RUI HANAZAWA ● WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET ●LIBRA ● UNICORN LOVER●
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Sugar dolls Strong Rejuvenating set Review
🍬 S U G A R D O L L S S T R O N G R E J U V I N A T I N G S E T R E V I E W 🍬
HERE'S MY STORY( AYAW SA MY DAY EH. SORNAA ✌)
SHARE KO LANG PORTION. BAKA SAKALING MAKATULONG SA MGA NAGHAHANAP NG ALTERNATIVE SKIN CARE NA DI SING MAHAL PERO SUPERB ANG EFFECTIVENESS AND QUALITY. BAKA ISIPIN NIYO NA BIASED AKO PERO HINDI I'M JUST TELLING THE TRUTH. HONEST TO GOODNESS ITONG REVIEW NA ITO. SABI NILA TRY MO YUNG PRODUCTS MO PARA MAY ALAM KA SA MGA TINITINDA MO. WELL DI AKO NA- DISAPPOINT SA OUTCOME 😊❤️
AKO YUNG TAONG AMININ NA NATIN MAY MGA TIMES TALAGA NEED NATIN NG HELP NG CAMERA 360, FLITERS ETC. PARA PERFECT YUNG SELFIES OR MAGLALAGAY NG MAKE UPS PARA MACOVER UP ANG MGA SUMPA. ACTUALLY GINAGAWA KO NAMAN TALAGA KASI MAKE UP ENTHUSIAST AKO. I LOVE MAKE UP, I LOVE COLORS AND SINO BA NAMAN YUNG HINDI GUSTONG GUMANDA DIBA?
DATI I'VE TRIED SOME SKIN CARE PRODUCTS AND EFFECTIVE SILA PERO MEDYO PRICEY AND REALLY COST YOU FUNDS, TIME AND EFFORT. PERO GANON NAMAN TALAGA SA SKIN CARE EH TIME AND EFFORT PARA LOVE LIFE DIN. CHARLS LANG. HAHAHAHA. SO GOING BACK TO WHAT I'M SAYING. NA CURIOUS AKO NA MAGTRY NG SKIN REJUVINATING SET BILANG ONLINE SELLER AKO GUSTO KO ITRY MUNA SA SARILI KO YUNG PRODUCTS THEN PWEDE KONG I-RECOMMEND SA MGA CUSTOMERS KO. AYUN I TRIED IT. ❤️
🍬 SUGAR DOLLS STRONG REJUVINATING SET 🍬 YUNG SINUBUKAN KO. KASI I LIKE IT STRONG. HAHAHA. KASI GUSTO KO TALAGA MATANGGAL ANG SUMPA NG KAHAPON( PIMPLE MARKS) AT UNEVEN SKIN TONE. COMBINATION ( OILY AND DRY) SKIN DIN AKO. UNA KO SIYANG SINUBUKAN APRIL 3 UNANG NA NOTICE KO SA SKIN KO ANG LAMBOT NIYA AND MOISTURIZED SIYA AT MAY TIMES NA NAGSTITING AND MICRO PEELING PERO SOBRANG MINIMAL NIYA TALAGA AS IN DI MO SIYA MAPAPANSIN PWERA NA LANG KUNG TUTUTOK KA TALAGA SA SALAMIN AND NATURAL LANG TALAGA YUN . THEN FIRST WEEK NIYA NAGLITAWAN ANG MGA FACE DEMONS KO ( PIMPLES) AS IN GALIT NA GALIT SILA. NAPAISIP AKO PERO NATURAL LANG SA REJUVINATING SET NA MAGKAROON NG BREAK OUTS AFTER A WEEK OF USAGE AND MAWAWALA DIN SIYA EVENTUALLY AND TOTOO NGA. 2ND TO 3RD WEEK OF USING NAWAWALA NA YUNG PIMPLE MARKS AT NAG EVEN OUT NA YUNG SKIN TONE KO. INAAPPLY KO DIN SIYA SA LEEG KO AND SA BATOK YOU KNOW BIG GIRL. HAHAHA. AYUN NGAYON NA MALAPIT NA AKONG MATAPOS ILANG ARAW NA LANG. NGAYON NA NOTICE KO NA HINDI KO NA KAILANGAN MAG FILTER SA PHONE KO AT I-ON ANG BEAUTY MODE. AKO LANG AT GOOD LIGHTNING SAPAT NA. AND NGAYON NABAWASAN NA DIN YUNG PAG GAMIT KO NG MGA MAKE UP. MINSAN BB CREAMS NA LANG. PERO MADALAS SUNBLOCK CREAM AT LIPTINT NA LANG AKO. HEHEHE.
NGAYON I'M HAPPY KUNG ANO MAN ANG MERON SA BALAT LUPA KO. EFFORT AND TIME LANG TALAGA. DAPAT MASIPAG KA EVERYDAY. PERO AFTER NG LAHAT NG YUN MAGANDA NAMAN ANG OUTCOME EH. WALANG MASAMA KUNG SUSUBUKAN MO. 😊❤️ MALAPIT NA AKONG MATAPOS PAHINGA MUNA AKO NG 1MONTH
DISCLAIMER: HONEST TO GOODNESS REVIEW, NOT BIASED ITO ETO AY BASED SA AKING EXPERIENCE AND LALONG DI ETO SPONSORED. HAHAHAHA! GALING SA BANGKO DE MAMA. 😊✌❤️
Before and after pics 😍




TILL NEXT TIME ❤️
0 notes
Text
NEW MUG? NEW FACE? CHAAAAR! REJUVINATING BLOG EP1
Nowadays. Lahat ng tao ay busy sa pag papaganda at pag papayat. Dahil tao ako at sumasabay sa mga trends na uso ngayon dahil malapit nanaman ang bakasyon at kaliwat kanan ang outing. Ngayon yung tamang panahon para ayusin ang sarili. *LITERALLY*. It all started last board exam nito lang besh after kong magexam nag decide kami ng friend ko na magkita sa quiapo. Kasi gusto din namin magdasal dun at humingi ng grace para boards. Ayun medyo inikot namin ang underpass ng quiapo. Bigla siyang napahinto kasi nakita niya yung product sa sinasabi niya sa akin na nagamit na niya. Actually I envy her kasi ang ganda talaga ng balat niya. Glass skin. Tapos rosy cheeks siya pag naiinitan siya alam mo yun yung mga k drama actress na sobrang poreless tapos glass talaga as in. Ayun going back to my story. Sabi niya dito pala meron na kasi sa shopee ko lang nakita to eh. Sabi ko legit ba yan? You know quiaps. Hahaha. Pero sabi niya legit to. At dahil naiinggit ako sa kinis ng mukha niya agad kong kinuha yung wallet ko at kumuha ng pera. Akala ko Mahal siya pero hindi budget friendly siya SWAK na SWAK tumataginting na 200 pesos siya full set. May sabon, toner at creams na siyang kasama. Which is sulit na for 200 pesos. Tuwang tuwa ako kasi finally nabili ko siya at excited ako subukan siya if effective and safe syempre. Eto yung actual set na nabili namin ng friend ko sa quiapo.
Eto yung pagmumukha ko after ilang days na gamit ko yung set. Siguro mga 4 days. Day 4 napansin ko yung balat ko nag mimicropeel siya as in. Sabi ulit ng friend ko natural lang yun kasi nagrerejuvinate siya. Ang hapdi niya besh. Mapapasipol ka pero ilang days lang din yun. And mapapansin mo na shet! Kuminis nga siya and my difference talaga siya unlike before na uneven yung skin tone ko. Tapos moisturize na siya di na siya Sahara desert sa sobrang dry talaga. Ngayon malapit ko na maubos yung toner at rejuvinating cream. Good for one month lang yung set. After nung papahinga muna yung face ng 1 month bago ulit mag try ng ibang set. Miracle cream muna ako.
At first to be honest takot ako kasi first di ko alam kung truly legit to kasi napanuod ko sa mga vlogs sa youtube na iba siya. Iba yung packaging and wala siyang instructions on how to use it. Kaya nagtatanong ako sa friend ko kung paano sila gagamitin. Ayun itinuro naman niya sa akin. Thanks marseng. Kinabukasan after ng board exam ko ginamit ko na siya. Yung sabon kojic acid soap siya pero di kasing tapang ng koji-san at nung ibang kojic soaps sa watsons, supermarket at sa mercury na mahapdi eto wala talaga pero sabi ng friend ko natural lang na magdrdry yung balat mo sa kojic kaya may toner at creams siyang kasama. Yung toner naman maganda din siya talagang mararamdaman mo yung balat mo ang lambot lambot parang skin ng baby. Hahaha. Plus yung night cream na rejuvinating at sunblock cream.



4 days vs 3 weeks ❤️
-cha ❤️🐽🦄
0 notes
Text
Melancholic life 💧
Sakto 1 week na din mahigit yung nakalipas nung nilabas yung announcement na babago sa takbo ng buhay ko. Ilang araw ko hinintay, kinabahan, di makatulog, balisa kasi kinabahan ka kasi kung andoon ba yung pangalan mo or wala nanaman katulad ng dati
Sobrang gustong gusto mo na talaga kasi matagal mo ng gusto eh. Pero kung Hindi pa talaga sayo hindi pa talaga. Hintay hintay lang darating din yung para sayo. Not my moment yet! Pero soon! Parang page snatch ng korona sa pageant natalo ka ngayon pwede ka bumawi sa susunod. Siguro this time aayusin ko muna sarili ko physically, emotionally at spiritually.
-cha ❤️
0 notes
Text
GASTRO ADVENTURES FT. YOSHINOYA 09/06/18
Naglalakad kami ni mama kahapon sa sm north na bigla akong nakaramdam ng gutom at namimiss ko kumain ng japanese food talaga. Dati kasi malapit kami sa Fairview terraces eh may Yoshinoya dun. Para maiba naman kasi pag sinabing affordable na japanese food isa lang talaga is TOKYO TOKYO talaga. Pero din naman ibang japanese resto na nag ooffer ng sarap at mura. Yoshinoya is one of them. Very affordable and masarap talaga foods nila dun. Mabilis din serving and ang babait ng mga staff dun.
BIgla kasi akong nag crave sa tontaksu at kani salad nila. As in yun lang lagi kong inoorder pag nag yoyoshinoya kami dati sabi nila masarap din daw ramen nila at mga tempura. Actually nagdadalawang isip ako sa ramen at rice bowl pero nagwagi ang rice bowl kasi ilang days na akong di nag ririce kasi nag didiet ako kaya nag rice bowl kami ni mama plus kani salad. busolve!

Kani salad. Japanese mayo with crab meat and sweet mangoes. Sweet and salty and the same time. Very refreshing. My absolute favorite :)

Veggie beef. Eto yung inorder ni mama kasi fave niya yung beef then may veggies. Actually it taste good. May slight ginger taste to it pero masrap siya then yung rice alam mo yung siksik siya yung mabubusog ka talaga. A must try talaga :)

Pork tontaksu. Fried pork with tontaksu sauce and egg. Eto talaga fave ko sa yoshinoya. Kasi masarap talaga siya sulit eh kasi masarap na tapos mura pa siya. BUsolve!

Lastly yung drinks nila. Cucumber lemonade anf Red tea. Very refreshing and delicious at the same time. May mga desserts din dun kaso di kami kumuha kasi diet nga ako sa ngayon iniiwasan ko yung sweets and ngayon. Until next gastro adventures. Anneyong!
0 notes
Text
ANY PROGRESS? MOVING ON PROCESS? THE HOWS OF ME?
Sa ngayon masaya naman ako sa ginagawa ko. Mas pinili ko na maging postive lang sa mga bagay bagay. Kaya kinakaya ko araw araw pero minsan napapaisip ka lang talaga eh pero ganon talaga di pa time kaya ganito.
Divert is the key. Kaya nag wowork out at diet lang ako ngayon. Exercise! exercise! Hahaha kahit mahirap push lang. Hindi kasi ako sanay na nagwowork out eh kaya naninibago katawan ko. Pero kinakaya ko naman. Medyo hirap lang kasi bago palang naman ako sa routine eh pero onti onti naman na nasasanay yung katawan ko sa routine. Actually mas nararamdaman ko na mas lumalakas ako at di na ako masyadong napapagod kasi dati onting kilos lang hingal na talaga ako. Tsaka goal ko this birthday ko na medyo pumayat na ako para iba naman.
Bukas uuwi kami sa Tarlac ( Yay!) sariwang hangin at malamig lamig na klima kaya bumili ako ng scarflet ( Maliit kasi) 100 pesos sa fishermall tapos bumili na din ako ng headset para soundtrip lang ako sa bus bukas. Excited ako kasi matagal na din yung last kong uwi dun. Namiss ko na sila Lola at lolo. Tsaka yung manggahan namin dun. Subukan ko mag VLOG or magpicture picture dun. Kasi kahit sang anggulo kasi picture perfect na para sa akin. At bukas nakapag decide na ako na magpapagupit na ko ng buhok kasi sobrang haba na siya at nahihirapan na din akong i-maintain eh. Balak ko above shoulder lenght pero bahala na bukas.
Sa ngayon tapos na yung grieving period ko. Panahon na ayusin lahat at galingan pa para maging sa akin naman na ngayon. Faith lang talaga. Parang kanta ng BTS na Blood, sweat and tears. Lahat ng bagay ay dapat pinaghihirapan talaga. Just go with the flow lang :)
0 notes
Text
Stay Active and Fit
Yan yung linya na tumatak sa akin this past couple of weeks after i-release yung results ng board exams. Siguro ito na din yung way para makapag cope up ako sa nangyare sa akin. Sabi ko sa sarili ko sawa na akong maging mataba kaya gagawa nalang ako ng ibang bagay na pwede kong gawin. Kaya taaadaaah!!! Nag download ako ng fitness plan sa phone ko. Yun yung sinusundan ko sa routine ko everyday. Tapos diet talaga. Less rice, Less sweets minsan may cheat day. HAHAHAHAHA! ( weekends lang applicable). Every morning 10 minutes work out lang perfect sa mga walang time. Sa mga busy sa buhay. Sana lang talaga sa birthday ko this coming October mag slim down na ko utang na loob. HAHAHAHAHAHAHA!
0 notes
Text
New Life, New Beginnings
Minsan talagang ganon di lahat magiging favor sa inyo yung sitwasyon. Minsan matatakot ka na mag try ulit kasi natatakot ka na bumagsak at maging failure ka nanaman sa sarili mo at sa pamilya mo. Pero sabi nga nila swertihan lang yun minsan malas minsan swerte. Pero di lahat matatapos lahat dun. Minsan sa pagbagsak mo mas nagiging matatag ka at alam mo na yung mga dapat mong ipaghanda pa para mas maganda na yung mga susunod na resulta. Ngayon napagisip isip ko na gamitin tong araw na ito hanggang sa mga susunod na buwan at araw para mag igihan pa yung pagrereview at mas mapalapit kay Papa G. Yun din kasi kulang ko eh. Minsan nakakalimutan ko na kausapin siya pag may time ako kasi mas pinipili ko na mag aral or gumawa ng ibang bagay. This time iba na talaga ito tska thankful ako kasi meron akong support system na maiintidihan yung nararamdaman mo at yung pinagdadaanan mo. Sa ngayon nasasaktan ako pero magiging okay din ako. Gagawin ko lahat i’ll make the most of it.
0 notes
Text
Fudge! Di ko maupload yung part 2 at 3 takte!
0 notes
Text
Ilocos Sur Pilgrimage 2018
Part I
Actually first time ko sumama sa mga ganitong gathering. Sakto lang din malapit na din mag mahal na araw at magboboards din ako this comming august. Excitement and Repent agad sa isip ko nung una kong nabasa yung leaflet about sa pilgrimage. Blessed na din ako kasi nakasama ko sila mama at lola. Nagkaroon pa ko ng time kay God.
A Day before..
Lumuwas kami ni mama ng Friday kasi Saturday yung sched ng pilgrimage. Lumuwas kami agad para mag prepare ng dadalhin ( Snacks, Lunch at kung ano ano pa. HAHAHAHA) Kaya nag grocery kami ng mga babaunin. Madami akong nabili. Haha mostly sa mga nabili ko sweets. Para di ako antukin. After namin mag grocery umuwi na kami at kumain ng lunch. Tapos humiga ako sa favorite kong spot sa sala. ( sa sofa) nakatulog ang lola mo. Kasi puyat ako 1 hr lang tulog ko. Tapos di ako nakatulog sa bus kasi ang ganda ng movie. Ayun. Pag gising ko may meryenda na ice cream. Keso langka. Hahahaha ang chalap. Legit talaga kita mo yung keso at langka bits. After nun nag edit ako ng write ups ko. Then pumunta kami sa likod kasi napisa na yung mga itlog ng bibe. Hahahaha. Ang cute cute yellow. Maaga na din kami naligo para di na kami maliligo. 1am assembly time eh. So 12 am gising na kami dapat. Haha. Nagluto na din ng babaunin na lunch. Chickenjoy ni lolo at ham and cheese na sandwhich ni mama. Then may ice jems si lola.

The day of Pilgrimage..
12 am sakto gising na kami lahat pati si lola nagbihis na kami at nagready na tapos hinatid na kami ni lolo sa simbahan. Ang lamig lamig talaga nun. Parang nasa ref. 1am sakto nagtawag nasa sa simbahan para icheck yung seat no. At bus no. Pero dahil excited si lola february palang nagpareserve na siya ng seats. At lahat kami sa harap. Katabi ko si mama ofcourse. Hahahahaha. 1:45 am departure prayers. Para safe kaming lahat sa pilgrimage. Then 2am dapat nakaalis na kasi 6am dapat nasa ilocos na. Pero may slight na aberya sa seat plan kaya 2:30 am na kami nakaalis. Pag dating sa TPLEX nakatulog ako. Pag gising ko nasa Rosario, La Union na kami ng mga 3:30 am tapos nag stop muna kami para sa Wiwi break. Kasi sabi ni manong mahaba haba pa daw yung byahe. So pinilit ko na mag wiwi at gusto ko kasi magstretch kasi ang tagal ko nakaupo sa bus. Bumayahe na kami ulit. Zigzag yung daan lalo na pag daan sa baguio para kang sumakay sa roller coaster ganon kulang na lang itaas ko yung mga kamay ko at tumili sa loob ng bus. Hahahahahahaha. Sadly nakatulog ako ulit. Pag gising ko nasa Ilocos na pala kami at malapit na kami sa unang stop namin.
First Stop: Sta.Lucia Parish Church( Sta. Lucia, Ilocos Sur)




Eto yung mga pics namin sa simbahan. Nag mass kami diyan. Napaka payapa ng vibes. Ramdam mo na nasa ibang lugar ka. Obvious na kakagising lang namin ni mama dun sa pics.
Second Stop: St. John of Sahagun Church ( Candon, Ilocos Sur)




Saglit lang kami dito kasi madaming binebless na mga patay siguro 3 ata nasa loob nung pumunta kami nagkaroon lang kami ng chance para sumilip sa loob ng simbahan. Ang ganda sa loob lalo na yung wall paintings para kang nasa Vatican. After namin sumilip sa loob nag pray nalang kami sa labas. Tapos balik sa bus punta na daw kami sa next namin stop.
0 notes
Photo



Violet Lady. Hahaha #MakeUpTransformations #DragUp #LadyIsh
0 notes
Photo

Araaal dito, aral dooon. Kailan po kaya ito matatapos. HAHAHAHAHA! # MorningGrind
0 notes
Text
New found glory? Last make up haul?....
Sa wakas nagkaroon din ako ng time na magpost ulit ng blogpost. Sobrang busy nung mga nakaraang araw eh. Pabalik balik sa tarlac, iniisip yung grades sa special class namin ( buti nalang pasado ako!yey!) at marami pang iba. Isang araw niyaya ako ni mama sabi nya tara sa labas samahan mo kami ng kapatid mo. Kaso yung katawang lupa ko ayaw bumangon sa sofa. Dahil sa sobrang pagod at stress. May mahiwagang linya talaga yung nagpabangon sakin sa sofa. Kaya sumama na ko. No choice eh. HAHAHAHAHAHAHA.
Eto yung mga na haul ko sa mga nagdaan na araw. Thankyou ma. Last na to talaga. Iisa-isahin natin sila. Bibigyan natin sila ng karampatang review. Namiss ko eh. HAHAHAHAHA ♡♡

1.HUMAN NATURE HYDRATING FACE MIST

Maganda siyang face mist. Kung gusto mo marelax, maging presko sa gitna ng alinsangan. Plus maganda din siya sa balat madami siyang benefits. Actually re-purchase na ito pero yung una kong binili yung rose water mist nila maganda din yun. Ako kasi personally ginamit ko siya minsan as a make up primer, make up setting spray, minsan body lotion spray ( meh ganon ba?) or minsan after ng skin care routine ko. And sobrang bango niya talaga. Marerelax ka talaga. Siguro pwede din siyang gawing dope dun sa mga hype na face mist sa IG, FB at Youtube yung Mario Badescu. Eto pala nabili ko sa Fishermall habang nag grogrocery kami ni mama. Sabi ko bibili ako kasi magtratravel kami next week sa ilocos. Ayun di nagpatumpik tumpik at nilagay agad sa cart. Kasi kahit si mama ginagamit din yung mist. Hehehe. 250 petot lang siya :) Purfect sa mga kurips na tulad ko. Hahaha
2. SAN SAN 2 IN 1 FOUNDATION STICK

Bago kong tuklas na foundation ng san san though matagal na ito pero ngayon ko lang siya sinubukan kasi why not diba? Bagong foundation, bagong pimples. HAHAHA joke lang. Bagong foundation, bagong coverage sa face. Maganda siya light to medium coverage pero buildable naman to full coverage kailangan mo lang ng madaming layer para maachieve yung coverage na gusto mo. Hindi siya malagkit sa mukha, As in para wala kang suot na foundation. Mabango din siya amoy coconuts. Amoy summer. Eto yung swatch ko. :)

Nabili ko sya sa HBC sa tabi ng condo namin may minus points lang siya sakin ng very very light. Walang nakalagay na shade sa packaging. Yun lang ang hirap manghula eh. Hahaha. Pero over all. Maganda syang foundation. Blendable naman siya. Brush or damp sponge pwedeng pwede sa kanya. Nabili ko siya for 180 petot.
3. ALLUE I'M FLAWLESS CONCEALER
Bagong concealer ng Allue. Alam kong pambata kong brand na to pero natry ko na dati yung concealer nila at maganda yung coverage niya unlike sa ibang concealers. Nag re-branding ata sila kasi nawala din sila sa HBC. Pero the comeback is real at ang cute ng packaging niya. Lakas maka bata. Pero same consistency siya ng concealer na nagamit ko before. 2 shades lang available. Fair at beige lang. Beige yung kinuha ko kasi yun ang nagmatch sa balat ko. Haha. 115 pesos. Not bad para sa concealer na maganda.
Eto yung swatch ko :)

Light weight concealer din siya katulad nung foundation na nabili ko. Maganda yung combination niya pang tapal sa mga dapat mong itago. Parang feelings mo na kailangan mo itago. Kasi ayaw mo masaktan. HAHAHAHAHAHA!
4. F21 COLOR BAR PALLETTE
All in one pallette sa mga on the go na tao kasi may eyeshadows, blush at contour shade na siya. Nakalimutan ko kung magkano ito pero di siya lalagpas ng 300 petot. Binili ko siya kasi gusto ko natest kung gaano ba siya ka pigmented at wala ganong fall out. Well na shookt ako kasi very pigmented siya at wala ganong fall out. Yun lang walang matte shades dito kaya ginamit ko yung contour niya for my transition color then naglaro na ako sa mga colors niya. Gusto ko kasi naging mag experiment eh. Blue at orange yung ginamit ko. Maganda color pay off.
5. F21 MATTE PERMANENT LIPSTICK

Bagong line of lipsticks ng F21. Matte ang uso ngayon. Pero ito crayon lipstick form siya. And madaming choices ng shades. May nudes, red at dark plums. Pero pinili ko yung chocolate nudish shade para maiba naman. Di siya drying sa lips, walang smudges at di siya basta basta nagtratransfer kung san san. 195 petot ko siya nabili.
4. EVER BILENA GLOW OUT HIGHLIGHTER

Eto yung filipino brand na highlighter na sobrang pigmented. Nakakabulag hahaha. Suttle to mirror looks pwede to. One swipe kita mo na agad yung glow. 2 shades lang ang available. Candlelight at strobe. Strobe yung kinuha ko mas gusto ko kasi yung cool tone na highlighter. Yung isa kasi warm eh. Kaya di ko siya bet. Pero same pang din sila. Siguro pag naubos ko na highlighter ko baka bilhin ko siya. 199 petot ko siya nabili. Siguro kasi nakasale ang EB this feb eh baka ngayon regular price na.
Eto yung swatch ko :)

DISCLAIMER : Ang mga products na sinabi ko sa blogpost ko ay galing sa bulsa ng nanay ko. Wala akong sponsor or what so ever. Someday siguro. Honest to goodness review. Mga products na di nag work sakin baka sa inyo mag work siya. Depende kasi yan. Di parepareho ang tao. Hahaha
Abangan niyo ang susunod ko na blogpost. Ilocos Escapede it is. Hehe. See you on my next post. Mwaah!!!
xoxo,
Greentea Matcha ♡
0 notes
Text
Hollidays!
Trippin with my family in Tarlac. LAST HURRAH for 2017 :)
Dapat di kami tutuloy kasi ang dami nangyare this past couple of weeks. And di ko talaga feel ang hollidays pero I have the grip of it. Kasi ayoko masira ang vibes ng dahil lang sakin. So last minute my mah mah yelled. "MAGSI IMPAKE NA KAYO NG MGA GAMIT NYO UUWI TAYO DADALAWIN NATIN LOLA NYO" And all of a sudden may anghel na nagbulong sakin na you need to take quick break. Dali dali akong nagimpake ng mga dadalhin ko. Sabi nila good for 1 day pero ang imimpake ko is good for 1 week. Ganyan ako ka ready. Hindi ako light traveller. Lahat talaga dala ko. Yung mga kasama ko isang bag lang. Ako dala ko 3 bags. Ganyan ako. Di kasi ako sanay na kulang gamit ko. So ayun ang usapan is 6pm ang alis sa condo then deretso na. Walang stop overs. Kasi ggabihin daw ng sobra. After 3 hours we arrived. Jusko. Ihing ihi na ako. Kaya nauna na ako nagbaba ng gamit at nag CR na. Isang drum ata na ihi ko jusko. Hehehehe!
As usual nagkwentuhan pa kami and inabot ko yung regalo ko sa lola ko. Ayun nagustuhan naman nya yung regalo ko. Kasi pareha kaming girly. Bag, lipstick and earings yung regalo ko. Hehe. Then natulog na. At first hirap na hirap ako matulog kasi namamahay nanaman ako. Kaya nanunuod ako ng mga DL na vids sa youtube. Then eventually nakatulog din ako.
The next morning..... Ginigising na ako ni mama kasi aalis daw kami mamasyal kami at magsisimba sa tarlac. Then maya maya andyan na yung lolo ko. Dala yung sasakyan. And di pa ko talaga ready. Kaya nagmadali ako na nag ayos. Make up, bihis, ayos ng buhok buti nalang naligo ako ng gabi. Sobrang lamig daw ng tubig. Kaya di na ako naligo. Hahahahaha!
Family pics :)






In short I had a BLAST. I looking forward for more adventures and memories this coming 2018 :)
Xoxo,
Matcha!
0 notes