group6-1a14-blog
group6-1a14-blog
Inflation sa Pilipinas at mga epekto nito sa ating lipunan
8 posts
Olarve, Operio, Panuncialman, Parayno, at Pardo Group 6 - 1A14
Don't wanna be here? Send us removal request.
group6-1a14-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media
MAY AKDA
Ang mga mananaliksik na nagpakasakatuparan nitong photo blog ay sina Arliza Mae Olarve, Dwight Harold Operio, Lauren Panuncialman, Charles Christian Parayno at Christian John Pardo. Sila ay mga mag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Kolehiyo ng Accountancy sa kanilang unang taon sa kursong Bachelor of Science in Accountancy. Ang mga may-akda rin ang bumubuo sa ika-anim na pangkat sa seksyon ng 1A14.
2 notes · View notes
group6-1a14-blog · 7 years ago
Text
Akademikong Sanggunian
Ang Implasyon
Ang patuloy na pagtaas na mga presyo ng mga bilihin ay kasama natin at makakasama natin hanggang sa tayo’y nabubuhay. Wika nga ng iba: “Until death, do us part”. Sa pangkalahatan, ang implasyon ay isang sitwasyon kung saan:
1. Ang mga tao ay gumagamit ng mas maraming salapi para makabili lamang ng iilang produkto;
2. Ang halaga ng pamumuhay ay tumaas;
3. Mayroong patuloy na pagbaba sa halaga ng salapi; at
4. Ang mga presyo ng bilihin ay tumataas.
Samakatuwid, ang implasyon ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo o halos pangkalahatang presyo ng mga bilihin sa isang ekonomiya. Ang pagtaas ng presyo ng ilang produkto, kahit na ito pa ay ang importanteng produkto ng mga mamimili katulad ng bigas, karne, at iba pa, ay hindi maaaring pagbasehan na may nangyayaring implasyon. Lalo’t higit ang isang minsanan ngunit malawakang pagtaas ng mga presyo ng lahat ng bilihin sa buong ekonomiya ng bansa, ay hindi maaaring tawaging sitwasyon na may implasyon. Sa isang sitwasyon na may implasyon, walang malinaw na ekwilibriyo na nangyayari, kung kaya’t walang matatag na presyo. Ang presyo ng mga bilihin ay patuloy at patuloy na tumataas sa iba’t-ibang antas. Upang mas maintindahan mo kung ano ang implasyon, alamin natin ang mga iba’t-ibang konsepto na may kaugnayan sa implasyon.
Ang Epekto ng Implasyon
May iba’t-ibang epekto ang Implasyon sa iba’t-ibang aspeto ng ekonomiya ng bansa. Ito ay ang mga sumusunod.
1. Produksyon/Pamumuhunan. Bilang resulta ng implasyon, tataas ang kita ng mga prodyuser na siyang magiging sanhi ng kanilang motibasyon para dagdagan ang produksyon (Ayon sa Batas ng Supply, ang pagtaas ng kita ang magiging sanhi sa pagtaas ng bilang ng suplay). Sa paglaki ng produksyon, ang pangangailangan sa manggagawa. Sa ilang mga bansa, sinasadya ng pamahalaan na gumawa ng banayad na implasyon (mild inflation) upang engganyohin ang mga mangangalakal at entreprenyur na mamuhunan pa ng mas malaki.
2. Distribusyon ng Kita. Magiging sanhi ng implasyon ang mas malaking agwat sa distribusyon ng kita. Makikinabang dito ang mga mangangalakal, mga magsasaka, at iba pa. 3. Pag-iimpok. Lahat ng mga inipon sa na may permanenteng halaga (fixed value) katulad ng mga deposito sa bangko, mga seguro (insurance), mga naghuhulog sa bahay, Sa pagtaas ng presyo, ang kalakasan sa pagbili (purchasing power) ay mawawala. Sa kabilang banda, ang mga impok sa assets at mga real estates ay makikinabang. hal., ang halaga ng pabahay, mga alahas at iba pa., ay tataas at ang mga may-ari nito ang makikinabang.
4. Balanse ng Kalakalan. Mayroong tatlong klase ng balance sa kalakalan:
A) Ang deficit kung saan mas malaki ang import ay mas malaki sa exports
B) Ang surplus kung saan ang import ay mas kaunti sa exports. ; at
C) Ang balanseng kalakalan kung saan ang import at parehas sa exports.
5. Epekto sa panlabas na halaga ng salapi. Ayon kay Gustav Casell, kung may pagbaba sa panloob na halaga ng salapi, ang panlabas na halaga ng salapi ay bababa din. Ang panloob na halaga ng salapi ay bababa dahil sa implasyon. Ang panlabas na halaga ng salapi ay bababa din dahil naman sa halaga ng palitan.
Mga Dahilan ng Implasyon
Ang implasyon ay nagmumula sa iba’t-ibang ispesipikong kadahilanan.
1. Demand-Pull inflation. Dito, ang tanging dahilan ng implasyon ay galling sap unto ng mga mamimili. Mayroong patuloy at walang tigil na pagtaas ng demand. Kapag ang demand ay tumataas at hindi ito matugunan ng suplay, ang pangkalahatang presyo ng mga bilihin ay tataas na siyang sanhi ng implasyon.
2. Cost-Push inflation. Ang sanhi nito ay ang pagtaas ng gastusin sa produksyon. Kapag ang mga may-ari ng mga iba’t-ibang industriya ay nahaharap sa mataas ng gastusin sa produksyon, itataas nito ang presyo ng kanilang produkto.
3. Import-Induced inflation o imported inflation. Ang pag-angkat ng mga produkto at serbisyo ay maaaring maging sanhi ng implasyon. Halimbawa na dito ay ang Singapore na pangunahing umaasa sa mga kalapit bansa nito para sa pagkain at iba pang mga hilaw ng materyales.
4. Profit-Push inflation. Ang uri ng implasyon na ito ay sanhi ng mga gahaman na mga prodyuser na itinatago ang kanilang mga produkto na siyang nagiging sanhi ng artipisyal na kakulangan. Ang mga gawaing ito ay nagpapalobo ng mga bilihin na nagdudulot sa kanila ng mataas na kita.
5. Currency inflation. Ang theorya ng mga monetarist sa implasyong ito ay sanhi naman ng masyadong malaki na suplay ng pera sa sistema. Ang masyadong malaking suplay ng pera ay nagdudulot paggamit ng malaking halaga ng salapi upang makabili ng kakaunting produkto. 6. Petrodollars inflation. Ito ay nakakaapekto lalong-lalo ng sa mga umaangkat ng mga produktong petrolyo. Ang labis na pagtaas ng halaga ng mga produktong petroyo ay nagiging sanhi sa pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga bilihin.
Philippine Inflation
Inflation jumps to near 10-year high in August
Consumer prices rose 0.9% over the previous month in August, up from the 0.5% increase registered in July. August’s result came on the back of higher prices for 10 out of the 11 components of the index, with food and non-alcoholic beverages, recreation and culture, and transport recording the strongest price increases. Meanwhile, prices for communication were stable.
Inflation accelerated to a near-decade high of 6.4% in August from 5.7% in July. Consequently, inflation moved further above the upper bound of the Central Bank’s target range for the 2017–2020 period, set at 3.0% plus or minus 1.0 percentage point. Meanwhile, annual average inflation edged up to 4.2% in August from 3.8% in July.
Philippines Inflation Forecast
FocusEconomics Consensus Forecast panelists expect inflation to average 4.6% in 2018, which is up 0.1 percentage points from last month’s projection. For 2019, panelists see inflation of 3.9%.
Philippines - Inflation Data
Tumblr media
 Philippines Inflation Chart
Tumblr media
 Philippine Inflation Rate
The Philippines' annual inflation rate rose to 6.4 percent in August of 2018 from 5.7 percent in the previous month, above market estimates of 5.9 percent. It is the highest reading since March 2009, mainly due to a jump in cost of food and non-alcoholic beverages. 
Tumblr media
Mga Sanggunian
http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_9__IMPLASYON.PDF
https://www.focus-economics.com/country-indicator/philippines/inflation
https://tradingeconomics.com/philippines/inflation-cpi
6 notes · View notes
group6-1a14-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mga Panayam Tungkol sa Inflation
Panayam kay Ginoong Jc, na isang naglalako ng isda sa palengke sa Dela Fuente, Sampaloc, Manila. Ibinahagi niya ang kanyang karanasan ukol sa epekto ng pagtaas ng inflation rate sa kanyang hanap buhay. Di umano, dahil tumaas ang presyo ng kanyang bentang isda, kumokonti narin ang kanyang mamimili. Lumiit ang kapasidad ng mga mamimili upang abutin ang mga bagong presyo kaya naman nagdulot ito ng pagbaba ng kanilang kinikita sa pang-araw-araw. Kung dati’y nagkakaroon pa sila ng kita na hanggang P2,000 sa isang araw, sa kasalukuyan ay hindi na nila maibuos kahit ang isang batsa ng isdang paninda. Subalit kung magtaas pa ang inflation rate sa Pilipinas, maaring tumigil na sila sa pagbenta sa palengke dahil maaring hindi na kayanin ng mga mamimili ang pagtaas sa presyo at wala na silang kikitaain pa.
1 note · View note
group6-1a14-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mga Panayam Tungkol sa Inflation
Si Ginoong Jamie Villestas, nagbebenta ng mga gulay sa palengke sa Manila, ay umaaray na sa pagtaas ng inflation rate. Malaki ang naging epekto nito sa kanilang hanap buhay bilang ito na lamang ang kanilang pinagkukunan ng pera upang maitawid ang kanilang pang-araw-araw na gastusin. Ngunit nang dahil nga tumaas ang presyo ng kanilang panindang gulay, hirap na hirap na ang mga suki ni Ginoong Villestas na bumili sa kanya kahit nais nila dahil sa hirap ng buhay. At kahit pa patuloy na tumaas ang inflation rate sa kinabukasan, patuloy parin daw silang magtitinda dahil wala silang ibang pagpipiliian kundi ang magpatuloy na kumayod para itawid ang pangangailangan ng kanilang pamilya bilang isang padre de pamilya.
1 note · View note
group6-1a14-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mga Panayam Tungkol sa Inflation
Pagbebenta ng saging ang ikinabubuhay ni Ginoong Randy Cordero sa isang kariton na kanyang inililibot sa kalakhan ng Manila, partikular na sa lugar na malapit sa University of Santo Tomas. Sa ikinagulat namin, hindi apektado ang presyo ng paninda nilang saging at parehas pa rin naman tio kumpara sa dating presyo na P50 isang kilo. Bagaman karamihan sa mga presyo ng bilihin ay apektado, ang saging na ibinebenta ni Ginoong Cordero ay hindi nagbago kaya naman wala ring nagbago sa kanyang pang-araw-araw na kita. Tumaas man uli ang inflation rate at maramdaman ni Ginoong Cordero ang epekto nito, sila ay patuloy paring magtitinda dahil ito na lamang ang kanilang inaasahang pinanggagalingan ng pera.
1 note · View note
group6-1a14-blog · 7 years ago
Photo
Tumblr media Tumblr media Tumblr media Tumblr media
Mga Panayam Tungkol sa Inflation
Marahil hindi masyadong apektado ang presyo ng local na mga prutas dahil pati si Ginoong Ramil na nagbebenta ng Buko juice ay hindi ramdam ang pagtaas ng inflation rate sa Pilipinas. Tulad na lamang ni Ginoong Randy Cordero na nagbebenta ng prutas na saging, hindi nagbago ang presyo ang tinda ni Ginoong Ramil at pati na rin ang kanilang kita at walang nangyaring paggalaw.
1 note · View note
group6-1a14-blog · 7 years ago
Text
Interpretasyon sa mga Panayam
Samakatuwid, walang magagawa ang mga negosyante sa patuloy na pagtaas ng inflation rate sa Pilipinas kundi ang tanggapin na lamang ito at magdasal na sana ay kayanin ng kanilang mga suki ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin upang sila ay magkaroon ng kita na kanilang pantustos sa kanilang panungahing pangangailngan sa pang-araw-araw.  Ang mga mamamayan sa Pilipinas ay apektado sa pangyayaring ito mapa-negosyante man o kahit normal na mamimili sa palengke. Umaaray na ang karamihan dahil sa sakit sa bulsana dulot nito at hirap na silang makasabay pa sa pagbabago. Kung magpatuloy ito, ay tuluyan nang maghihirap ang mga mahihirap na mamamayang Pilipino.
Tumblr media
Mula sa grapikong representasyon ng Philippine Statistics Authority, mapapansin nating patuloy na umaakyat ang trend ng inflation rate sa Pilipinas na nakababahala na. Nito lamang Agosto ng 2018, naitala ang pinakamataas na porsyento ng pagtaas ng inflation rate sa umabot sa humigit kumulang 6.4%. Dulot nito, ang pagbigat ng pasanin ng mga mamimili sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin na kanilang kailangan sa raw-araw na hindi maiwasang hindi bilhin at wala rin silang ibang pagpipilian kundi ang lunukin ang kanilang luha at magdusa.
2 notes · View notes
group6-1a14-blog · 7 years ago
Text
SANAYSAY
Ang inflation ay bahagi na ng buhay ng tao sa araw-araw. Kadalasan, ang mga karaniwang mamamayan ang apektado ngunit hindi nila lubos na nabibigyang pansin ang kalagayan ng inflation sa bansa. Ayon sa aming nakalap na mga impormasyon, ang inflation ay tumutukoy sa pagtaas ng presyo ng mga pangkaraniwang serbisyo at produktong binibili ng mga konsyumer. Ang pagtaas ng inflation ay nagdudulot ng pagbaba ng purchasing power of peso, na nagreresulta sa kahinaan ng mga konsyumer sa pagbili ng mga karaniwang produkto. Sa pangkalahatan, may mabuti at hindi magandang dulot ang inflation na nakakaapekto sa iba’t-ibang uri ng mamamayan. Sa panahon ngayon, ang lahat ng mamamayan, lalo na ang mga konsyumer, ay dapat maging edukado sa mga suliraning pang-ekonomiya na nakakaapekto sa bansa gaya na lamang ng inflation.
Tumblr media
Mababalitaan sa nakalipas na buwan ang hindi inaasahang pagtaas ng inflation rate sa Pilipinas. Tumaas ito sa 6.4% noong Agosto mula sa 5.7% noong Hulyo. Naikumpara din ang pagtaas ng inflation bilang pinakamataas na pagbabago mula noong 2009 o halos mula isang dekada. Ang kaganapang ito ay umani ng samu’t-saring negatibong reaksyon mula sa mga mamamayan at mga karaniwang konsyumer. Ito rin naman ay base sa kadahilanang naramdaman agad ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa mga karaniwang produkto na binibili ng mga tao gaya ng bigas, isda, karne, at mga gulay. Ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation ay dahil din sa pagtaas presyo ng pagkain at non-alcoholic bevarages. Ang inflation ay nagmumula din sa iba’t-ibang tiyak na kadahilanan gaya ng Demand-Pull Inflation, Cost-Pull Inflation, Profit-Push Inflation, at Currency Inflation. Ayon kay Director-General Ernesto Pernia mula sa National Economic and Development Authority (NEDA), ang nararamdamang pagtaas ng presyo ay normal. Ipinaliwanag niya na ang mabilis na pagyabong ng ekonomiya ng isang bansa ay may epekto sa pagtaas ng inflation dahil mas mabilis ang pagtaas ng demand kaysa sa supply. Sa kabilang banda, ang pamahalaan ay maaari magtatag ng Easy Money Policy na isinasagawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kapag ang presyo ng mga produkto ay istabilisado at kapag ang reserba ng dolyar ay sapat dahil kayang tustusan ang anumang pangangailangan ng reserba. tataas ang importasyon,kaya ang reserba ng dolyar ay bababa. Kung patuloy ang problemang ito at kapag marami ang pera sa kamay ng mga negosyante, maaaring mangyari ang mga sumusunod: tataas ang importasyon kaya ang reserba ng dolyar ay bababa; dahil sa marami ang pera sa kamay ng tao,tataas ang demand para sa mga produkto at serbisyo na maaaring makapagpataas ng presyo; dahil ang empleyo ay mataas, tataas din ang presyo, kaya’t ang mga manggagawa ay hihiling ng mas mataas na sahod at magiging dahilan ito upang tumaas ang gastos; at huli, kapag mataas ang gastos, magpapataas ito sa presyo. Ang maaari ding gawin ng BSP upang maiwasan ang patuloy na paglaganap ng inflation ay ang pagtatag ng Tight Monetary Policy. Samadaling salita,ang BSP ay magpapairal ng isang mahigpit na patakaran sa pagpapahiram ng pondo sa mga bangkong komersyal. Sa kabila ng pagiging normal ng inflation, matitiyak na hindi maganda ang naging epekto nito sa mga mamamayan mula sa nakalipas na buwan hanggang sa ngayon.
Ang inflation ay kakabit na ng ekonomiya ng isang bansa taon-taon. Malaki ang gampanin ng bawat isa, hindi lamang ng gobyerno, upang malutas ang suliraning ito. Hindi permanente ang pagtaas ng mga bilihin sa panahon ngayon, ngunit tiyak na nahihirapan ang mayorya ng mga Pilipino dahil sa pagtaas ng presyo ng mga pangangailangan. Bilang mga estudyante, ang pinakamahalagang maiaambag namin ay ang ituro sa mga karaniwang tao pati na ang mga walang oportunidad na makapag-aral kung paano nakakaapekto ang inflation sa buhay nila upang sila ay mamulat sa reyalidad. Malaki ang gampanin ng wikang Filipino upang maging tulay at instrumento sa pagbibigay unawa sa isyung panlipunan na ito. Mapapansin na maraming terminolohiya na hindi lubos na maiintindihan ng mga taong hindi nag-aaral ng disiplinang pang-negosyo, kaya naman maaaring gumamit ng mga salitang mas maiintindihan ng lahat. Ang pinakamahalagang layunin na dapat tahakin sa ngayon ay ipahayag sa publiko ang pagtaas ng inflation na nararanasan ng ating bansa sa ngayon upang ang lahat ay magkaroon ng kamalayan sa kalagayan ng ating ekonomiya.
 Mga Sanggunian:
https://www.slideshare.net/aceidol/epekto-at-solusyon-ng-implasyon-pagobo
https://tradingeconomics.com/philippines/inflation-cpi
http://www.gmanetwork.com/news/money/economy/666756/what-is-inflation-what-causes-it-how-does-it-affect-us/story/
https://economics000rainargifel.wordpress.com/ang-konsepto-ng-easy-at-tight-monetary-policy-sa-pananalapi/
2 notes · View notes