Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Ang Bigote ng Tigre
PABULA MULA SA KOREA
Ang Bigote ng Tigre ay nalaman natin sa kwento na si Yun Ok ay may asawa na pakalambing at mapagmahal ito. Ngunit mula ng umuwi ito ay palagi na itong magagalitin at hindi maintindihan. Pumunta si Yun Ok sa ermitanyo para magpagawa ng isang gayuma para sa kanyang asawa ' sinabi ng ermitanyo ay kailangan nya ng bigote ng tigre para bumalik sa dati ang kanyang asawa.
Kinabukasan ay nagpunta sya sa yungib na may dala-dalang pagkain para sa tigre (sarsa ng karne na nakalagay sa isang mangkok). Araw-araw ng nagtutungo sa yungib si Yun Ok na may dalang pagkain. Dumaan pa ng ilang buwan ay napansin ni Yun Ok na naghihintay ang tigre sa tabi ng walang laman na mangkok lumapit naman si Yun Ok para palitan ng bago at lagyan ng pagkain. Hindi nagtagal ay nasanay na sakanya ang tigre. Pagkapalipas ng anim na buwan ay nakuha nya na ang bigote ng tigre at pumunta si Yun Ok sa ermitanyo pero itapon lamang sa apoy ang bigote ng tigre at nasunog sa isang iglap (gawa ng ermitanyo). Anong ginawa mo sigaw ni Yun Ok, Marahang sinabi ni ermitanyo ay hindi mo na kailangan ang bigote dahil kung kaya mo paamuhin ang isang mabangis na tigre ay kaya mo rin na unawain ang iyong asawa 'mahinahong pahayag ng ermitanyo.
Sa kwento na Ang Bigote ng Tigre ay nagpamalas ito ng magandang aral sa atin, nagbigay pag-unawa na kahit anong hirap pa ito ay malalagpasan kahit na imposible man itong gawin. Isa din itong mahalagang aral sa ating lahat dahil kung kaya mong paamuhin ang tigre ay kaya mo rin maging matatag sa kahit ano mang pagsubok sa buhay.
2 notes
·
View notes