Text
𝐓𝐡𝐞 𝐑𝐚𝐢𝐧𝐲 𝐍𝐢𝐠𝐡𝐭 - 𝐌𝐚𝐫𝐤𝐡𝐲𝐮𝐜𝐤 𝐅𝐢𝐥𝐨 𝐚𝐮

“Sa gitna ng pag-ulan, doon pala kita masusumpungan.”
NOTES:
This is purely a work of fiction, do not associate with the real people.
Do not affiliate the establishments in this story to reality.
Might have some errors/typos, pls. bare with me.
Contains some swearing.
Do not copy the content of this story.
This is a taglish au.
Do not interact if it's not your cup of tea, thank you.
Haechan's Point of View
"Gago iniwan niya na talaga ko." Ito ang mga salitang paulit ulit kong ipinapasok sa isip ko dahil nangyari na. Kailangan kong tanggapin kasi wala na din naman akong magagawa. France left me for good today, tangina.Mahigit isang oras na kong nakaupo dito sa hagdanan sa may labas ng simbahan. She decided to end our relationship after the church service dito sa pwestong kinauupuan ko. Hindi ko inakala na matatapos na agad yung isang taon naming pagsasama. Masaya naman kami lalo na nung simula, hindi ko alam kung bakit unti-unting nagbago yung relasyon namin. Sabi niya kanina sakin nagsasawa na daw siya, at ayaw niya naman daw pilitin ang isang bagay na hindi na siya masaya. I was begging for her to stay, kasi baka kaya pa, kaso sabi niya ayaw niya naman daw akong lokohin. Ayaw niyang magkunwari at paasahin pa ko so she had to let me go. Ayoko nito, hindi ko alam kung kaya ko dahil nasanay na din akong lagi siyang nasa tabi ko lang. Pero sa kabila ng pagmamakaawa ko, naramdaman kong ayaw niya na talaga so I respected her decision. I set her free even if it hurts a lot. After she left, I felt so weak at alam kong hindi ko pa kaya maglakad kaya naupo ako dito. Nakatungo lang ako habang nakapatong ang dalawang braso sa magkabila kong tuhod.
Tinitingnan at tinatanong ako ng iba naming ka church kung bakit daw ako nakaupo dito, yung iba naman ay nagyayaya na kung gusto ko daw sumabay pauwi. Sabi ko okay lang ako, nagpapalipas lang ng oras. Naubos na halos ang tao sa simbahan pero nandito pa din ako. Tinatago ko ang mga luhang kusang pumapatak sa mga mata ko.
Saan ba ko nagkamali? Masyado ba akong makulit? Naging pabaya ba ko? Ano bang kulang sakin? Nakakainis ba ko? Kung ano-anong tanong ang pumapasok sa isip ko kasi hindi ko naman mapigilan sisihin ang sarili ko. Hindi ko pa matanggap yung nangyari ngayong araw. Masyadong mabigat. Masyadong masakit France. Mukha na kong gago na umiiyak dito sa labas. Siguro ang pula na ng mata ko. Dumidilim na din pero hindi ko pa talaga kaya umalis. Wala kong ideya kung may nakaka kita ba sakin, bahala na. Wala kong matakbuhan sa oras na ‘to kaya gusto ko lang mapagisa ngayon. Nagsimula nang umulan at nagsimula na din akong mabasa. Wala na akong pakeelam. Lalong bumuhos ang luha ko habang lumalakas ang mga patak ng ulan. Basa na ang ulo ko at katawan pero wala akong balak sumilong, gusto ko lang talaga ilabas lahat ngayon. Gusto kong bawasan manlang yung sakit.
May napansin akong anino na papalapit sakin."Okay ka lang?" pagtatanong ng lalakeng bigla nalang lumapit.Tiningala ko siya mula sa pagkaka upo ko. Hindi ko siya kilala pero mukha namang mabait siya at nag-aalala. Matangkad siya, may maliit na mukha, malambing na tono ng boses at naka suot siya ng hoodie na itim. Itinapat niya sakin ang hawak niyang payong dahil basang basa na ko.
Pasimple kong pinahid ang mga luha ko bago siya kausapin uli. "Uh- uhm oo okay lang naman ako, may iniisip lang," yun na lang ang naisipan kong isagot.Hindi muna siya umimik at nakatitig lang sakin, mukhang nag-aalala.
"Baka magkasakit ka niyan, silong ka kaya muna," sabi niya sa akin at ngumiti ng bahagya. Medyo nahihiya na ko ha. I met a stranger in the middle of a rainy night while I'm dreading. Ano ‘to good samaritan? Padala ka ba ni Lord? Hindi ko alam kung tatayo na ba ko dito o itutuloy ko lang ang magpaulan habang umiiyak ako.
"Sige kuya," nginitian ko siya. Nakakahiya naman kasing naghihintay ang isang taong hindi ko naman kilala na gustong magbigay ng tulong. Tumayo na din ako sa pagkakaupo para maharap siya ng ayos. Halos magkasing tangkad lang pala kami. Nakatapat pa din ang payong niya sakin."I'm Mark nga pala, kanina pa kita napansin na nauulanan kaya naisipan kong lapitan ka," sabi niya habang iniaabot ang kamay niya."I'm Haechan, Haechan Lee. Nakakahiya naman pre, pero thank you sa concern mo," I shook his hand and smiled.
"Bro basang-basa ka na oh, malapit lang ba bahay mo dito?" tanong niya."Uhh, medyo malayo pa," sagot ko.
"My house is a few walks away lang dito, punta kaya muna tayo if you want. Pahiramin kita ng damit, baka magkasakit ka, tsaka ang hirap naman magtravel na basang-basa ka," he offered.Grabe sa daming tao sa mundo, ngayon lang ako nakakita ng stranger na ganto ka genuine. Napapanood ko lang sa mga pelikula to dati.
"Wag na pre, kaya ko naman na ang sarili ko, nakakahiya din," sagot ko."No it's really fine dude, wala sakin yun. I'll be glad to help, malapit lang naman rito bahay ko," makulit talaga siya."Sige na pre, tara na," pagtanggap ko sa alok niya.
We walked together habang pinapayungan niya ko. Grabe nakakahiya pala, mukha akong basang sisiw. Buti na lang talaga mabait si kuya. Teka mabait nga ba? Pano kung masamang tao pala talaga ‘to? Hala! Pano kung psycho pala to na naghahanap ng mabibiktima, odikaya killer? Hala ka Haechan! Ganto yung ibang mga namamatay sa pelikula diba? Kapag sumama na lang basta sa taong di naman nila kilala. Pilian ka pa ba Haechan, ang miserable mo na nga ngayong araw pinagiisipan mo pa ng masama yung tao. Napapikit nalang ako ng konti para magdasal na wala ‘tong gawing masama sakin, bahala na.
Pagkatapos ng masama kong pag-iisip sa lalakeng katabi ko ay bigla na uling nag sink in ang lungkot. Kung gaano bumibigat ang buhos ng ulan ay ganoon din kabigat ang nararamdaman ng dibdib ko pag naaalala ko ang mukha niya. I just didn’t see this day coming, na matatapos na kami. Bukas panibagong araw na naman, at unang araw ‘yon na wala na sakin si France. Goodluck sakin, sana kayanin ko.
“Dude!!!” Mark pulled me closer to him para mapalayo sa kalsada. He looks so worried. Nagulat lang ako kasi hindi ko alam kung ano na bang nangyari. Masyadong lumilipad ang isip ko ngayon sa kakaisip. Pero grabe medyo nahiya ako, sobrang lapit ko sa kanya kasi halos niyakap niya na ko para mahila niya ko.
“Dude, okay ka pa ba?! Muntik ka na mabangga kaya hinila kita. Kanina pa bumubusina yung sasakyan na papalapit pero parang hindi mo napapansin,” he told me.
I bit my lips out of embarrassment at napatungo. “I’m sorry, I’m sorry Mark... masyado lang clouded ang isip ko ngayon, hindi ko napansin. I’m sorry talaga.”
“It’s okay, mag-ingat ka nalang sa paglalakad,” he assured me that it’s fine and he tapped my back. We continued walking.
“We’re here at my place,” he smiled at me when he pointed on a modern house na malapit sa kinatatayuan namin. It looks small pero halatang ang ganda ng exterior, ginastusan.
“Uhmm, may mga tao ba sa loob?” nag-aalalang pagtatanong ko.
“Ayy wala,” he chuckled. “Just know that you are very welcome here,” he smiled again.
Grabe ang bait naman nito. Ano bang ginawa ko sa past life ko para gawan ako ng gantong kabutihan? Pero katakot yung mag-isa lang pala siyang natira dito ha? Hala kuya ano balak mo gawin sakin? Napalunok nalang ako.
“Let’s get inside,” pag-aaya niya.
Pinaupo niya muna ko habang ikinukuha ng damit na ipahihiram niya daw sa akin. My eyes scanned on his living room. Parang ang organize niya sa gamit, tapos maganda din yung interior ng bahay niya tsaka mga furnitures. Napansin ko din ang collection niya ng mga albums ng Western artists, pati na din yung acoustic guitar niyang naka display. Mukhang sobrang mapagmahal nga nito sa music.
“Here Haechan, palit ka na. I got you a sweat shirt and sweat pants, I think kakasya naman sayo. May towel na din tapos plastic for your wet clothes. Yung footwear, pahiramin na lang din kita mamaya,” he said.
“Nako nakakahiya talaga, pero sobrang thank you pre. Di ko alam kung pano ako babawi sayo,” I told him.
“No, please don’t worry, I’m glad to help. Doon pala yung bathroom by the way,” pagturo niya.
Nagpatuyo na ako at nagpalit. Grabe ang bait niya talaga. Paglabas ko ng comfort room ay nakita ko siyang nagluluto.
“Oops, wag ka munang aalis ah, kakain pa tayo,” pagbibilin niya sakin nang maramdaman niya ang presensya ko.
He cooked ramen for the both of us at may kasama na ding kimchi habang kumakain kami.
“Dude pasensya ka na ah, ito lang napakain ko sayo ngayon, di pa kasi ako nakakapag grocery uli,” he said.
“Ano ka ba, masarap naman. Thank you nga pala ng madami Mark.”
“You’re welcome,” sagot niya sabay ngiti.
"By the way, mahilig ka pala sa music noh? Napansin ko lang," sabi ko sa kanya.
Nagliwanag ang mukha ni Mark dahil sa pagbanggit ko sa interes niya. "Ah oo, napansin mo pala yung mga nakalagay sa living room. Oo, mahilig kasi ako sa mga band especially sa Western music."
"Ahhh... siguro magaling ka din tumugtog oh kumanta noh?"
Napatakip siya ng bibig dahil medyo nahiya yata sa akin. Napapangiti din siya. "Nako hindi naman, sakto lang," sagot niya.
"By the way, sorry to ask dude ha, pero okay ka na ba?" bigla niyang iniba ang topic.
"Ha? Ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko kahit ako lang naman ang kausap niya. "Oo naman, okay lang ako." I said that I'm fine but I couldn't even look straight into his eyes. Masakit pa din talaga pinagdaanan ko ngayong araw.
"I may not be in the right place to say this pero, sure ka ba?" tanong niya uli.
"O-oo, oo naman, bakit mo naman natanong?"
"Ah... Kasi nung nakita kita sa may simbahan kanina, mukhang napakalalim ng iniisip mo. You know, even though we just met, pwede ka naman magkwento para makatulong ako at least."
This guy really. Anghel ba to na naging tao?
"Alam mo sobrang bait mo, hindi ko alam kung bakit. I just had a bad day, don't worry okay na siguro ko bukas."
"Pero what happened ba? Muntik ka na din mabangga kanina dahil sa lalim ng iniisip mo."
I sighed before I talked again. "Sige pre sabihin ko na, my girlfriend just dumped me today."
“What?!” His mouth formed an ‘o’ and he covered it afterwards because of shock. The moment of silence was too loud at this point.
“I’m so sorry dude, I hope you’ll feel better soon.” He tried smirking to help me feel okay.
“Sana, sana nga. Ang sakit lang din pala pag di mo inexpect tapos iniwan ka nalang. I mean we’ve been together for a year pero ang sakit pala pag nandoon na kayo sa part na yon, sa break up.”
“It’s true, parting ways are usually painful. But I hope you don’t mind if I ask kung bakit, knowing na parang mahal mo pa talaga yung tao?”
“Ahh...nagsasawa na daw kasi siya, ayaw naman daw niya pilitin pa yung samin kasi parang niloloko niya lang ako kung ganoon.”
“Oh, I’m sorry dude. Maybe there are just some people who will cross our paths but are not meant to stay. Tingin ko naman mapagmahal ka na tao, may nakalaan mismo para sayo. I hope you’ll get better soon,” he told me and smiled.
“Siguro nga pre. Thank you nga pala uli, at least may nakausap ako ngayon. Anyway, late na din pala. Maybe I need to go na since may trabaho pa ko bukas, pasensya na.”
“Don’t worry, it’s fine. Sure ka bang gusto mo na umuwi?”
“Oo eh, baka kasi malate ako sa work bukas. Pero before I go nga pala, can I get your number, I’ll text or call you on Wednesday siguro to return your things.”
Mark added his number on my contacts and he also asked for my number so he’ll know that it’s me once I contacted him sabi niya.
Kinabukasan pumasok na ko, buti naman hindi ako nagkasakit kahit naulanan ako. Good thing I felt a little better. I’ll get used to things din siguro. I lost a person but what’s more important is I won’t lose myself despite of what happened. Now, I have more time for myself and my personal interests, yun nalang siguro iisipin ko.
And oh, Mark texted me today also and he’s asking me if I’m alright. I just answered him that I feel much better and he don’t need to worry.
Days went by so fast, Wednesday na ng umaga ngayon. I brought Mark’s washed clothes as well as his slippers and umbrella na pinahiram niya sakin. Ibabalik ko na, mga after work siguro, tapos bawi na din ako sa utang na loob ko. Grabe bakit ba napakabait na tao ng lalakeng ‘yon.
Dumaan muna ko ng Starbucks kasi maaga pa, katabi lang ‘to ng building kung saan ako nagwowork.
“One Caramel Macchiato please.” I patiently waited for my order sa upuan malapit sa cashier. Nang tinawag na ko at kinuha ko na, pag lakad ko ay may lalakeng biglang nakabangga sakin, muntik na ko mapasigaw kasi muntik na matapon yung kape.”
“Haechan?”
“M-Mark?” Nako po buti hindi ako sumigaw, nakakahiya sa lalakeng ‘to. Kaya pala parang pamilyar kahit di ko pa nakita mukha niya kanina nung nakabangga ko siya.
“I’m sorry, napaso ka ba?” He reached for my hand and worriedly checked kung natapunan ba ko ng hawak kong kape.
“Nako okay lang ako, pasensya na din, di agad kita napansin sa likod ko,” paghingi ko ng pasensya.
“I’m okay.”
“By the way please wait a little, order lang ako.” That’s what I did, I waited for Mark. Nang makaorder na siya ay umupo siya sa seat katapat ko.
“Hi, by the way what brought you here,” Mark asked and smiled.
“Ah, I work kasi diyan sa BDO as teller sa katabing building, ikaw ba?”
“What??? Really? What a coincidence? We’ve been working in the same building and lately lang tayo nagkakilala. Sa 6th floor ako, Journalist of Summit Media.”
“Wow! Ang galing nga din noh. Mamayang hapon din kita dapat tatagpuin diba para ibalik gamit mo, sakto malapit ka lang pala. Kaso naiwan ko gamit ko sa kabila so kita nalang tayo mamaya.”
“Oh sure, no worries.”
“Treat ko na lunch mamaya, bawi ko na for saving me and for being nice last time.”
“Nako okay lang yun, but thanks. We could hang out more often nga eh, since magkalapit lang pala tayo.”
“Sure.” We went on our way after that. We just met again during lunch. We agreed to eat on a steak house. Naibalik ko na din ang mga gamit niya. Etong si Mark, dahil masyadong generous sya nalang umorder ng dessert kasi ayaw niya na siya lang ang ililibre.
“So kumusta naman pagiging journalist?” tanong ko sa kanya.
“Okay naman siya, medyo nakakapagod but writing is my passion so it’s okay.”
“Sipag naman,” nginitian ko siya ng bahagya para asarin ng konti habang kinakain yung tiramisu na inorder niya.
“Dude!” Tumawa nalang agad si Mark. Sobrang masayahin ng taong ‘to. Nakakahawa yung energy niya ng pagiging masaya. The atmosphere feels very warm when I’m around him. Kahit bago palang kami nagkakilala, alam mo yun, ang dali mapalagay ng loob mo sa kanya na parang hindi ka mahihiya. He’s very chill, welcoming and kind.
Just like that, naging habit na namin kumain ng lunch ng magkasabay. Nagseselos na nga mga workmates namin minsan kung bakit hindi na daw namin sila nasasabayan. Kaso wala eh, it’s nice to have a friend like him, yung nasasabayan yung vibes mo.
Bukod sa mga lunch namin, we also hangout when we have time. Minsan sinasamahan niya ko mag basketball, minsan naman sinasamahan ko siya magshopping or magpunta sa paborito niyang bookstores. We even go and stay on each other’s house pag bakante kami ng weekends. We became very close.
Time went by so fast. Days turned into weeks and weeks turned into months. Tagal ko na din palang single, pero nasanay na ko.
One afternoon, I was on Mark’s balcony, having coffee with him while watching the sunset. He broke the silence when he started to ask something. “Okay ka na ba?”
“Huh?”
“I mean, about your healing. Do you feel okay na ngayon.”
“Oo naman syempre, ilang bwan na din ang nakalipas. Okay na ko, thank you din sa mga moral support mo, it helped me a lot.”
Mark walked closer, siguro para marinig ko siya ng ayos. Tumingin din siya sa araw na papalubog na.
“Don’t mention it, I always got you alam mo yan. But I’m so glad na okay ka na.”
“Hay, basta I will always be grateful for having you around.”
“Ako din,” sagot niya at sumimsim na sa kapeng hawak niya. He placed his arms on the railings kagaya ng ginagawa ko ngayon. We stayed silent for a minute.
“But are you ready to be in a relationship again since sabi mo okay ka na?’ Mark suddenly asked.
“Uh-uhm ang sudden naman ng tanong mo. Hot seat ba ‘to? Hahahaha!” natawa ko pero nakaramdam din ako ng kaba at pressure bigla sa tanong niya. Meanwhile, he was just there smiling at me cutely and watching my reaction.
“Hmm... ewan, siguro depende sa tao or sitwasyon. Pero open naman ako kung may dadating nga. Hahaha!” sagot ko.
Nakatingin na uli siya sa malayo nang may itanong uli. “What if someone you know asks you out?”
“Well, siguro I’ll give it a try, wala namang mawawala sakin diba?” I smiled when I answered him.
“Okay, okay...cool! Now let’s go to the supermarket na, bibili pa tayong mga pagkain.”
Namili kami ng snacks dahil plano namin mag binge watch ni Mark sa Netflix mamaya. Tinulungan ko na din sya sa mga bibilhin niyang stocks para sa bahay niya. Pagpunta namin sa section ng sauces, I was reaching for a bottle of Ketchup when someone called my name as she approached me.
“Haechan,” I was right it was France. She still looked so beautiful. Parang pakiramdam ko tumigil ang oras saglit, hindi naman to dahil sa kinikilig ako o nasabik akong makita siya, pero yung naramdaman ko ay pagkagulat. Ngayon ko nalang uli kasi siya nakita pagkatapos ng matagal na panahon. I also saw how Mark’s lips parted when he saw us. Parehas lang kami nagulat.
“Hi France, so kumusta ka naman?” she didn’t answer my question immediately. She kept on massaging her hands, a sign that she feels nervous.
“Actually, I have something to tell you.” I already know what she’ll say so I held her arm lightly and pulled her a little further where Mark can’t hear us so we could have a little privacy.
“I regret everything babe. I tried reaching you pero binlock mo na ko. Can we talk about things after doing grocery?”
“I’m sorry France pero I have plans after so let’s just talk here.”
“Okay, dederetsuhin na kita, I want you back Haechan. I was just confused nung time na nakipag break ako. I’m so sorry. Can you give me another chance? I miss you.”
I sighed in disbelief. Bakit ngayon ka pa bumalik? Bakit mo pa tinapos kung babalik ka din pala. Alam mo ba kung gaano kahirap ka kalimutan tapos ngayong okay na ko babalik ka. Maawa ka naman sakin France.
“You see France, okay na ko ngayon. I don’t know what happened for all those months na nawala tayo. I valued you so much back then, alam mo yan. But I’m sorry, hindi ko maiibigay ang hiling mo. I’m happy with my life now, at sana maging masaya ka na lang din para sakin. I know and I hope that you’ll find a man who will be enough for you, the one who can take care of you and give you everything you need.”
Tears are dripping down her face.
“I’m sorry but I have to go now. I wish you well.” I smiled a little and left. She was left dumfounded, maybe unable to process everything that I said.
Nabanggit ko din kay Mark ang nangyari. He was so proud of me.
On our way back to his house, he started to walk slowly kaya binagalan ko din ang paglalakad ko. He smiled at me.
“What?” I asked him.
We stopped walking and he whispered something.
“Can we go on a date tomorrow? I mean, me and you, on a romantical date?”
Oh gosh! I never felt so weak like this. I instantly felt butterflies inside my stomach. My ears felt hot and I could also feel my cheeks turning red. I can’t answer him immediately because of shock but I get it why he was asking strange questions while we were on his balcony earlier. He was trying to shoot his shot.
“Sure, pwede naman,” I answered him with a smile.
Grabe noh? Sa dinami dami ng tao sa mundo, hindi natin alam maybe someone who’s meant for us is just right around the corner.
Si Mark, naging sobrang importante niya na sakin. He was there on my lowest time. Now that he asked me out, let’s see kung saan kami mapupunta. But now I know that I’m willing to risk things for him.
4 notes
·
View notes
Text
St. Zhǐyǒu - Yuwin Filo Au
"May mga daan na nilalampasan lang. May mga daan naman na nagbabalik ng libong ala-ala."
Genre: Slight Thriller, Drama, Romance
Notes:
This is purely a work of fiction, do not associate with the real people.
It is my first au here on tumblr.
Might have some errors/typos, pls. bare with me.
This is a taglish au.
Do not interact if it's not your cup of tea, thank you.
TW: Mention of Death, some thrilling scenes
---
Winwin is a Theater Arts college student who is currently taking his last class for the day. It's four-thirty in the afternoon already at bored na bored na siya sa kaniyang kinauupuan. Inilagay niya ang dalawang braso sa kanyang desk at tsaka ipinatong ang ulo dito. Nakikinig pa din naman siya sa discussion ng professor pero nakakaantok naman talaga dahil matandang babae ang kanilang professor dito na may malumanay na boses. Ang subject na tinatalakay ay Theater History and Literature kaya naman medyo nakaka bored.
Nasa may tabi ng bintana ang desk ni Winwin at tinatamaan ng kaunting sinag ng araw ang kanyang malambot at makinis na balat. Pumipikit pikit na ang mga mata niya pero pilit niyang nilalabanan ang antok sa gitna ng discussion.
"Okay class, sige since madami na tayong nadiscuss today, that's all for now so you can leave early," the professor said.
Kinatuwa ito ni Winwin dahil sabik na talaga siyang umuwi at magpahinga pagkatapos ng isang nakakapagod na araw. Nilagay niya na ang pocket sized notebook sa bulsa niya sa likod ng pantalon pati na din ang ballpen at tuluyan nang umalis ng campus.
Si Winwin ang tipo ng lalake na hindi mahilig gumimik o sumama sa malalaking barkada. Kahit pa medyo sikat sya sa kanilang batch dahil sa angkin niyang galing sa pag arte at pagsayaw, mas pinipili niya pa din sumama sa iilan niyang kaibigan. Malimit na tahimik lang siya pero madali namang pakisamahan.
Mag-isa lang siyang naglalakad pauwi dahil hiwalay ng direksyon ang mga bahay nila ng mga kaibigan niya. Patuloy na naglalakad si Winwin sa daan at sinisipa - sipa ang maliliit na bato paminsan minsan. Naisipan niyang makinig ng music kaya ginamit nya ang kanyang headphones. He scrolled on his playlist and decided to select Chasing Cars by Snow Patrol.
He was peacefully walking and he decided to pass through a dead street. Hindi na dinadaanan ang kalye na ito sa kadahilanang wala nang mga establishments na nakatayo dito. St. Zhǐyǒu is an abandoned street with old infrastructures. Some pillars of the old infrastructures have cracks and glass windows are covered with dust. Others are saying that they also find this street creepy that's why there are very few people who still chooses to pass here.
Spooky stories doesn't matter to Winwin because he's not afraid of ghosts. Wala siyang pakeelam dahil matagal nang nagsisilbing shortcut sa kaniya ang daan na ito noon pa. Pero medyo matagal na din uli bago siya nakadaan dito. Others may find it weird but abandoned places amuses Winwin because he loves peace. He likes quiet places. He continued walking while moving his head to the beat of the drum. Sa paglalakad niya ay tila ba lumalamig ang hangin. He's wearing a jacket but it still feels colder as he continued walking. Naisip niya na baka dahil lang sa simoy ng hangin 'yon.
"If I lay here.. If I just lay here.. Would you lie with me and just forget the world?"
This particular line of the song came along. Winwin felt something strange and familliar. Kinilabutan siya at nakaramdam ng mabigat na pakiramdam sa kanan niyang balikat na tila ba may humawak sa kaniya. Tumataas na ang mga balahibo niya at napatigil siyang maglakad at ibinaba ang kaniyang headphones. Dahan-dahan siyang lumingon, pero sa paglingon niya ay wala siyang nakitang kahit sinong taong tao sa kalye. He was all alone but thousands of memories came back in one snap.
"Y-Yuta"
He mentioned Yuta's name in a trembling voice. The memories that came back started to feel like fresh wound that was opened again. Yuta was his lover in the past. Winwin's pheonix eyes started to shine as the memories started crawling back one by one. Gumigilid na ang mga luha niya dahil sa sakit at pangungulila na bigla niya uling naramdaman.
Kaya pala, kaya pala kanina pa siyang may nararamdamang pamilyar habang naglalakad siya sa kalye na ito. First, he's listening to their favorite song. Second, it's the street where he and Yuta passes by when they were in high school.
Napako ang mga paa ni Winwin sa kaniyang kinatatayuan. He imagined Yuta right in front of him, smiling brightly with arms wide open as if he's asking for a hug. Yuta was always clingy back then, kaya ito ang memorya na unang bumalik sa kaniya. Nagsimula nang pumatak ang mga luha niya sa magkabilang pisngi. Masakit, sobrang sakit pa din pala kahit ang tagal na.
Winwin had flashbacks of those times na magkasabay pa silang dumadaan dito noong highschool sila tuwing uwian. He could clearly recall how happy they were back then. Yung mga tawanan nila at kwentuhan na walang kapantay yung saya. Naalala niya din kung paano pa sila magshare sa meryenda nila noon. Nagkakagatan pa sila sa iisang burger na nabili nila sa labas ng eskwelahan habang naglalakad pauwi. Kadalasan ay nabili nalang din sila ng isang malaking drink at pinaghahatian nalang. It felt so much fun to be with Yuta. That kind of happiness only happened when he was still by his side.
Bukod sa mga ala-ala sa kalyeng ito ay naalala niya din ang mga panahong pumupunta sila sa isang lawa na di kalayuan sa kanilang bayan. May mga damuhan sa ilalim ng puno katabi ng lawa at isa ito sa paborito nilang lugar. They usually lie here while looking at the skies. Nagpapatugtog din sila sa mga ganoong pagkakataon, at isa sa paborito nilang kanta ay Chasing Cars. Katahimikan at kapayapaan ang nararamdaman nila sa lugar na iyon.
Matalik na magkaibigan sina Winwin at Yuta at iyon ang alam ng lahat ng nasa paligid nila. Pero nagbago ang lahat ng 'yon isang araw. They were eating chips together at nakaupo sila sa damuhan malapit sa lawa. It was a sunny afternoon. Napatigil sa pagkain ng chips si Yuta at malayo ang tingin sa lawa.
"Uy, ok ka lang?" Siniko ni Winwin ng mahina ang kaibigan. Napahinga ng malalim si Yuta at hindi pa din inaalis ang tingin sa tubig na tila ba sobrang lalim ng iniisip nito. Hindi pa agad ito sumagot.
"May gusto akong sabihin sayo, pero hindi ko alam kung paano," sambit ni Yuta sa mahinang tono.
"Huh? Edi sabihin mo na. Yuta ako lang 'to, ano ba?" sabi ni Winwin.
"Baka magbago tingin mo sakin. Hindi ko rin alam ang gagawin ko pag ganon, " sabi ni Yuta.
"Sige ganto nalang, umupo tayo ng magkatalikod tapos tsaka ko sasabihin sayo. Pero sana wag kang magbabago pag nasabi ko na ah?" sabi ni Yuta.
"Oo naman, sige," pagsang-ayon ni Winwin habang nakangiti. Umupo na sila ng magkatalikod.
Huminga muna ng malalim si Yuta bago magsalita. "Winwin gusto kita. Hindi na kita nakikita bilang kaibigan kasi may nararamdaman na 'ko." Hindi agad nakasagot si Winwin kaya kinabahan si Yuta, pero hinayaan niya lang ito. Napakagat si Winwin sa ibabang labi niya dahil sa kaniyang narinig.
"Gusto din kita," pag-amin ni Winwin. Parehas silang napangiti at nagharap para yakapin ang isa't isa. Simula noong araw na iyon ay naging sila na. Itinago nilang lihim ito at hinayaan nalang na magkaibigan ang tingin sa kanila ng iba dahil maaaring hindi sila maunwaan ng mga tao. Bagamat mga bata pa sila ay alam nilang totoo ang pagmamahal at pagtingin nila sa isa't isa. When they're alone together, they have their own happy little world. Their relationship was private but it was so healthy.
Sa kabila ng masasayang ala-ala ay sumagi na sa isip ni Winwin ang pinakamabigat sa lahat. Naalala ni Winwin ang araw na may klase sila sa P.E. Bigla nalang nahimatay si Yuta at isinugod sa ospital. Ang pangamba at takot ay bakas kay Winwin sa araw na yon. Agad niyang dinalaw ang kasintahan pagkalabas niya ng eskwelahan. Sabi ni Yuta ay nahilo lang daw ito, pero dumaan na siya sa mga test para malaman kung ano bang komplikasyon nya. Makalipas ang ilang araw ay nadiagnose si Yuta na mayroong stage 4 Leukemia. Parang guguho ang mundo ni Winwin dahil sa balita. Tila ba isang panaginip lang ang lahat, pero hindi niya ipinakita ang panghihina ng loob sa kasintahan, ganoon din si Yuta.
"Huwag kang mag-alala, lalabanan ko 'to," Yuta smiled painfully as he held Winwin' s hand who's sitting beside his bed.
"I'll pray for you love. Makakalampas ka dito, malakas ka diba?" bulong ni Winwin. Nagtititigan lang sila at nagpipigil lang luha pareho. Yuta nodded in response.
Nalulungkot si Winwin dahil sa araw-araw nilang pagsasama ay hindi niya man lang nahalatang may malubhang sakit ang minamahal niya. Kaya pala lagi itong maputla. Kaya din pala hindi ito tumataba. Kaya pala nakakaramdam din ito ng mga pagkahilo, pero hindi naman idinadaing ni Yuta dahil ayaw niyang mabahala ang iba.
Araw-araw dinadalaw ni Winwin ang kasintahan pagkakalabas niya ng eskwelahan. Binibasahan din niya ito ng love letter niyang ginawa upang mapalakas ang loob nito. Binibigyan naman ng privacy ng pamilya ni Yuta si Winwin tuwing dumadalaw ito at lumalabas sila tuwing nadalaw ang binata. Buong akala nila ay napakabait na kaibigan lang siya ni Yuta.
Mahigit isang buwan lumalaban si Yuta sa kaniyang sakit at umaasa na isang araw matatapos din ito. Ngunit bumibigay na ang katawan niya. One day he lost consciousness and fell into coma. Winwin did not give up and was still on his side everyday, reading his letters.
But one day, when Winwin came to the hospital, Yuta's mom was sitting outside with both hands covering her face. Winwin felt fear as he asked her.
"Ti-ta a-ano pong nangyari?" Winwin's voice broke as he asked Yuta's mom. Winwin already knew the answer but was still afraid to face the truth.
"Pumasok ka sa loob hijo pag kaya mo na," Yuta's mom answered him with red eyes. Napatungo si Winwin at bigla nalang umagos ang luha sa mga mata niya. Nanginginig ang mga kamay niya dahil sa pangyayari. Parang mahihimatay siya, kasi hindi pa siya handa. His knees felt weak kaya umupo muna siya sa bench sa labas ng kwarto para magpalipas ng ilang minuto.
The feeling was too heavy. It was too heavy pero kailangan niyang kayanin. Maya-maya ay dahan-dahan na siyang pumasok sa room ni Yuta. He saw his lover, lying in his bed peacefully as if he's just sleeping. Tinatanggal na ng mga nurse ang mga aparato na nakakabit kay Yuta para mailabas na siya ng kwarto and bring him to the morgue.
Napaupo nalang si Winwin habang humahagulhol. Parang dinudurog ang puso niya. The most important person in his life departed from this world already at the age of sixteen. It was too early, and too painful. Nang matapos nang tanggalin ng mga nurse ang aparato ay nilapitan niya si Yuta.
"No more pain Love, no more. You still managed to look good ha, kahit nakaalis ka na," inaaliw ni Winwin ang sarili habang sinasabi ang mga bagay na ito. He was caressing Yuta's hair as he spoke softly to Yuta's lifeless body.
"Hayaan mo, I will keep our promises and fulfill our plans kahit wala ka na Love. Sayang graduating na sana tayo ngayong taon. But, thank you for making me the happiest when you were still here. I love you." Lumingon si Winwin para icheck kung may tao. Hinalikan niya ang noo ni Yuta bilang pagpapaalam niya sa minamahal.
Back to the present time, Winwin is still sobbing after he broke down from everything that he remembered. Nakaupo lang siya sa daan at nakalagay ang dalawang kamay sa mukha. He stood up from his position and closed his eyes, imagining Yuta. Luckily no one was there except for Winwin, because they may find it weird if they see him doing unexplainable things.
With his eyes closed, he opened his arms as if he's hugging Yuta. Yuta was so alive in his memory. Winwin started speaking as if his lover could hear him.
"Love, I badly wish that you were here. It's been five years at akala ko lilipas na ang lahat. It hurts, but I know that you deserve to rest even if it's too early. But I love you so much, to the point that I know that I could never love anyone again except for you. Yuta, I know you'll be proud of me kasi I'm slowly fulfilling my dreams. I took up Theater Arts gaya ng ipinayo mo sa akin dati, because you know how much I love acting and performing. Isang taon nalang mahal, graduating na ko. Kahit wala ka na, for every show and performances na kakaharapin ko sa work, iisipin ko na nandoon ka. I will imagine you, happily clapping and cheering for me in the crowd gaya ng pinangako mo dati. I love you a lot, and I hope that you're resting well. I'll get going now," sambit ni Winwin sa hangin.
Winwin wiped his tears and smiled a little when he opened his eyes again. He walked away after that.
--------------------------------------------------
Zhǐyǒu is a Chinese word which means "only."
#nct au#winwin#nct yuta#nct yuwin#yuwin#alternative universe#fiction#nct 127#wayv#nct u#nct angst#angst au#drama#kpop au#romance#kpop angst
7 notes
·
View notes