Text
Hi Tumblr,
It’s good to be back after a month. Pero this entry is just for maybe someone who would be reading this someday. I am not proud of this pero let’s just see. Or maybe this is for the Ella who I should have been.
Dear Ella,
You’re on your way back home na. Hinatid ka ng the person you love sa Makati. Ayy no. More of like, sinabay ka lang ng the person you love kasi may business sila there with his family. Hinatid? On purpose? I don’t know kung ihahatid ka non on purpose. Hahaha pero anyway, let’s not be bitter. So first and foremost, nag-S kayo before umalis. And alam ko napansin ko na, even kahit sa M. First thing he always does is hold his phone. Yakap? Kiss? Any lambing? Tangina, you wish, Ella. You wish. He always does that. Check agad ng phone after. His after sex care? Wala. You wish. Wala kang maasahang lambing sa katawan yan. After sex care is for gentleman only. Yung pakiramdam after sex parang laging may sariling mundo eh. Porket nalabasan, parang may sariling side na. Di man lang lumambing eh. Laging ganyan. Yung pakiramdam parang binihisan ka agad after sex. Baka mas sweet pa yung mga nag one night stand eh.
Oh next, kinwento ko yung nabasa ko sa fb. Na sa ganitong setup, yung sisi sa mga babae. I am not a clean and kind person and gets ko yung opinion ng mga women na “Sinong matinong babae ang papatol sa pamilyadong tao?”. I agree. Yung mga babaeng pumapasok sa mga ganito ay immoral and wala sa tamang katinuan. I don’t know what happened. Pero yung generalized na ang sisi sa mga babae kasi mas matiisin ba yon? Huh? Guys do shit. Guys don’t do these kind of things to the women they love. Tangina sige. Is that what love’s all about? Is that love? I know he doesn’t love me. Bakit ko alam? Through his actions. Iba yung mahal ka sa wala silang magagawa. No, what I am processing here, ang mga guys mas madaling mag cheat kapag kasal na kasi wala silang commitment and responsibilities to the ones they’re cheating with. Nahuli? Anong mangyayari? Iwan agad diba? Walang pag-aalinlangan. Iwan ka agad. Nahirap sa inyo? Iwan ka agad para daw mas madali and kasi pagod at sawa na. Diba? Sige sinabi niya sayo Ella na mahal ka. Sinabi niya yon. Mga twice lumabas sa bibig niya yon. Pero? Yung mga actions niya saliwa diba? Yup. Saliwa. Hindi ka iiwan niyan kung mahal ka. At laging nandiyan yan para sayo in time na kailangan mo siya. Hindi yung magpaparamdam lang dahil part ng compromise o sa convenience niya. Hindi yung puro salita na lang. Puro salita. Maniwala ka, Ella. Never kang mamahalin niyan. Kahit ibigay mo pa buong mundo mo diyan. Never kang pipiliin niyan. Never. Try mong hindi makipag-S diyan. Sa tingin mo bibigyan ka pa niyan ng oras? I dont think so. Let’s generalize rin ang mga lalaki. Guys like him are weak. Mga gago yang mga yan. Dapat nga sila tong hindi mag-initiate ng mga ganito eh. Why? Tangina sila tong kasal. They made a promise to his wife, his family and even to God.
How many times did this guy make you cry? Ilang beses na? ILANG BESES KANG HINDI PINANSIN NG GAGO NA YAN IN TIMES NA KAILANGAN MO NG COMFORT NIYA? How many? Too many to count eh. Tanginang yan. Ella, this guy. This guy you claimed you love. Mahal mo siya alam ko pero hindi ka niya love. He does things kasi convenient and beneficial sa kanya. Tapos takot kang mawala yung taong hindi ka kayang piliin and kahit i-prioritize man lang. Tangina Ella. Gising gising rin. It’s almost your 3rd year. The more na tumatagal mas nararamdaman mo na hindi ka mahal diba? Sa the wY pa lang na i-treat ka niya? Then why??? Jusmiyo. Please Ella. Gumising ka na. THAT GUY DOES NOT LOVE YOU. THAT GUY WILL NEVER CHOOSE YOU. THAT GUY WILL NOT BE THERE FOR YOU KAPAG KAILANGAN MO RIN SIYA. THAT GUY DOESNT EVEN LISTEN TO YOU. THAT GUY WILL NEVER EVER LOVE YOU. So please. Gumising ka na. Please. Pahalagahan mo naman yung sarili mo. Hindi yung siya pa yung uunahin ko and at the end of the day, kahit minsan man lang hindi ka niya mapili. Ni hindi ka nga niyan maintindihan eh. So please, love. Alam kong mahal mo and mahirap bitawan. Pero yung puso mo, alagaan mo na lang. Hindi pwedeng mahal ka lang ng mahal. Kailangan may nagmamahal rin sayo. He will never love you. So please. Leave.
0 notes
Text
I am all alone pero it’s okay. Diba? Okay lang yan! Ang hindi okay is masakit ang likod mo. Ang sakit promise.
0 notes
Text
Grabe this feeling no? Kahit ang hirap ng buhay sana may isang tao na sumusuporta sakin. Baka this is God’s way of saying na magtiwala ako sa Kanya, na sumandal na ulit ako sa Kanya. I don’t know pero maybe this is the real feeling of getting lost.
0 notes
Text
Natatawa na naman ako sa sarili ko HAHAHA. Dati gusto ko pang maging aso sa BGC, ngayon gusto ko na lang maging poste. Hindi ko sure kung emotionally drained na ko kaya ganito na lang yung nararamdaman ko eh. I know hindi ako kabaitan pero sana yung odds naman nasa favor ko na this year please oh.
0 notes
Text
Natatawa ako sa sarili ko. Umagang umaga pa lang while walking to the office, iniimagine ko na na nakahilera yung mga taong hate ko, tapos sasampalin ko sila isa isa HAHAHAHAHA. Tapod headlock ganon! Nakakatawa talaga. Tapos i-imagine natin sa everyday huddle, hineheadlock mo yung boss mo HAHAHAHAHA. Sobrang sarap sa feeling!!!! Tapos kakaladkarib mo siya hawak sa buhok. Dont yuck my yum pero i love it.
0 notes
Text
Bakit kaya sila nag-aalala sa akin? Wala ba silang tiwala sakin na magiging okay lang ako? Yung narating ko ba ngayon sa buhay ko is kulang pa? Hindi pa ba sapat yung mga nagawa ko? Paano kaya ang gusto nilang gawin sa buhay ko? Dahil ba sa office lang ako? Dahil ba sa wala pa kong asawa? Problema ba if hindi ako nagka-asawa? Napprovide ko naman yung mga needs sa bahay? Pero bakit sila nappressure para sakin? Bakit nila ko pinepressure? Mag-aalala na ba ako? Kaso kasi buhay ko to eh? I mean, buhay ko to. May plans si Lord for me. I don’t have a plan on my own pero gusto ko lang for now makahanap ng mas okay na work. Bakit ako yung pinepressure nila? Gusto ko lang naman mabuhay. Hahaha. Gusto ko lang makapunta sa iba’t ibang lugar. Gusto ko lang makatikim ng masasarap na food. Gusto ko lang maexperience yung buhay. Pero bakit iba yung gusto nila para sakin? Does it matter ba? Is it my fault ba na inuuna ko sila kasi wala naman susuportang iba sa kanila? Umuuwi ako ng late naman hindi dahil sa work eh. Akala lang nila sa work pero medyo masaya naman ako. Kasi somehow nababawi yung pagod ko kapag nakakasama ko yung tao, gumagaan ko yung pakiramdam ko kapag nakakasama ko siya. Pero bakit ganon? Hahaha! Nakapagtapos naman ako sa magandang school. Ginapang ko naman yon. Nakahanap ako ng somewhat okay na trabaho. Pero bakit sila mag-aalala para sakin? Hindi naman ako umaasa sa kanila sa totoo lang. Again, wala ba silang tiwala sakin na magiging okay lang ako? Hahaha sakay ko na lang sila sa future second hand car ko. Ito yung oras na masarap takasan lahat no? Yung tipong punta ako sa ganito para mag-unwind. Or tambay lang sa Shell tapos bili sarap na food talos magandang tugtugin lang. Hahaha! It’s okay, love. Hirap lang talaga minsan na walang suportang nararamdaman from anyone. Hahaha anybody? Baka naman, pahingi ng love and support oh. Kulang na sa aruga ang babay girl niyo. Ay harot yarn. Kumain kaya ako ng kbbq mamaya? Weird kasi naman eh if nag-iihaw ako ng mag-isa HAHAHAHA. Sana sa BGC na lang ako. Nandon lahat ng comfort food. Mag-ingat na lang tayo for today’s video kasi apakalutang mo na naman ❤️. Hahaha okay lang yan. Wag na tayo masyadong masaktan. Hindi ka pa ba sanay? Jusko pagkabata pa lang same at same lang nararamdaman mo. It’s okay. It’s okay, love if hindi ka nila naalala sa magandang paraan and if nag-aalala sila sa mga maling bagay. Maalala ka lang kapag nagwoworry sila sa narating ko pero kapag sa ibang bagay, wala na. Out of story na ko. HAHAHA. Oh ano? Natanong ka ba kung may bilin ka? Hindi diba? Eh si doc? HAHAHAHAHAHAHAHAHA YAN KA NA NAMAN UY. Hindi naman sa nagseselos pero sana maalala ako sa ay ayang batang yan, yang yung dahilan kung bakit may kuryente pa ang bahay nila HAHAHA. Hay nako amoy sumbat pero hindi naman. Pero sana lang maalala naman nila ako sa okay na bagay jusme. Ako lang to oh? Hahaha ingat today. Mahaba-haba pa ang araw pero ganito na agad nararamdaman mo. Wala mang humahawak sa kamay mo, nagtatapik sa balikat mo o yumayakap sayo sa mga oras na ganito, it’s okay. Ang important is nakayanan mo ng mag-isa. Yieee independent woman yarn HAHAHAHAHA. She on fire 🔥🔥🔥. Luh Katniss Everdin yarn? Okay tulog sa fx it is. Sana maging okay lang tong araw na to. Paiyak ka na eh HAHAHA. 6AM pa lang beh. Tiqil. HAHAHA.
0 notes
Text
Here we go love 🥺 I know you will be okay. Matapang and matimpiin ka naman eh. Natatakot lang talaga ako magresign kasi alam mo naman. Mag-aalala yung mga tao pa sa bahay.
0 notes
Text
Dreading to go to work grabe. Hahaha pero para sa vision board natin, kakayanin. Magkakakotse ka this year, Ella!!! Matutupad mo yung pangarap mo na every time na pagod ka na, magddrive ka lang kahit sa gasoline station, bibili ng pagkain, magssoundtrip and dadamdamin ang mga bagay. Ang saya diba???? I know!!! Kaya go, Ella! Mahirap man pero kakayanin. Para sa 🚙🚙🚙🚙
0 notes
Text
Ang sarap sana for once na may mag support sayo, mag-asikaso sayo, yung tipong kahit one day ipafeel sayo na ikaw ang favorite no? Or importante ka. Na hindi na need i-compare lahat no? Sana may ganong araw. Yung ako lang sapat na AWOW. HAHAHAHAHA. Sana may ganoon.
0 notes
Text
Love, wag mo masyadong ramdamin. Need maging productive today!!!! So, kaya na muna for now. Tonight ka na lang mag mental breakdown HAHAHA. You’re okay. You are okay.
0 notes
Text
Umaga pa lang. Papasok ka pa lang sa UV, pagod na agad yung puso at utak mo. Hello, love. Good morning! You tapped your shoulder today and I’m proud of you. Masakit man sa heart (alam mo yang pakiramdam na yan) pero you know you will be okay. It’s okay, love. Hahaha wag umiyak ha. Please. Tama na muna. It’s okay, love. Tiis tiis muna. For sure naman lilipas rin lahat ng nararamdaman mo. Smile and tawa lang muna HAHAHAHAHA. Okay? Okay!!!!! HAHAHAHA ☺️😊😚
0 notes
Text
Pagbaba ko ng bus. Ang sarap ng ihip ng hangin. Tapos ewan ko eh. Ang lungkot. So napag-isipan ko na lang maglakad from labasan hanggang bahay. Ang sarap sa pakiramdam. Sobrang sarap sa pakiramdam. Medyo pagod at pawis nga lang. Pero later ulit? Need mo magwork eh. Kasi you know naman.
0 notes
Text
Funny ng thoughts ko kaninang umaga. Left the house na inencourage ko yung sarili ko even though it hurts na. Luh, inarte yan pero ang funny kasi sabi ko, “Pagsakay ko sa fx, I will sit comfortably and write how I feel. Tapos saktong tingin lang sa bintana.”. Pero what happened was, apatan kami sa fx, hindi makapag-emote kasi feel ko kakilala ko yung katabi ko and will probably sleep na lang jusko. HAHAHAHAHA. Ang sikip ng super. As in siksik na siksik ako dito sa gild omgoodness. Oh diba yan. So will probably sleep na lang talaga. Pero nagulat ako saaat post ko before this ha. Halika nga dito. Yakapin kita kasi grabe no? Kailangan na kailangan mo na talaga. Love you. Thank for your staying strong, love. You deserve to be happy. ❤️
0 notes
Text

12/15/2024 is the date to remember. When the things you cannot be and the things you cannot do is more painful than stopping. Before kasi, it’s so painful to stop. Parang nagsslow-mo yung mundo ko. Ngayon, parang okay. Maybe that’s a good sign? Pagod ka na rin, love eh. Kawawa ka na masyado. I know self-pity. Pero totoo naman kasi, yung bigay ka ng bigay ng love mo pero hindi ka naman minamahal. It’s okay, love.
I am so proud of myself for not crying. I love you, Ella. Kahit feel mo walang nagmamahal sayo, I love you. Kahit feel mo na you have to be someone exceptional and an achiever para mabigyan ka ng halaga ng mga tao, it’s okay. You don’t need to be what they want you to be. We only have ourselves. Baka i-prioritize natin what makes us happy. Hindi ka man makabukod, okay lang. Mahirap, pero okay lang. Iniwan ka man, okay lang rin. Mahirap, pero okay lang.
I love you, Ella and it’s okay. It’s okay. It will be okay. Everything’s gonna be okay. Just be a good person. Okay lang yan. It’s okay. It’s okay.
0 notes