Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Dreams turned into a continuing nightmare for stranded OFWs in Saudi
Sa ano mang petsa natin ginugunita ang Araw ng Kalayaan ng ating bansang Pilipinas, nararapat din naman nating gunitain ang mga bayaning Pilipino na nakipaglaban at ang ilan ay nagbuwis pa ng buhay sa pakikipaglaban upang tuluyan na makamit ng Pilipinas ang isang ganap na kalayaan. Sa makabagong panahon ngayon, tayong mga Pilipinong nagta-trabaho sa ibang bansa ang itinuturing na mga bagong bayani ng ating bansa.
Mahigit kumulang 11 milyon na ang mga OFW’s sa buong mundo . Kada taon ay mayroong mahigit kumulang isang milyon ang mga walang trabaho. Hindi naman natin maipagkakaila na mahirap ang pakikipagsapalaran dito sa Pilipinas, kagaya sa pagtaas ng pamasahe sa transportasyon, pagmahal ng mga bilihin at ang pagkakaroon ng end – of – contract (ENDO) sa bansa, dahil dito napipilitan ang ating kapwa Pilipino na makipagsapalaran na lamang sa ibang bansa kahit ito’y napakahirap na desisyon na kailangan gawin para sa pamilya, bagkus ay matutustusan naman ang pangangailangan ng pamilya.
Sa kabila ng pakikipagsapalaran ng mga OFWs sa ibang bansa , Umaapela naman ng tulong sa Gobyerno ang mga pamilya ng mga OFW na nagtratrabaho sa Saudi dahil sa krisis na nagaganap sa bansa, sila’y istranded kung kaya’t hindi pa nila makakapiling ang kanilang pamilya. Ang mas nakakatakot pa ay dahil nagkakaroon ng “Rape case”, hindi pantay na pagbibigay ng suweldo , at diskriminasyon sa mga domestic helper, ito ay ayon sa Pinal na Report ng Committee on Overseas Workers’ Affairs (COWA) sa Saudi Arabia noong January 9 – 13, 2011.
Bilang isang mag-aaral at mamamayan din ng bansang Pilipinas, ang hangad ko lamang sa presidente ng ating bansa na sana ay magkaroon ng pagtaas ng suweldo at pagbaba ng mga bilihin sa bansa at magkaroon ng permanenteng trabaho wala nang “endo” o end – of – contract na siyang sanhi ng kawalan ng trabaho sa bansa, upang hindi na mangibang – bansa ang ating mamamayang Pilipino. Hindi lamang na hindi na mawawalay sa kanilang pamilya, kundi nakatulong pa sila sa pagtaas ng ekonomiya ng bansa.
0 notes
Text
The Philippines a Century Hence
Sa kabuuan, ang layunin ng sanaysay ay ang paghingi ng reporma sa Espanya. Dahil sa pakikipagtunggali laban sa mga Kastila. Ayon sa sanaysay, ang pagkakaroon ng Pilipinas ng representasyon sa Spanish Cortes at ang pagkakaroon ng kalayaan sa pamamahayag ang ilan sa mga repormang hinihingi ng Pilipinas. Kung matatandaan, kasama rin ito sa mga repormang nilalayon ng kilusang La Liga Filipina nina Rizal.
Ang sanaysay ay tinapos ni Rizal sa pamamagitan ng isang tanong. “Spain, must we someday tell Filipinas that thou hast no ear for her woes and that of she wishes to be saved, she must redeem herself? Ang kalayaang nakamtan/ natamo ay dahil sa pagpatak/pagdanak ng dugo at sa pakikipagsapalaran ay tunay na pinahahalagahan/pag-iingatan at ipagtatanggol ng Pilipinas. Susubukin ng isang anak na pagtibayin at palakasin ang bayan, sa munting alaala ng nakaraan nila. Kung hindi pansinin ng Espanya ang mga hiling at hinaing ng Pilipinas ay gagawa at gagawa ito ng paraan upang magkaroon ng mapayapa at pagbabago, na siya ngang nangyari. Sa kasalukuyan, nasaan na nga ba tayo? Malaya na nga ba tayo? Kung hindi man sa mga dayuhang mananakop, mayroon ding mga aspeto ang pumipigil sa atin na maging malaya kung kaya’t hinahanapan natin ng paraan o solusyon upang malampasan natin ito . Isandaantaon mula ngayon, ano kaya ang kahihinatnan ng Pilipinas? Darating kaya ang araw kung saan madarama ng mga Pilipino ang lubusang tunay na silang malaya?
0 notes
Text
Matalik na Kaibigan
Sa malawak na sakahan nakatira ang dalawang magkaibigan, hindi man pinalad maging isang mariwasang pamilya, masagana naman sa produkto galing sa kalikasan. “Julio”, tawag mo sa akin. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya tuwing tinatawag mo ako, tuwing naaalala mo ako. Lagi mo pa akong pinagkukuwentuhan ng mga nangyari sa buong araw ng pagsasaka mo, masaya man o malungkot, lahat - lahat na yata.
Maraming salamat sa pagtitiwala mo sa akin. Umaga pa lang ay hinahanap - hanap mo na ako, sobrang swerte ko bilang matalik na kaibigan mo. Hindi mo ako pinapabayaan, lagi mo akong iniingatan.
Kaya lang aalis ka na naman upang magsaka, lagi mo na lang akong iniiwan. Pero masaya na ako dahil binabalikan mo pa rin ako dala - dala ang mga pagkain na galing sakahan.
Pero sa isang gabi, narinig ko ang pagsisigaw mo dahil sa pananakit ng iyong katawan, hindi naming maiwasan ang mag - alala, kitang - kita sa iyong mga mata kung gaano kahirap ang iyong pinagdadaanan. Makaraan ng isang linggo ay hindi ka na nagpatuloy sa sakahan, bakas pa rin sa aking mata ang pag - alala sa kalagayan ng aking kaibigan.
Makalipas ang ilang taon ay hindi ko maiwasan ang umiyak at sisihin ang sarili ko dahil wala akong nagawa upang maisalba ang aking isang katangi - tanging kaibigan, pero huli na ang lahat, hindi man lang kami nakapagpaalam ng maayos at hindi ka na babalik pa.
Ang matalik kong kaibigan, ang aking lola.
0 notes
Text
Ang Dakilang Lider
Isang lider ng ating bayan, ay ubod ng tapang. Dahil sa kanyang katapangan, ay hinahangaan at hinirang ng buong sambayanan.
Lahat ng katiwalian, ay kanyang kaaway na “no. 1″. Tulad ng droga, krimen at iba pang masamang gawain, ay agad itong inaksyunan para malinis ang bayan natin
Sa unang paglingkod niya bilang lider Pinokus ang tungkol sa droga Agad pinatupad ang batas, puksain ang mga “drug lords”, at “pusher” kasama ang user
Malaking pasasalamat, Na nagkaroon tayo ng lider para sa lahat Kahit napakaraming problema ang hinaharap Pilipinas ay maging maayos lamang ay kanyang pangarap
Ang lider natin ngayon ay isang bayani Tapat sa paglingkod bilang Presidente Taos-pusong ginagawa Para sa kabutihan at ikauunlad ng ating bayan.
0 notes