Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Tag-ulan na naman, handa nga ba ang karamihan?
Panahon na naman ng tag-ulan. Marami na namang mga pamayanan ang nagsipaghanda para labanin ang mga bagyong paparating. Ngunit lahat ba ay naisagawa nang mabuti at tama ang kanilang paghahanda o hindi sapat ang kanilang preparasyon dahil sa kakulangan ng pondo at materyales. Pumunta ako sa aming barangay, ang barangay 351 zone 35 sa sampaloc maynila upang magtanong ng ilang katanungan kung nakapaghanda ng maayos ang aking pamayanan.


Nakapanayam ko ang isa sa mga kagawad ng aming barangay na si Kagawad Ruby Saunar. Ito ang naging pahayag niya: Ika niya, bagyo at pagbaha ang pinaka naging perwisyo nila sa mga nagdaang sakuna. Dahil kapag nabaha ang paligid, lahat sila ay maapektuhan, mapaparalisa ang hanapbuhay ng iilan katulad ng mga tricycle driver na karaming hanapbuhay ng mga tao dito sa barangay at maapektuhan din nito ang mga may pasok sa opisina dahil baha ang mga kalsada. Naitanong ko rin kung may mga evacuation center sa oras ng sakuna. Ani niya, yung basketball court dapat sa elias st. ngunit ito rin ay binabaha kaya sa Paaralang Juan Sumulong Elementary school ang nagiging tuluyan ng ibang lumilikas, na itong paaralan din na ito ang evacuation center ng ibang barangay. Sa kabutihang palad daw kahit papaano, bumaba na yung level ng baha sa barangay, na kung dati ay hanggang hita, ngayong hanggang binti o tuhod na lang kapag may malakas na pag ulan. Tinanong ko kung ano ang mga paghahanda at nagawang paraan nila upang makamit ito. Sabi niya, ang walang patid na pagpapaalala na maging malinis ang pamayanan sa mga tao, at ang tuloy tuloy na declogging na isinasagawa ng barangay. Tinanong ko rin kung sino ang nagplaplano nito sa kanila, ang ani niya, may isinagawang grupo ang barangay na mamamahala sa mga disaster management.

Sa aking pag ikot-ikot sa barangay may napansin ako na mga panganib na maaring magdulot ng peligro sa pamayanan. Isa na rito ay ang mga kumpol kumpol na cable ng kuryente na maaring magdulot ng pagsabog at pagliyab ng apoy na maaring makaapekto sa mga bahay na malapit. Isa rin dito ay ang butas na kalye na maaring magdulot ng aksidente lalo na kung maulan at madilim ang paligid. May nakita rin akong mga kalat sa paligid na sanhi ng pagbara ng mga estero at magdulot ng pagbaha.




Mayroon din naman akong nakitang mga basurahan sa kanto, ngunit iisa lamang ito at malayo sa mga ibang kalye. Kaya naman para sa akin kailangan itong paramihin at magkaroon ng basurahan para sa mga nabubulok, di-nabubulok at recyclable materials upang magkaroon ng tinatawag na “proper waste segregation” ang barangay at makatulong sa paglutas ng kanilang problema. Iminumungkahi ko rin na maykapalit na sapat na pera o “canned goods” ang sinumang makakapagbigay ng sapat na mga plastic bottles sa barangay kung sa ganun mas mahihikayat ang mga residente na magtapon ng mga basura sa tamang lagayan, at hindi kung saan saan.


1 note
·
View note
Text
Pagninilay
Sa pamamagitan ng proyekto na ito, marami akong natutuhan hindi lang para sa sarili, kundi para na rin makalikha ng solusyon na makakatulong sa pagresolba ng problema ng barangay. Unang una, napagtanto ko na napaghahandaan ang sakuna kung mayroon kang sapat na kaalaman, mapagkukuhaan ng yaman at may pagkaka-isa sa barangay. Kung kulang ang isa rito, malabong makakamit ang layunin na mapaghandaan ang sakuna. Halimbawa, sa sitwasyon ng aming barangay, may sapat na kaalaman ang mga tao tungkol sa sakuna ngunit wala silang ginagawa upang paghandaan ito, katulad na lang pagbalewala sa mga paalala ng barangay at hindi pagsunod sa wastong pagtapon ng basura. Isa rin ay ang kakulangan sa pondo upang magsagawa ang barangay ng mas madalas na declogging at pagkaroon ng basurahan sa bawat kanto, dahil dito mas nagiging mahina ang barangay sa paglaban sa mga sakuna. Para sa kabuuan, mas makakamit ang matibay na paglaban sa sakuna kung nagkaka-isa ang mga tao at mayroong disiplina. Kapag walang disiplina at pagkaka-isa ang mga tao, kahit anong gawin pa ng barangay upang maituwid ang problema wala rin mapapatunguhan sapagkat sa huli ay hindi rin makikiisa at hindi susunod ang mga tao. Kaya kailangan din ng matatag na pamamahala ang barangay upang mapagkaisa nito ang mga nasasakupan at sabay sabay na mailutas ang mga problema na ikinahaharap nito.
0 notes