mga kwentong pag-ibig, buhay at pag-asa. de, joke lang. mga kwento ng kaabnormalan at tagpong parang sinaniban ng katangahan. haha. pucha hassle.
Don't wanna be here? Send us removal request.
Text
Kapos kapalaran, humanap ng iba.
Strangers. Naging friends. Naging lovers. Nagtalo. Naayos. Nagtalo ulit. Naghiwalay. Strangers.
3 notes
·
View notes
Quote
Ang dami ko sanang gustong i-kwento sayo. Kaso sa isip mo wala na pala ako.
🐢
1 note
·
View note
Text
Dahil isa kang...
Porket malayo ako at naghihinala ka, pwede na ka makipagkantutan sa iba? Porket hindi mo ako kasama e hahanapin mo na ang init ko sa katawan ng iba? Wala akong ginawang masama pero sa huli ako pa rin yung tinarantado mo. At ang masakit pa e yung dumating yung puntong hindi mo alam kung sino ang tatay ng anak mo. Apat na taon pero kinalimutan mo lahat ng dahil lang sa hinala. Sana sinabi mo na lang na meron ka ng iba. Sana sinabi mo na lang na hindi mo na ako mahal. Hindi yung nasa malayo ako pero ang totoo nangmumuka akong hanggal.
1 note
·
View note
Text
Hayaan mo na sya bes.
Minsan kailangan mo lang talaga mag let go. Kahit ayaw mo. Kahit mahirap. Kahit hindi mo kaya. Kasi ang gusto mo, maging masaya sya.
😭
3 notes
·
View notes
Text
Natatakot ako dahil pakiramdam ko, mahal na kita. :(
0 notes
Text
Ayoko pero sisilip pa rin ako sa pics mo
So nakita mo ang sarili mong gulat na gulat habang hinihintay magloading ang Facebook account ng ex mong 4 na taong mong naging jowa at 5 taon kang naka-block sa Facebook nya. For the first time, after 5 years nakita mo na ulit. Dahil sa mga sobrang kalunos-lunos na pangyayari, sobrang windang na windang ka dahil hindi nakalagay ang apelyido ng asawa nya. Dalawa na ang anak nya at gulat na gulat ka pa rin at nagtatanong kung bakit, hindi ka na naka-block sa account nya. Bakit nga ba? Ang daming pumapasok sa isip mo. Tuluyan ka na ba nyang nakalimutan? Wala na bang bitterness sa puso nya at naisipan nya na i-unblock ka? Nag-stalk kaya sya sayo? At higit sa lahat, may feelings pa rin kaya sya sayo after ng lahat? O nakalimutan nya lang ang pangalan mo at nakita nya sa block list nya na walang reason para iblock ka? Kahit ano pa man ang rason, huli na ang lahat. Wala na kayo at naka-move on na kayo. Tang ina. Masakit pa rin yung sugat na iniwan nya. Nararamdaman mo sa peklat na nakapalibot sa puso mo ang kirot. Nagflashback lahat ng pangyayari noon. And at the same time, masaya ka kasi nakita mo na ulit sya. Kahit sa picture lang. Oh, putang inang buhay. Bakit napaka kumplikado mo?
0 notes
Text
Wag Ganun Tohl. (Para sa aking tropa na si Kenneth Soliman)
Deal with it. Tang ina nito. Parang lubak-lubak na daanan papuntang bundok ang life. Hindi pantay. Hindi balanse at lalong lalo nang hindi ito mag-aadjust kapag lugmok ka na sa putikan at may tae sa bibig. Sabay kayo nakagraduate pero after ilang years, mas mauuna sya sayo. Makakabili ng bahay, makakabili ng kotse, magkakaroon ng pamilya, anak, etc, etc. Pero hindi ibigsabihin nun e kailangan parehas kayo. Or parehas sila or parehas ang kahit sino man. Life is unfair. Hindi kayo manufactured ng isang machine na kailangan parehas ang specs o parehas ang detalye at parehas ng expiration date. Siguro nauna nga sya sa buhay? Siguro narating nya na nga ang "goal" nya pero hindi ibigsabihin nun e hindi mo makukuha ang sayo. May kanya-kanya tayong goal sa happiness bro. May kanya-kanyang nakalaan na happiness at may kanya-kanyang perspektibo sa kasiyahan. Ikwe-kwento ko sayo yung isa akong kakilala. Sobrang talino. Kabatch ko nung college. Actually, sya ang pinaka mataas na Magna Cum Laude sa buong batch out of hundreds na naka graduate ng Magna Cum Laude sa buong batch. (Hindi yun malabo kung galing ka ng scholarship program.) Isang puntos na lang at Summa Cum Laude na sya. Matapos ang ilang taon, nakuha na nya ang gusto nya. Nakapagtrabaho ng malupit, may pera, may girlfriend na sobrang ganda at masayang masaya sa bagong bago nyang kotse. Kaso, namatay sya. Nadala nya ba ang Magna Cum Laude hanggang sa libingan? Hindi. Sino ngayon ang may pakialam kung sya ang pinaka matalino sa batch? Wala. Nadala nya ba ang lahat? Naging masaya ba sya? Lahat tayo, darating din sa pinakagoal ng buhay. Pantay-pantay na 6 feet below the ground, walang ibang pag-aari maliban sa kabaong at kapirasong lupa na kung minsan eh hahalukayin pa ng mga magnanakaw para lang makuha ang singsing o sapatos mo. Kaya, para sa kaibigan kong masyadong naiinggit, tigilan mo na. Hindi ka man kaparehas ng kina-iinggitan mo, tandaan mo, meron at meron pa ring mga bagay na meron ka at wala sya. Hindi mahalaga kung anong bagay ang meron ka, nawawala din yun. Naniniwala pa rin ako na mas mabigat pa sa pera ang pagiging mabuting tao. Sabi nga sa quote ng Skull and Bones... "Wer war der Thor, wer Weiser. Bettler oder Kaiser? Ob Arm ob Reich, im Tode gleich." Tang ina nito.
0 notes
Quote
Let me see the dark sides as well as the bright. I’m gonna love you inside out.
4 notes
·
View notes
Quote
Hindi kita mapipigil kung ayaw mo...
1 note
·
View note
Conversation
Usapang Mapanakit ng Kapwa
*sa kusina*
Me: 'yor! Nakita mo na ba Girlfriend ko? (shows Liza Soberano pic)
Chief Cook: Puta di kayo bagay! 😁
Hahahahaha.
1 note
·
View note
Quote
Sana pag-gising ko bukas wala na akong feelings sayo.
10 notes
·
View notes
Quote
Yung kayo pero parang hindi kayo at yung hindi kayo pero parang kayo.
1 note
·
View note
Quote
Yung tipong hanggang landian lang talaga kayo.
(via thousand-miles-lovestory)
34 notes
·
View notes
Text
St. Torpe Part 1
Si Lea. Orange na hairband. Orange na bag. White sneakers. 5’6 ang height. Kulot. Pango. At may katawan na kaya kang ipaglaban. Yan ang pormahan nya kapag papasok sa school. Hindi ko alam kung sino ang nambato sakin ng crumpled manila paper pero nung paglingon ko, sya lang ang bumubungis-ngis kaya ibinato ko rin sa kanya pabalik ang papel hanggang sa nagbatuhan na kami. Halos first 3 months ng school year, puro pangti-trip lang ang ginawa ko. Tinatago ko ang 2nd subject notebook (Math) nya sa bag ng iba kong mga kaklase, binibigyan sya ng mga gagamba, inaasar, nagpapaluan, naghahabulan na parang bata, kinukulit, pero deep inside, di ko lang talaga alam kung paano ko sya i-aapproach kasi torpe ako at yun lang ang naiisip kong paraan para magkaroon ako ng interaction sa kanya. Childish at torpe. Yan ako. Pero wala kayong idea, kasi dati (at hanggang sa ngayon), sa itsura kong taglay e siguradong kahit imaginary girl e mafi-friendzone ako. Dumating ang lahat sa punto na naubos na ang pasensya na. Hindi na nya ako pinapansin. Napuno na sya sa mga pang-aasar ko at alam kong nag-uumpisa na. Naisip ko, siguro: 1. Umiiwas na sya dahil marami na nakakapansin na habol ako ng habol sa pangungulit. 2. Ayaw nya na mashowbiz sakin. 3. Talagang sobrang nabadtrip sa mga pang-aasar ko. 4.(0.001% chance) Baka naiinlove na sya sakin. Tumagal ang hindi namin pagpapansinan. Nagbago lahat. Hindi na normal. Feeling ko, kulang ang araw ko kapag wala kaming pansinan. Siguro, sa kanya ayus lang, pero sakin, ang bigat sa pakiramadam. Nainlove ako sa kanya pero huli na ang lahat. Hindi ko na maibabalik yung mga nasira ko. Buong school year ako nagtago ng feelings. Feelings na alam lahat ng kaklase ko, teacher at malamang maging sya, alam nya rin pero todo deny pa ako na nakatago. Sino ba naman ang hindi makakatago ng feelings na everytime lilingon ako sa kanya e natutulala ako? Sino ba namang hindi magkakanda utal-utal sa pagsasalita kung yung teacher nyo na malakas mang power trip e pinagtabi kayo sa subject nya at kailangan nyo magtulungan mag-aral at nung Christmas party e pinagpartner kayo para mag dala ng hotdogs. (actually, sa sobrang pagka-KJ ko at pagka-kampon ng katorpehan, sya lang ang nagdala ng hotdogs pero nakikain pa rin ako sa dala nya. Masarap. Kapal noh? Haha!) Kapag uwian, palagi ko sya hinihintay lumbas ng classroom. Lagi ako nakalingon at hinahanap sya kahit hinahatak na ako ng mga kaklase ko. Madalas nasa likuran nya ako habang naglalakad. Mga 50 meters away para lang hindi masabing creepy kahit na alam naman natin na creepy nga talaga. At pagdating sa sakayan ng tricycle (nasa loob at dulo ng subdivision ang school namin kaya kailangan mag tricycle) e nagugunaw ang mundo ko dahil alam kong kailangan ko na naman maghintay ng kinabukasan para makasilay sa kanya. At yun e kung papasok sya. Naglalakad lang ako palabas ng subdivision kasama ang mga kaklase ko, mga ibang section, mga member ng frat na minsan e nagsasaksakan pa at kung ano anong mga kaabnormalan. (Bente lang ang baon ko buong araw. Syete ang tricycle. Di nyo ako masisisi.) Dumating ang Graduation Ball. Isang linggo akong di mapakali at di makatulog dahil gabi-gabi ko iniisip kung paano ako makikipag-usap sa kanya and at the same time, makakasayaw sya na parang sa grand ball ng mga Disney Princess. C’mon, alam naman nating lahat na pangarap ng bawat isa yun. At pinangako ko sa sarili kong hinding –hindi na mauulit ang pagiging torpe ko katulad nung JS prom na wala akong naisayaw kahit isa. Kahit sarili ko man lang. Feeling ko ang pogi ko nung araw na yun. Kahit pansamantala lang. Pang boost man lang ng confidence. Hindi pa uso ang mga fitted formal attire nun kaya muka akong duhat na may interview para sa trabaho. Maluwang na long sleeves. Mauwang na slacks. Hindi shiny na sapatos. Feeling ko galing akong 1980’s. Inabot na ako ng alas kwatro umaga sa monoblock ko na upuan, naka-ilang pilit na rin ang mga kaklase kong babae sakin, kahit pati mga lalaki, pero wala akong isinayaw. Alam nila na isa lang ang gusto kong isayaw nung gabi na yun. Lumapit sakin ang isa kong kaklase, hinahanap daw ako ni Lea at magsasayaw daw kami. Tumanggi ako. Dahil isa akong torpe. At umuwi ako na punong-puno na naman ng pagsisisi. Natakot ako na baka pumalpak na naman ako at mas lalong lumala ang lahat. Hanggang sa nakagraduate kami. Pagkatapos mag-iyakan ng lahat at maglabasan sa venue, niyakap nya ako. Yakap na mahigpit. Gulat na gulat ako. Hindi ako makapaniwala. Slow motion ang lahat na parang nasa pelikula. Parang scene kung saan iiyak si Bea at nakayakap kay John Lloyd sabay bubulong ng “I love you”. Pero hindi ganun ang kwento. Hindi ako si John Lloyd at lalong lalo na hindi ako ang true love. Tumigil ang mundo ko sa isang mahigpit na yakap, sa loob ng crowded, maingay at mainit na covered court. Ayokong kumalas kasi alam kong hindi na mauulit. Hindi na pwedeng i-rewind. Dahil hindi pelikula ang buhay ko. Gusto ko ibulong sa kanya ang matagal ko na nararamdaman para sa kanya pero mas mabuti siguro na namnamin ko na lang ang moment. Baka masampal pa ako ng wala sa oras. Pinilit ko na lang itatak sa isip ko ang pangyayari. Sobrang memorable na pati mga kaklase namin e mabaliw-baliw sa kilig nung makita kami dahil akala nila may something, pero walang something. Sobrang memorable na may picture kaming dalawa na tabingi ang kuha at sobrang daming photobomber na parang mga tangang fans ng AlDub. (Hindi pa uso ang smartphones nun) “Ayokong umalis ng may bitterness.” Yan ang sabi nya habang nakayakap sakin. Alam ko pinapatawad na nya ako pero alam ko rin na hindi na magiging katulad ng dati ang lahat. Hindi na ako pwedeng magsimula sa umpisa. (to be cont...)
1 note
·
View note