I expected na magiging desisyon niya ganon nga ang nangyari. Sana naiisip mo din ako sana naaalala mo ko sa lahat ng oras sana mahal mo pa rin ako sana ako nalang ulit sana tayo nalang ulit. Sana makapasok kana sa bfp para maipag laban mo na ko pero baka kahit makapasok ka wala na talaga. Lumayo ka nalang bigla iniwan mo ko na nag iisa hindi kita maintindihan hindi mo pinapaintindi sakin ang lahat. Hindi ko alam kung mag hihintay ako kung may aasahan pa ko sabi ko sa sarili ko 2years lang kapag hindi kapa bumalik sakin in 2 years wala na. Marami pwede mangyari sa dalawang taon marami kang makikilala at makakasalamuha na ibang tao madali ka pa naman mafall baka makahanap ka agad ng iba pero kung san ka masaya kung saan ka liligaya. Sana dumating yung panahon na tayo pa rin ang magkatuluyan tayo pa rin ang magkakasama na ikaw pa rin makakasama ko hanggang sa pag tanda. Sana hindi magbago un.
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
Rough Day
When you're literally not feeling well tapos hindi ka okay wala kang gana hindi ka masaya tangina bigti na. Matagal tagal na din ako di nakakapag simba mag sisimba sana ko ngayon kaso di ko talaga kayang tumayo sa kinahihigaan ko. I feel so damn worthless! Wala ng silbi nagkakasakit pa. 😂 Nasa isip ko lang lahat to hindi totoo lahat ng to. Magiging maayos din ang lahat magigin MAAYOS.
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
The pain slowly killing me.
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
I saw your mom's live on fb. You looked happy, nakakatawa at nakakangiti kana siguro talagang inalis mo lng ako talaga sa buhay mo sino ba naman ako isa lang akong pagkakamali at toxic na tao. Sana kaya ko rin yung ginagawa mo sa makatawa at makangiti na din ako gaya ng dati. Sana maging masaya na din ako gaya mo. Pinipilit ko naman libangin sarili ko pero hindi ko talaga kang pekein ang sarili ko e malungkot talaga ko. #justamidnightthoughts
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
Kapag hindi na ko nakapag post ng nararamdaman ko dito ibig sabihin non okay na ko. Soon baby soon.
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
Tired
Jgh. Me and my dad went to hospital to see my doctor but i am not able to undergo operation today because of my bp "hindi stable yung dugo mo tumataas hindi ka naman highblood mababa din cholesterol mo may iniisip kaba?" "inaatake lang ng po ako ng anxiety".
But my dad decided to visit my psych instead. Cant imagine myself in that room once again earlier today. Hindi ako kumportable hindi nakakagaan ng nararamdaman. "you looked so tired ang payat mo ngayon" "hindi lang po ako nakakatulog ng ayos" alam ko sa ganon mga tanungan mag umpisa na ang lahat. Kailangan ko ikwento ang lahat from the start kahit ayoko uungkatin niya lahat ng masasakit na part. "minumulto ako ng mga pangyayari doc binabangungot ako" cant stop thinking about sad things. Hindi ako natutulog inaabot ako ng umaga ng nakatulala lang hindi rin ako makakain ng ayos dahil nasusuka ako. So mas lumalim pa ang kwentuhan "nak dasal ka doctor lang ako pero siya ang makakatulong sayo" saddenly nag break down ako umiyak ulit ako ng umiyak gaya ng ginagawa ko sa araw araw. Pakiramdam ko lahat ng tao pagod ng makinig sa paulit ulit kong kwento. "I feel so betrayed doc" "nak nakikita ko sa mga mata mo ang lalim ng emosyon mo. Siya ang kailangan mo para maging okay ka pero hindi na siya babalik" ang haba ng kwentuhan. She gave me anti depressant. May mali may hindi tama. Iinom ulit ako nito? Hindi nanaman ako okay? After all these years eto nanaman ako nilalabanan yung sakit ko."may masama ba doc bukod sa parehas kaming babae" "no the problem is we live in a judgemental society".
"palayain mo sarili mo"
0 notes
donkweng-blog · 6 years ago
Text
Nahihirapan ako mag ayos ng mga papel hindi ako sanay. Walang pwedeng tumulong sakin kung di sarili ko lang. Dami mali pabalik balik kakahanap ng com shop para mag paprint ang dami pang kulang hindi ko alam kung aabot. Nakakawalang gana parang hindi ko na gusto pero wala akong magawa para sa daddy ko. Wala pa din ako natatapos kahit isa :(
Tumblr media
0 notes