Don't wanna be here? Send us removal request.
Text

“Hilagpos sa nais ng makata, hindi ka kayang ilarawan ng kahit anong tugma”
Hindi kaila sa akin, sa bawat bihirang silip ng bughaw na buwan, ang iyong pahayag—na hindi ka kailanman naging paksa ng alinmang talata, ni hindi ka naging bida ng kanilang mga akda. Hindi mo ba sila naiintindihan? Ako’y nakakaalam, sapagkat ako’y makata na nauunawaan kung bakit ang pangalan mo’y hindi natatala sa kanilang tula. Hindi ito sadya—sapagkat paano ka nga ba iuukit ng sinuman? Hindi kaya ng salita ang wangis mong kasing tinis ng maya.
Ang kutis mong tulad ng malamyos na kahoy, isang oras ko pang pinagmasdan bago ko naalala ang lambing ng iyong balat. Ang iyong mga matang singkit, tila bolang lumulutang sa kalangitan, ilang minuto kong tinitigan bago ko nasuklian ng pagkakaburda sa aking isipan. Ang iyong ilong at labing tila hinulma ng mga diyos, biyaya ni Lakapati—hindi kailang nakakabighani.
Hindi ka mailarawan ng sinuman, hindi dahil hindi nila nais, kundi dahil ang kariktan mo’y lampas sa kakayanan ng papel at lapis. Kung sakali mang gulo sa isipan mo ang lahat ng ito, tandaan mo—mahaba pa ang ating bahaghari. Hindi ko layon na ipinta ang kalituhan, nais ko’y mga oras ng paglilinaw—hindi kita ililigaw, alalay ang tatanglaw.
Sa likod ng ulap, may salipapaw na humahaplos sa aking damdamin. Gaya ng mga eroplano, nais kitang basahin, aralin, at maramdaman sa maraming paraan. At sa bawat panalangin ko, hangad ko’y maging kapara kita—sa mga mithiin, sa bawat bukang-liwayway ng ating tagubilin.
Gusto kita, mula sa alapaap hanggang sa lalom ng lupa.
katha para kay ika,
iyong iro.


4 notes
·
View notes