Tamad na nga, reklamador pa. Crush ko nga pala si Nicki Minaj at si Lady Gaga. At lagi din akong gutom. ask
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ang tagal ko din palang nagHiatus.
Isang buwan din yun. Tumigil din ako sa pagsusulat ng mga kwentong namumuo sa isipan ko.
Wow. Lumalalim na kahit papano ang pananagalog ko.
Ayos ah.
So yun nga.
Wala man lang akong mai-update dito. Siguro kailangan ko nang masimulan ang paglalagay ng daily experiences ko dito. :-) Dapat nung simula ng pasukan pa ako naglagay dito. Bumili pa ako ng diary or notebook na ewan para lang makapagsulat ng kung ano-ano. Pero di ko din naman nagamit. Sayang lang. Pangnext year na lang yun? HA
Weekend na naman!! Salamat naman at nadagdagan ang pahinga days. Juice mayo di ko alam gagawin ko kung walang Sabado at Linggo.
...nabawasan na din pala ang pagmumura ko. O:)
0 notes
Photo
floricultures:
Panda Bread: Makes me wish I had a bread machine…

5 notes
·
View notes
Video
youtube
Teenage Dirtbag - Wheatus (cover by Gabrielle Aplin)
3 notes
·
View notes
Text
Weh.
Pinsan: Tapos na yung 100 days to Heaven?
Ako: Oo. Parang ang bilis nga matapos eh.
Pinsan: Ano nang sunod? Si Coco Martin?
Ako: Hindi. Guns `n Roses. Yung kay Bea at Robin Padils.
Pinsan: Ah. Ngayon ba magsisimula?
Ako: Hm.
Pinsan: Ah sige. Tignan ko muna.
Bea: I love you, mahal! <3 <3 x0x0
Jake: Mahal na mahal na mahal na mahal kita. <3 <3 mWaHuGz~
Pinsan: Putang inang yan. Ang korni. Patayin mo na nga!
Ako: Yes, ma'am.
0 notes
Text
Purple/Violet pala yung trademark color ni Justin Bieber
Puta isa sa mga favorite colors ko yun ehhhhh gago :(((((((((((((
/sira na buhay ko
0 notes
Text
Masarap ba ang dila?
Kasi sabi sa commercial,
Dilang masarap, malinamnam namnamnam
1 note
·
View note
Text
Anyare?
Ilang araw akong di makapag-update nitong blog na 'to. Nasira na kasi ng tuluyan yung bulok kong laptop kaya phone lang gamit ko.
Puro like lang ginagawa ko sa tumblr. Ni hindi makapagreblog.
Nung naayos na yung laptop, pagtingin ko, nabawasan ng isa mga followers ko.
Puta, 5 na nga lang nabawasan pa.
Ayos lang. At least wala pa ring chismosa na nagffollow.
May nakita din akong album ng mga incoming 2ndyear HS students na kitang-kita na lasing sila. Hindi pa naka-private yung album. Wawawi.
Andaming nagbago habang di ako makapag-computer. Yung iba, parang fiction eh. Mistulang di makatotohanan.
Anyare?
0 notes
Text
Ayoko Talaga.
Karamihan ng mga estudyante ngayon ay may pasok na ngayon (June 06). Pero kami, sa June 8 pa. Wednesday.
Di ko alam kung ano na naman ang trip ng principal namin. Bakit naman kasi sa kalagitnaan ng linggo kami papasok diba? Wala lang... Curious lungs.
Yung bebe ko, sa 13 pa papasok. Buti pa sila ng kapatid niya, mas mahaba ang bakasyon. Nakakatamad naman kasi talagang pumasok.
Third year high school na nga pala ako. Ang bilis. Parang dati, nene lang ako na naka-backpack ng barbie.
At kasabay ng Third Year, eh ang Chemistry. Yung teacher sa Chem sa school namin, may pagkaterror daw. Lalong ayoko nang pumasok.
Nakakainis din pala sa classroom ngayong school year. Nauso pa kasi yung ~*sTaR sEcTiOn*~ na yan. Yez, star sec. ako. Pero yung mga kasama ko sa section na yan, nandyan yung mga sobrang taas ng tingin sa sarili. Ayos lang naman na ipagmalaki mo yung sarili mo. Pero wag ka naman magmayabang, diba? Hayy.. Kaklase ko rin pala yung nanglandi dati sa bebe ko.
Puta, naaalala ko na naman yung bitch na yun.
Eh basta! Medyo banas lang talaga ako kasi napauso yung "star section" sa school namin. Yung mga teachers kasi, ang tataas ng expectations sa mga estudyante. Tapos, kapag may intersection contest, pag nanalo ang star section, sasabihin ng mga taga-ibang sec ay, "Syempre. Kasi star eh." Puta.
Hayyy discrimination, kelan ka ba mawawala sa buhay ko? Puta ka eh.
Ayoko pumasok.
Ayoko pumasok.
Ayoko pumasok.
Ayoko pumasok.
Ayoko pumasok.
Ayoko pumasok.
[puta may lumilipad na ipis]
Ayoko pumasok.
Ayoko pumasok.
Batugan 4evah <3 <3 <3
0 notes
Link
4K notes
·
View notes
Photo
dalemonyo:
ryanscreations:
Kinds of Mura’s
Ang tapang mo magpost ng ganito wala ka din palang tumblr ask. Hoy hindi lahat ng squatter pala mura, ibahin mo tingin mo sakanila. Akala mo purket hindi na nakapag aral eh ganun na ugali nila. Minsan mas maituturing pa tayong bobo kaysa sa mga squatter, isa ka ng halimbawa doon, ang babaw ng persepsyon mo kapag narinig mo ang salitang ISKWATER. Bakit kung wala sila, may mangangarap bang yumaman? Bakit kung wala sial, may magpapasalamat ba sa Diyos at buti nalang may onteng ginhawa silang natatanggap sa buhay nila.
4K notes
·
View notes
Photo
Maternal second cousin ko 'tong nagpost sa wall ko kani-kanina lang. Hinihingi niya URL ko. Pero binigyan ko na lang ng napakacorny na linyang pambara sa kanya. Ayoko ibigay kahit yung una kong account. Kasi makikita niya yung ibang mga posts ko. At syempre, ichichismis sa magulang niya. At yung magulang niya isusumbong sa nanay ko.
Baka masapak pa ako ng nanay ko niyan eh.
Basta ayoko. Kunyari deactivated na account ko. Ito na lang naman ginagamit ko eh. Di na masydong nagagalaw yung isa.
Basta ayoko.
Chismosa ka din kasi eh.
Bwiset.
0 notes
Photo
Sa Facebook kasi, meron akong isang schoolmate na naglagay ng link ng UrbanDictionary sa profile niya. Habang nagsscroll ako sa News Feed, naghang sandali ang bulok na laptop. Kaya yun. Todo click at galaw sa mouse at ~*aCcIdEnTaLLy*~ na-click yung link na yun.
Napag-interesan ko lang isearch yung meaning ng Denise. At yan yung lumabas. Prinintscreen ko pa kung sakaling maipa-frame ko 'yan para sa kwarto ko.
Dumadami na talaga ang mga sinungaling sa mundo. Tignan mo na lang yung number 2. Tangina, ex super-model?! Tangina, woman?!
Pati website bolero na din.
Ukininana datoy nga website.
0 notes