h-fue
h-fue
Halalan 2022: Ang daan sa tunay na Kalayaan
2 posts
Don't wanna be here? Send us removal request.
h-fue · 4 years ago
Text
Sulong kabataan, maagang pagbubuntis ay iwasan.
Maagang Pagdadalang-Tao ng mga Kabataan.
         Isa sa mga napapanahon at malaking suliranin sa ating lipunan ay ang mataas na kaso ng mga kabataan na maagang nagkakaroon ng pamilya. Ang patuloy na pagtaas ng porsyento ng maagang pagbubuntis ay labis na nakakaalarma dahil nakakaapekto ito sa kinabukasan ng ating bansa. Sa panahon ngayon, maraming kabataan ang nagiging mapusok dahil sa masamang impluwensiya ng mga kaibigan at ng panlipunang medya o mas kilala bilang “social media”. Isa rin sa mga dahilan ay ang kakulangan ng mga magulang sa pagdidisiplina sa kanilang anak kung kaya maraming kabataan ang padalos-dalos sa pagdesisyon. Karamihan sa kabataan ay kulang sa edukasyon at hindi mulat sa kanilang mga obligasyon bilang isang kabataan.                     Ang pagiging isang magulang sa murang edad ay labis na mahirap dahil sa dami ng obligasyon na kinakailangang pasanin. Ang dapat na obligasyon ng bata ay naipapasa lamang at nagiging dagdag hirap sa kanilang magulang. Karamihan sa mga batang magulang ay hindi makapagtrabaho dahil hindi nakatapos sa pag-aaral kaya tinutulungan sila ng kanilang pamilya. Bukod sa obligasyon, ang pagbubuntis ng maaga ay may negatibong epekto sa iba’t-ibang aspeto ng pamumuhay. Isa sa mga mapanganib na epekto nito ay ang maagang pagkamatay ng batang ina dahil sa kumplikasyon at pagbigay ng kanilang katawanan dulot ng pagbubuntis. Malaki rin ang naging epekto ng maagang pabubuntis hindi lang sa kabataan pati na rin sa pag unlad ng ating bansa dahil isa ito sa mga nagdudulot ng labis na kahirapan satin. Lalo na ngayon sa panahon ng pandemya isa sa mga dagdag hirap na ating hinaharap ngayon ang patuloy na pagtaas ng ating populasyon.         Dapat na matutunan namin mga kabataan na huwag magmadali sa pagpasok sa isang relasyon at mag pokus na lamang sa pag-aaral. Napakahirap na ng sitwasyon ngayon kung kaya’t huwag na natin pahirapan pa lalo ang mga sarili at isipin na lang kung paano makakatulong sa pamilya. Matutunan muna natin maging responsible dahil ang obligasyon ng isang magulang ay hindi rapat nararanasan ng isang kabataan. Dapat laging pangaralan ng mga magulang ang kanilang anak at imulat sa realidad na may limitasyon ang mga bagay-bagay. Sa tulong ng ating gobyerno dapat ay maipakalat nila ang kaalaman ang edukasyon.
46 notes · View notes
h-fue · 4 years ago
Text
Halalan 2022: Ang daan sa tunay na Kalayaan
Kalayaan, isang bagay na matagal na nating pinaglaban at prinotektahan kaso sa modernong mundong ito mayroon nga bang kalayaan? Marahil tulad ko ikaw ay na-isip mo na rin ang simpleng katanungang ito. Sa dadating na taong 2022 ay  malalaman at masusubok natin kung ang Pilipinas nga ba ay nakakabit parin sa mga tanikala nang mga malalakas na bansa at sa mga mamayanan nitong na sa taas ng batas kaso paano nga ba nakabit ang salitang eleksyon sa salitang kalayaan.
Eleksyon ito’y isang mahalagang pangyayari para sa isang demokratikong bansa dahil ito ang mismong kahulugan at halaga nito dahil sa demokrasya na sa tao ang kapangyarihang magluklok at ihalal ang mga tao sa upuan ng kapangyarihan. Ang ating bansa ay walang kalayaan sa kamay ng mga magnanakaw at diktador kung kaya’t mahalaga kung tayo ay pipili ng tamang mga tao kung kaya’t tayo’y hindi masasabing malaya at ligtas. Batay sa Comelec may 174 na taong tumakbo sa pag ka senador, 28 sa bise-presidente at 97 para naman sa pagka-pangulo. Sa mga taong iyan ay may mga iba na tumatak at kilala na sa kadahilanan sila ay matagal nang tumatakbo habang ang iba ay isang simpleng mamayan lang na naghahangad ng kaayusan at kalayaan pero kung sa darating na eleksyon ay pipili tayo ng tama ay maaring mapakawalan natin ang mga sarili sa tanikalang gumapos sa inang bayan natin kung kaya’t sa ating pagboto ay ating siguraduhin na tama ang ating pipiliin. Kaso paano nga ba pumili ng ating iboboto. Una sa pagboto ay siguraduhin natin na piliin kung sino  sa ating tingin ang makakatulong sa nakakarami dahil ang mga pwestong ito ay may mga kakayahang magbago ng buhay. Pangalawa ay isang taong may magagandang katangian na nagpapakita na tunay nga siya ay may kakayahan na gawin ang mga bagay-bagay habang nilalabanan ang kasamaan. Pangatlo ay ang pagpili ng presidenteng nakikita ang mas malaking problema at hindi lamang ang isang problema kasi hindi mo pwede sabihing tutulungan mo an mahihirap kung walang maayos na agrikultura o isyung medikal pero mahihirap ang mga tao at pinakahuli ay ang may malasakit at mabait sa tao na marahil ating nakita ngayong panahon ng pandemya kung saan anatin nakita kung sino nga ang may kayang magresolba at kumilos para sa kapakanan ng mga nangangailanganan at hindi tulad ng ibang politika na mabait lang pag mag-eeleksyon lamang
Ang eleksyon nga ay tunay na mahalaga kaya’t ating tunay na pag-isipan kaya’t ating sigaraduhin na ang ating boto’y hindi mabibili dahil alam ng nakakarami ang kapangyarihan nito kaya’t wag ipagpapalit ang ilang taon para sa 500 na aabot sa isang araw at huwag pabayaan na ang politika’y tumatakbo sa mga kulay lamang ng mga pamilyang matagal ng naghaharian sa ating bayan at laging tandaan walang pandemyang kayang patigilin ang ating halalan. Pinakahuling paalala ay ating tandaan ang boto’y makapanyarihan kaya’t nawa’y ating gamitin ng tama para sa kapakanan nang iba at nang sa iyo dahil ito’y hindi mo lang laban kundi ng bayan para makamit ang kalayaan sa mga korupt at makapangayarihan .
52 notes · View notes